Library / Education / Balarilang Tagalog
[Paliwanag ng Tagapagsalin:
Ang tekstong ito ay nasa lumang Tagalog, na gumagamit ng titik g
na may tilde sa ibabaw (g̃), na makikita halimbawa sa mga salitang
ng̃, mg̃a, at ng̃ayón. Kung hindi maayos na nakikita ang titik g̃,
tiyaking UTF-8 ang nakasaad na file encoding sa iyong text reader.
Maaari ring kailangang palitan ang font na iyong gamit. Minumungkahi
ang mga font na Consolas at DejaVu Sans Mono. Kung hindi sapat ang
mga paglutas na ito, gamitin na lamang ang Latin-1 na bersyon ng
e-text na ito.
Maraming pagkakaiba ang mga katawagang ginamit ng may-akda doon sa
mga ginagamit sa kasalukuyan sa makabagong balarilang Filipino.
Halimbawa ay ang “pangdiwà” ng may-akda ay tumutukoy sa noun sa
Ingles, nguni’t sa makabagong balarila ang pandiwa ay verb sa Ingles.
Ang mga bahagi ng teksto na may mga pahilig na titik (italic) ay
ipinaloob sa mga salungguhit. Ang mga bahaging may makakapal na
titik (boldface) ay ipinaloob sa mga =simbolong panumbas=.]
BALARILANG TAGALOG
Balarilang Tagalog
SINULAT NI
MAMERTO PAGLINAWAN
_Katulong sa “Taliba” at sa iláng páhayagáng
litáw sa Maynilà._
UNANG PAGKÁLIMBÁG
MAYNILÀ.--S. P.
Limbagang Magiting ni Honorio López. Daáng Anloague,
blg. 319.--Binundok
1910
Arìng tunay ng̃ Kumathâ.--Pag-úusigin ang magpalimbág ng̃ walâ
siyáng pahintulot, at ipalálagáy na nakaw ang aklát na walâng tandâng
lihim ng̃ nagpalimbág.
Ang aklát na itó’y ipinagbibilí sa madlâng Aklatan sa Maynilà.
Nagbibilí rin ng̃ ting̃î at pakyawan sa bahay ng̃ Kumathâ, Santamesa,
blg. 467, (looban 3) Sampalok, Maynilà, K. P.
SA KATAGALUGAN
Ikáw, masayáng bayan ng̃ mg̃a TAGA-ILOG, magandáng lahì ng̃ mg̃a
BAYANI, bayan at lahìng sinilang̃an ng̃ mg̃a dakilàng Lakang-Dula
at Balagtás, ng̃ magigitíng na Rizal at Bonifacio, bayan at
lahìng may isáng wikàng sarili at katutubò, matamís at mayaman,
wikàng pinakamámahál at sinásalitâ ng̃ ang̃awang̃aw na pilipino
ó ng̃ isáng lahìng may sariling puri, dang̃ál at kabihasnán, ng̃
wikàng pinápang̃arap ko’t ináasahan na, siyáng magigíng WIKÀ NG̃
SANGKAPILIPINUHAN sa maligayang araw ng̃ Bukas; ikáw ng̃â, bayan
ng̃ mg̃a Taga-Ilog at lahì ng̃ mg̃a Bayani, ang siyáng tang̃ìng
pinagháhandugán nitóng muntî at abâng aklát na itó, nang paghahandóg
na magiliw sa dibdíb, malugód sa pusò at taós sa kálulwá.
=Mamerto Paglinawan=
Sampalok, Maynilà, Disiembre, 1910.
PAUNAWÀ
Sapúl nang lumunsád siná Magallanes sa mg̃a kawiliwiling baybayin
ng̃ lupàíng Sebú, ó dilì kayâ’y nang ituntóng ang kanyáng mg̃a paá
sa Kapulùáng Pilipinas na sa kanyáng kariktán ay nagkápalad tulóy
tawaging Mutyâ ng̃ Silang̃an, sapúl nang kanyáng mátuklás ang
lupàíng itó, na may sariling kabihasnán, may sariling pamámahalà,
may sariling pananámpalataya, wikà, ugalì, tugtugin, pananamít,
atbp., at hanggáng sa mg̃a sandalîng itó na, ang bayang Amérika, ang
bayang mábituwín at másalapî ay siyáng nagháhawak ng̃ ating buhay
at kapalaran, ng̃ ating kálulwá at pag-íisip, ng̃ ating ginhawa
at kalayàan, dito sa mg̃a dakilàng sandalîng itó na nagsusumikap
tayo ng̃ buông lakás at kumikilos ng̃ buông siglá sa ikapagtátamó
at ikapagwáwagí ng̃ ating BANÁL NA LAYON, hanggá ng̃ayón, máuulit
ko, ay walâng nag-akalà ó nang̃ahás yumarì (ipagpatawad sa akin ang
pagtátapát) ng̃ isáng wagás na Balarilàng Tagalog upáng mapagbatayán
sa tumpák na pagsasalitâ at matuwíd na pagsulat sa mayamang wikà ni
Balagtás.
Lumilipas ang mg̃a sandalî, dumaraán ang mg̃a araw, mg̃a araw at
sandalîng hindî na magbábalík na, walâ tayong maáanag-ag sa kasaysayan
ng̃ ating wikà liban sa malálabò madídilím na talatà. Hindî ko
itinátakuwíl ang kasalukuyang pagsulong ng̃ wikàng sarili, hindî
ko pinawáwalâng kabuluhán ang masigláng pagsusumikap ng̃ ating mg̃a
mánunulát at mánanagalóg sa pagpápading̃ál at pagpapálaganap ng̃ ating
kálulwá, bagkús pinakapúpuri ko at pakapúpurihin ang kaniláng mg̃a
pagpápagál at pagpapakápuyat. Ng̃unì’t gunítâín nating sumandalî,
ng̃ isáng paggúgunitâng mataós at malalim kung paano ang ng̃ayó’y
nangyayari sa ating wikà. Náritó na tayo sa kapanáhunan ng̃ _Siglo
XX_ at hanggáng sa mg̃a sandalîng itó ay walâ pa tayong mg̃a sariling
aklát na sukat pagkákilanlán ng̃ ating mayamang salitâ at matuwíd na
pagsulat. ¡Kahì’t manawarìng sa hináharáp ay mag-ibayo tayo ng̃ siglá
at huwág tumugot kailan man hanggáng hindî mápatampók sa dakilàng
luklukan ang wikà ni Lakang-Dula!
Isá sa maháhalagáng súliranín na ng̃ayó’y karapatdapat pag-úkulan
ng̃ ating pagkukurò ay ang náuukol sa súliranín ng̃ wikà. Itóng
súliranín ng̃ wikà ay makabuluhán at dakilà, pagkâ’t siyáng diwà ó
kálulwá ng̃ Bayan. Hindî káilâ sa atin na, ang may hawak ng̃ayón ng̃
Pámahalàán sa Pilipinas ay ang bayan ni Washington, at hindî rin
náliling̃id na, ang kanyáng sinásalitâ’y ang wikà ni Shakspeare.
Ang wikàng ginágamit ó pinag-áaralan sa Pilipinas gaya rin namán
ng̃ ibáng bayang mahihinà ay ang wikà ng̃ sumásakóp at hindî ng̃
sinásakóp, gayóng ang matuwíd sana at siyáng dapat sundín ay gamitin
at pag-áralan ang wikà ng̃ sinásakóp at hindî ng̃ sumásakóp. Dahilán
dito, kung kayâ ang wikàng inglés ay siyáng sa ng̃ayó’y itinuturò
sa mg̃a páaraláng bayan, sa mg̃a batàng siyáng sa kinábukasa’y
mang̃agsisilalakí, at sanhî sa ganitóng pagtuturò at pagpapálaganap
ay pinaglálaanán na tulóy ng̃ isáng nápakalakíng gugol. Alín mang
Pámahalàán ay may sariling lakás sa kanyáng mg̃a akalà, at dahilán
dito kung kayâ ang paglaganap sa isipáng pilipino ng̃ náturang salitâ
ay hindî na dapat tawaran.
Ang ganitóng mg̃a pangyayari, mg̃a pangyayaring pará sa ati’y
mahalagá, ay siyáng lagì nang pumúpukaw sa matahimik na
pagpapáhing̃aláy ng̃ aking gunitâ, siyáng tuwî na’y lumilikhâ sa aking
guníguní ng̃ mg̃a panukalà at mg̃a paraáng ikabúbuhay, ikadidilág at
ikalálaganap ng̃ayón at kailan man ng̃ matamís at mayamang wikà ni
Risál. Itó ang sa aki’y nag-udyók, itó ang nagpasulák sa malamíg na
tubig ng̃ aking pusò at iyán ang pumukaw sa mapayapàng pagkakágulayláy
ng̃ aking pag-íisip, at dahilán dito’y siyá ang aking kalasag sa
pakikipágtunggalî, siyá ang aking baluti sa pang̃áng̃ahás ko ng̃
pagyarì nitóng BALARILANG TAGALOG na dapat panundán sa pagsulat at
pagsasalitâ ng̃ sariling wikà.
Hindî lamang ang matuling paglaganap ng̃ wikàng inglés ang nagbunsód
sa akin sa pagyarì ng̃ aklát na itó. Mayroón pa: ang pagkakáibáibáng
ayos ng̃ panunulat na ng̃ayó’y ginagawâ ng̃ ating mg̃a mánunulát
at mánanagalóg, pagkakáibáibáng ang isá’t isá’y nagkakálabáglabág
at ang bawà’t isá’y may kaníkaniyáng tuntuning sinúsunód sa sarili
na siyáng sanhî ng̃ malimit na kamalìán, ng̃unì’t kamalìáng hindî
máipalagáy na ganitó dahil sa kasalatán ng̃ mg̃a pátakaráng dapat
taluntunín. Sa pagnanasà ko ng̃âng maparam ang ganitóng mg̃a ulap
na nakatátabing sa maningníng na liwanag ng̃ ating panunulat, ay
pinaginutan ko ng̃âng sulatin ang aklát na itó na siyáng magigíng
ilaw at tungkód sa pagtahak sa landasing madilím at madulás ng̃
ating pagsulat. Sa ganáng pagkukurò ko, ang isáng malakíng balakíd
na nakapípinsalà sa pagkásulong at paglaganap ng̃ ating wikà ay ang
kasalatán ng̃ isáng Balarilà ó Gramátikáng sukat alituntunín ng̃
mg̃a nang̃agsísisulat.
Ang pagkakásalung̃atan sa pagsulat ay nabábatay sa pagkakábukódbukód
ng̃ mg̃a mánunulát at mánanagalóg. Sa kasalukuyan, ang mg̃a itó’y
nabábahagi sa dalawáng malakíng pangkát: isá’y ang tinátawag na
makalumà at pinamámagatáng makabago ang ikalawá. Ang mg̃a
makalumà’y sumúsunód sa mg̃a tuntuning lumà ó dati ng̃ pagsulat na
siyáng sa ganáng pagkukurò nilá ay tumpák; at ang mg̃a makabago’y
sumúsunód namán sa mg̃a pátakaráng bagong likhâ ng̃ pag-íisip ó
bagong paraán ng̃ pagsulat ng̃ ating wikà. Ang pagtutunggalìáng
itó ay lubhâng mahigpít: isá’t isá’y may sariling ayos ó paraáng
pinanánangnán sa pagyarì ng̃ gayóng hugis ó anyô at sa pagsunód sa
gayó’t ganitóng pagsulat. Akó, palibhasà’y námulat sa mg̃a hulíng
kapanáhunang itó, maibigín sa mg̃a bagong likhâín ng̃ pag-íisip at
sapagkâ’t ináakalà kong tumpák ang mg̃a tuntuning sinúsunód ng̃ mg̃a
makabago, kayâ’t ang nápita kong sundín ay ang mg̃a kaparaanáng
nátuklás at sinúsunód ng̃ayón ng̃ ating maraming mánunulát at
mánanagalóg sa likód ng̃ isáng mataós at mahabàng pagsusurì na
aking ginawâ ukol sa bagay na itó.
Isá pa rin sa lalòng makákabuluháng bagay na sa aki’y umakit na
sulatin ng̃â ang aklát na itó ay ang pagdami ng̃ mg̃a páhayagán, ang
pagdagsâ ng̃ mg̃a nobela at ang pagsísimulâ sa paglabâs ng̃ mg̃a
aklát na náuukol sa karunung̃an na, paraparang nasusulat sa Wikàng
Tagalog. Ang lahát ng̃ itó ay naglálarawan ng̃ maníning̃as na sulô
upáng tumangláw at magbigáy liwanag sa mg̃a gunitâng dahóp, sa mg̃a
gunitâng hindî nakámasíd ng̃ maningníng na liwanag ng̃ karunung̃an
dahil sa kákapusán ng̃ pisìng sukat makáabót sa matayog na luklukan
ng̃ pag-áaral. Ng̃unì’t kinakailang̃an namán na, ang mg̃a páhayagáng
iyán, mg̃a nobela at mg̃a aklát karunung̃an ay magkaisá sa matwíd na
landasin ng̃ pagsulat, at upáng maganáp itó’y kailang̃ang másalig sa
mg̃a tuntuning náilagdâ sa Balarilà ó Gramátiká upáng ang pagbábalità,
pagsásalaysáy ó pagpapaliwanag ay mápawastô ó mápatumpák.
Sumandalîng pagbalikán sa ating mg̃a gunitâ yaóng tumutukoy
sa mahalagá at mádakilàng súliranín ng̃ isáng wikà. Sa _El
Filibusterismo_ ni Rizal, itóng bantóg na aklát sa Europa ma’t
Amérika ay nagsaád ng̃ isáng mahalagá at dakilàng aral, na: ANG WIKÀ
AY SIYÁNG PAG-ÍISIP Ó KÁLULUWÁ NG̃ BAYAN. Dito’y mápipigâ natin ang
isáng masaganà at makabuluháng katás, isáng masaráp at malinamnám
na lasa na dapat sundín, pagyamanin at ipagtanggól. Tinutukoy ko
ang Wikàng Tagalog, ang wikàng mahál sa ating mg̃a pusò, hiyás ng̃
ating lahì, sagisag ng̃ ating ugalì at larawan ng̃ ating kabihasnán,
na, sang-ayon sa pantás na aral ng̃ ating Bayani ng̃ Kalayàan
ay kinakailang̃ang mahalín, pagyamanin at ipagtanggól sa mg̃a
nang̃ag-áakalàng uminís ng̃ kanyáng hining̃á, sa mg̃a nang̃agnánasàng
sumugpô ng̃ kanyáng kasiglahán at sa mg̃a nang̃agnánais na pumatáy
sa kanyáng dakilàng diwà at sa kanyáng maningníng na urì.
Atin ng̃âng mahalín, pagyamanin at ipagtanggól ang katutubòng wikà na
ginamit niná Lakang-Dula, Pilapil, Balagtás, Rizal, Mabini, Plaridel,
atbp. at ng̃ wikàng ng̃ayó’y ginágamit ng̃ buông Katagalugan magíng
sa pag-ibig, sa pananámpalataya, sa pag-awit, sa pakikípanayám, sa
pagpúpulong, sa pakikípaglarô, sa pagtulog, sa paglíliwalíw, at sa
lahát na ng̃ mg̃a kilos ng̃ katawán, galáw ng̃ bisig, mithî ng̃
pusò, pang̃arap ng̃ diwà, adhikâ ng̃ damdamin, udyók ng̃ kalooban,
tibók ng̃ dibdíb, likhâ ng̃ pag-íisip at ibá’t ibá pa, sukdáng
ang magiliw na pagmámahál at masigláng pagtatanggól na itó ay
pagkaramayan ng̃ maraming paghihirap, pagkagugulan ng̃ ating mg̃a
bisig at pagkáhandugán ng̃ ating mg̃a buhay, huwág lamang makapanaíg
ang mg̃a nang̃ag-áakalàng uminís ó pumatáy sa káluluwá at buhay ng̃
isáng wikàng ginágamit ng̃ ang̃awang̃aw na tao at ng̃ isáng lahìng
may sariling dang̃ál at may sariling kabihasnán.
Bayàáng ang isáng wikà ng̃ bayan ay mápasailalim ng̃ isáng kapuwà
wikà, bayàáng ang wikàng yaó’y malanság at magkadurogdurog, itakwíl sa
gunitâ’t alaala, ay katumbás ng̃ pagpapabayà na yurakan ang kanyáng
watawat, na sakmalín ang kanyáng buhay, na durugin ang kanyáng
káluluwá, na lansagín ang kanyáng lahì. Walâ nang katotohanang gaya
nitó, palibhasà ang wikà ay anino ng̃ ugalì ng̃ isáng bayan, larawan
ng̃ kanyáng mg̃a kilos at hilig, sagisag ng̃ kanyáng angkán, banaág
ng̃ kanyáng kabihasnán at bakás ng̃ isáng mataós na pag-ibig at
pagmámahál sa bayang kinágisnán. Sino mang nagmámahál sa isáng wikà
ay nagmámahál din sa kanyáng bayan at sa kanyáng lahì. Sino mang
tumátakuwíl sa wikàng sarili ay tumátakuwíl din sa bayang kinágisnán
at sa lahìng nagbibigáy ng̃ kanyáng dang̃ál at kabuhayan.
Iláng pagkukuròng maháhalagá ang akin namáng tutukuyin ng̃ayón ukol
sa mg̃a wikà sa Pilipinas at ang káhalagaháng tagláy ng̃ Wikàng
Tagalog. Tatlóng wikà lamang ang pinakámalaganap sa kasalukuyan:
isá’y ang bisayà, na sinásalitâ sa dakong Timog ng̃ Kapulùán,
tagalog ang ikalawá na sinásalitâ sa gitnâ at ibabâ ng̃ Lusóng
at ilokano ang ikatló na sinásalitâ namán sa dakong Hilagà ng̃
Pilipinas. Kung isásalig sa dami ng̃ mg̃a táong gumágamit, ang wikàng
bisayà’y siyáng pang̃ulo sa lahát, sang-ayon sa talâng nábasa ko.
Ng̃unì, kung úurìin sa kagandahan ng̃ isá’t isá, sa katamisán, sa
kayamanan, sa karamihan ng̃ mg̃a páhayagán, sa kasaganàan ng̃ mg̃a
aklát at mg̃a dulâ, ang Wikàng Tagalog ay siyáng pang̃ulo at siyáng
may mataás na urì sa lahát, lalòng lalò na kung isaságunitâ ang
masisigláng kilos sa hulíng kapanáhunang itó na walâng tigil ng̃
pagpápalimbág ng̃ mg̃a aklát, ng̃ pagpápalabás ng̃ mg̃a páhayagán at
ng̃ pagpápatanghál ng̃ mg̃a dulâ. Alinsunod sa mg̃a pangyayaring itó,
ay labis ang aking pag-asa na, ang araw ay dárating na mátutupád ang
aking pang̃arap na, ang wikà sa haharapín ng̃ Kapilipinuhan ay ang
wikà ng̃ mg̃a Taga-Ilog, ang wikàng matamís ng̃ mg̃a Lakang-Dula,
ng̃ mg̃a Balagtás, ng̃ mg̃a Risál, ng̃ mg̃a Mabini, atbp.
Bábanggitín ko rito ang mg̃a aklát na aking pinagsaligán sa pagnanasà
kong makayarì ng̃ isáng Gramátikáng buô at wagás na wagás na tagalog.
Sinanggunìán ko ang Diccionario ni San Lucar, pinag-aralan ko ang
mg̃a Gramática Hispano-Tagala niná Fr. Minguella at Campomanes,
sinurì ko ang maháhalagáng lathalà ni Rizal ukol sa bagong pagsulat
ng̃ tagalog na nápalathalà sa La Solidaridad, nilitis ko ang
makákabuluháng lathalà ni G. Eusebio Daluz, inisáisá ko ang maháhalagá
ring lathalà ng̃ katotong Sofronio G. Calderón, at mataós kong sinurì
at pinag-aralan ang ibá’t ibáng pagkukurò at sarìsarìng palagáy
ng̃ mg̃a litáw na mánunulát at mánanagalóg, gayón ang mg̃a aklát
sa sariling wikà na akdâ ng̃ ating magigitíng na kababayan. Bawà’t
salitâ, bawà’t palagáy at bawà’t tuntuning sinipì ko ó hinaláw kayâ
sa mg̃a náturang aklát at lathalà ay malabis kong pinasásalamatan
sa bawà’t isá at sa lahát.
Ng̃ayó’y magsásalaysáy akó ng̃ iláng haláw na pagkukurò ukol sa aklát
na itó. Itóng BALARILANG TAGALOG ay may apat na pang̃ulong bahagi:
Pagbigkás (ó Prosodia); Pagkilala (ó Analogía); Paglalakip
(ó Sintaxis) at Pagsulat (ó Ortografía). Hindî ko na íisáisahín
ang bawà’t bahagi upáng ipaliwanag ang káhalagahán ng̃ isá’t isá,
sapagkâ’t itó’y hindî nátutungkól sa akin kundî sa mg̃a babasa
at mag-áaral. Tang̃ìng bábanggitín ko rito ay ang náuukol sa
pagkakásalaysáy. Pinagpumilitan ko, hanggá’t maáarì, na ang bawà’t
tuntunin ay máihanáy na maliwanag, ang mg̃a salitâ’y magíng wagás
na tagalog at málagyán ng̃ mabábabaw at maháhalagáng halimbawà na
angkóp na angkóp sa mg̃a panuto (ó regla) upáng mawatasang maigi
ng̃ babasa at madalîng mátutuhan ng̃ bayan.
Pagkátapos máilahád ang mg̃a abâ kong pagkukurò, pagkátapos máisulit
ang mg̃a tibók ng̃ aking sariling damdamin ay walâ akóng másasabi at
máipagtatapát kundî akó’y tao. Sinabi ko ang ganitó, upáng ipakilala
na ang tao’y nagkákamalî, at sapagkâ’t akó’y ganitó ay hindî malayòng
magkámalî rin sa aking mg̃a ginawâ. Ináasahan ko, ng̃ayón pa, na
akó’y magkaroón ng̃ mg̃a malî sa pagyarì ng̃ aklát na itó, gaya rin
namán ng̃ pag-asang mábubulíd sa hukay ang isáng táong lumálakad sa
poók na ganitó sa mg̃a gabíng kadilimán. Dahil sa paníniwalàng itó
ay malugód kong tinátawagan ang mg̃a mánunulát at mánanagalóg at
ang madlâng mahiligín sa sariling wikà na mangyaring pansinín ang
aking mg̃a kamalìán na kaniláng mápupuná sa aklát na itó. Sino mang
pumansín ng̃ aking mg̃a malî, sino man ang magpalagáy ó magmungkahì
kayâ na ang gayó’t ganitóng tuntunin ay hindî tumpák, sino man ang
magdagdág ng̃ anó mang palagáy ó anó mang paghahakà, kailan ma’t ang
mg̃a itó’y náuukol sa ikawáwastô ng̃ mg̃a tuntunin at ikasúsulong
ng̃ ating wikà ay malabis kong pasásalamatan, ng̃ isáng pasásalamat
na taós sa pusò. Sa ganitóng kaparaaná’y naníniwalà akóng lílinis
ó húhusay ang mg̃a pátakaráng sinúsunód sa ating pagsasalitâ at
pagsulat, at sa haharapí’y magkakároón tayo ng̃ isáng wagás, buô at
tumpák na Balarilàng Tagalog na siyáng haligi ng̃ ating pagsulat at
ng̃ ating wikà.
Sa wakás ay tanggapín ninyó, mg̃a kababayang mahíhiligín sa Wikàng
Tagalog, ang isáng muntîng aklát na itó na nilikhâ ng̃ pahát kong
isip at ng̃ muntî kong lakás sa likód ng̃ masigláng pagsusumikap, ng̃
masaganàng pagál at maraming pagtitiyagâ sa sariling katawán, udyók
lamang na magkaroón tayo ng̃ isáng aklát na mapagbábatayán sa ating
pagsasalitâ at sa ating pagsulat. Ang pusò ko’y malúlunod sa katuwâan
kung ang pagkakálabás ng̃ aklát na itó ay makátulong sa pagpápadilág
at pagpapálaganap ng̃ ating wikà. Ang damdamin ko’y mabúbusóg sa galák
kung ang aklát na itó’y pag-áralan natin, upáng máipakilala minsan
pa ang ating wagás na pag-ibig at magiliw na pagmámahál sa sariling
arì, sa sariling diwà at sa sariling káluluwá ng̃ ating iníibig
na bayan. At káhulíhuliha’y isáng mataós na dalang̃in, dalang̃ing
nagbuhat sa pusò, na, maano nawàng sa hináharáp ay magíng wikà ng̃
Sangkapilipinuhan ang wikàng matamís ng̃ mg̃a Taga-Ilog, ang wikàng
mayaman ng̃ mg̃a Lakang-Dula, ng̃ mg̃a Balagtás, ng̃ mg̃a Risál,
ng̃ mg̃a Mabini, at ibá pa!
=Mamerto Paglinawan.=
TUNTUNIN
KABANATA TUDLÍNG
Paunawà 7
Simulâ 17
UNANG BAHAGI
Pagbigkás ó Prosodia
I.--Ang Pagbigkás at ang kaniyáng sakláw 19
II.--Abakadáng tagalog 20
III.--Pagbigkás ng̃ mg̃a ting̃ig (ó vocal) 21
IV.--Pagbigkás ng̃ mg̃a pangtinig (ó consonante) 23
V.--Tungkól sa mg̃a pantíg (ó sílaba) 26
VI.--Hinggíl sa mg̃a diptongo 27
VII.--Sa mg̃a pang̃ung̃usap ó salitâ 29
VIII.--Ukol sa diín (ó acento prosódico) 30
IX.--Tungkól sa paglilihim (ó sinalefa) 35
X.--Hinggíl sa mg̃a pang-anib (ó ligazón) 36
IKALAWÁNG BAHAGI
Pagkilala ó Analogía
I.--Ang Pagkilala at ang kaniyáng sakláw 39
II.--Salitâng Pang-akbáy (ó Artículo) 43
Pang-akbáy sa mg̃a ng̃alan ng̃ tao 44
Pang-akbáy sa mg̃a ng̃alan ng̃ bagay 47
III.--Salitâng Pangdiwà (ó Sustantivo) 50
Ukol sa iláng bahagi ng̃ pangdiwà 53
Pangdiwàng pangwatas (ó verbal) 56
Pangdiwàng malimit (ó frecuentativo) 57
Pangdiwàng karamihan (ó colectivo) 58
IV.--Salitâng Pangturing (ó Adjetivo) 59
Ukol sa bilang na dalawá ó marami 63
Sa mg̃a salitâng pangtulad (ó comparativo) 65
Sa mg̃a salitâng pangtaás (ó superlativo) 68
Sa mg̃a salitâng panglakí (ó aumentativo) 69
Sa mg̃a salitâng pangliít (ó diminutivo) 70
Sa ibá pang bahagi ng̃ salitâng pangturing 71
V.--Salitâng Pangtayô (ó Pronombre) 72
Pangtayô sa ng̃alan ng̃ tao (ó personal) 73
Pangtayô sa pagtuturò (ó demostrativo) 79
Pangtayô sa pag-áarì (ó posesivo) 81
Pangtayô sa pagtatanóng (ó interrogativo) 83
Pangtayô sa pagbabalak (ó indeterminado) 85
Sa mg̃a anyông isinásama sa mg̃a pangtayô 85
VI.--Salitâng Pangwatas (ó Verbo) 86
Sa mg̃a pang̃ulong bahagi ng̃ mg̃a anyô 89
VII.--Ukol sa pagbabaybáy (ó conjugación) 93
Sa mg̃a ayos ng̃ pangwatas 93
Sa mg̃a panahón ng̃ pangwatas 94
Sa mg̃a bilang at sa mg̃a katawán 97
VIII.--Ang pangbalak na anyông “um” 98
Mg̃a tuntunin sa pagbabaybáy 99
Kágamitán ng̃ anyông “um” 103
IX.--Ang pangbalak na anyông “mag” 106
Mg̃a panuto sa pagbabaybáy 106
Kágamitán ng̃ anyông “mag” 108
X.--Ang pangtiyák na anyông “in” 113
Hugis ng̃ “in” at ang kanyáng mg̃a tuntunin sa
pagbabaybáy 115
Kágamitán ng̃ anyông “in” 119
XI.--Ang pangtiyák na anyông “i” 124
Mg̃a pátakarán sa pagbabaybáy 124
Kágamitán ng̃ anyông “i” 127
XII.--Ang pangtiyák na anyông “an” 129
Mg̃a panuto sa pagbabaybáy 131
Kágamitán ng̃ anyông “an” 133
XIII.--Pangtiyák ng̃ anyông “um” 135
XIV.--Pangtiyák ng̃ anyông “mag” 137
XV.--Ang pangbalak na anyông “mang” 143
Mg̃a tuntunin sa pagbabaybáy 144
Pangtiyák ng̃ anyông “mang” 145
Kágamitán nitóng anyông “mang” 148
XVI.--Ang pangbalak na anyông “ma” 151
Mg̃a pátakarán sa pagbabaybáy 151
Pangtiyák ng̃ anyông “ma” 152
Kágamitán nitóng anyông “ma” 154
XVII.--Pagbabaybáy sa mg̃a anyông pangbalak 156
Huwaran ng̃ unang pagbabaybáy 157
Huwaran ng̃ ikalawáng pagbabaybáy 162
Huwaran ng̃ ikatlóng pagbabaybáy 164
Huwaran ng̃ ikapat na pagbabaybáy 166
XVIII.--Pagbabaybáy sa mg̃a anyông pangtiyák 168
Huwaran sa unang pangtiyák ng̃ “um” 169
Huwaran sa ikalawáng pangtiyák ng̃ “um” 171
Huwaran sa ikatlóng pangtiyák ng̃ “um” 173
Huwaran sa unang pangtiyák ng̃ “mag” 175
Huwaran sa ikalawáng pangtiyák ng̃ “mag” 177
Huwaran sa ikatlóng pangtiyák ng̃ “mag” 179
Huwaran sa unang pangtiyák ng̃ “mang” 181
Huwaran sa ikalawáng pangtiyák ng̃ “mang” 183
Huwaran sa ikatlóng pangtiyák ng̃ “mang” 185
Huwaran sa unang pangtiyák ng̃ “ma” 187
Huwaran sa ikalawáng pangtiyák ng̃ “ma” 189
XIX.--Sa mg̃a pangtulong na anyô ng̃ pangwatas 191
XX.--Ukol sa anyông “maká” 193
Ang kanyáng pangtiyák 195
Kágamitán ng̃ náturang anyô 197
XXI.--Hinggíl sa anyông “magpa” 200
Ang kanyáng pangtiyák 201
Kágamitán ng̃ násabing anyô 203
XXII.--Tungkól sa anyông “pa” 206
Ang kanyáng pangtiyák 207
Kágamitán ng̃ anyông nábanggít 209
XXIII.--Ukol sa anyông “magpaka” 211
Ang kanyáng pangtiyák 212
Kágamitán ng̃ náturang anyô 215
XXIV.--Hinggíl sa anyông “makí” 217
Ang kanyáng pangtiyák 218
Kágamitán ng̃ násabing anyô 219
XXV.--Tungkól sa anyông “magká” 221
Ang kanyáng pangtiyák 222
Kágamitán ng̃ anyông nábanggít 223
XXVI.--Ukol sa anyông “magíng” 224
XXVII.--Hinggíl sa anyông “magsí” 227
XXVIII.--Tungkól sa anyông “magpatí” 229
XXIX.--Ukol sa anyông “manghí” 231
XXX.--Hinggíl sa anyông “magkáng” 234
XXXI.--Tungkól sa anyông “magsa” 236
XXXII.--Salitâng Pangbago (ó Adverbio) 238
Sa ibá’t ibáng bahagi ng̃ pangbago 240
XXXIII.--Salitâng Pang-ukol (ó Preposición) 242
XXXIV.--Salitâng Pangbigkís (ó Conjunción) 245
Pangbigkís sa pag-íisá 245
Pangbigkís sa paghihiwaláy 248
Pangbigkís sa pagsubalì 249
Ukol sa ibáng pangbigkís 250
XXXV.--Salitâng Pangdamdám (ó Interjección) 252
XXXVI.--Ukol sa Pagbabawas (ó Síncopa) 254
XXXVII.--Hinggíl sa Pangdulo (ó Desinencia) 256
IKATLÓNG BAHAGI
Paglalakip ó Sintaxis
I.--Ang Paglalakip at ang kaniyáng sakláw 258
II.--Ukol sa pagkakaayon (ó concordancia) 259
III.--Hinggíl sa paghaharì (ó régimen) 261
IV.--Tungkól sa pagbubuô (ó construcción) 266
V.--Ukol sa mg̃a kaisipán (ó oración) 269
VI.--Sa mg̃a kaisipáng dalisay (ó simple) 272
VII.--Sa mg̃a kaisipáng mayhalò (ó compuesta) 274
VIII.--Paglalakip na likhâ (ó Sintaxis figurada) 275
IX.--Mg̃a kamalìán ng̃ salitâ (ó vicios de dicción) 278
IKAAPAT NA BAHAGI
Pagsulat ó Ortografía
I.--Ang Pagsulat at ang kanyáng sakláw 282
II.--Hinggíl sa malalakíng titik 283
III.--Paggamit ng̃ iláng titik ayon sa kanyáng tunóg 285
Hinggíl sa E at I 285
Hinggíl sa O at U 286
Hinggíl sa B at P 288
Hinggíl sa K at G 289
Hinggíl sa D at T 291
Hinggíl sa I at Y 292
Hinggíl sa U at W 293
IV.--Tungkól sa kudlít (ó acento ortográfico) 294
V.--Mg̃a tuntunin sa pagkukudlít 295
VI.--Sa mg̃a pang̃ulong tandâ ng̃ pagsulat 301
Ang pangtigil (ó coma) 302
Ang tuldók at pangtigil (ó punto y coma) 303
Ang dalawáng tuldók (ó dos puntos) 305
Ang tuldók (ó punto final) 306
Ang pangsugpông tuldók (ó puntos suspensivos) 306
Ang pangtanóng (ó interrogación) 307
Ang pangtaká (ó admiración) 308
VII.--Sa mg̃a pangtulong na tandâ ng̃ pagsulat 309
VIII.--Ang panghatì at ang paraán ng̃ pagkakabahábahagi
ng̃ mg̃a pantíg 311
IX.--Ukol sa pagsulat ng̃ iláng salitâ 313
X.--Tungkól sa mg̃a salitâng hirám 317
XI.--Kung paano ang pagpapalít sa Wikàng Tagalog ng̃
mg̃a titik na walâ sa kanyá 319
Ukol sa c 320
Hinggíl sa ch 320
Tungkól sa f 320
Ukol sa j 321
Hinggíl sa ll 321
Tungkól sa ñ 321
Ukol sa q 321
Hinggíl sa rr 321
Tungkól sa v 322
Ukol sa x 322
Hinggíl sa z 322
XII.--Mg̃a salitâng daglî na malimit gamitin sa Wikàng
Tagalog 322
Balarilang Tagalog.
Simulâ.
GURÒ. ¿Anó ang tinátawag na wikà ó salitâ?
NAG-AARAL. Tinátawag na wikà ó salitâ, ang kabuùan ng̃ mg̃a
pang̃ung̃usap at ang mg̃a paraán ng̃ pagsasalitâ sa bawà’t bayan ó
bansá.
G. Kung gayón, ¿anó ang tinátawag na Wikàng Tagalog?
N. Tinátawag na Wikàng Tagalog[1] ang wikàng ginágamit ng̃ Katagalugan
ó kayâ’y ng̃ mg̃a táong tubò sa gitnâ at ibabâ ng̃ Lusóng[2].
G. ¿Anó ang Balarilà (ó Gramática) ng̃ isáng wikà?
N. Balarilà (ó Gramática) ng̃ isáng wikà ay ang katípunan ng̃ mg̃a
panuto (ó arte) hinggíl sa mahusay niyáng pagsasalitâ at ng̃ tumpák
na pagsulat.
G. Kung gayón, ¿anó ang Balarilàng Tagalog?
N. Balarilàng Tagalog ay ang tumpák na pagsasalitâ at tugmâng pagsulat
sa wikàng tagalog.
G. ¿Sa ilán nabábahagi ang Balarilà?
N. Sa apat: Pagkilala (ó Analogía), Paglalakip (ó Sintaxis),
Pagbigkás (ó Prosodia) at Pagsulat (ó Ortografía).
G. ¿Anó ang tinátawag na Pagkilala (ó Analogía)?
N. Ang panig ng̃ Balarilà na nagtuturò at nagpapakilala ng̃
káhalagahán at tungkulin ng̃ mg̃a pang̃ung̃usap.
G. ¿Anó ang Paglalakip (ó Sintaxis)?
N. Ang bahagi ng̃ Balarilà na nagtuturò ng̃ mg̃a kaparaanán ukol sa
pagbubuô ó paglalakiplakip ng̃ mg̃a salitâ.
G. ¿Anó namán ang Pagbigkás (ó Prosodia)?
N. Ang panig ng̃ Balarilà na nagtuturò ng̃ mg̃a paraán hinggíl sa
tuwíd na pagbigkás.
G. ¿At ang Pagsulat (ó Ortografía)?
N. Ang bahagi ng̃ Balarilà na nagtuturò ng̃ angkóp na paggamit sa
mg̃a titik at ibá pang mg̃a tandâ na gamit sa pagsulat.
TALABABÂAN
[1] Hindî ko pa máitawag sa matamís at mayamang wikà natin ang
pamagát na WIKÀNG PILIPINO na siyá ko sanang nais, sapagkâ’t kung
tunay mang ang wikàng itó ni Balagtás ay siyáng kinagigiliwan ng̃
maraming pilipino, malaganap at may mataás na urì kay sa ibá, ay tunay
rin namáng hanggá ng̃ayón ay lubhâng marami pa rin ang dî gumágamit
sa kanyá, lalòng lalò na ng̃ mg̃a tagá Bisayà, Iloko, Mindanáw,
Kapangpang̃an, Panggasinán, at ibá pa. At sakâ na natin iangkóp ang
náturang pamagát, sakalìng ang pinapanukalang paglalakiplakip ng̃
ibá’t ibáng wikà na ng̃ayó’y ginágamit sa Pilipinas ay maganáp sa
ibáng araw.
[2] Ang mg̃a bayang nagsasalitâ ng̃ wagás na Wikàng Tagalog ay Bagong
Esiha, Bulakán, Risál, Bataan, Maynilà, Kabite, Laguna, Tayabas,
Batang̃an at Mindoro. May mang̃ilánng̃ilán ding nang̃ung̃usap sa
bayang Sambales, Tarlák, at ibá pang kanugnóg nitóng Lusóng.
UNANG BAHAGI
Pagbigkás ó Prosodia[3]
I KABANATA
Ang Pagbigkás at ang kaniyáng sakláw
GURÒ. ¿Anó ang kátuturán ng̃ Pagbigkás (ó Prosodia)?
NAG-AARAL. Ang Pagbigkás ay isáng bahagi ng̃ Balarilà na nagtatatág
ng̃ mg̃a panuto sa ikatutuwíd ng̃ pagbibigkás (ó pronunciación)
at pagdidiín (ó acentuación) ng̃ mg̃a titik (ó letra), pantíg (ó
sílaba), pang̃ung̃usap at kaisipán.
G. ¿Anó ang tinátawag na tinig (ó voz)?
N. Tinátawag na tinig ang tunóg na nilílikhâ ng̃ hang̃ing itinapon
ng̃ bagà pagkálabás sa gulunggulung̃án.
G. ¿Anó ang pinamámagatáng titik?
N. Ang muntîng bahagi ng̃ tinig pag binigkás ang isáng tunóg na
maiklî at malinaw.
TALABABÂAN
[3] Minárapat kong iuná ang bahaging itó ng̃ BALARILA, sapagkâ’t
lubhâng kailang̃ang mabatíd muna natin ang náuukol sa Abakadá,
bago tayo tumung̃o sa pagkilala ng̃ halagá at tungkulin ng̃ mg̃a
pang̃ung̃usap, sa paglalakiplakip nitó, at pagkátapos ang nahihinggíl
namán sa tumpák na pagsulat.
II KABANATA
Abakadáng tagalog[4]
GURÒ. ¿Anó ang tinátawag na abakadáng tagalog?
NAG-AARAL. Tinátawag na abakadáng tagalog ang kabuùan ng̃ mg̃a titik
na ginágamit sa sariling wikà.
G. ¿Iláng titik mayroón ang ating abakadá?
N. May dalawangpû lamang lahát, at itóng mg̃a sumúsunód:
a, b, k, d, e, g, g̃, h, i, l,
m, n, o, p, r, s, t, u, w, y.
G. ¿Paano kung bigkasín ang bawà’t isá?
N. Ang pagbigkás ng̃ bawà’t isá ay ganitó:
a, ba, ka, da, e, ga, ng̃a, ha, i, la,
ma, na, o, pa, ra, sa, ta, u, wa, ya.
G. Ang mg̃a titik, ¿sa anó nabábahagi?
N. Nabábahagi ang mg̃a titik sa tinátawag na ting̃ig (ó vocal) at
pangtinig (ó consonante).
G. ¿Anó ang tinátawag na ting̃ig (ó vocal)?
N. Tinátawag na ting̃ig (ó vocal) ang titik na maáarìng bigkasín sa
kaniyáng sarili lamang at bumubuô ng̃ isáng pantíg (ó sílaba).
G. ¿May ilán ang ting̃ig sa tagalog?
N. Limá: a, e, i, o, u.
G. ¿Anó namán ang tinátawag na pangtinig?
N. Tinátawag namáng pangtinig ang titik na dî máibibigkás sa kanyáng
sarili, at itó’y nang̃áng̃ailang̃an ng̃ tulong ng̃ isáng ting̃ig (ó
vocal).
G. ¿May ilán namán ang pangtinig sa ating wikà?
N. Labinglimá: b, k, d, g, g̃, h, l, m, n, p,
r, s, t, w, y.
TALABABÂAN
[4] Pinamagatáng abakadá sa tagalog ang tinátawag na alfabeto ó
abecedario sa kastilà, sang-ayon sa kapasiyahán ng̃ “Samahán ng̃
mg̃a Mánanagalóg,” sapagkâ’t ang pinanggaling̃an at pinagbatayán ng̃
tinurang salitâ ay ang apat na pang̃unang titik sa tagalog na a,
b, k, d, na kung bibigkasín ay a, ba, ka, dá.
III KABANATA
Pagbigkás ng̃ mg̃a ting̃ig (ó vocal)
GURÒ. ¿Paano ang pagbigkás ng̃ a sa wikàng tagalog?
NAG-AARAL. Ang pagbigkás ng̃ a sa ating wikà ay kawangkîng kawangkî
ng̃ pagbigkás sa wikàng kastilà, liban lamang kung nagtatagláy ng̃
mg̃a kudlít na mariín (ó agudo) at banayad (ó grave), palibhasà ang
tunóg ng̃ mg̃a kudlít na itó’y lubhâng kaibá sa tunóg ng̃ kudlít
ng̃ salitâng kastilà.
G. ¿Paano namán ang pagbigkás sa e?
N. Ang pagbigkás sa e ay katulad din ng̃ sa kastilà, liban kung
may tagláy na kudlít paris nang sinabi sa a.
G. Ang i, ¿paano namán ang pagbigkás?
N. Ang i, sa una at kalagitnâan ng̃ pang̃ung̃usap ay walâng iniwan
sa kastilà. Kung nasa sa hulíng pantíg (ó sílaba) ang tunóg ay
bumubukás ng̃ kauntî, at may bahagyâng pagkakahawig sa mg̃a salitâng
inglés na sorry, carry, atbp., na ang tinurang tunóg ay isáng
pagduduób ng̃ e at i.[5]
Halimbawà ang salitâng lalaki: ang i dito ay dî ganitó binibigkás,
kundî ie ó ang pagduduób ng̃ mg̃a tunóg ng̃ i at e.
G. ¿Paano ang pagbigkás sa o?
N. Sa gitnâ ng̃ pang̃ung̃usap ay paris din sa kastilà ng̃unì’t sa
katapusán ang kanyáng tunóg ay nagigíng katumbás ng̃ ou.
G. At ang u, ¿paano kung bigkasín?
N. Ang pagbigkás sa u ay katulad din ng̃ sa kastilà kailan ma’t
na sa gitnâ ng̃ pang̃ung̃usap.
G. ¿Ang o at u ay magkawang̃ís bagá?
N. Hindî pò, sapagkâ’t ang isá’t isá ay may sariling tunóg at may
sariling kágamitán.
G. Kung may sariling tunóg ang bawà’t isá, ¿bakit ang o ay nagigíng
katumbás ng̃ ou sa katapusán ng̃ pang̃ung̃usap?
N. Ang bagay na iyá’y isáng pagduduób ng̃ o at u, pagbigkás
ó tunóg na katutubò sa mg̃a dilàng tagalog na siyáng sanhî ng̃
ipinaghihirap sa pagbigkás ng̃ mg̃a europeo.
Halimbawà ang salitâng utos: ang o dito ay dî ganyán dapat
bigkasín paris bagá ng̃ pagkakásulat kundî ang paglalakip ng̃ tunóg
na o at u ay siyáng nárarapat gawín.
G. Sa ganitóng pag-áalang̃aning pagbigkás na nangyayari magíng sa
e at i at magíng sa o at u sa katapusán ng̃ salitâ, ¿ay
paano ang tumpák na pagsulat na dapat sundín?
N. Ang pag-áalang̃ang pagsulat na ibinubung̃a ng̃ ganyáng pagduduób,
gaya ng̃ lalaki ó lalake, utos ó utus, atbp., ay maliliwanagan
sa bahagi ng̃ Pagsulat (ó Ortografía).
TALABABÂAN
[5] Sa matandâng kasulatan natin ay tatlóng ting̃ig (ó vocal) lamang
ang kinikilala: isá’y ang a, ikalawá’y ang e-i at ikatló’y ang
o-u.
IV KABANATA
Pagbigkás ng̃ mg̃a pangtinig (ó consonante)
GURÒ. ¿Anóng tunóg mayroón ang mg̃a pangtinig na b, l, m, n,
p, s, t at y?
NAG-AARAL. Ang tunóg ng̃ madlâng titik na itó ay kaparis din ng̃ sa
kastilà, kailan ma’t may kasakasamang ting̃ig (ó vocal).
G. ¿Anó ang tunóg ng̃ k?
N. Ang tunóg ng̃ k ay katumbás ng̃ ca, co, cu, at qua,
que, qui, quo, quu sa kastilà, hal.: cuadro, caballo,
querubín, atbp., ay nagigíng kuadro, kabayo, kerubín.
G. ¿Anó ang kabutihang idinudulot ng̃ k sa tagalog?
N. Marami pò: unang una ay nagigíng madalî ang pag-áaral at pagtuturò,
at ikalawá’y siyáng angkóp na angkóp sa mg̃a pang̃ung̃usap natin.
G. ¿Anóng tunóg mayroón ang d?
N. Ang tunóg ng̃ d ay kawang̃ís sa kastilà kailan ma’t na sa una at
hulihán ng̃ salitâ; ng̃unì’t nagigíng r kailan ma’t pinagigitnâan
ng̃ mg̃a ting̃ig (ó vocal) at ang sinusundán niyá ay dî katapusán
ng̃ pang̃ung̃usap. Halimbawà: mARAmi, mARIlág, kARAmdaman,
mabutI RIto, masam RIyan, atbp. Dátapwâ’t kung sinusundán ng̃
pangtinig (ó consonante), ó dî kayâ’y pinakasimulâ ng̃ salitâ ay dî
na dapat baguhin ó paltán. Halimbawà: buhaT Dito; sulonG Diyán;
dumito ka katotO, Diyán ay mápapahamak ka. Dapat ding mabatíd na
dî sa tuwîtuwî na’y dapat baguhin, hal.: madalî at dî maralî;
madilím at dî marilím; madilat at dî marilat, atbp. At dapat
ding matantô na, kapág ang mg̃a pangtinig (ó consonante) na w at
y ang siyáng sinusundán ay nárarapat ding baguhin; hal.: _buháY
Rin siyá_, sumigaW Rito, atbp.
G. Ang g ¿paano namán ang tunóg?
N. Ang g sa wikàng tagalog ay malumanay kung bigkasín, dî gaya
sa kastilàng malakás. Nakákatumbás niyá ang gua, gue, gui sa
kastilà, bagamá’t walâng u sa gitnâ; hal.: gintô, gising,
pigíng, lagì, atbp.
G. ¿Anó namán ang tunóg ng̃ g̃?
N. Ang tunóg nitó ay nagbubuhat sa ilóng at tumutulóy sa lálamunan.
Ang lalòng magaling at angkóp na pagbigkás ay anyông pahumál.
G. ¿Anó ang káhalagaháng dapat idulot ng̃ g̃ sa ating wikà?
N. Ang g̃ na katumbás ng̃ ng̃ ay nápakamahalagá, pagkâ’t bukód sa
siyáng tang̃ìng titik na makasusunód sa ating mahirap at magandáng
pagbigkás na, ang tunóg ng̃â’y sa ilóng at lálamunan (nasal-gutural)
at siyáng ikaiibá sa ibáng wikà, ay siyá pang madalî, malinaw at
tugmâng tugmâ sa pahumál na pagbigkás, na lubhâng marami sa wikà
natin[6].
G. ¿Paano kung bigkasín ang h?
N. Ang h sa tagalog ay may hang̃in kung bigkasín, at itó’y hindî
náwawang̃ís sa h ng̃ kastilà: mana pa’y nálalapit ng̃ bahagyâ sa
j bagamá’t marahan dito; hal.: halík, hawíg, luhà, buhò,
at ibá pa.
G. Ang r, ¿paano kung bigkasín?
N. Ang pagbigkás sa r ay malumanay. Dapat matantô na ang titik
na itó’y mahirap makita sa simulâ ng̃ salitâ, bagamá’t may
mang̃ilánng̃ilán din, paris ng̃ rahuyo, rahá, atbp. Sa hulí ó
katapusán ay lalò ng̃ walâ, bagamá’t noóng dakong una ay palasák na
palasák ang paggamit, at sa lugál niyá’y d ang náhalili.[7] Sa
gitnâ ng̃ pang̃ung̃usap ay malimit gamitin kailan ma’t napapagitnâan
ng̃ dalawáng ting̃ig (ó vocal).
G. ¿Anó namán ang tunóg ng̃ w?
N. Ang w ay isáng bago at mahalagáng titik na náparagdág sa
tagalog. Lubhâng nápabuti at nápatumpák ang maraming salitâ dahilán
sa kanyá. Sa dating bigkás na kalabao, arao, sing̃ao, ilao,
atbp., ay nagíng kalabáw, araw, sing̃áw, ilaw, na siyáng
tumpák na tumpák. Siyá rin ang nagíng kahalili ng̃ ting̃ig u,
hal.: wikà, walâ, káluluwá, tuwâ, atbp., sa dating uica,
uala, kaloloua, toua.[8]
TALABABÂAN
[6] Ang palagáy ni G. Mariano Ponce sa aklát na Guillermo Tell ni
Rizal hinggíl sa pag-áalís ng̃ kudlít sa g̃ at isulat ng̃ ng na
walâng kudlít sa itaás, pag-áalís na nagkakahulugán ng̃ pagpawì sa
titik na g̃ ay dinaramdám kong dî sang-ayunan gaya rin namán ng̃ dî
pagsang-ayon ng̃ maraming mánunulát at mánanagalóg. Ang násabing ginoó
ay nagbitíw ng̃ mararami at maháhalagáng katwirang pinagbábatayán
niyá, na ang isá’y násasalig sa ibá’t ibáng wikà at ang ikalawá’y ang
kapansanang mangyayari sa g̃ sakalìng magpalimbág sa ibáng lupà
ng̃ mg̃a kasaysayang tagalog. Akó man sana ay talagáng sang-ayon na
rito, dang̃a’t dî maamin niyaring kalooban ang pagtatapon sa titik
na bugtóng at katutubò na siyáng pinakadiwà ng̃ ating wikà at siyáng
katang̃ìán sa ibá. Bukód sa rito, ang g̃ ay siyáng angkóp na
angkóp sa pagbigkás at tunóg ng̃ ating mg̃a pang̃ung̃usap. At kung
ang titik na iyá’y ating papawiin at papaltán ng̃ ibá, marahil ang
mg̃a salitâ natin ay magigíng garíl kung bigkasín. At tang̃ì pa rin
dito, yamang isinaád ni Risál na: “ang sulat tagalog ay dapat magíng
sulat tagalog,” kung gayón, upáng matupád ang dakilàng salitâng itó
ng̃ magiting na bayani ay dapat gamitin natin ang g̃ na siyáng
katutubò at siyáng diwà ng̃ wikà ni Balagtás.
[7] Noón ng̃âng araw ay malimit gamitin ang r sa katapusán ng̃
pang̃ung̃usap, at ang madalás gumamit nitó’y ang mg̃a parì sa kaniláng
pang̃ang̃aral at sa kaniláng mg̃a kasulatan at dásalan, paris sa
halimbawà ng̃ capatír, bacor, lubir, atb., sa lugál na sabihing
kapatíd, bakod, lubid. Sa iláng bayan ng̃ Batang̃an ay gayón
din ang pagbigkás, at kung dî akó malî ay hindî nagbabago hanggá
ng̃ayón.
[8] Noóng mg̃a panahóng lumipas, palibhasà ang w ay dî pa nátutuklás
na gamitin sa ating wikà, kung kayâ ang ginágamit sa lugál niyá (paris
ng̃ sinabi ko) ay ang ting̃ig u gaya sa mg̃a salitâng uica,
uala, atbp. At sanhî sa kadahilanang itó kung kayâ sa _Ensayo de
Gramática Hispano-Tagala_ ni Fr. Minguella ay ipinalagay tulóy na
ang ua at ui ay diptongo, pagpapalagáy na walâng katotohanan
sapagkâ’t walâ nitó sa mg̃a salitâng wagás na tagalog.
V KABANATA
Tungkól sa mg̃a pantíg (ó sílaba)
GURÒ. ¿Anó ang kátuturán ng̃ pantíg (ó sílaba)?
NAG-AARAL. Pantíg sa ting̃ig ng̃ Pagbigkás, ang tunóg ng̃ isá
ó iláng titik na ibinibigkás na biglâ ng̃ tinig, (ó voz) at ang
pakinig namá’y warìng tinatanggáp ng̃ minsanan.
G. ¿Maáarì bagáng magkaroón ng̃ pantíg kung walâng ting̃ig isá man?
N. Hindî pò: magkakároón ng̃ pantíg kailan ma’t may isáng ting̃ig
(ó vocal) na kasama.
G. ¿Iláng titik maáarìng magtagláy ó bumuô ng̃ isáng pantíg?
N. Ang isáng pantíg ay maáarìng magtagláy ng̃ isá, dalawá, tatló ó
apat na titik, hal.: ó, sa, din, kung.
G. ¿Anó ang tuntuning pangkahalatán (ó regla general) ukol sa
pagbigkás ng̃ mg̃a pantíg sa mg̃a salitâng wagás na tagalog?
N. Ang tuntuning pangkalahatáng sinúsunód natin ay itó: “ang isáng
pangtinig (ó consonante) ay hindî dapat mádikít sa kapwà pangtinig:
kailang̃ang ang isá’t isá ay bigkasíng malinaw at magkahiwaláy”.
Halimbawà: hindî dapat bigkasíng tu-dlíng, ku-dlít, ta-gláy,
a-klát, ba-klád atbp., na ang dalawáng pangtinig (ó consonante)
ay magkasiping ó magkadikít sa isáng pantíg, kundî ang nárarapat ay
tud-líng, kud-lít, tag-láy, ak-lát, bak-lád.
VI KABANATA
Hinggíl sa mg̃a diptongo
GURÒ. ¿Anó ang tinátawag na diptongo?
NAG-AARAL. Tinátawag na diptongo, ang isáng pantíg (ó sílaba) na
kinaroroonán ng̃ dalawáng ting̃ig (ó vocal) na magkasiping at
ibinibigkás lamang ng̃ íisá.
G. ¿May diptongo bagá sa ating wikà?
N. Sa mg̃a salitâng wagás na tagalog ay walâ isá mang diptongo,
kahì’t na magkasiping ang dalawáng ting̃ig (ó vocal); hal.: nais,
pain, kain, tao, atbp.
G. Sa pag-ilag sa diptongo, ¿anó tulóy ang nákaugaliáng gawín sa
mg̃a salitâng ang dalawáng ting̃ig ay magkasiping?
N. Nákaugalián na tulóy sing̃itan ng̃ y ó w sa mg̃a salitâng
warìng may diptongo; hal.: buwán (buan), tuwâ (tuâ), biyák
(biák), tiyáp (tiáp), atbp. na paraparang binibilang sa tigalawáng
pantíg.
G. ¿Marapat ba tayong tumanggáp ng̃ diptongo?
N. Oo pò, nárarapat; at ang pagtanggáp na itó’y tang̃ìng manggagaling
sa mg̃a salitâng hirám na may diptongo.
G. ¿Anó ang mápapalâng kabutihan sa ganitóng pagtanggáp?
N. Sa bagay na itó’y maiilagan ang pagkakáyuwis (ó confusión) sa
pagkakásiping ng̃ mg̃a ting̃ig (ó vocal) ng̃ mg̃a salitâ, paris ng̃
nais, pain, atbp., at sa pagduduób ng̃ mg̃a ting̃ig (ó vocal) ng̃
mg̃a anyô (ó partícula), gaya ng̃ Iulat, MAinggitin, MAGSIambâ.
G. ¿Iláng diptongo lamang ang dapat tanggapín?
N. Pitó: ia, ie, io, iu, ua, ue at ui.
G. Tungkól sa ganitóng pagtanggáp, ¿may panuto rin bang dapat itatág?
N. Mayroón pò: ng̃unì’t dapat alamíng ang panutong itó’y isá lamang
pásubalì (ó excepción) at hindî pangkalahatán (ó en general).
G. ¿Paano ang panutong dapat sundín?
N. Ganitó: “Ang mg̃a diptongong tagalog ay nanggagaling sa mg̃a
salitâng hirám sa ibáng wikà na ináarì natin at nagpapásimulâ sa
mahihinàng ting̃ig (ó vocales débiles), at ang mg̃a diptongong itó
ay pitó: ia, ie, io, iu, ua, ue at ui.” Halimbawà:
Prosodia, Nobiembre, silabario, siudád, kuaderno, kueba,
huebes, hesuita, at ibá pa[9].
G. ¿Paano ang gagawín sa mg̃a salitâng hirám na nagdudulo ng̃ ía
at ng̃ ibá pang magkakabít ang dalawáng ting̃ig na hindî namán
diptongo?
N. Kung ating isusulat ang mg̃a salitâng gangganitó ay dî nárarapat
baguhin, at dapat matantô na sa atin ma’y hindî rin diptongo, hal.:
María, Heograpía, Ortograpía, atbp.
G. ¿Paano ang pagkakasunódsunód sa pagbigkás ng̃ limáng ting̃ig (ó
vocal), sang-ayon sa kanyáng baitang na sinúsunód?
N. Ganitó: a, e, i, o, u.
G. ¿Paano namán ang pagkakaayawayaw na sinúsunód hinggíl sa tunóg
at lakás ng̃ mg̃a ting̃ig (ó vocal)?
N. Ganitó: a, o, e, i, u.
G. ¿Alín sa kanilá ang tinátawag na malalakás na ting̃ig (ó vocales
fuertes)?
N. Ang tatlóng náuuná ó kayâ’y ang a, o at e.
G. ¿Alín namán ang mahihinàng ting̃ig (ó vocales débiles)?
N. Ang dalawáng náhuhulí ó kayâ’y ang i at u.
TALABABÂAN
[9] Ang panutong itó’y sinipì ko sa matalinong kasapì sa “Samahán
ng̃ mg̃a Mánanagalóg” na si G. Eusebio Daluz, na siyáng kasang-ayon
ko sa palagáy ukol sa pagtanggáp ng̃ diptongo sa Wikàng Tagalog na
nagbubuhat sa mg̃a salitâng hirám.
Sa ganitóng pangyayari ay mápapawì namáng dî sásala ang ginagawâng
pagsising̃it ng̃ y sa mg̃a pang̃ung̃usap na hirám, paris sa
halimbawà ng̃ Diyós, Munisipiyo, Huliyo, atbp. ay dapat gawíng
ganitó: Dios, Munisipio, Hulio. Gayón din ang dapat másabi
hinggíl sa mg̃a salitâng sinising̃itan ng̃ w, gaya sa halimbawà
ng̃ huwebes, hesuwita, kuwento, kuwaderno, ay dapat gawíng
huebes, hesuita, kuento, kuaderno.
VII KABANATA
Sa mg̃a pang̃ung̃usap ó salitâ
GURÒ. ¿Anó ang pang̃ung̃usap ó salitâ?
NAG-AARAL. Alín mang tunóg, magíng isá itó at magíng marami man na
ibinibigkás ang isáng pagkukurò (ó idea) ay tinátawag na pang̃ung̃usap
ó salitâ.
G. ¿Iláng pantíg (ó sílaba) ang kailang̃an upáng bumuô ng̃ isáng
pang̃ung̃usap?
N. Mangyayaring magíng isá, dalawá ó ilán mang pantíg; hal.: ó,
alíw, salapî, pagsisisi.
G. ¿Anóanóng pamagát ang ikinakapit sa mg̃a salitâ sang-ayon sa
ginagawâng pagdidiín?
N. Ang mg̃a tinátawag na pabiglâ (ó aguda), pábanayad (ó grave),
pabagsák (ó esdrújula) at pásagitsít (ó sobresdrújula).
G. ¿Anó ang kahulugán ng̃ salitâng tinátawag na pabiglâ (ó aguda)?
N. Tinátawag na salitâng pabiglâ, yaóng idinidiín ang pagsasalitâ sa
hulíng pantíg; hal.: badyá, bagsák, bulíd, tamís, alíw,
taksíl, atbp.
G. Ang salitâng pábanayad (ó grave), ¿anó ang kátuturán?
N. Tinátawag na salitâng pábanayad yaóng idinidiín ang pagbigkás sa
ikalawáng hulí ng̃ pantíg; hal.: nayon, sabi, bayan, tao,
sulat, basa, atbp.
G. Ang salitâng pabagsák (ó esdrújula), ¿anó namán?
N. Yaóng pang̃ung̃usap na idinidiín ang pagsasalitâ sa ikatlóng hulí
ng̃ pantíg; hal.: úlirán, líbing̃an, típanan, atbp.
G. ¿At ang salitâng pásagitsít (ó sobresdrújula)?
N. Yaóng pang̃ung̃usap na idinidiín ang pagbigkás sa ikaapat, ikalimá,
ó ikailán mang hulí ng̃ pantíg; hal.: pátakarán, páhayagán,
mánanagalóg, mánanalaysáy.
VIII KABANATA
Ukol sa diín (ó acento prosódico)
GURÒ. ¿Anó ang tinátawag na diín (ó acento prosódico)?
NAG-AARAL. Ang biglâng pagbigkás ó kayâ’y ang pagdidiíng ginagawâ
sa gayó’t ganitóng ting̃ig ng̃ pantíg kung binibigkás ang isáng
salitâ ó pang̃ung̃usap.
G. ¿Anó namán ang tinátawag na kudlít (ó acento ortográfico)?
N. Tinátawag na kudlít ang tandâ na malimit gamitin sa pagsulat na
siyáng pinakasagisag ó larawan ng̃ gayóng pagdidiíng ginagawâ.
G. ¿Anó ang kaibahán ng̃ diín sa kudlít?
N. Na, ang diín ay siyáng ginágamit sa pagbigkás, at ang kudlít
ay sa pagsulat. Lahát halos ng̃ mg̃a salitâng nagtatagláy ng̃ kudlít
ay nagtatagláy rin namán ng̃ diín, hal.: sibád, tugtóg, tamís.
Ng̃unì’t ang salitâng may tagláy na diín, kadalasá’y walâng kudlít;
hal.: bahay, nayon, tao.
G. Ang pagdidiín sa mg̃a salitâ, ¿sa anó nabábahagi?
N. Gaya na ng̃ sinabi, ang mg̃a salitâ ay nabábahagi sa tinátawag
na pabiglâ ó pagbigkás na mariín sa hulíng pantíg, pábanayad
ó pagbigkás na mariín sa ikalawáng hulí ng̃ pantíg, pabagsák ó
pagdidiín sa ikatlóng hulí ng̃ pantíg, at pásagitsít ó pagdidiín
sa ikaapat ó ikalimáng hulí ng̃ pantíg.
G. ¿Mayroón bagáng mg̃a tuntuning sinúsunód ukol sa mg̃a salitâng
pabiglâ (ó aguda)?
N. Marami pò, at itóng mg̃a sumúsunód:
Una.--Ang mg̃a salitâng gaya ng̃ bulíd, sigíd, bayáw, sabík,
baníg, apí, bibíg, sapúl, tamís, mahál, tunóg, amá,
isá, gabí, iná, kapatíd, dalawá, halagá, at ibá’t ibá
pang gangganitó ay binibigkás na mariín sa hulíng pantíg.
Ikalawá.--Lahát halos ng̃ mg̃a salitâng wagás na tagalog na ang
katapusáng ting̃ig (ó vocal) ay pinang̃ung̃unahan ng̃ dalawáng
pangtinig (ó consonante), ay binibigkás na mariín sa hulíng pantíg;
hal.: biNLíd, biGKís, suBSób, buGTóng, yuPYóp, haGDán,
siKSík, aKYát, paTLáng, tuKLóng, tuDYó, tuKSó, linGGó,
baGSák, tuKTók, atbp.
Ikatló.--Ang mg̃a salitâng nátatapos sa iya, iyo, uwa, uwi,
may kasunód ó walâng pangtinig (ó consonante) ay dapat bigkasíng
mariín sa hulíng pantíg, hal.: tiyáp, liyó, buwán, buwíg,
atbp.
Ikaapat.--Lahát ng̃ mg̃a salitâng nagtatapós sa tambál na ting̃ig
(ó vocal) may kasunód ó walâng pangtinig (ó consonante) ay binibigkás
din ng̃ mariín; hal.: paá, tiím, diín, doón, loób, noó,
totoó, alapaáp, atbp.
Ikalimá.--Lahát ng̃ mg̃a salitâng gaya ng̃ ag-ág, ig-íg,
iw-íw, is-ís, al-ál, ang-áng, at ibá pang gangganitó, ay
binibigkás ding mariín ang hulíng pantíg; hal.: anag-ág, paig-íg,
aliw-íw, alis-ís, buhalhál, paang-áng.
Ikaanim.--Ang mg̃a salitâng nagtatapós sa ab ay binibigkás
na mariín sa hulíng pantíg, hal.: sukáb, salakáb, sabsáb,
lagabláb.[10]
G. ¿Alín namán ang mg̃a panutong sinúsunód ukol sa mg̃a salitâng
pábanayad (ó grave)?
N. Ang mg̃a sumúsunód:
Una.--Ang mg̃a salitâng gaya ng̃ simoy, sabi, basa, sulat,
tao, sisi, nayon, bayan, sulit, bahay, kasama,
karayom, at ibá pang gangganitó ay binibigkás na mariín sa ikalawáng
hulí ng̃ pantíg.
Ikalawá.--Lahát halos ng̃ mg̃a salitâng ugát na may dalawá ó
tatlóng pantíg, at ang mg̃a salitâng itó’y nagtatagláy sa katapusán
ng̃ kudlít na banayad (ó acento grave) ay binibigkás na mariín sa
ikalawáng hulí ng̃ pantíg; hal.: wikà, nasà, batì, lahì,
pusò, pakò, sariwà, timawà, lagarì, bighanì, pintuhò,
pang̃akò, atbp.
G. ¿Alín ang mg̃a tuntunin ukol sa mg̃a salitâng pabagsák (ó
esdrújula)?
N. Ang mg̃a tuntuning sumúsunód:
Una.--Ang mg̃a salitâng paris ng̃ bíhirà, dálitâ, káhimán,
kápitan, at ibá pang paris nitó ay binibigkás na mariín sa ikatlóng
hulí ng̃ pantíg.
Ikalawá.--Lahát halos ng̃ mg̃a salitâng ugát na may dalawáng pantíg
gaya ng̃ anás, bulóng, libíng, atbp. na mg̃a salitâng pabiglâ
ó mariín kung bigkasín sa hulíng pantíg at sa hulí’y dinagdagán ng̃
an ó han ay binibigkás na mariín sa ikatlóng hulí ng̃ pantíg,
hal.: ánasan, búlung̃an, líbing̃an, áliwan, búgtung̃an,
sígiran, lúksuhan, atbp.
Ikatló.--Ang ilán sa mg̃a salitâng ugát na may dalawáng pantíg
gaya ng̃ ibig, nais, sabi, bulíd, hiláw, mahál, atbp. na
pinang̃ung̃unahan ng̃ anyô (ó partícula) ma ó na ay binibigkás
ding mariín sa ikatlóng hulí ng̃ pantíg, hal.: máibig, mánais,
másabi, máhiláw, mámahál, mábulíd, másabi, máibig,
náturan, nábulong, nábasa, nákain, atbp.
Ikaapat.--Ang karamihan ng̃ mg̃a salitâng nagpapásimulâ sa ka
at nagtatapós sa an ó han gaya ng̃ katíbayan, kagáling̃an,
katípunan, kabánalan, kagándahan, kamáhalan, at ibá pang
gangganitó ay binibigkás ding mariín sa ikatlóng hulí ng̃ pantíg.
G. ¿Alín ang mg̃a panutong dapat sundín ukol sa mg̃a salitâng
pásagitsít (ó sobresdrújula)?
N. Ang mg̃a panutong sumúsunód:
Una.--Ang mg̃a salitâng gaya ng̃ súliranín, pátakarán,
mánunulát, paláisipán, palátuntunán, mánanagalóg,
mámamahayág, mánanalaysáy, atbp., ay binibigkás na mariín sa
ikaapat at ikalimáng hulí ng̃ pantíg.
Ikalawá.--Lahát halos ng̃ mg̃a salitâng ugát na may tatlóng pantíg
gaya ng̃ himagsík, sigalót, himutók, halakhák, atbp. na
mariín ang pagbigkás sa katapusáng pantíg at dinaragdagán sa hulí
ng̃ an ay dapat bigkasíng mariín sa ikaapat na hulí ng̃ pantíg;
hal.: hímagsikan, sígalutan, hímutukan, hálakhakan, atbp.
Ikatló.--Lahát halos ng̃ mg̃a salitâng ugát na may dalawáng
pantíg, gaya ng̃ lagpás, alíw, bigkís, bulóng, utos,
payo, atbp. na pinang̃ung̃unahan ng̃ pa at dinuduluhan ng̃ an
ó han ay binibigkás na mariín sa ikaapat na hulí ng̃ pantíg; hal.:
pálagpasán, páaliwán, pábigkisán, pábulung̃án, páutusan,
pápayuhan, atbp.
Ikaapat.--Ang mg̃a salitâng ugát na may tatlóng pantíg, gaya
ng̃ lagarì, dalirì, sariwà, atbp., na pinang̃ung̃unahan ng̃
ma ay binibigkás na mariín sa ikaapat na hulí ng̃ pantíg, hal.:
malagarì, madalirì, masariwà, atbp.
Ikalimá.--Ang mg̃a salitâng may dalawáng pantíg, gaya ng̃ hulí,
samâ, buti, wakás, linaw, at ibá pang pawàng gangganitó, na
may ka sa una at an ó han sa hulí at sakâ inúulit ang buông
pantíg ng̃ ugát, ay binibigkás ding mariín sa ikaanim na hulí ng̃
pantíg, hal.: káhulíhulihan, kásamâsamâán, kábutibutihan,
káwakáswakasan, kálinawlinawan, atbp.
TALABABÂAN
[10] Ang limáng tuntuning náuuná ng̃ mg̃a salitâng pabiglâ ay sinipì
ko kay G. Eusebio Daluz.
IX KABANATA
Tungkól sa paglilihim (ó sinalefa)
GURÒ. ¿Anó ang paglilihim (ó sinalefa)?
NAG-AARAL. Ang pag-áalís ng̃ isá ó iláng titik sa mg̃a pang̃ung̃usap
kailan ma’t naglalakip ang mg̃a itó.
G. ¿Kailán nangyayari ang paglilihim?
N. Ang paglilihim ay nangyayari sa mg̃a salitâng nagtatapós sa
ting̃ig (ó vocal) at sa mg̃a pangtinig (ó consonante) n at w,
kailan ma’t ang sumúsunód dito’y ang pangbigkís (ó conjunción) at
at ang pang-anib (ó ligazón) ay.
G. ¿Sa iláng tuntunin (ó regla) nábubuô ang paglilihim?
N. Sa dalawá, at itóng mg̃a sumúsunód:
Una.--Pagkâ ang isáng pang̃ung̃usap ay nagtatapós sa ting̃ig (ó
vocal) ó kayâ’y sa pangtinig na w at ang sumúsunód dito’y ang
pangbigkís at ó ng̃ pang-anib ay, ay maáarìng alisín ang a sa
at ó ay, pag-áalís na kailang̃ang pagitnâan ng̃ isáng panandâ
(ó apóstrofo) upáng mákilala ang paglilihim.
MG̃A HALIMBAWÀ
Amá’t iná Amá at iná.
Lalaki’t babae Lalaki at babae.
Sampagita’t kampupot Sampagita at kampupot.
Akó’y tao Akó ay tao.
Siyá’y marang̃ál Siyá ay marang̃ál.
Itó’y magandá Itó ay magandá.
Ikáw’t akó Ikáw at akó.
Araw’t gabí Araw at gabí.
Ikáw’y marunong Ikáw ay marunong.
Ang ilaw’y maning̃as Ang ilaw ay maning̃as.
Ikalawá.--Lahát ng̃ pang̃ung̃usap na nagtatapós sa n, at itó’y
sumúsunód sa at ó ay ay maáarìng alisín ang násabing n, sakâ
ang a sa ay ó at, na, kailang̃ang pagitnâan lamang ng̃ isáng
panandâ (ó apóstrofo).
MG̃A HALIMBAWÀ
Baya’t Pámahalàán Bayan at Pámahalàán.
Silang̃a’t Kanluran Silang̃an at Kanluran.
Pang̃inoó’t Alipin Pang̃inoón at Alipin.
Ang baya’y harì Ang bayan ay harì.
Itóng halama’y malusóg Itóng halaman ay malusóg.
Ang katwira’y likô Ang katwiran ay likô.
G. ¿Sinúsunód bagá ang paglilihim sa tuwîtuwî na?
N. Hindî pò: ang paglilihim ay lubhâng malayà: maáarìng sundín ng̃
isáng sumusulat at maáarì namáng huwág sang-ayon sa kanyáng káibigán.
X KABANATA
Hinggíl sa mg̃a pang-anib (ó ligazón)
GURÒ. ¿Anó ang pang-anib (ó ligazón)?
NAG-AARAL. Tinátawag na pang-anib, ang iláng titik ó anyô (partícula)
na siyáng naglalakip sa mg̃a pang̃ung̃usap na magkahiwaláy.
G. ¿Bakit ginagawâ ang ganitóng paglalakip?
N. Nang magkaroón ng̃ magandáng tunóg, lambíng at tamís ang mg̃a
salitâ natin.
G. ¿Ilán ang mg̃a pang-anib sa tagalog?
N. Apat, at ganitó ang pagkakasunódsunód: g, ng, na, ay.
G. ¿Kailán dapat gamitin ang g?
N. Dapat gamitin ang g kailan ma’t ibig paglakipin ang salitâng
nagtatapós sa n sa pang̃ung̃usap na sumúsunód.
MG̃A HALIMBAWÀ
Bayan dakilà Bayan_g_ dakilà
Kundiman marikít Kundiman_g_ marikít
Samahán Taga-ilog Samahán_g_ Taga-ilog
G. ¿Saán ginágamit ang ng?
N. Sa salitâng nagtatapós sa ting̃ig (ó vocal) na ibig ilakip sa
pang̃ung̃usap na sumúsunód.
MG̃A HALIMBAWÀ
Magandá babae Magandáng babae.
Dakilà Mithî Dakilàng Mithî.
Noó maaliwalas Noóng maaliwalas.
Paá malakí Paáng malakí.
G. ¿Saáng gamit ang na?
N. Ang na ay siyáng gamit kung ibig paglakipin ang salitâng
nagtatapós sa pangtinig (ó consonante) na hindî n sa kapwà salitâng
sumúsunód.
MG̃A HALIMBAWÀ
Lang̃it mataás Lang̃it na mataás.
Ilog mababaw Ilog na mababaw.
Bundók matarík Bundók na matarík.
G. ¿Saáng gamit namán ang ay?
N. Ang ay ay siyáng naglalakip sa ng̃alang pangtukoy (ó nominativo
de persona) sa salitâng sa kanyá’y sumúsunód na nagbabadyá ng̃
kalagayan.
MG̃A HALIMBAWÀ
Si Bathalà marunong Si Bathalà ay marunong.
Ang tao tao Ang tao ay tao.
Si Kikò dukhâ Si Kikò ay dukhâ.
IKALAWÁNG BAHAGI
Pagkilala ó Analogía
I KABANATA
Ang Pagkilala at ang kaniyáng sakláw
GURÒ. ¿Anó ang kahulugán ng̃ Pagkilala (ó Analogía)?
NAG-AARAL. Ang bahagi ng̃ Balarilà na nagtuturò’t nagpapakilala ng̃
káhalagahán at tungkulin ng̃ mg̃a pang̃ung̃usap, tagláy ang kaniyáng
pagkakabagobago at ang sariling kátuturán.
G. ¿Anó ang pang̃ung̃usap ó salitâ?
N. Isáng tunóg, ó kayâ’y kabuùan ng̃ mg̃a tunóg na ibinibigkás natin
ang isáng pagkukurò.
G. ¿Anó ang tinátawag na kaisipán (ó oración) sa urì ng̃ Balarilà?
N. Ang dalawá ó ang paglalakiplakip ng̃ mg̃a salitâ na nagbabadyá
ng̃ isáng ganáp na pagkukurò ó ang nagtatagláy ng̃ isáng hustóng
kahulugán. Halimbawà: Akó’y susulat; siyá’y bumabasa; _silá’y
nag-áaral ng̃ Balarilà_.
G. ¿Ilán ang mg̃a bahaging sakláw ng̃ kaisipán?
N. Sa Wikàng Tagalog ay siyám lamang: pang-akbáy (ó artículo),
pangdiwà (ó sustantivo), pangturing (ó adjetivo), pangtayô
(ó pronombre), pangwatas (ó verbo), pangbago (ó adverbio),
pang-ukol (ó preposición), pangbigkís (ó conjunción) at
pangdamdám (ó interjección).
G. ¿Paano ang pagkakabagong nangyayari sa mg̃a bahaging itó ng̃
kaisipán?
N. Ang mg̃a itó’y nagkakábagobago sa pamamagitan ng̃ dalawáng
pang̃ulong kátawagán: magbaling (ó declinar) at magbaybáy (ó
conjugar).
G. ¿Anó ang kahulugán ng̃ magbaling?
N. Dalhín sa ibá’t ibáng lagáy (ó caso) ang mg̃a salitâng
pinagbábaling.
G. ¿Alín ang mg̃a salitâng pinagbábaling?
N. Ang pang-akbáy, ang pangdiwà, ang pangturing at ang
pangtayô.
G. ¿Anó namán ang kátuturán ng̃ magbaybáy?
N. Ilagáy sa ibá’t ibáng ayos (ó modo), panahón (ó tiempo), bilang
(ó número) at katawán (ó persona), ó kayâ’y ang pagkakabagobagong
nangyayari sa mg̃a salitâng binabaybáy.
G. ¿Alín ang mg̃a salitâng binabaybáy?
N. Ang tang̃ìng binabaybáy ay ang salitâng pangwatas; ng̃unì’t dapat
alamíng sa Wikàng Tagalog ang alín mang pangkát ó bahagi ng̃ kaisipán,
lalòng lalò na ang pangdiwà, pangturing, pangbago at pangtayô ay
maáarìng gawíng pangwatas at baybayín sa pamamagitan ng̃ tulong ng̃
ibá’t ibáng anyô (ó partícula). Lalòng maliliwanagan ang bagay na
itó pagsapit sa kanyáng kinaúukulan.
G. ¿Alín ang mg̃a salitâng hindî nátitinag (ó invariables)?
N. Ang mg̃a salitâng mahirap ó talagáng hindî maáarìng baguhin ay ang
pang-ukol (ó preposición), pangbigkís (ó conjunción) at pangdamdám
(ó interjección).
G. ¿Anó ang dapat mákilala ukol sa mg̃a salitâng pinagbábaling?
N. Sa mg̃a salitâng pinagbábaling ay dapat mákilala ang kiyás (ó
género), ang bilang (ó número) at ang lagáy (ó caso).
G. ¿Anó ang tinátawag na kiyás (ó género)?
N. Tinátawag na kiyás ang pagbabagong nangyayari sa Balarilà upáng
matalastás kung ang isáng pang̃alan ng̃ tao, hayop ó bagay ay
tumutukoy sa lalaki ó sa babae ó sa bagay.
G. ¿Mayroóng ilán ang kiyás sa ating wikà?
N. Tatló: Kiyás lalaki (ó género masculino), kiyás babae (ó
género femenino) at kiyás sa bagay (ó género neutro).
G. ¿Anó ang kiyás lalaki?
N. Ang náuukol sa mg̃a pang̃alan ng̃ tao ó hayop na ang kahulugá’y
nahihinggíl ó náuuwî sa kalálakihan, hal.: Huan, amá, binatà.
G. ¿Anó namán ang kiyás babae?
N. Ang tumutukoy sa mg̃a pang̃alan ng̃ tao ó hayop na ang kátuturá’y
náuukol sa kabábaihan, hal.: Huana, iná, dalaga, binibini.
G. ¿Anó ang kiyás sa bagay?
N. Ang náuukol sa mg̃a ng̃alan ng̃ bagay na hindî kiyás lalaki ni
kiyás babae, gaya ng̃ aklát, panulat, bulaklák, kahoy, bahay,
tubig, atbp.
G. ¿Anó ang tinátawag na bilang (ó número)?
N. Tinátawag na bilang ang pagbabagong nangyayari sa Balarilà upáng
mákilala kung ang isáng salitâ ay náuukol sa íisá ó maraming tao,
hayop ó bagay.
G. ¿Mayroóng ilán ang bilang?
N. Dalawá: bilang na íisá (ó número singular) at _bilang na dalawá
ó marami_ (ó número plural). Bilang na íisá, ang tumutukoy sa
pang̃alan ng̃ isáng tao, hayop ó bagay, hal.: bahay, aklát,
panulat. Bilang na dalawá ó marami, ang tumutukoy sa pang̃alan
ng̃ dalawá ó maraming tao, hayop ó bagay, hal.: mg̃a bahay, _mg̃a
aklát_, mg̃a panulat.
G. ¿Anó ang tinátawag na lagáy (ó caso)?
N. Ang kalagayan at mg̃a pangyayari na, matatagpùán sa kaisipán ang
isáng salitâng pinagbábaling hinggíl sa kapwà salitâ.
G. ¿Paano ang pagpapákilala ng̃ ganyáng kalagayan at mg̃a pangyayari?
N. Sa ating wikà’y sa pamamagitan ng̃ mg̃a pang-akbáy (ó artículo)
at mg̃a pang-ukol (ó preposición).
G. ¿Ilán ang mg̃a lagáy sa Wikàng Tagalog?
N. Tatló lamang ang sa kasalukuya’y ginágamit: pangtukoy (ó
nominativo), pang-arì (ó genitivo) at panglayon (ó acusativo).
G. ¿Anó ang tungkulin ng̃ pangtukoy (ó nominativo)?
N. Tukuyin ang pang̃ulo (ó sujeto) na siyáng nagbibigáy ng̃ kahulugán
sa pangwatas (ó verbo), hal.: Si Pedro, siná María.
G. ¿Anó ang kahulugán ng̃ pang-arì (ó genitivo)?
N. Ang náuukol sa pag-áarì, ó ang tumutukoy sa bagay na itó, hal.:
Ang aklát ni Lucio; ang kay Kikòng panulat.
G. ¿Anó ang kátuturán ng̃ panglayon (ó acusativo)?
N. Ang tumutukoy sa ng̃alan ng̃ tao ó bagay na siyáng tinutung̃o ó
nilálayon ng̃ pangwatas, hal.: Paroón ka kay Ricardo; _maglakbáy
tayo sa Bulakán_.
II KABANATA
Salitâng Pang-akbáy (ó Artículo)
GURÒ. ¿Anó ang kahulugán ng̃ salitâng pang-akbáy?
NAG-AARAL. Ang pang-akbáy ay isáng pangkát ó bahagi ng̃ kaisipán
(ó oración) na siyáng ipinang̃ung̃una ó ipinang-áakbáy sa salitâng
pangdiwà (ó sustantivo) at pangturing (ó adjetivo) upáng mákilala
ang kanyáng lagáy (ó caso) at bilang (ó número). Kung minsa’y
ipinang-áakbáy rin sa ibá pang pangkát ng̃ kaisipán.
G. ¿Ilán sa tagalog ang mg̃a salitâng pang-akbáy?
N. Dalawá lamang: si at ang.
G. ¿Anó ang kátawagáng dapat ikapit sa dalawáng itó upáng sa paggamit
ay magkabukód?
N. Ang si ay dapat pang̃anláng _pang-akbáy sa mg̃a ng̃alan ng̃
tao_ at ang ang ay pang-akbáy sa mg̃a ng̃alan ng̃ bagay.
G. ¿Bakit ang si ay ng̃inanláng pang-akbáy sa mg̃a ng̃alan ng̃ tao?
N. Ng̃inanláng ganitó sapagkâ’t siyáng iniúuna ó iniáakbáy sa mg̃a
pang̃alan ng̃ tao, ó kayâ’y sa mg̃a hayop ó bagay na ang kahulugá’y
náuukol sa tao.
G. ¿Bakit ng̃inanláng pang-akbáy sa mg̃a ng̃alan ng̃ bagay ang ang?
N. Ng̃inanláng ganitó sapagkâ’t siyáng inaakbáy sa mg̃a karaniwang
pang̃alan ng̃ anó mang bagay ó hayop.
PANG-AKBÁY SA MG̃A NG̃ALAN NG̃ TAO
G. ¿Saánsaán dapat iakbáy ang pang-akbáy na si?
N. Sa mg̃a tuntuning sumúsunód:
Una.--Sa pang̃alan ng̃ tao, kailan ma’t itó’y na sa lagáy na
pangtukoy (ó caso nominativo), hal.: Si Huan, si Yayang, _si
Mameng_, si Neneng.
Ikalawá.--Sa anó mang pang̃alan ng̃ hayop ó bagay kayâ, kailan
ma’t itó’y ing̃inang̃alan sa tao ó ang kahulugá’y dito náuuwî, hal.:
Si Lumpó, si Bulág, si Bubuyog, si Galit, si Sampalok,
si Katuray.
Ikatló.--Sa alín mang pamagát ng̃ kathâ ó dulâ kailan ma’t tinutukoy
ang kumathâ, hal.: Si Banaag at Sikat, si Pinaglahuan, _si Walâng
Sugat_.
Ikapat.--Sa anó mang ng̃alan ng̃ katungkulan kailan ma’t binabanggít
sa kasunód ang pang̃alan ng̃ táong may tungkulin, hal.: _Si Speaker
Osmeña_, si Kinatawáng Quezón, si Profesor Blumentritt, _si
Gobernador Santos_.
Ikalimá.--Sa mg̃a pang̃alang itinátawag sa mg̃a magulang at kapatíd,
kalahì at katoto, hal.: Si tatay, si nanay, si kaka, si kuya,
si kababayan, si kaibigan. Gayón din sa mg̃a ng̃alang itinátawag
sa mg̃a kamag-anak, ng̃unì’t tang̃ìng mangyayari ang ganitó kailan
ma’t na sa mg̃a salitâng hirám, hal.: Si tio, si primo, _si
kumare_, si kumpare.
G. ¿Kung ibig tumukoy sa dalawá ó marami, ¿anó ang dapat gamitin?
N. Dapat gamitin ang siná, na nanggaling sa pang-akbáy na si
at dinagdagán ng̃ na, kailan ma’t ibig tumukoy sa dalawá ó
maraming tao, hal.: Siná Milíng, siná Teroy. Sa mg̃a salitâng
itó’y mapagtatantô na si Milíng ó si Teroy ay may mg̃a kasamaháng
akiakibat magíng sa pamamahay, sa paglalarô, sa paglíliwalíw ó sa
paghahanap-buhay.
G. ¿Paano ang pagtukoy sa bilang na dalawá ó marami sa mg̃a pang̃alan
ng̃ tao?
N. Ang pang̃alang angkín ng̃ isáng tao ay hindî maáarìng ilagáy sa
bilang na dalawá ó marami (ó número plural) kailan ma’t tumutukoy sa
sarili lamang niyáng pagkatao. Ng̃unì’t kung ang pang̃alang nátura’y
tumutukoy sa kalahatán ó karamihan ay maáarìng ilagáy sa bilang na
dalawá ó marami, at sa ganitó’y dî dapat gamitin ang siná kundî
ang mg̃a na siyáng ginágamit sa mg̃a bagay; hal.: Ang mg̃a Pedro,
ang mg̃a Karlos, ibig sabihin sa makatwíd ang mg̃a tinátawag na
Pedro ó ang mg̃a nang̃áng̃alang Karlos.
G. ¿Paano ang pagbábaling (ó declinación) ng̃ pang-akbáy na si?
N. Gaya ng̃ sumúsunód:
PAGBÁBALING NG̃ PANG-AKBÁY NA SI
Bilang na íisá Bilang na dalawá ó marami
Pangtukoy Si Pangtukoy Siná
Pang-arì { Ni Pang-arì { Niná
{ Kay { Kiná ó kaná
Panglayon { Kay Panglayon { Kiná ó kaná
{ Ni { Niná
G. ¿Kailán dapat gamitin ang na sa lagáy na pangtukoy?
N. Ginágamit ang si sa bilang na íisá at siná sa dalawá ó marami
kailan ma’t tinutukoy ang pang̃alan ng̃ tao, hal.: Si Kulás, kung
siyá lamang, at siná Kulás kung may ibá pang kasama ó akibat.
G. ¿Kailán ginágamit ang na sa lagáy na pang-arì?
N. Ginágamit ang ni sa íisá at niná sa dalawá ó marami kailan
ma’t ang bagay na ináarì ó sangkáp ay unang nábabanggít kay sa may
arì ó kinasasangkapán, hal.: ang aklát ni Lucio, _ang bahay niná
Enchang_. Kung ang may arì ó kinasasangkapán ay siyáng unang nátutukoy
kay sa ináarì ó sangkáp ay dapat gamitin ang kay sa íisá at kiná
sa dalawá ó marami, hal.: Ang kay Luciong aklát, _ang kiná ó kaná
Enchang na bahay_.
G. ¿Kailán ginágamit ang na sa panglayon?
N. Ginágamit ang kay sa íisá at ang kiná sa dalawá ó marami,
kailan ma’t nagpapakilala ng̃ layon ó anó mang bagay na ninanasà,
hal.: Dumalaw siyá kay Lukas; paroón tayo kiná ó kaná Yoyong.
Kung nagpapakilala ng̃ kung sino ang may gawâ ng̃ isáng bagay, ó may
akdâ ng̃ aklát ó may likhâ ng̃ anó man ay dapat gamitin ang ni sa
íisá at niná sa dalawá ó marami, hal.: _Sinulat ni Diego itóng
aklát_, ang bangkâ’y ginawâ niná Binong.
G. ¿Kailán hindî dapat gamitan ng̃ pang-akbáy ang pang̃alan ng̃ tao?
N. Hindî ng̃â dapat gamitan kailan ma’t binabanggít sa pagtawag,
pag-úutos ó pakikisuyo, hal.: Emong, halika; Lakad na, Tinoy;
Teban, pakiabot mo ng̃â ang batiyâ.
G. ¿Dapat bang lagyán ng̃ pang-akbáy ang bawà’t isá kung nagkakasunódsunód
ang dalawá ó maraming pang̃alan ng̃ tao?
N. Kung magkakásunódsunód ang dalawá ó maraming ng̃alan ay dapat
akbayán ng̃ si ang bawà’t isá lalòng lalò na kung binibilang ó
tinutukoy na isáisá, hal.: _Si Pedro, si Karlos at si Fidel ay
paraparang mabuti_.
PANG-AKBÁY SA MG̃A NG̃ALAN NG̃ BAGAY
G. ¿Saánsaán dapat iakbáy ang pang-akbáy na ang?
N. Dapat iakbáy sa mg̃a panutong sumúsunód:
Una.--Sa karaniwang pang̃alan ng̃ anó mang bagay, hal.: ang bayan,
ang tao, ang araw, ang hayop, ang tubig, ang talulót.
Ikalawá.--Ang pamagát ng̃ mg̃a bansá, bayan, lálawigan, nayon,
lansang̃an, at mg̃a poók ay karaniwan ng̃ akbayán ng̃ ang; hal.:
Ang Pilipinas, ang Amérika, ang Bulakán, ang Sampalok, _ang
Eskolta_, atbp.
Ikatló.--Ang pamagát ng̃ mg̃a kapisanan, samahán ó simbahan kailan
ma’t ibig banggitín, hal.: Ang Taga-Ilog, ang Katubusan, _ang
Katimawan_, ang Paraluman, ang Katedral.
Ikaapat.--Ang pamagát ng̃ mg̃a aklát ng̃ karunung̃an ó ng̃ mg̃a
kathâng kasaysayan kailan ma’t binabanggít, hal.: ang Gramátiká,
ang Pilosopía, ang Noli me tángere.
Ikalimá.--Ang pang̃alan ng̃ mg̃a araw sa buông isáng linggó at
ng̃ mg̃a buwán, kailan ma’t ibig banggitín, hal.: ang martés, _ang
huebes_, ang Agosto, ang Disiembre.
Ikaanim.--Ang pang̃alan ng̃ mg̃a katungkulan kailan ma’t itó’y
binabanggít, hal.: Ang Komisionado, ang Kinatawán. Kung may
kasunód na pang̃alan ng̃ tao ay inaakbayán din ng̃ ang, bagamá’t
maáarì rin ang si, hal.: Ang Komisionado Palma, ó _si Komisionado
Palma_; ang Hukóm Araullo, ó si Hukóm Araullo.
Ikapitó.--Ang pang̃alan ng̃ tao, kailan ma’t sinusundán ng̃ itó,
iyán, yaón, ó kayâ’y kung tinutuntóng mabuti, hal.: _Ang Yoyong
na itó_, ang Huséng yaón.
Ikawaló.--Iniáakbáy rin sa mg̃a pangwatas (ó verbo), hal.: _Ang
binabasa ni Pedro_, ang kinakain ni Mente, ang sinusulat ni Huan.
G. ¿Anó ang dapat gamitin kung ibig tumukoy sa bilang na dalawá ó
marami?
N. Ang pang-akbáy na ang ay dapat sundán ng̃ mg̃a kailan ma’t
tumutukoy sa bilang na dalawá ó marami (número plural) na siyáng sa
bagay na itó’y tang̃ìng ginágamit sa ating wikà, hal.: ang tao,
kung íisá ang binabanggít; at ang mg̃a tao kung bumabanggít sa
dalawá ó marami.
G. Ang dalawá ó maraming pang̃alan ng̃ bagay na nagkakasunódsunód,
¿dapat bang akbayán ng̃ ang ang bawà’t isá?
N. Kung iniisáisá ang pagbanggít sa hang̃ád na bilang̃in ó luminaw
kayâ, ay dapat pang̃unahan ng̃ ang ang bawà’t isáng pang̃alan ng̃
bagay, hal.: _Ang matá, ang ilóng at ang taing̃a ay maháhalagáng
sangkáp ng̃ katawán ng̃ tao_; _ang ilog at ang dagat ay kapuwà
tubig_. Ng̃unì’t kung sa isáng kaisipán ay nagkakasunódsunód ang
dalawá ó maraming pangdiwà (ó sustantivo) at dî lubhâng nililinaw
ang pagbanggít ay dî dapat akbayáng isáisá ng̃ ang kundî ang una
lamang, hal.: _ang masasarap na manggá, lansones, santól at mabulo
ay tang̃ìng halaman sa Pilipinas_.
G. ¿Paano namán ang pagbábaling (ó declinación) ng̃ pang-akbáy
na ang?
N. Gaya nitóng sumúsunód:
PAGBÁBALING NG̃ PANG-AKBÁY NA ANG
Bilang na íisá Bilang na dalawá ó marami
Pangtukoy Ang Pangtukoy Ang mg̃a
Pang-arì { Ng̃ Pang-arì { Ng̃ mg̃a
{ Sa { Sa mg̃a
Panglayon { Sa Panglayon { Sa mg̃a
{ Ng̃ { Ng̃ mg̃a
G. ¿Kailán dapat gamitin ang na sa lagáy na pangtukoy?
N. Dapat gamitin ang ang sa íisá at ang mg̃a sa dalawá ó marami
kailan ma’t tinutukoy ang pang̃alan ng̃ bagay, hal.: ang bayan
kung bumabanggít sa íisá at ang mg̃a bayan kung dalawá ó marami
ang ibig tukuyin.
G. ¿Kailán ginágamit ang na sa lagáy na pang-arì?
N. Sa íisá’y ginágamit ang ng̃ at ng̃ mg̃a sa dalawá ó marami,
kailan ma’t ang bagay na ináarì ó sangkáp ay unang nábabanggít kay sa
may arì ó kinasasangkapán, hal.: ang panitik ng̃ mánunulát, _ang
ulo ng̃ sanggól_, ang mg̃a bulaklák ng̃ dalaga. Kung ang may arì
ó kinasasangkapán ay siyáng unang nátutukoy kay sa bagay na ináarì
ó sangkáp ay dapat gamitin ang sa sa íisá at sa mg̃a sa dalawá
ó marami, hal.: ang sa mánunulát na panitik, _ang sa sanggól na
ulo_, ang sa dalagang mg̃a bulaklák.
G. ¿Kailán namán ginágamit ang na sa panglayon?
N. Ginágamit ang sa sa íisá at sa mg̃a kung dalawá ó marami kailan
ma’t nagpapahiwatig ng̃ lugál, nasà ó anó mang bagay na náuukol
dito, hal.: Maglalakbáy siyá sa Mindanáw, _umanib tayo sa mg̃a
kalahì_. Kung nagpapahayag namán nang kung sino ang gumawâ, kumathâ
ó lumikhâ ng̃ anó mang bagay ay ginágamit ang ng̃ sa íisá at _ng̃
mg̃a_ sa dalawá ó marami, hal.: Ang aklát ay niyarì ng̃ limbagan,
ang lansang̃a’y ginawâ ng̃ mg̃a tao.
III KABANATA
Salitâng Pangdiwà (ó Sustantivo)
GURÒ. ¿Anó ang kahulugán ng̃ salitâng pangdiwà?
NAG-AARAL. Salitâng pangdiwà, ang bahagi ó pangkát ng̃ kaisipán na
tumutukoy ó nagpapakilala ng̃ mg̃a pang̃alan ng̃ tao, hayop ó bagay
sang-ayon sa kanyáng kalikasán, diwà ó halagá; hal.: Bahay, tubig,
dagat, Pedro, Bulakán. Dapat mabatíd na ang pangdiwà ay maáarìng
lumagáy ó lumagì sa kaisipán sa kanyáng sarili lamang, at dahil dito
kung kayâ ikinapit ang ganyáng pamagát.
G. ¿Alín ang pang̃ulong bahagi ng̃ pangdiwà?
N. Ang dalawáng itó: pangdiwà sa bagay at pangdiwà sa tao.
G. ¿Anó ang pangdiwà sa bagay?
N. Ang náuukol sa madlâng pang̃alan ng̃ tao, hayop ó bagay na
karaniwan na tumutukoy sa íisáng panig ó hugis, hal.: tao, pusà,
ilog, mg̃a pang̃alang bumabanggít sa lahát ng̃ tao, sa lahát ng̃
pusà at sa lahát ng̃ ilog.
G. ¿Anó namán ang pangdiwà sa tao?
N. Ang náuukol sa tiyák na pang̃alan ng̃ tao, hayop ó bagay upáng
mápaibá ó huwág mápalahók sa ibáng pang̃alang tumutukoy rin sa
kanyáng panig ó hugis, hal.: Maynilà, Ricardo, Bagumbayan,
mg̃a pamagát na bumabanggít sa isáng bayan, sa isáng tao at sa isáng
daán ó lansang̃an.
G. ¿Anó ang dapat matantô ukol sa salitâng pangdiwà?
N. Na, sa Wikàng Tagalog, ang pangdiwà’y hindî pabagobago sa kiyás
(ó género), hal.: áso, pusà, kabayo, mg̃a salitâng hindî matiyák
kung ásong lalaki ó pusàng babae, ó anó man.
G. ¿Pano ang dapat gawín upáng matiyák ang kiyás ng̃ pang̃alan ng̃
isáng tao ó hayop?
N. Ang mg̃a pang̃alang tumutukoy sa tao ó hayop ay dapat dagdagán
ng̃ lalaki kung sa kiyás na itó bumabanggít at babae kung dito
namán náuukol, upáng mákilala ang tagláy na kiyás ng̃ isá’t isá;
hal.: sa batà, batàng lalaki, kung itó ang nais tukuyin, sa pusà,
pusàng babae, kung itó namán ang ibig banggitín.
G. ¿Mayroón kayâ sa ating wikà ng̃ mg̃a salitâ ó pang̃alan na sa
kaniyáng sarili’y tumutukoy sa lalaki ó sa babae, kahì’t na ang mg̃a
itó’y hindî idagdág?
N. Mayroón pò, bagamá’t ang mg̃a salitâng itó’y kákauntî, hal.:
amá, na sa lalaki tumutukoy, at iná sa babae namán, amaín at
ali, binatà at dalaga, bagongtao at binibini, at ibá pa.
G. ¿Anó ang dapat mabatíd ukol sa mg̃a ng̃alan ng̃ tao?
N. Ang mg̃a ng̃alan ng̃ tao na ng̃ayó’y kasalukuyang ginágamit
natin, palibhasà’y hirám sa wikàng kastilà ay may sariling kiyás na
tagláy, sa makatuwíd bagá’y ang isáng ng̃alan ay nauúnawàan agád
kung nahihinggíl sa lalaki ó sa babae; hal.: Claro ó Clara, Domingo
ó Dominga, Pascual ó Pascuala.
G. ¿Paano ang paglalagáy sa bilang na dalawá ó marami (ó número
plural) ng̃ mg̃a salitâng pangdiwà?
N. Sa dalawáng kaparaanán:
Una.--Kung pangdiwàng dalisay (ó simple) ay sa pamamagitan ng̃
mg̃a, hal.: mg̃a tao, mg̃a bahay, mg̃a hayop, mg̃a bulaklák.
Ikalawá.--Ang isáng pangdiwàng mayhalò na nagbuhat sa mag ay
inúulit ang unang pantíg ng̃ ugát, hal.: mag-iná, mag-amá, magbayáw,
ay ginagawâng mag-íiná, mag-áamá, magbábayáw, kung tumutukoy sa
dalawá ó marami.
G. ¿Paano ang pagbábaling sa salitâng pangdiwà?
N. Sa pamamagitan ng̃ mg̃a pang-akbáy na si at ang at ang
kaníkanyáng sinásakláw. Náitó ang mg̃a halimbawà:
PAGBÁBALING NG̃ PANGDIWÀ
SA NG̃ALAN NG̃ TAO
Bilang na íisá Bilang na dalawá ó marami
Pangtukoy Si Lucio. Pangtukoy Siná Lucio.
Pang-arì { Ni Lucio. Pang-arì { Niná Lucio.
{ Kay Lucio. { Kiná ó kaná Lucio.
Panglayon { Kay Lucio. Panglayon { Kiná ó kaná Lucio.
{ Ni Lucio. { Niná Lucio.
SA NG̃ALAN NG̃ BAGAY
Bilang na íisá Bilang na dalawá ó marami
Pangtukoy Ang aklát. Pangtukoy Ang mg̃a aklát.
Pang-arì { Ng̃ aklát. Pang-arì { Ng̃ mg̃a aklát.
{ Sa aklát. { Sa mg̃a aklát.
Panglayon { Sa aklát. Panglayon { Sa mg̃a aklát.
{ Ng̃ aklát. { Ng̃ mg̃a aklát.
UKOL SA ILÁNG BAHAGI NG̃ PANGDIWÀ
G. ¿Sa anó pa nabábahagi ang salitâng pangdiwà?
N. Sa tinátawag na dalisay (ó simple) at mayhalò (ó compuesto).[11]
Tinátawag na dalisay ang salitâng walâng idinaragdág na anó man sa
kanyáng pagigíng salitâ ó kayâ’y ang salitâng tinátawag na ugát, hal.:
sanggól, bahay, kahoy, banál. Tinátawag na mayhalò ang salitâng
dalisay ó ugát na dinagdagán ng̃ anó mang anyô (ó partícula) magíng
sa una ó hulihán kayâ, hal.: kabatàan, kabuhayan, kasalo, pabang̃ó,
pag-ibig, pag-asa, atbp.
G. ¿Paano ang mg̃a kaparaanáng ginagawâ nang ang salitâng dalisay
ay magíng salitâng mayhalò?
N. Sa mg̃a paraáng sumúsunód:
Una.--Lahát halos ng̃ mg̃a salitâng dalisay ó ugát na inangkapán ng̃
ka at sinugpung̃án ng̃ an ó han sang-ayon sa mg̃a pangyayari,
hal.: buhay, bayan, batà, gandá, buti, linis, atbp. ay nagigíng
kabuhayan, kabayanan, kabatàan, kagandahan, kabutihan, kalinisan.
Ikalawá.--Ang mg̃a salitâng dalisay ó ugát na inangkapán ng̃ ka
ay nagigíng mayhalò, na, ang kahulugá’y náuuwî sa may akibat ó may
kasama ó may kaakbáy, hal.: salo, sunò, sama, sabáy, piling, sakáy,
larô, tulong, atbp. ay nagigíng kasalo, kasunò, kasama, kasabáy,
kapiling, kasakáy, kalarô, katulong. Dapat alamíng ang mg̃a itó’y
nagbabadyá lamang ng̃ isá sa mg̃a kasama, akibat ó kaakbáy, at kung
ibig magsulit ng̃ dalawá ay kailang̃ang angkapán pa ng̃ anyông
mag, hal.: magkasalo, magkasunò, magkasama, magkasabáy, atbp. Kung
nagbabadyá namán ng̃ karamihan ay dapat ulitin ang unang dalawáng
pantíg ng̃ ugát, hal.: magkasalosalo, magkasamasama, magkasabaysabáy,
atbp.
Ikatló.--Ang mg̃a salitâng dalisay na maáarìng gawíng pangwatas
ay nagigíng mayhalò kung angkapán ng̃ anyông pa, hal.: sa dusa
ay parusa, sa bang̃ó ay pabang̃ó, sa hiyás ay pahiyás, sa utang ay
pautang, sa mana ay pamana, atbp.
Ikaapat.--Ang mg̃a salitâng dalisay na bumabanggít sa ng̃alan ng̃
mg̃a kamag-anak na inangkapán ng̃ anyông mag ay nagigíng mayhalò
na ang kahulugá’y tumutukoy sa dalawá, hal.: amá, iná, bayáw,
asawa, pinsan, anák, atbp. ay nagigíng mag-amá, mag-iná, magbayáw,
mag-asawa, magpinsan, mag-anák. Kung nais tumukoy sa tatló ó marami ay
dapat ulitin ang unang pantíg ng̃ salitâng dalisay, hal.: mag-áamá,
mag-íiná, magbábayáw, magpípinsan, atbp.
Ikalimá.--Ang mg̃a salitâng dalisay na nagbabadyá ng̃ anó man na
angkapán ng̃ pinaka ay nagigíng mayhalò na ang kahulugá’y ang
bagay na humahalili, hal.: tao, hayop, walís, tinapay, tubig,
magulang, iná, amá, alilà, atbp. ay nagigíng pinakatao, pinakahayop,
pinakawalís, pinakatubig, pinakaanó, pinakaalilà, atbp.
Ikaanim.--Ang mg̃a dalisay na tumutukoy din sa mg̃a ng̃alan ng̃ mg̃a
kamag-anak ay nagigíng mayhalò kailan ma’t inangkapán ó sining̃itan
ng̃ anyông in at inulit ang kanyáng unang pantíg, na ang kahulugá’y
ang mg̃a ng̃alang hindî tunay ó hawa lamang, hal.: amá, iná, anák,
ali, kapatíd, atbp. ay nagigíng ináamá, iníiná, ináanák, ináali,
kinákapatíd.
Ikapitó.--Ang mg̃a dalisay na tumutukoy sa mg̃a ng̃alan ng̃ bung̃a,
ng̃ bulaklák, ng̃ kasangkapan, atbp. ay nagigíng mayhalò kailan ma’t
inangkapán ó sining̃itan ng̃ in, na ang kahulugá’y ang pagkakatulad
ó pagkakáparis, hal.: balimbing, santól, gulay, sampaga, sampagita,
kamatsilé, karayom, sandók, tabò, ay nagigíng binalimbing, sinantól,
ginulay, sinampaga, sinampagita, kinamatsilé, kinarayom, sinandók,
tinabò.
Ikawaló.--Ilán sa mg̃a salitâng dalisay ay nagigíng mayhalò kung
angkapán ó sing̃itan ng̃ in at sugpung̃án ng̃ an, na, ang
kátuturá’y ang katapusán ng̃ anó man, hal.: kayas, tabas, pilì, atbp.
ay nagigíng kinayasan, tinabasan, pinilìan. Kung nagbabadyá ng̃
karamihan, ang in ay dapat dagdagán ng̃ pag, na sa madalìáng sabi
ay nagigíng pinag at sakâ sugpung̃án ng̃ an, hal.: pinagkayasan,
pinagtabasan, pinagpilìan.
Ikasyám.--Gayón ding pagbubuô ang dapat gawín ukol sa pagbabadyá ng̃
iláng ng̃alan ng̃ anó mang bagay na ginamitan, nilagyán ó ginawâng
gayón sang-ayon sa ugát na tagláy, hal.: sa pulót ay pinulután, sa
gulay ay ginulayan, sa burdá ay binurdahán, sa guhit ay ginuhitan,
sa pulá ay pinulahán, atbp.
Ikasampuô.--Kung iangkáp ang anyông pang sa ibá’t ibáng ugát ay
nagigíng pangdiwà, na, ang kahulugá’y ang kasangkapang iginagawâ ng̃
anó man. Dapat lamang alamín na itóng pang ay siyáng bumabago sa
iláng titik ng̃ ugát, gaya ng̃ mápupuná sa mg̃a kabanatang haharapín.
Halimbawà: panghakot, panghuli, panggapas, pang-ahit, panarók,
pamalò, pamahid, pangtunóg, pang̃ahig, panilò, atbp.
PANGDIWÀNG PANGWATAS (Ó VERBAL)
G. ¿Anó ang tinátawag na pangdiwàng pangwatas?
N. Yaóng pangdiwàng nagbuhat ó nanggaling sa mg̃a pangwatas.
G. ¿Alínalín ang mg̃a pangdiwàng pangwatas?
N. Ang mg̃a sumúsunód:
1.--Nagagawâng mg̃a pangdiwà ang mg̃a pangwatas na binaybáy sa um
sa pamamagitan ng̃ anyông pag na iniangkáp sa mg̃a salitâng ugát,
hal.: basa, sulat, lakad, takbó, lang̃óy, kain, araw, ulán, suntók,
upô, sigáw, atbp. ay nagigíng pagbasa, pagsulat, paglakad, pagtakbó,
paglang̃óy, pagkain, pag-araw, pag-ulán, pagsuntók, pag-upô, pagsigáw.
2.--Nagagawâ ring mg̃a pangdiwà ang mg̃a pangwatas na binaybáy sa
mag sa pamamagitan ng̃ anyông pag na iniangkáp sa mg̃a ugát na
inulit ang isá ó dalawáng titik ng̃ unang pantíg nitó, hal.: aral,
salitâ, saing, lutò, sabi, wastô, masíd, habol, hanáy, buô, lakip,
atbp. ay nagigíng pag-áaral, pagsasalitâ, pagsasaing, paglulutò,
pagsasabi, pagwawastô, pagmamasid, paghahabol, paghahanáy, pagbubuô,
paglalakip.
3.--Ang mg̃a pangwatas na binaybáy sa anyông mang ay nang̃agagawâ
ring pangdiwà sa pamamagitan ng̃ anyông pang na inúulit ang unang
dalawáng titik ng̃ ugát na binago, tagláy ang kanyáng pagkakabagong
malimit mangyari, hal.: huli, isdâ, utang, pulót, puti, bató,
tiklóp, pitás, atbp. ay nang̃agigíng panghuhuli, pang̃ing̃isdâ,
pang̃ung̃utang, pamumulot, pamumuti, pangbabató, paniniklóp, pamimitás.
4.--Nagagawâ pa ring mg̃a pangdiwà ang mg̃a pangwatas na binaybáy sa
ma sa pamamagitan ng̃ anyông pagká, na iniáangkáp din sa salitâng
ugát, hal.: tuto, tulog, higâ, hulog, takot, gulat, bagód, iníp,
atbp. ay nagigíng pagkatuto, pagkahulog, pagkatakot, pagkagulat,
pagkabagód, pagkainíp.
PANGDIWÀNG MALIMIT (Ó FRECUENTATIVO)
G. ¿Anó ang tinátawag na pangdiwàng malimit?
N. Yaóng nagbabadyá ng̃ kadalasán sa paggawâ ó ginagawâ sang-ayon
sa mg̃a gawâ ó kilos ng̃ ugát.
G. ¿Paano ang mg̃a paraán ng̃ pagbubuô sa bagay na itó?
N. Sa ibá’t ibáng kaparaanán:
Una.--Sugpung̃án ng̃ an ó han sang-ayon sa tuntuning sinúsunód
ng̃ salitâng ugát, hal.: sa damó ay damuhán, sa halaman ay hálamanán,
sa ikmó ay ikmuhan, sa saging ay saging̃án, sa niyóg ay niyugan, sa
kawayan ay káwayanán, sa bahay ay bahayán, sa paligò ay paligùan,
sa pusalì ay pusalìán, atbp.
Ikalawá.--Sugpung̃án din ng̃ an ó han ang ugát, sakâ ulitin ó
dalawahín ang unang pantíg nitó, hal.: sa kain ay kakanán, sa silíd
ay sisidlán, sa upô ay úupán, sa higâ ay hihigán, atbp.
Ikatló.--Angkapán ng̃ ka at sugpung̃án ng̃ an ó han ang
salitâng ugát, sakâ ulitin ang unang pantíg nitó, hal.: sa tisod
ay katitisuran, sa hulog ay kahuhulugan, sa dapâ ay kadadapâan, sa
untóg ay kauuntugán, atbp.
Ikaapat.--Nagagawâ ring pangdiwàng malimit ang iláng mg̃a pangwatas
sa kanyáng mg̃a panahóng haharapín, hal.: paghuhukumán, pagbibitayán,
pagbabarilán, pagpapatayán, pagbibinyagán, pagbabaunán, atbp.
PANGDIWÀNG KARAMIHAN (Ó COLECTIVO)
G. ¿Anó ang tinátawag na pangdiwàng karamihan?
N. Yaóng na sa bilang na íisá ay tumutukoy sa maraming ng̃alan,
bagay ó anó man sang-ayon sa lamán ng̃ ugát.
G. ¿Paano ang kanyáng pagbubuô?
N. Sa mg̃a kaparaanáng sumúsunód:
Una.--Ang iláng salitâng ugát na nagbabadyá ng̃ panahón na angkapán
ng̃ anyông mag ay nagsasaysáy ng̃ kabuùan, hal.: sa hapon ay
maghapon, sa damág ay magdamág.
Ikalawá.--Kung iniangkáp ang sang na nagbuhat sa isá, ay
nagbabadyá ng̃ lahát ó kabuùan ng̃ anó mang bagay na tagláy ng̃
ugát, hal.: sang-oras, sang-araw, sanglinggó, sangbuwán, sangtaón,
sangpuô, sangdaán, sanglibo, sanglaksâ, sangyutà, atbp.
Ikatló.--Sa mg̃a ugát na nagsusulit ng̃ poók ó anó man na angkapán
ng̃ sang at sugpung̃án ng̃ an ó han ay nagbabadyá rin ng̃
karamihan ó kabuùan, hal.: sangbahayán, sangbayanán, sangdaigdigan,
sangsinukuban, sangtinakpán, atbp.
Ikaapat.--Kung angkapán ng̃ sang ang mg̃a pangdiwàng mayhalò sa
pamamagitan ng̃ ka at an ó han ay nagbabadyá namán ng̃ ganáp
na kabuùan, hal.: sangkapulùán, sangkatauhan, sangkalang̃itan,
sangkalupàan, at ibá pa.
TALABABÂAN
[11] Ginawâ kong íisáng salitâ ang mayhalò bagamá’t ang katotohana’y
dalawá, upáng máitumbás natin sa salitâng compuesto ng̃ kastilà.
IV KABANATA
Salitâng Pangturing (ó Adjetivo)
GURÒ. ¿Anó ang kátuturán ng̃ salitâng pangturing?
NAG-AARAL. Salitâng pangturing ay isáng bahagi ó pangkát ng̃ kaisipán
na siyáng inilalakip ó idinaragdág sa pangdiwà upáng mabago ó mákilala
ang kátuturán nitó.
G. Ang mg̃a salitâng pangturing, ¿sa ilán nabábahagi?
N. Sa dalawá, gaya rin ng̃ pangdiwà: dalisay at mayhalò. Dalisay
ang salitâng walâng idinaragdág na anó man sa kanyáng pagigíng
salitâ, hal.: tamád, pang̃it, duwág, payapà, tahimik. Mayhalò ang
salitâng ugát ó dalisay na dinagdagán sa una ó hulihán ng̃ anó mang
anyô (ó partícula), hal.: mabuti, mataás, malakí, masamâ, magandá.
G. ¿Marami bagá sa ating wikà ng̃ mg̃a pangturing?
N. Sa mg̃a salitâng dalisay ó ugát ay hindî lubhâng karamihan,
samantalàng sa mg̃a salitâng mayhalò ay siyáng lubhâng marami.
G. ¿Pano ang paraáng ginagawâ nang ang mg̃a salitâng ugát ó dalisay
ay magíng salitâng mayhalò?
N. Ang karaniwang gawín ukol sa bagay na itó ay dinaragdagán ng̃
ma sa unahán ng̃ salitâng ugát ó dalisay.
Náritó ang isáng tálâán ng̃ mg̃a salitâng ugát ó dalisay na nagigíng
salitâng mayhalò sa mg̃a salitâng pangdiwà (ó sustantivo) at sa mg̃a
pangturing (ó adjetivo).
Ugát ó dalisay Salitâng pangdiwà Salitâng pangturing
Buti Kabutihan Mabuti
Samâ Kasamâan Masamâ
Pulá Kapulahán Mapulá
Lakí Kalakihan Malakí
Habà Kahabàan Mahabà
Lakás Kalakasan Malakás
Bigát Kabigatan Mabigát
Nagigíng salitâng pangturing ang mg̃a ugát na nagbabadyá ng̃
pagkakáparis ó pagkakápantay kailan ma’t inangkapán ng̃ ka, hal.:
kaparis, katulad, kapara, kawang̃ís, kahambíng, kamukhâ, kawangkî,
kapantay, at ibá pa.
Nagigíng pangturing din ang mg̃a ugát na nagsusulit ng̃ pagkakahatì ó
kalagayan ng̃ anó man kailan ma’t inangkapán ng̃ ka, hal.: kahatì,
kaputol, kapiraso, kabiyák, kauntî, kapaták, karampót, atbp.
Nagigíng pangturing pa ang mg̃a ugát na nagsasaysáy ng̃ anó man
kailan ma’t inangkapán ng̃ ka at inulit ang buông ugát ó unang
dalawáng pantíg nitó, hal.: kagulatgulat, katakottakot, kagitlágitlá,
kasindáksindák, kahapishapis, kakilákilabot, katawátawá, kalugódlugód,
kaibig-ibig, kaayaaya, atbp. Ang mg̃a pangturing na itó’y maáarì
ring sabihin sa pamamagitan ng̃ naka na inulit ang unang pantíg
ng̃ ugát, hal.: nakagugulat, nakatatakot, nakagigitlá, atbp.
G. ¿Mayroón pa bagáng ibáng pangturing na nagbubuhat sa ibá?
N. Oo pò na nanggaling sa pangwatas at pinamagatáng _pangturing na
malimit_. Náitó ang ibá’t ibáng paraán ng̃ kanyáng pagbubuô.
Una.--Angkapán ng̃ ma ang salitâng ugát at sugpung̃án ng̃ in ó
hin sang-ayon sa sinúsunód na tuntunin, hal.: masintahin, maawàin,
mahabagín, maibigín, mawilihín, masuwayin, masunurin, mairugín, at
ibá pa.
Ikalawá.--Angkapán din ng̃ ma at sugpung̃án ng̃ in ó hin,
sakâ ulitin ang unang dalawáng titik ng̃ unang pantíg ng̃ ugát, hal.:
matutulugín, matatawanín, magagalitín, malilimutín, masasaktín,
mapapalarín, malulugdín, matatakutín, atbp.
Ikatló.--Sugpung̃án lamang ng̃ in ó hin ang salitâng ugát, hal.:
gálisin, mutàin, bulutung̃ín, pigsahin, hikàin, iyakin, sumbung̃in,
tiyanin, bukulin, atbp.
Ikapat.--Nagigíng pangturing din ang mg̃a panahóng haharapín
ng̃ pangwatas na binaybáy sa mag, hal.: magsasakâ, magpapandáy,
magbabaká, magbababóy, magguguláy, magpapalayók, magpapasán,
magbubuhát, atbp.
Ikalimá.--Nagigíng pangturing pa rin ang mg̃a panahóng haharapín
ng̃ pangwatas na binaybáy sa mang, hal.: manggagawà, manggugupit,
manghahabi, mangwawalís, mang̃ing̃isdâ, mánunubós, máninilâ,
mánunulát, mánunulâ, mámamahayág, máng̃ang̃athâ, mánanalaysáy,
mánanagalóg, atbp.
Ikaanim.--Angkapán ng̃ mapag ang mg̃a salitâng ugát, hal.:
mapagbirô, mapaglarô, mapagmasíd, mapagpuyát, mapagbulóng, mapaglibák,
mapagbiyayâ, mapagdasál, atbp.
Ikapitó.--Angkapán namán ng̃ palá ang ugát, hal.: palakaín,
palainóm, palausáp, palasumpâ, palatakbó, palasulát, palabasá,
palasayáw, palasuwáy, palasigáw, palalarô, palabihís, atbp.
Ikawaló.--Angkapán ng̃ tagá ang mg̃a salitâng ugát. Dapat alamíng
ang mg̃a ugát na binaybáy sa mag ó mang ay dapat magtagláy ng̃
pag ó pang, hal.: tagatanod, tagabantáy, tagatugtóg, tagakain,
tagapaglutò, tagapagsaing, tagaing̃at, tagapang̃asiwà, tagapaglabá,
atbp.
G. ¿Anó ang kaibháng nangyayari sa mg̃a salitâng pangdiwà at sa mg̃a
pangturing?
N. Malakí pò ang pagkakáibá ng̃ dalawáng itó, sapagkâ’t ang pangturing
kailan ma’y nang̃áng̃ailang̃an ng̃ tulong ng̃ isáng pangdiwà upáng
magtagláy ng̃ isáng buông kahulugán ó kayâ’y bumuô ng̃ isáng
kaisipán (ó oración); samantalàng ang pangdiwà ay dî na kailang̃an
ang tulong, at sukat sa kanyáng sarili’y maáarìng magkaroón ng̃
isáng buông kátuturán. Halimbawà: malinaw na tubig, magandáng buwán,
mainit na araw. Sa halimbawàng itó ang tubig, ang buwán at ang
araw ay mg̃a salitâng pangdiwà na siyáng nagbibigáy ng̃ kahulugán
sa kaisipán, at kahì’t banggitín ang bawà’t isá ay maúunawàan ng̃
sino man; samantalàng ang malinaw, magandá at mainit ay mg̃a
pangturing na siyáng bumabago ó tumuturing ng̃ kátuturán sa mg̃a
pangdiwàng kasakasama nilá, at kung banggitín ng̃ walâng katulong
ay hindî maúunawàan ng̃ sino man, sapagkâ’t hindî matantông kung
anó ang malinaw, kung anó ang magandá ó kung anó ang mainit.
G. ¿Maáarì bagá kung minsang malagáy siyáng mag-isá sa kaisipán?
N. Maáarì pò, kailan ma’t ang salitâng pangdiwà na siyáng nagbibigáy
ng̃ kátuturán ay hindî nakalantád, ng̃unì’t dapat matalastás na
nakatagò, hal.: ang mg̃a masasamâ’y pinarurusahan, ang ikalimá’y
huwág papatáy. Sa masasamâ ay nakatagò ang salitâng tao at sa
ikalimá ang salitâng utos.
G. ¿Maáarì kayâng ang salitâng pangturing ay gamitin lang mag-isá
sa pamamagitan ng̃ ibáng paraán?
N. Oo pò, maáarì, kailan ma’t ináakbayán sa una ng̃ pang-akbáy
ang na ang kátuturá’y katumbás sa isáng ng̃alang pangdiwà, hal.:
ang masamâ ay dapat itapon, ibig sabihin nitó sa makatuwíd ang
kasamâan; ang mabuti ay dapat úliranin, sa makatuwíd tinutukoy
ang kabutihan.
UKOL SA BILANG NA DALAWÁ Ó MARAMI
G. ¿Pano ang paglalagáy sa bilang na dalawá ó marami ng̃ mg̃a salitâng
pangturing?
N. Kung mg̃a salitâng dalisay ó ugát ay pinang̃ung̃unahan ng̃ mg̃a
na siyáng ginágamit sa ganitóng bagay, hal.: pang̃it na tao, tamád
na lalaki, kung sa íisá, at kung sa dalawá ó marami’y ginagawâng
mg̃a pang̃it na tao, mg̃a tamád na lalaki.
Kung mg̃a salitâng mayhalò na nagbuhat sa ma ay inúulit lamang ang
unang pantíg ng̃ ugát, hal.: malakíng aklát, mahabàng talumpatì,
magandáng dalaga kung sa íisá, at nagigíng malalakíng aklát,
mahahabàng talumpatì, mg̃a magagandáng dalaga kung sa dalawá ó
marami.[12] Ng̃unì’t kung ang salitâng pangdiwà ay siyáng náuuná kay
sa pangturing ay dapat lagyán ng̃ mg̃a at itó’y kailang̃ang iuná
sa pangdiwà at ulitin ang unang pantíg ng̃ salitâng ugát, hal.: mg̃a
talumpatìng mahahabà, mg̃a dalagang magagandá.
G. Kung sa isáng kaisipán ay nagkakasamasama ang mg̃a salitâng
pangturing, ¿paano ang dapat gawín?
N. Sakalìng ang náuuná’y ang salitâng pangdiwà kay sa mg̃a pangturing,
doón dapat iuná ang mg̃a at sa mg̃a itó (pangturing) ay dî dapat
lagyán ang bawà’t isá ng̃ mg̃a kundî ulitin ang unang pantíg
ng̃ bawà’t ugát, hal.: Sa Sangtinakpá’y may mg̃a bayang malalakí,
madadakilà, magigitíng at mararang̃ál. Kung ang náuuná namá’y ang
isáng salitâng pangturing kay sa pangdiwà ay dapat iuná roón ang
mg̃a at ang mg̃a kasamahán niyá’y dapat ulitin ang mg̃a unang
pantíg ng̃ ugát, hal.: Sa Sangsinukob ay may mg̃a masasamâng tao,
manglulupig, manggagagá at mamámatay sa kapuwà tao. Dapat alamíng
ang hulíng paraáng itó’y hindî lubhâng gamitin dî paris ng̃ una.
SA MG̃A SALITÂNG PANGTULAD (Ó COMPARATIVO)
G. ¿Anó ang salitâng pangtulad?
N. Salitâng pangtulad, yaóng nagpapakilala ng̃ katang̃ìán ng̃ isáng
pangdiwà kung ipaparis ó ihahalintulad sa kapuwà pangdiwà. Sa Wikàng
Tagalog itóng pangtulad ay may dalawáng urì: isá’y ang nagbabadyá
ng̃ pagkakatulad at ang ikalawá’y ang pagkakahigít.
G. ¿Alínalín ang mg̃a salitâng pangtulad sa ating wikà?
N. Marami pòng lubhâ, at náritó ang kanyáng pagkakábukódbukód:
sa pagkakatulad: ga ó gangga, para ó gaya, magkapara ó
magkatulad, sing ó kasing, at magkasíng; sa pagkakahigít:
lalò at pa.
G. ¿Kailán ginágamit ang ga ó gangga?
N. Ang ga ay ginágamit kailan ma’t ibig sukatin ang lakí, taás,
liít, tigás ó anó man ng̃ isáng bagay kung ihahalintulad sa ibá,
hal.: itóng brilyante’y ga munggó ang lakí, ga bató ang tigás ng̃
kanyáng pusò, ga damak ang taás ng̃ tubig. Ang gangga ay kawangkî
rin ng̃ ga at íisá silá sa paggamit, bagamá’t ang talagáng kágamitán
niyá’y kung tumutukoy sa bilang na dalawá ó marami, hal.: ang mg̃a
gangganitóng gawâ ay siyáng inúugalì tuwî na ng̃ may masasamâng
budhî; ang mg̃a gangganiyáng tao ay siyáng mg̃a dakilà.
G. ¿Kailán dapat gamitin ang para ó gaya?
N. Ginágamit ang para ó gaya kailan ma’t pinagpaparis ang isáng
bagay sa kapuwà bagay ng̃ walâng lámang̃an. Ang bagay na ipaparis
ay dapat ilagáy sa pangtukoy at ang pagpaparisan ay sa pang-arì at
ang para ó gaya ay dapat mahulí sa pangturing, hal.: Si Pelisa’y
magandáng para ni Mameng; akó’y mabuting gaya niyá; ang mg̃a matá
mo’y maniningníng na parang bituwín. Dapat alamíng ang paris at
tulad ay kawangkî rin ng̃ para ó gaya.
Dapat ding matantô na, kung may ka sa unahán, na sa madalìáng
sabi ay nagigíng kapara, kagaya, kaparis, katulad, at ang ibá pang
kasing-urì rin nitó gaya ng̃ kawang̃ís, kahambíng, kawangkî, kamukhâ,
kahalimbawà, kahalintulad, ay ginágamit ding maminsanminsan katulad
ng̃ para ó gaya lalòng lalò na kung hindî lubhâng mahabà ang
isáng kaisipán, hal.: Si Lucio’y katulad ni Fidel; ang pusà’y kaparis
ng̃ tigre. Lalòng angkáp kung gagamitin sa pagkakailâ ó kayâ’y
dagdagán sa una ng̃ walâ, hal.: Si Yoyong ay walâng kahalintulad
sa karunung̃an; si María’y walâng kahalimbawà sa kahinhinán.
G. ¿Kailán ginágamit ang magkapara ó magkatulad?
N. Ang magkapara ó magkatulad at ibá pang gangganitó ay dilì
ibá’t nanggaling sa kapara, katulad, kaparis, atbp. na inangkapán
ng̃ mag. Ginágamit ang mg̃a itó sa mg̃a bagay na pinagpaparis
ng̃ walâng lámang̃an, na, ang mg̃a pinagpapara ay dapat ilagáy sa
pangtukoy at ang pangturing ay sa hulí, hal.: Si Petra at si María’y
magkapara ng̃ gandá; si Siso at si Mente ay magkatulad ng̃ dunong.
G. ¿Kailán ginágamit ang sing ó kasing?
N. Ginágamit ang sing ó kasing kailan ma’t pinagpaparis ang isáng
bagay sa kapwà bagay nang walâng lámang̃an, at kailang̃ang ilagáy
sa pangtukoy ang pang̃alan ó bagay na ipaparis at sa pang-arì namán
ang ng̃alan ó bagay na pagpaparisan, hal.: ang mg̃a anák ni Lucio’y
singlakí ko, si Mateo’y kasingtaás ni Karlos. Kung tumutukoy sa
dalawá ó marami’y kailang̃ang ulitin ang unang pantíg ng̃ ugát ng̃
pangturing, hal.: ang mg̃a anák ni Lucio’y singlalakí ko, ang mg̃a
áso’y kasínglalakí ng̃ baboy.
G. ¿Kailán namán ginágamit ang magkasíng?
N. Ginágamit ang magkasíng kailan ma’t ang mg̃a pinagpaparis ay
na sa pangtukoy at nagsasaád ng̃ dalawáng bagay na magkahalintulad
ó magkakapantáy, hal.: si Pedro at si Huan ay magkasingdunong, ang
anák mo’t ang anák ko ay magkasingbuti. Kung bumabanggít sa bilang na
dalawá ó marami ang bawà’t isá sa mg̃a pinagpaparis ay kailang̃ang
ulitin ang ikalawáng pantíg ng̃ magkasíng, at sa katagâng sabi’y
gawíng magkakasíng, hal.: ang mg̃a anák ko ay magkakasingbuti; ang
mg̃a kababayan mo’t mg̃a kababayan ko’y magkakasingtulad ng̃ ugalì.
G. ¿Paano ang gagawín kung ibig tumukoy ng̃ isáng ng̃alan ó bagay
na nakahihigít?
N. Sa tatlóng kaparaanáng sumúsunód:
1.--Ilagáy sa pangtukoy (ó nominativo) ang nakahihigít at sa panglayon
(ó acusativo) ang náhihigtán, hal.: si Andoy ay marunong kay Pedro;
ang áso’y mataás sa pusà.
2.--Ang ganitó ring ayos na pinang̃unahan lamang ng̃ lalò ang
salitâng pangturing, hal.: Si Lucio’y lalòng mataás kay Huan; ang
manggá’y lalòng masaráp sa bayabas.
3.--Ang gayón ding ayos na nilagyán ng̃ pa sa hulí ng̃ pangturing,
hal.: si Yoyong ay maputî pa kay Husé; ang araw ay magandá pa sa
buwán.
SA MG̃A SALITÂNG PANGTAÁS (Ó SUPERLATIVO)
G. ¿Anó ang salitâng pangtaás?
N. Salitâng pangtaás ay siyáng nagpapakilala sa mg̃a pangturing
ng̃ kanyáng kataasán, hal.: Si Pedro’y mabuting mabuti, si Lucio’y
lubhâng marunong.
G. ¿Paano ang pagtatatág ng̃ mg̃a salitâng pangtaás?
N. Sa ibá’t ibáng kaparaanán:
Una.--Ilagáy sa una ó hulí ang lubhâ ng̃ salitâng pangturing,
hal.: Si Ricardo’y lubhâng mabuti, ó kayâ: Si Ricardo’y mabuting
lubhâ.
Ikalawá.--Ilagáy ang totoó sa una ó hulihán ng̃ salitâng
pangturing, hal.: Si Ricardo’y totoóng mabuti, ó kayâ: Si Ricardo’y
mabuting totoó. Maáarì rin itóng dalawahín at gawíng totoóng totoó,
hal.: Si Ricardo’y totoóng totoóng mabuti.
Ikatló.--Ilagáy sa una ó hulihán ng̃ salitâng pangturing ang _dî
sapalâ_, hal.: Si Ricardo’y dî sapalâng mabuti, ó kayâ: Si Ricardo’y
mabuting dî sapalâ.
Ikaapat.--Ilagáy sa una ó hulihán ng̃ salitâng pangturing ang _dî
hamak_, hal.: Si Ricardo’y dî hamak na mabuti, ó kayâ: Si Ricardo’y
mabuting dî hamak.
Ikalimá.--Ulitin ó dalawahín ang salitâng pangturing na paglalakipin
sa pamamagitan ng̃ pang-anib (ó ligazón) na náuukol, hal.: Si
Ricardo’y mabuting mabuti; ang pag-áaral ay mahirap na mahirap.
Ikaanim.--Ulitin ó dalawahín ang salitâng pangturing at pang̃unahan
ng̃ anyông ka at an ó han sa hulihán, hal.: Si Ricardo’y
kábutibutihan; ang sampagita’y kagandagandahan sa tanáng bulaklák.
Ikapitó.--Ang mg̃a salitâng ugát ó dalisay na inangkapán sa una ng̃
nápaka, hal.: Si Ricardo’y nápakabuti; ang sampagita’y nápakagandá.
Ikawaló.--Ang mg̃a pangwatas ay may iláng pangtaás, na, ang ginagawâ
ay inúulit ang buông ugát na sining̃itan ng̃ ng̃, hal.: tawa ng̃
tawa, tawag ng̃ tawag, kain ng̃ kain.
SA MG̃A SALITÂNG PANGLAKÍ (Ó AUMENTATIVO)
G. ¿Anó ang salitâng panglakí?
N. Salitâng panglakí, yaóng nagpaparagdág sa kahulugán ng̃ ugát.
G. ¿Paano ang pagbubuô ng̃ mg̃a itó sa ating wikà?
N. Sa dalawáng kaparaanán lamang:
1)--Ilagáy sa una ng̃ ugát ang salitâng malakí, hal.: malakíng tao,
malakíng hayop, malakíng lalaki, malakíng babae, malakíng bahay,
malakíng pusà, malakíng susô, atbp.
2)--Sugpung̃án ng̃ an ó han ang iláng salitâng ugát, hal.: sa
ulo ay uluhán, sa matá ay matahán, sa ilóng ay ilung̃án, sa bibíg
ay bibigán, sa ng̃usò ay ng̃usùán, atbp. Dapat alamíng ang mg̃a
salitâng itó’y maáarì ring sabihin sa pamamagitan ng̃ malakí,
hal.: malakíng ulo, malakíng matá, malakíng ilóng, atbp.
SA MG̃A SALITÂNG PANGLIÍT (Ó DIMINUTIVO)
G. ¿Anó ang salitâng pangliít?
N. Salitâng pangliít, yaóng nagpapábawas ó nagpapákulang sa kahulugáng
tagláy ng̃ salitâng ugát.
G. ¿Paano ang paraáng ginagawâ sa ganitóng pagbabawas?
N. Sa mg̃a kaparaanáng sumúsunód:
1.--Ang mg̃a pangdiwàng dalisay ay inúulit ang buô ó ang unang
dalawáng pantíg ng̃ ugát at sakâ sinusugpung̃án ng̃ an ó han,
hal.: sa harì ay harìharìan; sa dios ay diusdiusan; sa tao ay
taútauhan; sa ibon ay ibunibunan; sa matandâ ay matamatandâan; sa
bulaklák ay bulabulaklakan; atbp.
2.--Ang mg̃a pangdiwàng mayhalò sa pamamagitan ng̃ ka at an ó
han ay nagigíng pangliít kailan ma’t dinagdagán sa una ng̃ may,
hal.: may kalakasan, may kabutihan, may kahinàan, may kasamâan, may
kapulahán, atbp.
3.--Ang mg̃a pangturing na mayhalò sa pamamagitan ng̃ ma ay nagigíng
pangliít kailan ma’t inúulit ang salitâng ugát, hal.: maasímasím,
malakáslakás, mabutibuti, matamístamís, masamâsamâ, mapulápulá, atbp.
4.--Ang mg̃a pangwatas (ó verbo) na binaybáy sa ibá’t ibáng anyô
(ó partícula) ay nang̃agigíng pangliít kailan ma’t inulit ang mg̃a
salitâng ugát, hal.: tumatakbótakbó, nagtutulógtulog, nahihigâhigâ,
binabasabasa, inilalakadlakad, pinagsalisalitâ, atbp.
5.--Nagigíng pangliít din sa mg̃a salitâng kauntî, muntî,
maliít, ang mg̃a ugát na ibá’t ibá, hal.: kauntîng tubig, muntîng
bahay, maliít na manggá, atbp.
SA IBÁ PANG BAHAGI NG̃ SALITÂNG PANGTURING
G. ¿Anó pang bahagi mayroón ang salitâng pangturing?
N. Ang mg̃a itó: Bilang na pangbatay (ó número cardinal), _bilang
na panghanáy_ (ó número ordinal), bilang na pang-ulit (ó número
adverbial) at bilang na pangbahagi (ó número distributivo).
G. ¿Anó ang bilang na pangbatay (ó número cardinal)?
N. Bilang na pangbatay, yaóng tang̃ìng tumutukoy sa karaniwang bilang,
hal.: isá, dalawá, sampuô. Kung ibig humigít dito’y kailang̃ang
dagdagán sa una ng̃ labíng, at kung magkaganitó’y magigíng: labíng
isá, labíng dalawá, labíng siyám. Kung ibig pa ring humigít dito ó
kayâ’y tumukoy ng̃ mataástaás ay dapat dagdagán sa hulí ng̃ puô,
at kung magkagayo’y magigíng: dalawáng puô, tatlóng puô, siyám na
puô, at ibá’t ibá pang pagdaragdág kung ibig tumukoy ng̃ lalòng
mataás na bilang.
G. ¿Anó ang bilang na panghanáy (ó número ordinal)?
N. Yaóng ginágamit sa pagbilang na sunódsunód, hal.: una, ikalawá,
ikatló, ikasangpuô.
G. ¿Pano ang pagtatatág ng̃ mg̃a bilang na itó?
N. Madalî pò: sukat na ang dagdagán ng̃ ika ang mg̃a bilang na
pangbatay, maliban lamang ang una na dî nang̃áng̃ailang̃an nitó.
G. ¿Anó ang bilang na pang-ulit (ó número adverbial)?
N. Yaóng ginágamit sa pagbilang nang kung mákailang ginawâ ó ginanáp
ang isáng bagay, hal.: minsan, makalawá, makatló, makalimá,
makasangpuô.
G. ¿Pano namán ang pagtatatág ng̃ mg̃a ganitóng bilang?
N. Dinaragdagán ng̃ maka sa mg̃a bilang na pangbatay, liban lamang
ang una na dî kailang̃ang dagdagán.
G. ¿Anó namán ang bilang na pangbahagi (ó número distributivo)?
N. Yaóng ginágamit sa pagbilang na pahatìhatì ó paulitulit, hal.:
isáisá, tig-isá, isá.
G. ¿Paano ang pagtatatág ng̃ mg̃a bilang na ganitó?
N. Sa mg̃a paraáng sumúsunód:
Una.--Ulitin ó dalawahín ang mg̃a bilang na pangbatay na kung
minsa’y inúulit ng̃ buô at kung minsa’y iláng pantíg lamang, hal.:
isáisá, daládalawá, sangpûsangpuô.
Ikalawá.--Lagyán sa una ng̃ anyông tig sa mg̃a bilang na pangbatay
na kung minsa’y náwawalâ ang unang titik ng̃ salitâng ugát, at
mulâ sa limá ay inúulit ang unang pantíg; hal.: tig-isá, tigalawá,
tigatló, tiglilimá, tigpipitó, tigsasangpuô.
Ikatló.--Ulitin ó dalawahín ang unang pantíg ng̃ mg̃a bilang na
pangbatay, hal.: íisá, dádalawá, sasangpuô.
TALABABÂAN
[12] Ináakalà kong tumpák ang ganitóng tuntunin sa paglalagáy sa
bilang na dalawá ó marami ng̃ mg̃a salitâng pangturing na nagbuhat
sa ma. Marami ang nápapansin kong gumagawâ na, pinang̃ung̃unahan
pa ng̃ mg̃a bukód ang pag-ulit sa unang dalawáng titik ng̃ unang
pantíg ng̃ ugát, gaya sa halimbawà, ng̃: mg̃a mahahabàng talumpatì,
mg̃a dalagang magagandá. Sa ganáng kurò ko, ang ganitó’y hindî
tumpák sapagkâ’t hindî man lagyán ng̃ mg̃a ay nagbabadyá rin ng̃
dalawá ó marami.
V KABANATA
Salitâng Pangtayô (ó Pronombre)
GURÒ. ¿Anó ang kahulugán ng̃ salitâng pangtayô?
NAG-AARAL. Ang pangtayô ay isáng pangkát ó bahagi ng̃ kaisipán (ó
oración) na siyáng inilálagáy ó inihahalili sa pangdiwà (ó sustantivo)
upáng maiwasan ang malimit nitóng pag-úulitulit.
G. ¿Mangyayari bang ipaliwanag ang bagay na itó sa pamamagitan ng̃
isáng halimbawà?
N. Oo pò; masamâng dinggín ng̃ sino man kung sabihin sa halimbawà:
Si Lucio’y naparoón sa pulong at sa pulong si Lucio’y
nagtalumpatì. Ng̃unì’t maúunawàan ng̃ lahát kung sabihing ganitó:
Si Lucio’y naparoón sa pulong at dito siyá ay nagtalumpatì. Ang
pangtayông dito ay siyáng humalili sa pulong, at siyá kay
Lucio.
G. ¿Iláng bahagi ang sakláw ng̃ salitâng pangtayô?
N. Limá ang kanyáng sinásakláw: Pangtayô sa ng̃alan ng̃ tao
(ó pronombre personal), pangtayô sa pagtuturò (ó pronombre
demostrativo), pangtayô sa pag-áarì (ó pronombre posesivo),
pangtayô sa pagtatanóng (ó pronombre interrogativo), at _pangtayô
sa pagbabalak_ (ó pronombre indeterminado).
PANGTAYÔ SA NG̃ALAN NG̃ TAO (Ó PERSONAL)
G. ¿Anó ang pangtayô sa ng̃alan ng̃ tao?
N. Yaóng salitâng inilálagáy ó inihahalili sa pangdiwà na tumutukoy
sa pang̃alan ng̃ tao, at kung minsa’y sa mg̃a pang̃alan ng̃ hayop
ó bagay.
G. ¿Ilán ang mg̃a pangtayông itó?
N. Tatló: akó, ikáw, siyá, na pinamámagatáng una, ikalawá at
ikatlóng katawán (ó persona).
G. ¿Saánsaán ginágamit ang tatlóng katawáng itó?
N. Ang akó ay siyáng inilálagáy ó inihahalili sa ng̃alan ng̃ táong
nang̃ung̃usap; ang ikáw ay siyáng inihahalili sa ng̃alan ng̃ táong
kinakausap; at siyá ay siyáng inihahalili sa ng̃alan ng̃ tao ó
bagay na pinag-úusapan.
G. ¿Paano ang pagbábaling (ó declinación) ng̃ mg̃a pangtayô sa
ng̃alan ng̃ tao?
N. Gaya ng̃ mg̃a paraáng sumúsunód:
PAGBÁBALING NG̃ MG̃A PANGTAYÔ SA NG̃ALAN NG̃ TAO.
UNANG KATAWÁN.
Bilang na íisá Bilang na dalawá ó marami
Pangtukoy Akó. Pangtukoy { Tayo ó kamí.
{ Kitá ó katá.
Pang-arì { Akin. Pang-arì { Atin ó natin.
{ Ko. { Amin ó namin.
{ Kanitá ó nitá.
{ Natá ó ta.
Panglayon Sa akin. Panglayon { Sa atin, sa amin.
{ Sa kanitá, sa natá.
G. ¿Kailan ginágamit ang na sa lagáy na pangtukoy?
N. Gaya na ng̃ namalas ang pangtukoy ay may apat na urì na may ibá’t
ibáng kágamitán: akó sa íisá, at tayo, ó kamí at kitá ó
katá sa dalawá ó marami.
Unang urì.--Ginágamit ang akó kailan ma’t inihahalili sa ng̃alan
ng̃ táong nang̃ung̃usap, hal.: Akó ay mahirap, ibig sabihin nitó’y
mahirap ang táong nagsasalitâ, na kung ang táong itó sa halimbawà’y
nang̃áng̃alang Pedro, ang salitâng yaó’y katumbás ng̃ _Si Pedro ay
mahirap_.
Ikalawá.--Ginágamit ang tayo kung tumutukoy sa dalawá ó marami,
kailan ma’t ang táong nang̃ung̃usap at ang táong kinakausap ay
nasásakláw kapwà at ibá pa, hal.: _Tayong mg̃a pilipino ay
marurunong_, ibig sabihin ng̃ halimbawàng itó na marunong ang
nagsasalitâ, sakláw ang kanyáng kausap at patí ng̃ ibáng kababayan
natin.
Ikatló.--Ginágamit namán ang kamí sa dalawá rin ó marami,
kailan ma’t ang táong nagsasalitâ ay hindî sinásakláw ang kanyáng
kausap kundî ang ibáng kababayan ó kasamahán niyá, hal.: _Kamíng
mg̃a pilipino ay marurunong_, ibig sabihin nitó’y marunong ang
nang̃ung̃usap sakláw ang kanyáng mg̃a kalahì ó kasama kayâ, ng̃unì’t
ang kausap ay hindî nasásakláw.
Ikaapat.--Ginágamit ang kitá ó katá kailan ma’t tumutukoy sa
dalawá lamang at hindî maáarìng humigít dito, at ang dalawáng nátura’y
ang nang̃ung̃usap at ang kinakausap; hal.: kitá ay marunong, ó
katá ay marunong, mg̃a salitâng katumbás na sabihing _kitá ó katáng
dalawá ay marunong_.
G. ¿Kailán ginágamit namán ang na sa pang-arì?
N. Dapat munang matantô na ang pang-arì ay may limáng urì na, kung
gamiti’y nagkakaibáibá: Akin ó ko kung sa íisá at atin ó
natin, amin ó namin, kanitá ó nitá at natá ó ta kung
sa dalawá ó marami.
Unang urì.--Sa íisá’y ginágamit ang akin kailan ma’t itó’y náuuná
sa pangdiwà ó pangwatas, at ko kailan ma’t náhuhulí sa mg̃a itó;
hal.: Ang aking bahay ay marikít, ó ang bahay ko ay marikít.
Ikalawá.--Sa dalawá ó marami’y ginágamit ang atin ó natin
kailan ma’t ang nagsasalitâ’y sinásakláw ang kanyáng kausap at ibá
pa. Dapat gamitin ang atin kailan ma’t náuuná itó sa pangdiwà ó
pangwatas, at natin kailan ma’t náhuhulí, hal.: Ang ating baya’y
lubhâng magandá, ó ang bayan nati’y lubhâng magandá.
Ikatló.--Sa bilang na dalawá ó marami’y ginágamit din ang amin
ó namin kailan ma’t ang nang̃ung̃usap ay hindî sinásakláw ang
kinakausap kundî ang ibáng kasamahán ó kapanalig niyá. Dapat gamitin
ang amin kailan ma’t náuuná sa pangdiwà ó pangwatas, at namin
kailan ma’t náhuhulí, hal.: Ang aming lupà ay malawak, ó ang lupà
namin ay malawak.
Ikaapat.--Ang kanitá ó nitá ay ginágamit sa dalawáng dalawá
lamang at dî maáarìng humigít, kailan ma’t tang̃ìng tumutukoy ó
sumasakláw sa dalawáng nag-úusap. Ginágamit ang kanitá kung na sa
una ng̃ pangdiwà ó pangwatas at nitá kung na sa hulí nitó, hal.:
Ang kanitáng bahay ay muntî, ó ang bahay nitá ay muntî.
Ikalimá.--Ang natá ó ta ay ginágamit din sa dalawáng dalawá
lamang na nakákatulad ng̃ kanitá ó natá. Ang kaibhán lang niyó’y
hindî maáarìng gamitin sa una at hulihán ng̃ pangdiwà ó pangwatas
na dî gaya nitó, kundî sa hulíng hulí lamang, hal.: Ang bahay natá
ay muntî, ó ang bahay ta ay muntî.
G. ¿Kailán namán ginágamit ang na sa panglayon?
N. Dapat din munang matantô na ang panglayon ay may apat na urì na
kung gamiti’y may ibá’t ibáng kahulugán: sa akin kung sa íisá, at
sa atin, sa amin at sa kanitá kung sa dalawá ó marami.
Unang urì.--Ginágamit ang sa akin kailan ma’t tumutukoy sa íisá,
hal.: Itóng aklát ay sa akin.
Ikalawá.--Ginágamit ang sa atin kailan ma’t tumutukoy sa dalawáng
nag-úusap at sa ibá pa kung mayroón, hal.: Itóng aklát ay sa atin.
Ikatló.--Ginágamit ang sa amin kailan ma’t tumutukoy sa
nang̃ung̃usap at sa ibá pang kasamahán nitó, ng̃unì’t hindî nasásakláw
ang kinakausap, hal.: Itóng aklát ay sa amin.
Ikaapat.--Ginágamit ang sa kanitá kailan ma’t tang̃ìng bumabanggít
sa dalawáng nagpapanayám, hal.: Itóng aklát ay sa kanitá.
G. ¿Paano namán ang pagbábaling ng̃ ikalawáng katawán?
N. Paris ng̃ paraáng sumúsunód:
IKALAWÁNG KATAWÁN.
Bilang na íisá Bilang na dalawá ó marami
Pangtukoy { Ikáw. Pangtukoy Kayó.
{ Ka.
Pang-arì { Iyó. Pang-arì { Inyó.
{ Mo. { Ninyó.
Panglayon Sa iyó. Panglayon Sa inyó.
G. ¿Kailan ginágamit ang na sa lagáy na pangtukoy?
N. Ginágamit ang ikáw ó ka sa íisá at kayó sa dalawá ó marami
kailan ma’t inihahalili sa ng̃alan ng̃ táong kinakausap. Ikáw
kailan ma’t náuuná sa pangdiwà ó pangwatas, at ka kailan ma’t
náhuhulí, hal.: Ikáw ay isáng tao, ó isáng tao ka. Ang kayó kailan
ma’t tumutukoy sa dalawá ó marami, malagáy man sa una ó hulí ng̃
pangdiwà ó pangwatas, hal.: Kayó’y may salapî, ó may salapî kayó.
G. ¿Kailán ginágamit ang na sa pang-arì?
N. Ginágamit ang iyó ó mo sa íisá at inyó ó ninyó sa dalawá
ó marami. Iyó kailan ma’t na sa una ng̃ pangdiwà ó pangwatas, at
mo kung sa hulí, hal.: Ang iyóng mukhâ, ó ang mukhâ mo. Inyó
kung náuuná sa pangdiwà ó pangwatas, at ninyó kung náhuhulí, hal.:
Ang inyóng mg̃a bahay, ó ang mg̃a bahay ninyó.
G. ¿Kailán namán ginágamit ang na sa panglayon?
N. Ginágamit ang sa iyó sa bilang na íisá at sa inyó sa bilang
na dalawá ó marami, mapauná ó mapahulí man sa pangdiwà ó pangwatas,
hal.: ang aklát na itó ay sa iyó; ang aklát na itó ay sa inyó.
G. ¿Paano ang pagbábaling ng̃ ikatlóng katawán?
N. Gaya ng̃ sumúsunód:
IKATLÓNG KATAWÁN.
Bilang na íisá Bilang na dalawá ó marami
Pangtukoy Siyá. Pangtukoy Silá.
Pang-arì { Kaniyá. Pang-arì { Kanilá.
{ Niyá. { Nilá.
Panglayon Sa kaniyá. Panglayon Sa kanilá.
G. ¿Kailan ginágamit ang na sa pangtukoy?
N. Ginágamit ang siyá sa íisá at silá sa dalawá ó marami kailan
ma’t siyáng inihahalili sa ng̃alan ng̃ tao ó bagay na pinag-úusapan,
hal.: Siyá ay marunong; silá ay mangmáng.
G. ¿Kailan ginágamit ang na sa pang-arì?
N. Ginágamit ang kaniyá ó niyá sa íisá at kanilá ó nilá sa
dalawá ó marami. Kaniyá kung na sa una ng̃ pangdiwà ó pangwatas,
at niyá kung na sa hulí, hal.: Ang kaniyáng kapatíd, ó ang kapatíd
niyá. Ang kanilá kung náuuná sa pangdiwà ó pangwatas, at nilá
kung náhuhulí, hal.: Ang kaniláng tániman, ó ang tániman nilá.
G. ¿Kailán ginágamit ang na sa panglayon?
N. Ginágamit ang sa kaniyá sa íisá at sa kanilá sa dalawá ó
marami, hal.: Iyáng panulat ay sa kaniyá; itóng sinamay ay sa kanilá.
PANGTAYÔ SA PAGTUTURÒ (Ó DEMOSTRATIVO)
G. ¿Anó ang pangtayô sa pagtuturò?
N. Yaóng salitâng ginágamit sa pagtuturò sa pang̃alan ng̃ tao ó
bagay.
G. ¿May ilán ang sakláw ng̃ pangtayông itó?
N. Tatló: itó ó yarí, iyán at yaón.
G. ¿Paano ang paggamit ng̃ bawà’t isá?
N. Ginágamit ang itó ó yarí kung ang isáng pang̃alan ng̃
tao ó bagay na itinuturò ay malapit sa nang̃ung̃usap kay sa
nakikiníg. Iyán kung ang itinuturò ay malapit sa nakikiníg kay sa
nang̃ung̃usap. At yaón kung ang bagay na itinuturò ó pinag-úusapa’y
malayò sa dalawáng nag-úusap.
G. ¿Paano ang pagbábaling ng̃ mg̃a pangtayô sa pagtuturò?
N. Gaya ng̃ mg̃a kaparaanáng sumúsunód:
PAGBÁBALING NG̃ MG̃A PANGTAYÔ SA PAGTUTURÒ.
ITÓ Ó YARÍ.
Bilang na íisá. Bilang na dalawá ó marami.
Pangtukoy Itó ó yarí Pangtukoy Itóng mg̃a ó yaríng mg̃a
Pang-arì { Dito sa ó dini sa Pang-arì { Dito sa mg̃a ó dini sa mg̃a
{ Nitó ó nirí { Nitóng mg̃a ó niríng mg̃a
Panglayon { Nitó ó nirí Panglayon { Nitóng mg̃a ó niríng mg̃a
{ Dito sa ó dini sa { Dito sa mg̃a ó dini sa mg̃a
IYÁN.
Bilang na íisá. Bilang na dalawá ó marami.
Pangtukoy Iyán Pangtukoy Iyáng mg̃a
Pang-arì { Diyán sa Pang-arì { Diyán sa mg̃a
{ Niyán { Niyáng mg̃a
Panglayon { Niyán Panglayon { Niyáng mg̃a
{ Diyán sa { Diyán sa mg̃a
YAÓN.
Bilang na íisá. Bilang na dalawá ó marami.
Pangtukoy Yaón Pangtukoy Yaóng mg̃a
Pang-arì { Doón sa Pang-arì { Doón sa mg̃a
{ Niyaón ó noón { Niyaóng mg̃a ó noóng mg̃a
Panglayon { Niyaón ó noón Panglayon { Niyaóng mg̃a ó noóng mg̃a
{ Doón sa { Doón sa mg̃a
G. ¿Paano ang paggamit ng̃ mg̃a pangtayô sa pagtuturò?
N. Nábubuô sa mg̃a ganitóng kaparaanán:
Una.--Ginágamit ang itó ó yarí sa íisá at itóng mg̃a ó _yaríng
mg̃a_ sa dalawá ó marami kailan ma’t na sa pangtukoy at ang bagay na
itinuturò ay malapit sa nagsasalitâ kay sa nakikiníg, hal.: Itóng
aking pusò, ó yaríng aking pusò; itóng mg̃a matá ko, ó yaríng mg̃a
matá ko.
Ikalawá.--Ginágamit ang iyán sa íisá at iyáng mg̃a sa dalawá
ó marami kailan ma’t na sa pangtukoy at ang bagay na itinuturò ay
malapit sa nakikiníg kay sa nang̃ung̃usap, hal.: Iyáng damít mo;
iyáng mg̃a bisig mo.
Ikatló.--Ginágamit ang yaón sa íisá at yaóng mg̃a sa dalawá
ó marami kailan ma’t na sa pangtukoy at ang bagay na itinuturò ay
malayò sa dalawáng nag-úusap, hal.: Yaóng punò ng̃ saging ay malayò;
yaóng mg̃a bulaklák ay magagandá.
Ang mg̃a lagáy na nasa sa pang-arì at panglayon ay ginágamit katulad
din halos ng̃ mg̃a nang̃aunáng pangtayô.
G. ¿Paano ang dapat gawín kung ang pagtuturò sa isáng bagay ay
tinitiyák ó tinutukoy na mabuti?
N. Kung ang anó mang pangtayô (ó pronombre) ay na sa unahán ng̃
pangdiwà ay inúulit ang pangtayông na nasa pangtukoy sa hulihán nitó,
kahì’t na ang una (pangtayô) ay na sa lagáy na pang-arì ó panglayon,
hal.: itóng batàng itó; dukhâ ang amá niyáng batàng iyán.
G. ¿May ibá bang paraán upáng huwág dalawahín ang pangtayô kahì’t
na ang isáng bagay ay tinitiyák na mabuti?
N. Mayroón pò, at sa bagay na itó’y dapat lagyán ng̃ pang-akbáy ang
pangdiwà at sa hulí nitó’y ang náuukol na pangtayông dapat taglayín,
hal.: ang batàng itó ay malikót, sa lugál na sabihing: itóng batàng
itó ay malikót; mahirap ang buhay ng̃ matandâng yaón, sa lugál na
sabihing: mahirap ang buhay niyaóng matandâng yaón.
PANGTAYÔ SA PAG-ÁARÌ (Ó POSESIVO)
G. ¿Anó ang pangtayô sa pag-áarì?
N. Yaóng salitâng ginágamit sa pag-angkín ó pag-arì ng̃ anó mang
bagay, hal.: Ang aking bahay, ang iyóng lupà, ang kaniyáng manók.
G. ¿Alínalín ang mg̃a pangtayô sa pag-áarì?
N. Lahát ng̃ mg̃a pang-arì (ó genitivo) ng̃ mg̃a pangtayô sa ng̃alan
ng̃ tao (ó pronombre personal).
G. ¿Paano ang ginagawâng pagbábaling?
N. Sa pamamagitan ng̃ mg̃a pang-akbáy ng̃ mg̃a pang̃alan ng̃ bagay.
PAGBÁBALING NG̃ MG̃A PANGTAYÔ SA PAG-ÁARÌ.
AKIN.
Bilang na íisá. Bilang na dalawá ó marami.
Pangtukoy Ang akin ó ko Pangtukoy Ang aking mg̃a ó ko
Pang-arì { Ng̃ akin ó ko Pang-arì { Ng̃ aking mg̃a ó ko
{ Sa akin ó ko { Sa aking mg̃a ó ko
Panglayon { Sa akin ó ko Panglayon { Sa aking mg̃a ó ko
{ Ng̃ akin ó ko { Ng̃ aking mg̃a ó ko
IYÓ.
Bilang na íisá. Bilang na dalawá ó marami.
Pangtukoy Ang iyó ó mo Pangtukoy Ang iyóng mg̃a ó mo
Pang-arì { Ng̃ iyó ó mo Pang-arì { Ng̃ iyóng mg̃a ó mo
{ Sa iyó ó mo { Sa iyóng mg̃a ó mo
Panglayon { Sa iyó ó mo Panglayon { Sa iyóng mg̃a ó mo
{ Ng̃ iyó ó mo { Ng̃ iyóng mg̃a ó mo
KANIYÁ.
Bilang na íisá. Bilang na dalawá ó marami.
Pangtukoy Ang kaniyá ó niyá Pangtukoy Ang kaniyáng mg̃a ó niyá
Pang-arì { Ng̃ kaniyá ó niyá Pang-arì { Ng̃ kaniyáng mg̃a ó niyá
{ Sa kaniyá ó niyá { Sa kaniyáng mg̃a ó niyá
Panglayon { Sa kaniyá ó niyá Panglayon { Sa kaniyáng mg̃a ó niyá
{ Ng̃ kaniyá ó niyá { Ng̃ kaniyáng mg̃a ó niyá
Ang atin ó natin, ang inyó ó ninyó at kanilá ó nilá ay
binabaling ding kaparis ng̃ mg̃a náuná.
PANGTAYÔ SA PAGTATANÓNG (Ó INTERROGATIVO)
G. ¿Anó ang pangtayô sa pagtatanóng?
N. Ang inihahalili sa ng̃alan ng̃ tao ó bagay sa mg̃a pagtatanóng.
G. ¿Sa ilán nábubuô?
N. Sa tatló: sino, anó at alín.
G. ¿Pano ang pagbábaling sa tatlóng itó?
N. Gaya nitóng sumúsunód:
SINO
Bilang na íisá. Bilang na dalawá ó marami.
Pangtukoy Sino Pangtukoy Sinosino ó sinong mg̃a
Pang-arì { Kanino Pang-arì Kaníkanino ó kaninong mg̃a
{ Nino
Panglayon Sa kanino Panglayon Sa kaníkanino ó kaninong mg̃a
ANÓ
Bilang na íisá. Bilang na dalawá ó marami.
Pangtukoy Anó Pangtukoy Anóanó ó anóng mg̃a
Pang-arì { Sa anó Pang-arì { Sa anóanó ó anóng mg̃a
{ Ng̃ anó { Ng̃ anóanó ó anóng mg̃a
Panglayon { Sa anó Panglayon { Sa anóanó ó anóng mg̃a
{ Ng̃ anó { Ng̃ anóanó ó anóng mg̃a
ALÍN
Bilang na íisá. Bilang na dalawá ó marami.
Pangtukoy Alín Pangtukoy Alínalín ó alíng mg̃a
Pang-arì { Sa alín Pang-arì { Sa alínalín ó alíng mg̃a
{ Ng̃ alín { Ng̃ alínalín ó alíng mg̃a
Panglayon { Sa alín Panglayon { Sa alínalín ó alíng mg̃a
{ Ng̃ alín { Ng̃ alínalín ó alíng mg̃a
G. ¿Paano ang paggamit ng̃ sino, anó at alín?
N. Ginágamit ang sino kailan ma’t ang pagtatanóng ay tumutukoy sa
tao ó pang̃alan ng̃ tao, hal.: ¿Sino ang hinahanap mo?--Si Pedro;
¿Sino ang tinátawag niyá?--Si Huan.
Ginágamit ang anó kailan ma’t tumutukoy ang pagtatanóng sa mg̃a
bagay lamang, hal.: ¿anó ang ibig mong makain?--Ang tinapay; ¿anó
ang hawak niyá?--Ang aklát.
Ginágamit namán ang alín kailan ma’t ang pagtatanóng ay bumabanggít
sa mg̃a pang̃alan ng̃ tao ó sa mg̃a bagay, hal.: ¿alín ang magandá
kay Petra at kay María?--Si María; ¿alín ang minamasdán mo?--ang
dagat.
G. ¿Paano ang paggamit sa kanino at nino?
N. Ginágamit ang kanino kailan ma’t ibig mabatíd kung sino ó alín
ang kinaúukulan ng̃ isáng bagay, hal.: ¿Kaninong aklát itó?--Kay
Lucio; ¿kanino itóng kanin?--Sa pusà.
Ginágamit namán ang nino kailan ma’t hindî nawatasan ang sagót sa
pagtatanóng, hal.: ¿kaninong bahay yaón?--Kay Menang.--¿Nino?
PANGTAYÔ SA PAGBABALAK (Ó INDETERMINADO)
G. ¿Anó ang pangtayô sa pagbabalak?
N. Yaóng tumutukoy sa mg̃a pang̃alan ng̃ tao ó bagay na dî nátitiyák.
G. ¿Alínalín ang mg̃a pangtayông itó?
N. Ang karaniwang gamiti’y itóng mg̃a sumúsunód: Anó man, bahagyâ
ó kauntî, balàng, sino man, ilán, isá, ibá, ibá pa at
walâ. Halimbawà: Walâ akóng mamalas na anó man; bahagyâ nang umulán
kahapon; balàng araw; walâ siyáng makitang sino man; may naparitong
iláng tao; may ibáng táong dumating; at ibá pa.
SA MG̃A ANYÔNG ISINÁSAMA SA MG̃A PANGTAYÔ
G. ¿Mayroón ba sa ating wikà ng̃ mg̃a anyô (ó partícula) na isinásama
sa mg̃a pangtayô?
N. Mayroón pò, at ang mg̃a pang̃ulo ay itó: Ba ó bagá at kayâ.
G. ¿Anó ang kabutihang nátatamó sa ganitóng pagsasama?
N. Ang kabutihan nitó’y nagpapagandá sa mg̃a salitâ at nagbibigáy
lakás sa mg̃a pagtatanóng.
G. ¿Saánsaán ginágamit ang ba ó bagá at kayâ?
N. Ang mg̃a itó’y malimit gamitin sa mg̃a pagtatanóng, at kung
minsa’y kahì’t hindî sa bagay na itó. Dapat matantô na ang mg̃a iyá’y
inilálagáy sa hulihán ng̃ mg̃a pangtayô, hal.: ¿Anó ba ang hawak
mo? ó kayâ’y ¿anó bagá ang hawak mo? ¿Sino kayâ ang táong itó?
VI KABANATA
Salitâng Pangwatas (ó Verbo)
GURÒ. ¿Anó ang kátuturán ng̃ salitâng pangwatas?
NAG-AARAL. Salitâng pangwatas ay isáng bahagi ó pangkát ng̃ kaisipán
na siyáng másasabing diwà ng̃ isáng wikà, na, nagbabadyá ng̃ lasa
ó halagá, gawâ, ayos ó lagáy na lagìng nagpapahayag ng̃ panahón (ó
tiempo), bilang (ó número) at katawán (ó persona).
G. ¿Bakit ang salitâng pangwatas ay siyáng diwà ng̃ isáng wikà?
N. Sapagkâ’t ang pangwatas ay siyáng nagbibigáy buhay ó kátuturán sa
mg̃a salitâ at kaisipán, hal.: Si Pedro ay susulat, _ang sanggól
ay umíiyák_, ang pusà ay kakain. Ang mg̃a pangwatas sa halimbawàng
itó’y ang susulat, umíiyák at kakain.
G. ¿Sa anó nabábahagi ang salitâng pangwatas?
N. Ang pangwatas ay nabábahagi sa mg̃a sumúsunód: pangdaán (ó
transitivo), pangtatág (ó intransitivo), pangpalít (ó recíproco),
pangtagò (ó impersonal), pangbalak (ó activo) at pangtiyák (ó
pasivo).
G. ¿Anó ang tinátawag na pangwatas na pangdaán?
N. Ang pangwatas, na, ang kanyáng gawâ ó kahulugá’y dumaraán ó
maáarìng dumaán sa ng̃alan ng̃ tao ó bagay na siyáng layon ó
pangtung̃o (complemento) ng̃ kaisipán, hal.: UMIBIG sa Dios,
BUMASA ng̃ aklát, HUMUKAY ng̃ lupà.
G. ¿Anó ang pangwatas na pangtatág?
N. Ang pangwatas, na, ang kanyáng gawâ ó kátuturá’y hindî dumaraán
ó lumalampás sa isáng ng̃alan ng̃ tao ó bagay, hal.: matulog,
mamatáy, mahigâ.
G. ¿Anó ang tinátawag na pangwatas na pangpalít?
N. Ang pangwatas na nagbabadyá ng̃ kilos ó galáw ng̃ dalawá ó ang
pagpapalitan ng̃ gawâ ng̃ dalawá ó maraming tao, hal.: _si Lucio at
si Pedro ay NAGSUSULATAN_; siná Mameng ay NAG-AAWITAN; _ang mg̃a
batà’y NAGKUKUTUSAN_.
G. ¿Anó ang pangwatas na pangtagò?
N. Ang pangwatas na hindî nagbabadyá ng̃ pang̃ulo (ó sujeto) at
sa pag-íisip ay kailang̃ang may itagòng anó man, hal.: umulán,
umaraw, bumagyó, kumulóg, kumidlát, gumabí, humápon,
umumaga, at ibá pang gangganitó. Dapat alamíng ang mg̃a pangwatas
na itó’y tang̃ìng magagamit sa mg̃a pangbadyá (ó infinitivo) at sa
ikatlóng katawán (ó persona) ng̃ bilang na íisá sa lahát ng̃ panahón.
G. ¿Anó ang pangwatas na pangbalak?
N. Ang pangwatas na tumutukoy ó nagbabadyá ng̃ anó mang pang̃alan
ó bagay na hindî tiyák, hal.: sumulat, magsaing, mang̃isdâ,
mahigâ.
G. ¿Anó ang pangwatas na pangtiyák?
N. Ang pangwatas na bumabanggít ó nagbabadyá ng̃ anó mang pang̃alan
ó bagay na tiyák, hal.: basahin, iluto, sulatan.
G. ¿Paano ang pagbubuô ng̃ salitâng pangwatas?
N. Sa ating wikà’y binubuô ang salitâng itó ng̃ ugát (ó raíz) at
ng̃ anyô (ó partícula) na may ibá’t ibáng hugis.
G. ¿Anó ang tinátawag na ugát?
N. Tinátawag na ugát ang salitâng dalisay ó kayâ’y ang walâng
halòng anó man, gaya ng̃ basa, sulat, lakad, takbó, kain,
tulog, larô, upô, higâ, bahín, atbp.
G. ¿Anó ang tinátawag na anyô?
N. Tinátawag namáng anyô ang iláng titik ó pantíg na ang karamiha’y
walâng kátuturáng tagláy kung sa kanyáng sarili lamang, na siyáng
iniáangkáp, isinising̃it ó isinusugpóng sa mg̃a salitâng ugát upáng
itó’y magkaroón ng̃ ibá’t ibáng ayos at kahulugán sa ating wikà.
G. ¿Sa anó dapat hatìin ang mg̃a anyô?
N. Upáng maiwasan ang pagkakálahóklahók, ang mg̃a anyô ay dapat
bahagiin sa tatlóng kátawagán: Anyông pang-angkáp, _anyông
pangsing̃it_, at anyông pangsugpóng.
G. ¿Anó ang kátuturán ng̃ anyông pang-angkáp?
N. Yaóng anyông inilálagáy ó iniáangkáp sa una ng̃ salitâng ugát
upáng magíng pangwatas, hal.: UMibig, MAGsaing, MANGbugbóg,
MAligò.
G. ¿Anó ang tinátawag na anyông pangsing̃it?
N. Yaóng anyông inilálagáy sa gitnâ ó isinising̃it sa unang dalawáng
titik ng̃ unang pantíg ng̃ salitâng ugát upáng magíng pangwatas,
hal.: tUMakbó, gUMibik, sUMugat.
G. ¿Anó ang kahulugán namán ng̃ anyông pangsugpóng?
N. Ang anyông inilálagáy sa hulihán ó idinurugtóng sa salitâng ugát
upáng magíng pangwatas, hal.: ibigIN, pulutIN, tugtugAN,
utang̃AN.
G. ¿Lahát ó anó mang ugát sa ating wikà ay nagagawâ bagáng pangwatas?
N. Oo pò, kahì’t na ang mg̃a ugát na itó’y magíng salitâng pangdiwà
(ó sustantivo) at salitâng pangturing (ó adjetivo), sa pamamagitan
ng̃ ibá’t ibáng anyô na ináangkáp, isinising̃it at isinusugpóng.
G. ¿Marami bagá ang mg̃a anyông ginágamit sa ating wikà?
N. Lubhâng marami pò, at ang mg̃a naggigilasang anyông itó ay lubhâng
malakí ang itinutulong sa ating salitâ at siyáng bumubuô nitó magíng
sa tinátawag na pangdiwà, sa pangturing, sa pangwatas at sa ibá’t
ibáng pangkát ó bahagi ng̃ kaisipán.
SA MG̃A PANG̃ULONG BAHAGI NG̃ MG̃A ANYÔ
G. ¿Alín ang mg̃a bahaging lalòng mahalagá ng̃ mg̃a anyô?
N. Ang pinakapang̃ulong bahagi nitó’y dalawá lamang: _anyông
pangbalak_ (ó partícula indeterminada) at anyông pangtiyák (ó
partícula determinada).
G. ¿Anó ang kátuturán ng̃ anyông pangbalak?
N. Ang mg̃a anyông kung iangkáp, ising̃it ó isugpóng sa mg̃a ugát
ay nang̃agigíng pangwatas na pangbalak na tumutukoy ó nagbabadyá
ng̃ anó mang bagay ó pang̃alang hindî tiyák, hal.: _bUMasa ka ng̃
aklát_, at sa ganitó’y kahì’t anóng aklát; MAGlutò ka ng̃ manók
at sa ganitó’y kahì’t anóng manók; MANGhuli ka ng̃ palakâ at sa
ganitó’y kahì’t anóng palakâ.
G. ¿Anó ang kátuturán ng̃ anyông pangtiyák?
N. Ang mg̃a anyông kung iangkáp, ising̃it ó isugpóng sa mg̃a ugát ay
nang̃agigíng pangwatas na pangtiyák na nagbabadyá ng̃ anó mang tiyák
na bagay ó pang̃alan na siyáng katugmâ ng̃ mg̃a anyông pangbalak.
Halimbawà: basaHIN mo itóng aklát at sa ganitó’y tinutukoy ang
aklát na babasahin; lutùIN mo iyáng manók, at sa ganitó’y tinitiyák
ang manók na lulutùin; huliHIN mo yaóng palakâ, at sa ganitó’y
dinadalirì ang palakâng huhulihin.
G. Ang mg̃a anyông pangbalak at pangtiyák, ¿sa anó dapat hatìin?
N. Magíng ang pangbalak at magíng ang pangtiyák ay dapat bahagiin
sa dalawá: pang̃ulo at pangtulong. Tinátawag na pang̃ulo ang
anyông lalòng mahalagá at malimit gamitin, na, siyáng nagpapagaláw
sa ating mg̃a pangwatas. Tinátawag namáng pangtulong ang anyông
kung pakasusurìing maigi ay hindî kailang̃an, ng̃unì’t mahalagá rin
sapagkâ’t bukód sa siyáng tumutulong sa mg̃a pang̃ulo ay siyá pang
lalòng nagpaparikít sa ating mg̃a salitâ.
G. ¿Alínalín ang mg̃a pang̃ulo at mg̃a pangtulong na anyô sa pangbalak?
N. Ang mg̃a pang̃ulong anyô sa pangbalak na siyáng pinanununtunán
ng̃ ibá ay apat: ang um, ang mag, ang mang at ang ma. Itóng
mg̃a anyông itó ay nang̃agigíng pangwatas kailan ma’t iniangkáp,
isining̃it ó isinugpóng sa mg̃a ugát, gaya sa halimbawà ng̃ utang
ay UMutang, ng̃ larô ay MAGlarô, ng̃ hulà ay MANGhulà,
ng̃ tulog ay MAtulog. Ang mg̃a pangtulong ay lubhâng marami at
dahil dito’y lubhâng mahirap itanghál ng̃ páminsanan. Sakâ na itó
mapapag-aralan kung sumapit na sa kanyáng kabanatang kinaúukulan.
G. ¿Alínalín namán ang mg̃a pang̃ulo at mg̃a pangtulong na anyô sa
pangtiyák?
N. Ang mg̃a pang̃ulong anyô sa pangtiyák na siyáng pinagbábatayán
ng̃ mg̃a ibá ay tatló: ang in, ang i at ang an. Kung ang
mg̃a anyông itó ay iangkáp ó isugpóng sa mg̃a ugát ay nang̃agigíng
pangwatas din na siyáng ginágamit sa pagtukoy ó pagdalirì ng̃ anó
mang ng̃alan ó bagay; hal.: sa sulat ay sulatIN, sa subò ay
Isubò, sa hulà ay hulàAN. Ang mg̃a pangtulong na anyô ay
nakakápatas sa karamihan ng̃ mg̃a pangtulong sa pangbalak at kung
minsa’y humihigít dito, kayâ’t hindî na dapat itanghál sa kabanatang
itó kundî sa kanyáng kinaúukulan.
G. Sa madalìáng sabi, ¿alín ang mg̃a pang̃ulong anyô na sinásakláw
ng̃ pangbalak at ng̃ pangtiyák?
N. Náitó ang sakláw ng̃ isá’t isá na siyáng pinakapang̃ulo: anyông
pangbalak: um, mag, mang at ma; at anyông pangtiyák: in,
i at an.
G. ¿Anó ang tinátawag na anyông um?
N. Tinátawag na anyông um, ang pangwatas na kinasising̃itan ó
kinaáangkapán ng̃ um ang salitâng ugát. Ang um ay pangsing̃it
kung ang ugát ay nagpapásimulâ sa pangtinig (ó consonante), gaya ng̃
bUMasa, lUMakad, tUMakbó; at pang-angkáp kung nagpapásimulâ
namán sa ting̃ig (ó vocal), paris ng̃ UMulán, UMakay, UMutang.
G. ¿Anó ang tinátawag na anyông mag?
N. Tinátawag na anyông mag ang pangwatas, na, naáangkapán ng̃ mag
ang salitâng ugát, paris ng̃ MAGsaing, MAG-alay, MAGlarô.
G. ¿Anó ang tinátawag na anyông mang?
N. Tinátawag na anyông mang ang pangwatas na ang salitâng ugát
ay ináangkapán ng̃ mang, paris ng̃ MANGbihag, MANG̃ahoy,
MANG̃usá.
G. ¿Anó ang tinátawag na anyông ma?
N. Tinátawag na anyông ma ang pangwatas, na, kinaáangkapán ng̃
ma ang salitâng ugát, gaya ng̃ MAhulog, MAgulat, MAhigâ.
G. ¿Anó namán ang tinátawag na anyông in?
N. Tinátawag na anyông in ang pangwatas na kinasusugpung̃án ng̃
in ang salitâng ugát, paris ng̃ buhatIN, tapusIN, ulitIN.
G. ¿Anó ang tinátawag na anyông i?
N. Tinátawag na anyông i ang pangwatas na may pang-angkáp na i
sa salitâng ugát, paris ng̃ Isulat, Isumbóng, Ilakad.
G. ¿Anó ang tinátawag na anyông an?
N. Tinátawag na anyông an ang pangwatas, na, ang salitâng ugát
ay sinusugpung̃án ng̃ an, gaya ng̃ utang̃AN, sumbung̃AN,
tuksuhAN.
VII KABANATA
Ukol sa pagbabaybáy (ó conjugación)
GURÒ. ¿Anó ang tinátawag na pagbabaybáy (ó conjugación)?
NAG-AARAL. Tinátawag na pagbabaybáy ang pagkakasunódsunód ng̃
nangyayaring pagkakabagobago sa pangwatas.
G. ¿Sa anó nabábahagi itóng pagbabaybáy?
N. Nabábahagi sa apat na siyáng pinagmumulâan ng̃ pagkakáibáibá
ng̃ pangwatas: Ayos (ó modo), panahón (ó tiempo), bilang (ó
número) at katawán (ó persona).
SA MG̃A AYOS NG̃ PANGWATAS
G. ¿Anó ang mg̃a ayos ng̃ pangwatas (ó modos del verbo)?
N. Tinátawag na mg̃a ayos ng̃ pangwatas, yaóng mg̃a karaniwang hugis
na ibá’t ibá sa pagsasaysáy ó pagbabadyá ng̃ pangwatas.
G. ¿Ilán ang mg̃a ayos na ginágamit sa ating wikà?
N. Apat, katulad ng̃ sa kastilà: Pangbadyá (ó infinitivo),
panghiwatig (ó indicativo), pang-utos (ó imperativo) at
pangsukob (ó subjuntivo).
G. ¿Anó ang ipinahahayag ng̃ ayos pangbadyá?
N. Ang pangbadyá ay nakákawangkîng totoó ng̃ mg̃a salitâng pangdiwà
(ó sustantivo) na may hugis pangwatas at siyáng pinanggagaling̃an ng̃
ibá’t ibáng ayos, hal.: Sumulat, magtago, manglibák, mahinog.
Dapat mabatíd na ang ayos na itó ay hindî maáarìng magbadyá ng̃
panahón, ng̃ bilang ni ng̃ katawán (ó persona).
G. ¿Anó ang sinasaysáy ng̃ ayos panghiwatig?
N. Ang panghiwatig ay nagpapahayag ng̃ lubós, malayà at tápatang
kátuturán ng̃ pangwatas, na hindî nang̃áng̃ailang̃an ng̃ anó mang
tulong ng̃ ibá, at dahil dito kung kayâ siyáng lalòng madalás gamitin
kay sa ibá, hal.: Akó’y bumabasa, siyá’y sumusulat, _tayo’y
nang̃ing̃isdâ_, silá’y nang̃agsasaing.
G. ¿Anó ang ibinabadyá ng̃ ayos pang-utos?
N. Ang pang-utos ay nagbabadyá ng̃ pag-úutos, panunuyò, pang̃ang̃aral
ó pagpapahintulot; hal.: bumasa ka, mang̃usá tayo, _tumakbó
kayó_.
G. ¿Anó namán ang sinasabi ng̃ ayos pangsukob?
N. Ang pangsukob ay hindî nagbabadyá ng̃ anó mang kátuturán kung
sa kanyáng sarili lamang kundî nang̃áng̃ailang̃an ng̃ tulong ng̃
kapwà pangwatas, at ginágamit kailan ma’t nagsasaysáy ng̃ pagnanais
ó pakikibagay (ó condicional), hal.: _Kung susulat siyá ay sabihin
mo sa akin_, kung nang̃ung̃usap ka’y nagagalit akó.
SA MG̃A PANAHÓN NG̃ PANGWATAS
G. ¿Anó ang mg̃a panahón ng̃ pangwatas (ó tiempos del verbo)?
N. Tinátawag na mg̃a panahón ng̃ pangwatas, yaóng ibá’t ibáng panig
ng̃ pagbabaybáy (ó conjugación) na nagpapakilala ng̃ panahóng ginagawâ
ó nangyayari ang kátuturán ng̃ pangwatas.
G. ¿Ilán ang mg̃a panahón ng̃ pangwatas na dapat gamitin?
N. Ang mg̃a panahóng itó, kung talagáng titiyaking maigi ay may
tatló lamang na siyáng matatawag na ganáp: ang kasalukuyan (ó
presente), ang nakaraán (ó pasado) at haharapín (ó venidero),
ng̃unì’t itóng dalawáng náhuhulí ay hinahatì pa sa ibá’t ibáng bahagi.
G. ¿Ilán ang mg̃a panahóng sakláw ng̃ ayos panghiwatig (ó modo
indicativo)?
N. Sa Wikàng Tagalog ay apat lamang: kasalukuyan (ó presente),
nakaraán (ó pretérito perfecto), nakaraán na (ó pretérito
pluscuamperfecto) at haharapín (ó futuro). Sa ibáng pangwatas ay
may isá pang panahóng idinaragdág na tinátawag na kararaán pa (ó
pretérito imperfecto).
G. ¿Anó ang ipinahahayag ng̃ kasalukuyan ng̃ panghiwatig (ó presente
de indicativo)?
N. Ang kasalukuyan ng̃ panghiwatig ay nagbabadyáng ang kátuturán
ng̃ pangwatas ay ginaganáp, ginagawâ ó nangyayari sa ng̃ayón, hal.:
Akó’y bumabasa, siyá’y sumusulat, silá’y naglalarô.
G. ¿Anó ang sinasaysáy ng̃ nakaraán (ó pretérito perfecto)?
N. Ang nakaraán ay nagsasaysáy na ang kátuturán ng̃ pangwatas ay
nangyari ó lumipas na, hal.: Siyá’y nag-aral, akó’y natulog,
tayo’y naglakád.
G. ¿Anó ang ibinabadyá ng̃ nakaraán na (ó pluscuamperfecto)?
N. Ang nakaraán na, ay nagbabadyá na ang kátuturán ng̃ pangwatas ay
nangyari na, higít pa sa panahóng nakaraán; hal.: _nakasulat na akó
nang dumating ang liham_; nang umulán ay nakapaligò na siyá.
G. ¿Anó ang sinasabi ng̃ panahóng haharapín (ó futuro)?
N. Ang haharapín ay nagsasaysáy na ang kátuturán ng̃ pangwatas ay
mangyayari, gagawín ó gaganapín, hal.: Akó’y mang̃ing̃isdâ, _siyá’y
maglalakbáy_, tayo’y magpupulong.
G. ¿Ilán ang panahóng sakláw ng̃ ayos pang-utos (ó modo imperativo)?
N. Íisá pò lamang, at ang isáng itó’y tinátawag na kasalukuyan (ó
presente), sapagkâ’t ang salitâng nagbabadyá ng̃ pag-úutos, panunuyò,
at ibá pa ay sápilitáng na sa panahóng násabi, kahì’t na ang pag-úutos
na itó at panunuyò ay ginaganáp ó gaganapín pagkátapos; hal.: Itóng
sulat ay dalhín mo ng̃ayón, ó itóng sulat ay dalhín mo bukas.
Dapat matantô na ang panahóng itó ay walâng unang katawán, (ó primera
persona) sapagkâ’t hindî mangyayari kailan man na ang isáng nag-úutos
ay mag-utos sa kanyáng sarili.
G. ¿Ilán ang panahóng sakláw ng̃ ayos pangsukob (ó modo subjuntivo)?
N. Tatló lamang: kasalukuyan (ó presente), nakaraán (ó pasado) at
haharapín (ó futuro).
G. ¿Anó ang sinasaysáy ng̃ panahóng kasalukuyan?
N. Ang nagbabadyá ng̃ ginaganáp ó nangyayari sa ng̃ayón kailan ma’t
nagkakahulugán ng̃ pagnanais ó pakikibagay, hal.: Kung bumabasa
akó ay sumusulat ka; kung kumakain ka ay huwág kang maglalarô.
G. ¿Anó ang ipinahahayag ng̃ panahóng nakaraán?
N. Ang panahóng nakaraán ay nagpapahayag na ang kátuturán ng̃
pangwatas ay nangyari na, at nagkakahulugán ng̃ pagnanais ó
pakikibagay; hal.: bumasa ka sana at akó’y babasa rin; kung ikáw’y
lumakad ay nakita mo sana ang prusisión.
G. ¿Anó ang ibinabadyá ng̃ panahóng haharapín?
N. Ang panahóng haharapín ay nagbabadyáng ang kátuturán ng̃
pangwatas ay mangyayari ó gagawín, at nagkakahulugán ng̃ pagnanasà
ó pakikibagay; hal.: kung áalís ka’y sabihin mo sa akin; kung
babasa ka ay bumasa ka ng̃ marahan.
SA MG̃A BILANG AT SA MG̃A KATAWÁN
G. ¿Anó ang bilang ng̃ pangwatas (ó número del verbo)?
N. Bilang ng̃ pangwatas ang nangyayaring pagkakabagobago na nagbabadyá
kung ang pang̃ulo (ó sujeto) ay náuukol sa isá ó maraming tao ó
bagay.
G. ¿Ilán itóng mg̃a bilang ng̃ pangwatas?
N. Dalawá, kaparis ng̃ ibáng bahagi ng̃ kaisipán: bilang na íisá
at bilang na dalawá ó marami. Kung tumutukoy lamang sa isáng tao
ó bagay ay dapat gamitin ang bilang na íisá, gaya ng̃ _Si Pedro ay
bumabasa_, si Lucio ay sumusulat. Kung bumabanggít namán sa dalawá
ó maraming tao ó bagay, ay dapat gamitin ang bilang na dalawá ó
marami, gaya ng̃ tayo ay kumain, silá’y maglutò.
G. ¿Anó ang katawán (ó persona) sa urì ng̃ Balarilà?
N. Tinátawag na katawán ang alín mang salitâng pangdiwà (ó sustantivo)
ó pangtayô (ó pronombre) na siyáng pang̃ulo (ó sujeto) ng̃ pangwatas.
G. ¿Ilán ang mg̃a katawán?
N. May anim na lahát: tatló ang náuukol sa bilang na íisá: akó,
ikáw at siyá; hal.: Akó’y bumabasa; ikáw’y sumusulat;
siyá’y naglalarô; at tatló rin ang sa dalawá ó marami: tayo
ó kamí, kayó at silá, hal.: tayo ó kamí ay nag-áaral,
kayó’y naglulutò, silá’y lumálakad. Dapat matantô na ang ikáw
ay nagigíng ka kailan ma’t náhuhulí sa pangwatas, gaya ng̃ _ikáw’y
sumusulat_, ó sumusulat ka.
VIII KABANATA
Ang pangbalak na anyông “UM”
GURÒ. ¿Anó ang tinátawag na anyông um?
NAG-AARAL. Tinátawag na anyông um ang pangwatas na may pangsing̃it
ó pang-angkáp na um sa salitâng ugát.
G. ¿Anó ang káhalagaháng tagláy ng̃ anyông itó?
N. Malakí pò, sapagkâ’t sa kanyá nanggagaling ang lubhâng maraming
pangwatas na tagalog na siyáng nagbibigáy kápakanán sa ating mg̃a
salitâ, at dahil dito kung kayâ ang um ay dapat ibilang sa isáng
mahalagá at pang̃ulong anyô sa ating wikà.
G. ¿May iláng hugis (ó forma) itóng anyông um?
N. Dalawá: Una, kung ang um ay nákukulóng ng̃ dalawáng titik
ng̃ unang pantíg ng̃ salitâng ugát na nagsisimulâ sa pangtinig
(ó consonante); at ikalawá, kung naáangkáp sa salitâng ugát na
nagpapásimulâ sa ting̃ig (ó vocal).
MG̃A TUNTUNIN SA PAGBABAYBÁY
G. ¿Paano ang pagbabaybáy (ó conjugación) sa unang hugis ng̃ anyông
“um”?
N. Bago tumung̃o sa pagbabaybáy ay kailang̃an munang matantô ang
mg̃a tuntunin nitó, at itóng mg̃a sumúsunód:
Una.--Ang pangbadyá (ó infinitivo) ay binubuô ng̃ salitâng ugát
na nagsisimulâ sa pangtinig at ng̃ anyông “um” na isinising̃it itó sa
unang dalawáng titik niyón, gaya ng̃ sumulat, gumamót, lumayô.
Ikalawá.--Ang panahóng kasalukuyan ng̃ panghiwatig (ó presente
de indicativo) ay binubuô ng̃ pangbadyá at inúulit ang unang pantíg
ng̃ salitâng ugát, gaya ng̃ sumusulat, gumagamót, lumalayô.
Ikatló.--Ang panahóng nakaraán (ó tiempo pasado) ay katulad din
ng̃ pangbadyá, na, binubuô ng̃ salitâng ugát at ng̃ pangsing̃it na
um gaya ng̃ sumulat, gumamót, lumayô.
Ikaapat.--Ang panahóng nakaraán na (ó pluscuamperfecto) ay
may dalawáng paraán ng̃ pagbubuô: una, ináangkapán ng̃ naka ang
salitâng ugát at sa hulí’y dinaragdagán ng̃ na gaya ng̃ _nakasulat
na_, nakagamót na, nakalayô na; at ikalawá, ang pangbadyá at
dinaragdagán pa sa hulí ng̃ na, gaya ng̃ sumulat na, _gumamót
na_, lumayô na.
Ikalimá.--Ang panahóng haharapín (ó futuro) ay binubuô ng̃
salitâng ugát at ang pag-ulit ng̃ unang pantíg nitó, gaya ng̃
susulat, gagamót, lalayô.
Ikaanim.--Ang pang-utos (ó imperativo) ay ang ginágamit sa
pangbadyá ó kayâ’y ang ugát na sining̃itan ng̃ um sa unang pantíg
nitó; gaya ng̃ sumulat, gumamót, lumayô.
Ikapitó.--Ang panahóng kasalukuyan ng̃ pangsukob (ó presente
de subjuntivo) ay binubuô ng̃ kasalukuyan sa panghiwatig at sakâ
pinang̃ung̃unahan ng̃ salitâng kung; gaya ng̃ kung sumusulat,
kung gumagamót, kung lumalayô.
Ikawaló.--Ang panahóng nakaraán (ó tiempo pasado) ay binubuô
ng̃ nakaraán sa panghiwatig at sa una’y nilálagyán ng̃ kung; gaya
ng̃ kung sumulat, kung gumamót, kung lumayô.
Ikasiyám.--Ang panahóng haharapín (ó tiempo futuro) ay binubuô
ng̃ haharapín sa panghiwatig at sa una’y dinaragdagán ng̃ kung;
gaya ng̃ kung susulat, kung gagamót, kung lalayô.
G. Ng̃ayóng máitatág na ang mg̃a tuntunin ukol sa unang hugis ng̃
anyông um, ¿paano ng̃â ang kanyáng pagbabaybáy?
N. Sang-ayon sa mg̃a tuntuning náilagdâ ay dapat baybayín ang unang
hugis ng̃ um na siyáng isinising̃it sa unang dalawáng titik ng̃
unang pantíg ng̃ ugát na nagpapásimulâ sa pangtinig (ó consonante)
sa paraáng sumúsunód. Ilagáy na halimbawà ang ugát na sulat at
sing̃itan natin ng̃ um ang unang pantíg nitó, na nagigíng pangwatas
na sumulat.
PAGBABAYBÁY SA ANYÔNG “UM”
UNANG HUGIS.
Ayos. Panahón. Pagbaybáy.
Pangbadyá Sumulat.
Panghiwatig Kasalukuyan Sumusulat.
„ Nakaraán Sumulat.
„ Nakaraán na { Nakasulat na.
{ Sumulat na.
„ Haharapín Susulat.
Pang-utos Sumulat.
Pangsukob Kasalukuyan Kung sumusulat[13].
„ Nakaraán Kung sumulat[14].
„ Haharapín Kung susulat.
G. ¿Paano namán ang mg̃a tuntunin ng̃ pagbabaybáy sa ikalawáng hugis
ng̃ anyông um?
N. Ang mg̃a tuntuning ginamit sa pagbabaybáy sa unang hugis ay
katulad din nitóng ikalawá, ng̃unì’t ang kauntîng kaibhán lamang ay
iniáangkáp dito ang um sa mg̃a salitâng ugát na nagpapásimulâ sa
ting̃ig (ó vocal) samantalàng doó’y isinising̃it. Baybayín natin
ang ugát na ibig sang-ayon sa ikalawáng hugis ng̃ anyông um, sa
makatwíd ang pangwatas na umibig.
PAGBABAYBÁY SA ANYÔNG “UM”
IKALAWÁNG HUGIS.
Ayos. Panahón. Pagbaybáy.
Pangbadyá Umibig.
Panghiwatig Kasalukuyan Umíibig.
„ Nakaraán Umibig.
„ Nakaraán na { Nakaibig na.
{ Umibig na.
„ Haharapín Íibig.
Pang-utos Umibig.
Pangsukob Kasalukuyan Kung umíibig.
„ Nakaraán Kung umibig.
„ Haharapín Kung íibig.
G. ¿Anó ang dapat ipaalaala ukol sa anyông um?
N. Na, ang anyông um magíng sa una at ikalawáng hugis, sa iláng
lálawigang nagsasalitâ ng̃ Wikàng Tagalog ay ginagawâng na sa
panahóng kasalukuyan, hal.: Si Pedro ay násulat, siyá’y nábulong,
akó’y náinóm sa lugál na sabihing sumusulat, bumubulóng at
umíinóm.
G. ¿Anó pa ang mg̃a kabaguhang nangyayari ukol sa um?
N. Bukód sa mg̃a tuntunin nang náilagdâ ukol sa pagbabaybáy, ay
mayroón pang isáng paraáng sinúsunód na siyáng másasabing tang̃ì ó
bukód na tang̃ìng mangyayari kailan ma’t ang pangwatas ay may dalawáng
pantíg at nagpapásimulâ sa titik na b, k ó p, na, alín man
sa mg̃a itó’y nagigíng m kung sa pangbadyá (ó infinitivo) at
pang-utos (ó imperativo), at nagigíng n kung sa kasalukuyan at
nakaraán ng̃ panghiwatig (ó indicativo). Ang ibáng mg̃a panahón
ay sinúsunód ang dating tuntunin. Halimbawà itóng sumúsunód:
Ugát Pangbadyá Pang-utos Kasalukuyan Nakaraán
Bihag. Mihag. Mihag. Nínihag. Nihag.
Kuha. Muha. Muha. Núnuha. Nuha.
Payag. Mayag. Mayag. Nánayag. Nayag.
KÁGAMITÁN NG̃ ANYÔNG “UM”
G. ¿Kailán ginágamit ang pang̃ulong anyông itó?
N. Sa ibá’t ibáng pangkát na náuuwî sa sarìsarìng bagay. Náritó ang
mg̃a tuntuning sumúsunód ukol sa kanyáng paggamit:
I.--Sa pagpapahayag ng̃ pagbabago ng̃ anó man, hal.: pumutî, umitím,
pumulá, lumakí, lumiít, umuntî, tumaás, bumabà, atbp.
II.--Sa pagsusulit ng̃ pagbabago ng̃ katawán ng̃ tao ó hayop, hal.:
pumayát, tumabâ, umunlád, lumakí, tumaás, tumangkád, pumandák,
gumalíng, lumubhâ, sumamâ, bumuti, atbp. Ang ilán nitó’y ginágamit
sa mag, gaya ng̃ magbuntís, maghirap, maglubhâ atbp.
III.--Sa pagsasaysáy ng̃ kilos na kinukusà ng̃ tao, hal.: lumakad,
tumakbó, gumapang, tumaób, dumapâ, tumagilid, umupô, lumuhód,
tumindíg, tumihayà, tumalón, lumusong, lumang̃óy, lumuksó, atbp.
IV.--Sa pagsasabi ng̃ mg̃a katutubòng gawî ng̃ katawán, hal.: lumuhà,
umiyák, tumang̃is, dumahák, lumurâ, sumuka, kumain, lumamon, uminóm,
lumagók, kumamot, humikáb, bumahín, atbp.
V.--Sa pagbabadyá ng̃ mg̃a sariling gawî ng̃ damdamin kung sinasadyâ,
hal.: tuming̃in, duminíg, umamóy, lumasáp, numamnám, humipò, dumumí,
atbp. Ang ilán nitó’y ginágamit sa mag, gaya ng̃ magmasíd, magmalas,
atbp.
VI.--Sa pagsusulit ng̃ kusàng pagsirà, paglupít ó pagsakít, hal.:
pumatáy, sumugat, sumunog, sumirà, gumibâ, bumasak, bumalì, sumuntók,
pumutók, kumurót, kumalabít, tumampál, sumikad, sumipà, atbp.
VII.--Sa pagpapahayag ng̃ sarìsarìng katayùán ng̃ halaman, hal.:
tumubò, sumuplíng, sumibol, lumitáw, lumakí, tumaás, lumagô, lumusóg,
tumabâ, umunlád, umusbóng, sumang̃á, sumariwà, atbp. Ang ilán nitó’y
ginágamit sa mag, mang ó ma, gaya ng̃ mag-ugát, mamulaklák,
maunsiyamî, atbp.
VIII.--Sa pagsasaysáy ng̃ ibá’t ibáng kilos ó galáw ng̃ tubig, hal.:
bumukál, bumalong, lumakí, bumuhâ, lumiít, kumati, umalon, tumapon,
umagos, tumilansík, atbp.
IX.--Sa pagsasabi ng̃ paggawâ ng̃ anó man sa ibá, hal.: gumupít,
gumamót, kumamot, sumukláy, umahit, kumapit, tumang̃an, humilot,
atbp.
X.--Sa pagsasaád ng̃ mg̃a kilos na may tinatanggáp ang kumikilos
ó ang gumagawâ, hal.: umutang, bumilí, umabót, humuli, sumunggáb,
dumaklót, kumuha, tumanggáp, atbp.
XI.--Sa pagbabadyá ng̃ mg̃a kilos ng̃ dalawá, kailan ma’t tumutukoy
lamang sa íisá, hal.: sumama, sumabáy, sumunód, sumalo, sumunò,
tumirá, atbp. Kung bumabanggít sa dalawá ay ginágamit sa anyông
mag, gaya ng̃ magsama, magsabáy, magsunód, magsalo, atbp.
XII.--Sa pagsusulit ng̃ lagáy ng̃ panahón at ng̃ lakad ng̃ ibá’t ibáng
tangláw sa kalang̃itán, hal.: umaraw, umulán, umumaga, tumanghalì,
humápon, gumabí, humatinggabí, sumikat, sumilang, lumiwanag, dumilím,
kumulimlím, kumisláp, numingníng, atbp. Tumutukoy rin kung minsan
sa mg̃a anyông mag at mang, paris ng̃ magdilím, mamanaag, atbp.
XIII.--Sa pagsasaád ng̃ mg̃a katutubòng pangyayari sa pang̃anorin at
sa katalagahán, hal.: humang̃in, bumagyó, umulán, umambón, kumidlát,
kumulóg, lumindól, atbp.
XIV.--Sa pagsasaysáy ng̃ pagsigíd ó pagkagát ng̃ anó mang hayop,
hal.: kumagát, sumigíd, tumukâ, sumakmál, pumupog, kumamot, sumuwák,
sumipà, atbp.
XV.--Sa pagsasabi ng̃ mg̃a sigáw ó huni ng̃ anó mang hayop, hal.:
sumigáw, humuni, umung̃al, tumahól, ng̃umiyáw, tumilaok, sumiyáp,
kumakag, atbp.
XVI.--Sa pagbabadyá ng̃ mg̃a sarìsarìng pagtugtóg ó pag-awit na
ginagawâ ng̃ tao sa sarili niyá ó sa ibá’t ibáng kasangkapan, hal.:
umawit, kumantá, tumugtóg, humihip, tumipâ, sumutsót, pumito, atbp.
XVII.--Sa pagsusulit ng̃ nahihinggíl sa poók ó dako, hal.: lumapit,
lumayô, gumitnâ, tumabí, dumoón, dumito, dumiyán, pumarito, pumaroón,
pumarini, pumariyán, atbp.
XVIII.--Sa paggamit ng̃ ibá’t ibáng hugis ng̃ kasangkapan sa paggawâ
ng̃ anó man, hal.: sa baríl ay bumaríl, sa sibát ay sumibát, sa sumpít
ay sumumpít, sa bató ay bumató, sa lagarì ay lumagarì, sa paít ay
pumaít, sa guntíng ay gumuntíng, sa tabò ay tumabò, sa saguwán ay
sumaguwán, sa timbâ ay tumimbâ, atbp.
TALABABÂAN
[13] Dapat alamíng sa panahóng itó ay maáarì ring gamitin ang pag,
pagkâ, kapág at kapagkâ, baga ma’t ang kung ay siyáng angkáp
na angkáp na gamitin.
[14] Sa mg̃a panahóng nakaraán at haharapín nitóng pangsukob ay
maáarì namáng sundán ng̃ sana ó disin.
IX KABANATA
Ang pangbalak na anyông “MAG”
GURÒ. ¿Anó ang tinátawag na anyông mag?
NAG-AARAL. Tinátawag na anyông mag ang pangwatas na may pang-angkáp
na mag sa salitâng ugát.
G. ¿Mahalagá rin bagá ang anyông itó na paris ng̃ um?
N. Kung ang um ay may mataás na urì at lubhâng makabuluhán sa ating
mg̃a pangwatas gayón sa ating wikà, ang mag namán ay mayroóng ding
urìng dakilà at káhalagaháng tagláy; kayâ’t ang mag ay nábibilang
na pang̃alawá ng̃ um.
MG̃A PANUTO SA PAGBABAYBÁY
G. ¿Paano ang mg̃a tuntuning sinúsunód sa pagbabaybáy nitóng
anyông mag?
N. Ang mg̃a panuto ó pátakaráng dapat sundín sa pagbabaybáy ay itóng
mg̃a sumúsunód:
Una.--Ang pangbadyá (ó infinitivo) ay binubuô ng̃ salitâng
ugát at ng̃ pang-angkáp na mag, gaya ng̃ MAGlarô, MAG-isip,
MAGnasà.
Ikalawá.--Ang panahóng kasalukuyan ng̃ panghiwatig (ó presente de
indicativo), ang mag ay dapat gawíng nag at ulitin ó dalawahín ang
unang pantíg ng̃ salitâng ugát, gaya ng̃ naglalarô, nag-íisip,
nagnanasà.
Ikatló.--Ang panahóng nakaraán ay binubuô ng̃ salitâng ugát at
sakâ nag na siyáng nagíng kapalít ng̃ mag, gaya ng̃ naglarô,
nag-isip, nagnasà.
Ikaapat.--Ang panahóng nakaraán na ay may dalawáng kaparaanán ng̃
pagbubuô: una, ang pangbadyáng mag ay dapat gawíng pag at sakâ
angkapán ng̃ naka bago sa hulí’y dinaragdagán ng̃ na, gaya ng̃
nakapaglarô na, nakapag-isip na, nakapagnasà na; at ikalawá,
ang panahóng nakaraán at sakâ dinaragdagán sa hulí ng̃ na, gaya
ng̃ naglarô na, nag-isip na, nagnasà na.
Ikalimá.--Ang panahóng haharapín ay binubuô ng̃ pangbadyá at
sakâ inúulit ó dinadalawá ang unang pantíg ng̃ salitâng ugát, gaya
ng̃ maglalarô, mag-iisip, magnanasà.
Ikaanim.--Ang pang-utos (ó imperativo) ay katulad din ng̃
pangbadyá ó kayâ’y ang ugát na inangkapán ng̃ mag, gaya ng̃
maglarô, mag-isip, magnasà.
Ikapitó.--Ang panahóng kasalukuyan ng̃ pangsukob (ó presente
de subjuntivo) ay binubuô ng̃ kasalukuyan sa panghiwatig at sakâ
pinang̃ung̃unahan ng̃ kung, gaya ng̃ kung naglalarô, _kung
nag-íisip_, kung nagnanasà.
Ikawaló.--Ang panahóng nakaraán ay binubuô ng̃ nakaraán sa
panghiwatig at nilálagyán sa una ng̃ kung, gaya ng̃ kung naglarô,
kung nag-isip, kung nagnasà.
Ikasiyám.--Ang panahóng haharapín ay binubuô ng̃ haharapín sa
panghiwatig at sakâ nilálagyán sa una ng̃ kung, gaya ng̃ kung
maglalarô, kung mag-iisip, kung magnanasà.
G. ¿Paano ng̃ayón ang hugis ng̃ pagbabaybáy ng̃ anyông mag?
N. Sang-ayon sa mg̃a náilagdâng tuntunin ay dapat baybayín sa
kaparaanáng sumúsunód. Ilagáy na halimbawà ang ugát na larô at
angkapán itó ng̃ mag, na nagigíng pangwatas na maglarô.
PAGBABAYBÁY SA ANYÔNG “MAG”
Ayos. Panahón. Pagbaybáy.
Pangbadyá Maglarô.
Panghiwatig Kasalukuyan Naglalarô.
„ Nakaraán Naglarô.
„ Nakaraán na { Nakapaglarô na.
{ Naglarô na.
„ Haharapín Maglalarô.
Pang-utos Maglarô.
Pangsukob Kasalukuyan Kung naglalarô.
„ Nakaraán Kung naglarô.
„ Haharapín Kung maglalarô.
KÁGAMITÁN NG̃ ANYÔNG “MAG”
G. ¿Kailan dapat gamitin ang anyông “mag” na siyáng ikalawáng pang̃ulo
ng̃ mg̃a anyông pangbalak?
N. Sa mg̃a bagay at kaparaanáng sumúsunód:
I.--Sa mg̃a pangwatas na nagkakahulugán ng̃ pagtatapon, pagbibiyayà
ó pagpapahayag, hal.: magtapon, maglabás, magbigáy, magkaloób,
magbiyayà, magtulot, magsulit, magsalitâ, magsaysáy, magtalumpatì,
magpahayag, atbp.
II.--Sa mg̃a pangwatas na nagkakahulugán ng̃ pagkilos ó paggaláw
na ginagawâ sa ibá, hal.: mag-alís, maglagáy, maglapit, maglayô,
magpanhik, magpanaog, atbp. Kung ang pagkilos ó paggaláw na itó’y
ibinabagay lamang sa sarili ay dapat iukol sa um, hal.: umalís,
lumagáy, lumapit, lumayô, pumanhík, pumanaog, atbp.
III.--Sa mg̃a pangwatas na nagkakahulugán ng̃ pagkilos ó paggawâ na
ginaganáp ng̃ sino man sa kaniyáng sarili, hal.: mag-ahit, maggupit,
maghilamos, maghugas, magsukláy, atbp.
IV.--Sa mg̃a pangwatas na nagkakahulugán ng̃ pagsusuút ó ng̃ paggamit
sa katawán na nanggaling sa mg̃a ng̃alan ng̃ kasúutan, hal.: sa
barò ay magbarò, sa salawál ay magsalawál, sa tapis ay magtapis,
sa singsing ay magsingsing, sa hikaw ay maghikaw, sa salakót ay
magsalakót, sa payong ay magpayong, sa tungkód ay magtungkód.
V.--Sa mg̃a pangwatas na nagkakahulugán ng̃ pagigíng anó man na
nagbuhat sa mg̃a ng̃alan ng̃ katungkulan, na lalòng kapit na kapit
sa mg̃a salitâng hirám, hal.: magdiputado, (diputado); mag-abogado,
(abogado); maggobernador, (gobernador); maggurò, (gurò); magmédiko,
(médiko); atbp.
VI.--Sa mg̃a pangwatas na nagkakahulugán ng̃ paggawâ ng̃ anó mang lutò
na nagbuhat sa mg̃a salitâng pangdiwà (ó sustantivo), hal.: sigáng,
magsigáng; paksíw, magpaksíw; gulay, maggulay; kanin, magkanin; gisá,
maggisá; lutò, maglutò; ihaw, mag-ihaw; bagong, magbagong; atbp.
VII.--Sa mg̃a pangwatas na nagkakahulugán ng̃ paggamit, na nanggaling
sa mg̃a pangdiwà (ó sustantivo), hal.: sukà, magsukà; patís, magpatís;
asín, mag-asín; ulam, mag-ulam; atbp.
VIII.--Sa mg̃a pangwatas na nagkakahulugán ng̃ pagtatangkilik ó
paggawâ ng̃ anó man na nanggaling sa mg̃a salitâng pangdiwà (ó
sustantivo), hal.: bahay, magbahay; aklát, mag-aklát; prinsá,
magprinsá; asarol, mag-asarol; pisì, magpisì; katám, magkatám; susì,
magsusì; atbp.
IX.--Sa mg̃a pangwatas na nagkakahulugán ng̃ sumakáy ó maglakbáy na
nagbubuhat sa mg̃a pang̃alan ng̃ sasakyán, hal.: bangkâ, magbangkâ;
trambia, magtrambia; tren, magtren; bapor, magbapor; globo, magglobo;
karitón, magkaritón; atbp.
X.--Sa mg̃a pangwatas na nagkakahulugán ng̃ pakikipanig ó pakikitulad
sa asal at kasúutan ng̃ mg̃a bansá, bayan ó lahì na nang̃agsipagbuhat
sa mg̃a ng̃alan ó kátawagán ng̃ mg̃a itó, hal.: amerikano, mag-amerikano;
kastilà, magkastilà; intsík, mag-intsík; atbp.
XI.--Sa mg̃a pangwatas na nagkakahulugán ng̃ anó man sang-ayon sa ugát
na tagláy, na nanggagaling sa mg̃a salitâng hirám, hal.: sombrero,
magsombrero; tsikolate, magtsikolate; misa, magmisa; martilyo,
magmartilyo; asukal, mag-asukal; atb.
XII.--Sa mg̃a pangwatas na nagkakahulugán ng̃ mg̃a kilos ng̃ dalawá
kung ang mg̃a itó’y nábabanggít kapwà, hal.: magkita, mag-usap,
mag-away, magtalo, magsama, magpulong, magyakap, atbp. Kung
bumabanggít sa tatló ó marami ay dapat ulitin ang buông ugát ó ang
dalawáng pantíg nitó, at ang mag ay dapat ilagáy na palagì sa
pang-angkáp; hal.: magkitakita, magtalotalo, magyakapyakap, atbp.
XIII.--Sa mg̃a pangwatas na nagkakahulugán ng̃ paggagawàan ó
pagkikilusán ng̃ dalawá magíng sa anó man tumutukoy, at sa mg̃a
pangwatas na itó’y dapat na sugpung̃án ng̃ an ó han, hal.:
mag-aliwan, magyakapán, magsintahan, magsayahan, magtuksuhan,
magtawanan, atbp. Upáng tumukoy sa tatló ó marami ay dinadalawá ang
ugát, hal.: mag-alíwalíwan, magtuksútuksuhan, magyakápyakapan. Ukol
sa hulíng bagay na itó ay may isá pang paraáng ginagawâ, at itó’y
ang paglalagáy sa bilang na dalawá ó marami (ó número plural) ng̃
pangwatas, hal.: mang̃ag-aliwan, mang̃agtuksuhan, mang̃agyakapan.
XIV.--Sa mg̃a pangwatas na nagkakahulugán ng̃ pagkukunwarî ó
pagdadahilán, at ang pagbubuô nitó’y dinadalawá ó inúulit ang salitâng
ugát na may dalawáng pantíg na ináangkapán ng̃ mag at sinusugpung̃án
ng̃ an ó han; hal.: magbulagbulagan, magsakítsakitan, mag-iyakiyakan,
atbp. Kung may tatlóng pantíg ay dapat ulitin lamang ang unang pantíg
at ang unang dalawáng titik ng̃ ikalawáng pantíg ng̃ ugát, hal.:
maghimuhimutukan.
XV.--Sa mg̃a pangwatas na nagkakahulugán ng̃ pagmamayabáng ó
pamamarali ó pagsasayá na nagbubuhat sa mg̃a salitâng pangturing
(ó adjetivo) na inangkapán ng̃ ma, hal.: magmabutí, magmataás,
magmalakí, magmarunong, magmabihís, magmagilás, magmasayá, magmagalák,
atbp.
XVI.--Sa mg̃a pangwatas na nagkakahulugán ng̃ mg̃a kilos na
pagpaparami ó pagpapalabis, na kung sa um ay nagkakahulugán ng̃
íisá, at ang mg̃a pangwatas na itó’y dapat bigkasíng mariín sa hulíng
pantíg; hal.: sumulat, magsulát; tumawa, magtawá; bumasa, magbasá;
atbp. Ng̃unì’t kinakailang̃ang ulitin ó dalawahín ang unang pantíg
ng̃ ugát ng̃ iláng pangwatas ng̃ um, hal.: bumilí, magbibilí;
tumakbó, magtatakbó; atbp.
XVII.--Sa mg̃a pangwatas na nagkakahulugán ng̃ pagdaragdág ó
pagpapalawig, kailan ma’t dinadalawá ó inúulit ang salitâng ugát,
hal.: magkuròkurò, magnilaynilay, magdilìdilì, mag-isipisip.
XVIII.--Sa mg̃a pangwatas na nagkakahulugán ng̃ paglalakip ng̃ dalawá
ó ang náuukol sa mg̃a kamag-anak, katoto, kapanalig, hal.: mag-amá,
mag-iná, mag-anák, magbiyanan, magkaibigan, magkatoto, magbayáw,
atbp.
XIX.--Sa mg̃a pangwatas na nagkakahulugán ng̃ pagpípitagan ó
pag-áanyayà, kailan ma’t dalawá ang tinutukoy, hal.: magpugay,
magkamáy, magyakap, magpaalam, mag-anyayà, magyakag, magyayâ, atbp.
XX.--Sa mg̃a bilang na marami kung ipinangbabahagi sa hanáy,
pulutóng ó tumpók, at sa bagay na itó ay inúulit ang unang dalawáng
pantíg kahì’t na magkaroón itó ng̃ pantíg na dalawá ó tatló, hal.:
mag-isáisá, magdaládalawá, maglimálimá, atbp.
XXI.--Sa mg̃a pangwatas na nagkakahulugán ng̃ ibá’t ibáng kilos ng̃
paghahalaman ó pagtataním kailan ma’t tumutukoy sa pagkakaroón, hal.:
magtaním, magpunlâ, mag-usbóng, magsang̃á, magbung̃a, magdilíg,
mag-ugát, magdahon, atbp.
XXII.--Ang mg̃a salitâng ugát na nagpapásimulâ sa m na hindî
maáarìng baybayín sa um, ay ginagawâng pangwatas sa pamamagitan
ng̃ mag, hal.: magmatá, magmasíd, magmalas, magmana, atbp.
XXIII.--Ang mg̃a salitâng ugát na nagpapásimulâ sa w na hindî
maáarìng baybayín sa um, ay ginagawâng pangwatas sa pamamagitan
ng̃ mag, gaya sa warì ay magwarì, sa wastô ay magwastô, sa wikà
ay magwikà, sa wilíg ay magwilíg, sa walís ay magwalís, atbp.
X KABANATA
Ang pangtiyák na anyông “IN”
GURÒ. ¿Anó ang tinátawag na anyông in?
NAG-AARAL. Tinátawag na anyông in ang pangwatas na may sugpóng na
in sa salitâng ugát.
G. ¿Anó ang káhalagahán ng̃ anyông itó?
N. Malakí pò, sapagkâ’t nanggagaling sa kanyá ang mg̃a pangwatas na
tagalog na nagbabadyá ng̃ anó mang tiyák na bagay ó pang̃alan, na
siyáng nagigíng katugmâ ng̃ mg̃a anyông pangbalak; kayâ’t ang in
ay siyáng pang̃ulo sa mg̃a anyông pangtiyák.
G. ¿Paano ang paggamit sa anyông in?
N. May dalawáng paraán ang paggamit sa anyông itó: Una, kung ang
salitâng ugát ay nagtatapós sa pangtinig (ó consonante), ó kayâ’y
sa ting̃ig (ó vocal) na may kudlít na banayad (`) ó salakót (^) ay
ginágamit ang in, gaya sa lasáp ay lasapín, sa hasâ ay
hasâin, sa larô ay larùin, atbp. Ikalawá, kung ang salitâng
ugát ay nagtatapós sa ting̃ig (ó vocal) na walâng diín ó kudlít,
ó kayâ’y sa ting̃ig na may kudlít na mariín (´), ang anyông in
ay dapat gawíng hin, gaya sa mana ay manahin, sa hila ay
hilahin, sa damá ay damahín ó damhín, sa batá ay batahín
ó bathín.
G. ¿Alín ang mg̃a kabaguhang dapat mangyari sa pagsusugpóng nitóng
in sa salitâng ugát?
N. Itóng mg̃a sumúsunód:
Una.--Kung e ang katapusáng titik ng̃ salitâng ugát ay dapat
gawíng i, gaya sa page ay pagihin, sa gabe ay gabihin, sa
butsé ay butsihín, sa kapé ay kapihin.
Ikalawá.--Kung ang katapusáng pantíg ng̃ ugát ay may e na
pinagigitnâan ng̃ mg̃a pangtinig (ó consonante), ang náturang e
ay dapat gawíng i, gaya sa kiskés ay kiskisín, sa atés ay
atisin.
Ikatló.--Kung o ang katapusáng titik ng̃ salitâng ugát ay dapat
gawíng u, gaya sa tuksó ay tuksuhín, sa larô ay larùin,
sa pasò ay pasuin.
Ikaapat.--Kung ang katapusáng pantíg ng̃ ugát ay may o na
pinagigitnâan ng̃ mg̃a pangtinig (ó consonante), ang násabing o
ay dapat gawíng u, gaya sa bunot ay bunutin, sa kahoy ay
kahuyin, sa pukpók ay pukpukín.
Ikalimá.--Kung ang katapusáng pantíg ng̃ salitâng ugát ay nagdudulo
sa ad, ed, id, od, ó ud, na ang mg̃a itó’y maáarìng baybayín
sa in, ang d ay dapat gawíng r sang-ayon sa talagáng tuntuning
sinúsunód ukol dito; gaya sa tilád ay tilarín, sa lipád ay
liparin, sa sisid ay sisirin, sa ubod ay uburin, atbp.
Kung minsan ay hindî nagbabago ang d, at dahil dito ay náwawalâ
ang i ó ang o sa mg̃a salitâng nagtatapós sa id ó od, gaya
sa patíd ay patdín, sa bukód ay bukdín.
Dapat matantô na ang dalawáng tuntuning náuuná ay bihiràng mangyari,
sapagkâ’t sa Wikàng Tagalog ay madalang kung dî man másasabing walâ
ang mg̃a salitâng mayroóng e sa katapusáng pantíg ng̃ mg̃a salitâng
ugát.
HUGIS NG̃ “IN” AT ANG KANYÁNG MG̃A TUNTUNIN SA PAGBABAYBÁY
G. ¿Mayroóng ilán ang hugis (ó forma) ng̃ in?
N. Katulad din pò ng̃ um na may dalawáng hugis: Una, kung ang
ugát ay nagpapásimulâ sa pangtinig (ó consonante) ay ginágamit ang
in sa pangsing̃it at pangsugpóng; at ikalawá, kung ang ugát ay
nagpapásimulâ sa ting̃ig (ó vocal) ay ginágamit namán ang in sa
pang-angkáp at pangsugpóng.
G. Tungkól sa unang hugis, ¿alín ang mg̃a panutong sukat mapagpátakarán
ukol sa pagbabaybáy (ó conjugación)?
N. Ang mg̃a sumúsunód na tuntunin, sang-ayon sa kaniyáng mg̃a ayos
at mg̃a panahón:
1.--Ang pangbadyá ay binubuô ng̃ salitâng ugát at ng̃ pangsugpóng
na in, gaya ng̃ tawagin, basagin, hampasín.
2.--Ang panahóng kasalukuyan ng̃ panghiwatig ay binubuô ng̃ ugát
na sining̃itan ng̃ in sa unang dalawáng titik ng̃ unang pantíg at
sakâ inúulit ang unang pantíg ng̃ náturang ugát, gaya ng̃ tinátawag,
binabasag, hinahampás.
3.--Ang panahóng nakaraán ay binubuô na ugát at sakâ sinising̃itan
ng̃ in sa unang dalawáng titik ng̃ unang pantíg ng̃ náturang ugát,
gaya ng̃ tinawag, binasag, hinampás.
4.--Ang panahóng nakaraán na ay binubuô ng̃ panahóng nakaraán at
sakâ sa hulí’y sinusundán ng̃ na, gaya ng̃ tinawag na, _binasag
na_, hinampás na.
5.--Ang panahóng kararaán ay binubuô ng̃ ugát na inulit ang unang
pantíg nitó, sakâ ináangkapán ng̃ ka at sa hulí’y sinusundán ng̃
pa; gaya ng̃ kátatawag pa, kábabasag pa, káhahampás pa.
6.--Ang panahóng haharapín ay binubuô ng̃ pangbadyá at sakâ inúulit
ang unang dalawáng titik ng̃ unang pantíg ng̃ salitâng ugát, gaya
ng̃ tatawagin, babasagin, hahampasín.
7.--Ang pang-utos ay katulad din ng̃ pangbadyá ó kayâ’y ang ugát
na sinugpung̃án ng̃ in, gaya ng̃ tawagin, basagin, hampasín.
8.--Ang panahóng kasalukuyan ng̃ pangsukob ay binubuô ng̃
kasalukuyan sa panghiwatig at sakâ nilálagyán sa una ng̃ kung gaya
ng̃ kung tinátawag, kung binabasag, kung hinahampás.
9.--Ang panahóng nakaraán ay binubuô ng̃ nakaraán ng̃ panghiwatig
at may kung sa una, gaya ng̃ kung tinawag, kung binasag, _kung
hinampás_.
10.--Ang panahóng haharapín ay binubuô ng̃ haharapín ng̃ panghiwatig
at nilálagyán sa una ng̃ kung, gaya ng̃ kung tatawagin, _kung
babasagin_, kung hahampasín.
G. Ng̃ayóng náilagdâ na ang mg̃a tuntunin ng̃ pagbabaybáy nitóng
in, ¿paano namán ang kanyáng hugis?
N. Sa pagbabaybáy nitóng unang hugis ng̃ in ay ilagáy na halimbawà
ang ugát na tawag at sakâ sugpung̃án ng̃ in na nagigíng pangwatas
na tawagin, pangwatas itóng katugmâ ng̃ tumawag na binaybáy
sa um.
PAGBABAYBÁY SA ANYÔNG “IN”.
UNANG HUGIS.
Ayos. Panahón. Pagbaybáy.
Pangbadyá Tawagin.
Panghiwatig Kasalukuyan Tinátawag.
„ Nakaraán Tinawag.
„ Nakaraán na Tinawag na.
„ Kararaán Kátatawag pa.
„ Haharapín Tatawagin.
Pang-utos Tawagin.
Pangsukob Kasalukuyan Kung tinátawag.
„ Nakaraán Kung tinawag.
„ Haharapín Kung tatawagin.
G. ¿Sinúsunód bagá sa tuwîtuwî na ang ganitóng pagbabaybáy sa unang
hugis ng̃ anyông in?
N. Hindî pò, at may isáng pásubalìng (excepción) dapat matatág na
siyáng kinagawìáng gawín ng̃ marami, tang̃ì sa madalîng bigkasín at
magandáng pakinggán. Ang náunáng pásubalì ay náuuwî sa ganitó: Lahát
halos ng̃ mg̃a salitâng ugát, na nagpapásimulâ sa mg̃a pangtinig
na l, w, at y na binabaybáy sa anyông pangtiyák na in, itó
(ang in) ay nagigíng ni at hindî isinising̃it kundî iniáangkáp,
na tang̃ìng mangyayari sa mg̃a panahóng kasalukuyan (ó presente),
nakaraán (ó pasado) at ang mg̃a sakláw nitó, ng̃unì’t sa ibá pang
panahón ay dapat sundín ang talagáng tuntuning sinúsunód ng̃ in.
Náitó ang iláng halimbawà ukol sa dalawáng tuntuning pangkalahatán
at pásubalì:
Ugát. Panahón. Pangkalahatán. Pásubalì.
Lináng
Kasalukuyan Linilináng Nililináng
Nakaraán Linináng Nilináng
Wastô
Kasalukuyan Winawastô Niwawastô
Nakaraán Winastô Niwastô
Yantók
Kasalukuyan Yinayantók Niyayantók
Nakaraán Yinantók Niyantók
G. Tungkól sa ikalawáng hugis, ¿alín namán ang mg̃a panutong dapat
taluntunín sa pagbabaybáy?
N. Gaya rin ng̃ mg̃a pátakaráng náilagdâ at sinunód sa unang hugis,
ng̃unì’t ang kauntîng kaibhán lamang ay sa ikalawáng hugis na itó’y
ang in ay iniáangkáp sa mg̃a lugál na pinagsising̃itan sa unang
ayos. Baybayín natin ng̃ayón ang ugát na agaw sang-ayon sa ikalawáng
hugis ng̃ in, sa makatwíd ang pangwatas na agawin.
PAGBABAYBÁY SA ANYÔNG “IN”.
IKALAWÁNG HUGIS.
Ayos. Panahón. Pagbaybáy.
Pangbadyá Kasalukuyan Agawin.
Panghiwatig Kasalukuyan Ináagaw.
„ Nakaraán Inagaw.
„ Nakaraán na Inagaw na.
„ Kararaán Kaáagaw pa.
„ Haharapín Áagawin.
Pang-utos Kasalukuyan Agawin.
Pangsukob Kasalukuyan Kung ináagaw.
„ Nakaraán Kung inagaw.
„ Haharapín Kung áagawin.
KÁGAMITÁN NG̃ ANYÔNG “IN”
G. ¿Malimit bagáng gamitin itóng anyông in sa ating mg̃a pangwatas?
N. Ang pangtiyák na anyông in ay totoóng makabuluhán at siyáng
malimit gamitin sa ating mg̃a salitâ, sapagkâ’t siyá ang tumitiyák
ng̃ anó mang binabanggít ng̃ pangwatas.
G. ¿Alínalín ang mg̃a tuntuning dapat mataluntón sa paggamit ng̃
náturang anyô?
N. Lubhâng mahirap pòng bigyán ng̃ mg̃a tuntuning tiyák na tiyák ng̃
sa kanyá’y paggamit, dahil sa karamihan ng̃ mg̃a anyông pangtiyák na
ginágamit sa ating wikà. Gayón man, ay malálagyán ng̃ mg̃a tuntuning
sukat mapagpátakarán ng̃ paggamit sa anyông in, at itóng mg̃a
sumúsunód:
I.--Ginágamit ang anyông in sa mg̃a salitâng ugát na nagkakahulugán
ng̃ pagkuha ó pagdampót ng̃ anó man, hal.: sa samsám ay samsamín, sa
gamit ay gamitin, sa dakót ay dakutín, sa dalá ay dalhín, sa bilí
ay bilhín, sa dampót ay damputín, atbp.
II.--Ginágamit ang anyông in sa mg̃a salitâng ugát na nagkakahulugán
ng̃ paghing̃î ó paghirám ng̃ anó man, hal.: sa hing̃î ay hing̃ín,
sa hirám ay hiramín, sa utang ay utang̃in, atbp.
III.--Ang mg̃a salitâng pangtayô sa pag-áarì (ó pronombre posesivo)
ay magagawâng pangwatas sa pamamagitan ng̃ in, na nagkakahulugán
ng̃ pag-arì ng̃ anó man, hal.: sa akin ay akinin, sa iyó ay
iyuhin, sa kanyá ay kanyahín, sa atin ay atinin, sa inyó
ay inyuhin, atbp.
IV.--Ang mg̃a salitâng ugát na nagkakahulugán ng̃ pagkain ó pag-inóm
ng̃ anó man na ginaganáp ng̃ sarili, ay binabaybáy sa in, hal.:
sa kain ay kainin ó kanin, sa lamon ay lamunin, sa inóm ay inumin,
sa higop ay higupin, sa tunggâ ay tunggâin, sa hithít ay hithitín,
sa tagáy ay tagayin, atbp.
V.--Ang mg̃a salitâng ugát na may kátuturán ng̃ pagtawag ó pagsundô
sa sino man, ay binabaybáy rin sa in, hal.: sa tawag ay tawagin,
sa sundô ay sundùín, sa kaon ay kaunin, atb. Kung minsan ang iláng
ugát na sakláw nitóng pagtawag ó pagsundô ay binabaybáy sa an,
gaya ng̃ kawáy ay kawayán, ng̃ sutsót ay sutsután, atbp.
VI.--Ang mg̃a salitâng ugát na may kahulugán ng̃ pag-akit ó pag-alók
ng̃ isá sa isá ay binabaybáy rin sa in, hal.: sa pigíng ay
piging̃ín, sa akit ay akitin, sa alók ay alukín, atbp.
VII.--Ang mg̃a ugát na nagtatagláy ng̃ kahulugán ng̃ paghanap ó
pagsaliksík ng̃ anó man, ay binabaybáy rin sa in, hal.: sa hanap
ay hanapin, sa halihaw ay halihawin, sa saliksík ay saliksikín, sa
apuhap ay apuhapin, sa kapâ ay kapâin, sa salát ay salatín, atbp.
VIII.--Ginágamit ang in sa mg̃a salitâng ugát na ang kahulugá’y
pagkibô ó paggaláw ng̃ anó man, hal.: sa kibô ay kibùin, sa galáw
ay galawín, sa luglóg ay luglugín, sa alók ay alukín, sa kundáy ay
kundayin, atbp.
IX.--Ginágamit ang in sa mg̃a salitâng ugát na ang kátuturá’y
pagdadalá ó pagpapasán ng̃ anó man na ginaganáp ng̃ sarili, hal.:
pasán, pasanín; dalá, dalhín; tagláy, taglayín; kilik, kilikin;
kalong, kalung̃in; buhat, buhatin; atbp.
X.--Ginágamit ang in sa mg̃a salitâng ugát na nagkakahulugán ng̃
pagtanggáp ng̃ anó man, hal.: tanggáp, tanggapín; sahod, sahurin;
sambót, sambutin; salubong, salubung̃in; atbp.
XI.--Ginágamit ang in sa mg̃a salitâng ugát na ang kátuturá’y
nagbabadyá ng̃ mg̃a paraán sa paghuli ng̃ anó mang hayop na gumagalà
sa lupà at sa himpapawíd, hal.: sa batíng ay bating̃ín, sa sumpít
ay sumpitín, sa silò ay silùin, sa baríl ay barilin, sa bató ay
batuhín, atbp.
XII.--Ginágamit ang anyông in sa mg̃a ugát na ang kahulugá’y
nagbabadyá ng̃ mg̃a kaparaanáng ginagawâ sa paghuli ng̃ mg̃a isdâ ó
ng̃ mg̃a hayop na tumatahán sa tubig, hal.: sa lambát ay lambatín,
sa dalá ay daláhin, sa bing̃uwít ay bing̃uwitín, sa lambóng ay
lambung̃ín, sa siík ay siikin, sa salapáng ay salapang̃ín.
XIII.--Ang mg̃a salitâng ugát na tumutukoy sa mg̃a gawî ng̃ damdamin
ay maáarìng gamitin sa in kailan ma’t ang kahulugá’y pakabíg sa
gumagawâ, hal.: tanáw, tanawín; panoód, panoorin; ling̃ón, ling̃unin;
ding̃ig, ding̃igín ó dinggín; lasáp, lasapín; namnám, namnamín; amóy,
amuyín; singhód, singhurin; hipò, hipùin; damá, damahín ó damhín;
atbp. Marami rin ang ginágamit sa an ukol sa bagay na itó, gaya
ng̃ ting̃ín ay tingnán; tikím, tikmán; pakinig, pakinggán; atbp.
XIV.--Ang mg̃a salitâng ugát na tumutukoy sa pag-íisip, pag-alala at
pag-ibig ay ginágamit din sa in, hal.: isipin, kurùin, buhayin,
usisàin, alalahanin, gunítâín, panimdimín, ibigin, nasàin, irugin,
sintahín, naisin, atbp.
XV.--Ang mg̃a salitâng ugát na nagkakahulugán ng̃ pagputol, pagtimbáng
at pagsukat ay binabaybáy rin sa in, hal.: sa putol ay putulin,
sa tagâ ay tagâin, sa tabas ay tabasin, sa palakól ay palakulín, sa
lagarì ay lagarìin, sa timbáng ay timbang̃ín, sa taya ay tayahin,
sa balak ay balakin, sa takal ay takalin, atbp.
XVI.--Ang mg̃a salitâng ugát na nagbabadyá ng̃ pagsirà ó paggibâ
ó paglupít ay binabaybáy rin sa in, hal.: sa sirà ay siràin, sa
gibâ ay gibâin, sa sunog ay sunugin, sa guhô ay guhùin, sa patáy ay
patayín, sa sundáng ay sundang̃in, sa gulok ay gulukin, atbp. May
ilán ding binabaybáy sa an, gaya sa sugat ay sugatan, atbp.
XVII.--Ang mg̃a salitâng ugát na tumutukoy sa mg̃a bagay na karaniwan
ay nagagawâng pangwatas sa pamamagitan ng̃ in na nagkakahulugán
ng̃ paggawâ sang-ayon sa kápakanán ng̃ isá’t isá; hal.: sa barò ay
barùin, sa salawál ay salawalín, sa balabal ay balabalin, sa tungkód
ay tungkurin, sa bahay ay bahayin, sa payong ay payung̃in, atbp.
XVIII.--Ang mg̃a salitâng ugát na tumutukoy sa pagbilang ay
maáarì ring gawíng pangwatas dito sa in, at kung magkaganitó’y
nagkakahulugán ng̃ paggawâ ng̃ anó man sang-ayon sa kápakanán ng̃
isá’t isá, gaya sa isá ay isahín, sa dalawá ay dalawahín, sa limá
ay limahín, sa sampuô ay sampùin, atbp.
XIX.--Ginágamit ang in sa pagtiyák ng̃ ibá’t ibáng sakít na
dinaramdám, hal.: sa lagnát ay lagnatín, sa hikà ay hikàin, sa ng̃iki
ay ng̃ikihin, sa ubó ay ubuhín, sa iti ay itihin, sa sikmurà ay
sikmuràin, sa bulutong ay bulutung̃ín, sa kólera ay kolerahín atbp.
XX.--Nagsusulit ng̃ pagkakáwang̃ís ó pagkayarì, kailan ma’t tumutukoy
sa panahóng nakaraán, hal.: sa saging ay sinaging, sa duhat ay
dinuhat, sa santól ay sinantól, sa sampalok ay sinampalok, sa gulay
ay ginulay, sa bataw ay binataw, atbp.
XXI.--Ang mg̃a salitâng pangturing ay nágagawâng pangwatas dito sa
anyông in, hal.: mahál, mahalín; magandá, magandahín; masamâ,
masamâin; mabuti, mabutihin; matamís, matamísin; atbp.
XI KABANATA
Ang pangtiyák na anyông “I”
GURÒ. ¿Anó ang tinátawag na anyông i?
NAG-AARAL. Tinátawag na anyông i ang pangwatas na may pang-angkáp
na i sa salitâng ugát.
G. ¿Anó ang káhalagaháng tagláy ng̃ anyông itó?
N. Kung ang in ay siyáng káunáunahan sa mg̃a anyông pangtiyák ng̃
mg̃a pangwatas tagalog, ang i namá’y hindî nagigíng hulí sa kanyá
kung isusumag din lamang sa daládaláng káhalagahán, kung kayâ’t ang
anyông itó ay siyáng nábibilang na pang̃alawáng urì sa mg̃a pangtiyák
na anyô.
MG̃A PÁTAKARÁN SA PAGBABAYBÁY
G. Sa pagbabaybáy nitóng anyông i ¿alín namán ang mg̃a pátakaráng
dapat taluntunín?
N. Ang mg̃a tuntuning sumúsunód sang-ayon sa pagkakabaibaitang na
dapat gawín:
1.--Ang pangbadyá ay binubuô ng̃ salitâng ugát at ng̃ pang-angkáp
na i, gaya ng̃ ibilí, isulat.
2.--Ang panahóng kasalukuyan ng̃ panghiwatig ay binubuô ng̃ ugát
na sinising̃itan ng̃ in sa unang dalawáng titik ng̃ unang pantíg,
sakâ inúulit ó dinadalawá ang unang pantíg ng̃ ugát, bukód pa ang
pag-áangkáp ng̃ anyông i, gaya ng̃ ibiníbilí, isinusulat.
3.--Ang panahóng nakaraán ay binubuô lamang ng̃ ugát na may
pangsing̃it na in at sakâ may pang-angkáp na anyông i, gaya ng̃
ibinilí, isinulat.
4.--Ang panahóng nakaraán na ay binubuô nitóng panahóng nakaraán
at sakâ sinusundán ng̃ na, gaya ng̃ ibinilí na, isinulat na.
5.--Ang panahóng haharapín ay binubuô ng̃ salitâng ugát, sakâ
inúulit ang unang pantíg nitó at bago ináangkapán ng̃ anyông i,
gaya ng̃ ibíbilí, isusulat.
6.--Ang pang-utos ay ginágamit ang sa pangbadyá ó kayâ’y ang ugát
na may pang-angkáp na i, gaya ng̃ ibilí, isulat, atbp.
7.--Ang panahóng kasalukuyan ng̃ pangsukob ay binubuô ng̃
kasalukuyan sa panghiwatig at sa una’y nilálagyán ng̃ kung, gaya
ng̃ kung ibinibilí, kung isinusulat.
8.--Ang panahóng nakaraán ay binubuô ng̃ nakaraán sa panghiwatig
at nilálagyán ng̃ kung sa una, gaya ng̃ kung ibinilí, _kung
isinulat_.
9.--Ang panahóng haharapín ay binubuô rin ng̃ haharapín ng̃
panghiwatig at may kung sa una, ó gaya ng̃ kung ibíbilí, _kung
isusulat_.
G. ¿Paano ng̃ayón ang hugis ng̃ pagbabaybáy sa anyông pangtiyák
na i?
N. Sa pagbabaybáy nitó ay kuning halimbawà ang ugát na bilí at
sakâ angkapán itó ng̃ anyông i na nagigíng pangwatas na ibilí
na siyáng pangtiyák ng̃ bumilí at magbilí na binaybáy sa um
at mag.
PAGBABAYBÁY SA ANYÔNG “I”.
Ayos. Panahón. Pagbaybáy.
Pangbadyá Ibilí.
Panghiwatig Kasalukuyan Ibiníbilí.
„ Nakaraán Ibinilí.
„ Nakaraán na Ibinilí na.
„ Haharapín Ibíbilí.
Pang-utos Ibilí.
Pangsukob Kasalukuyan Kung ibiníbilí.
„ Nakaraán Kung ibinilí.
„ Haharapín Kung ibíbilí.
G. ¿Walâ bagáng pásubalì (ó excepción) ang mg̃a pátakaráng itó sa
pagbabaybáy?
N. Mayroón pò, at isáng pásubalìng lalòng mahalagá kay sa in, isáng
pásubalìng dapat matantô at dapat sundín, sapagkâ’t natutung̃od sa
ikagagandá at ikagagaán sa pagbigkás ng̃ ating mg̃a salitâ.
G. ¿Paano ang dapat itakdâng pásubalì?
N. Itóng sumúsunód: Ang mg̃a salitâng ugát na nagpapásimulâ sa
ting̃ig (ó vocal), ó sa mg̃a pangtinig na h, l, w, at y, ay
may ibáng hugis ng̃ pagbubuô kailan ma’t tumutukoy sa mg̃a panahóng
kasalukuyan (ó presente) at nakaraán (ó pasado) at sa mg̃a sakláw
nitó, ibáng hugis na ang in ay dapat gawíng ni sang-ayon sa
kinagawìán at gayón sa ikagagaán ng̃ pagsambít at ikagagandá ng̃
mg̃a salitâ. Dapat matantô na ang anyông i ay hindî nátitinag sa
talagáng kinalalagyán niyá. Dapat ding matantô na ang ibá’t ibá pang
panahón ay dapat isunód sa talagáng tuntunin ng̃ anyông i.
Náitó sa kasunód ang isáng tálâán ng̃ mg̃a ugát na nátatakdâ sa
pásubalì, at upáng lumiwanag ay marapat pag-agapayanin ang dalawáng
tuntunin, gayón ang mg̃a ugát at mg̃a panahóng kinaúukulan ng̃
bawà’t isá.
Ugát. Panahón. Pangkalahatán. Pásubalì.
Alay Kasalukuyan. Iinaalay. Iniáalay.
„ Nakaraán. Iinalay. Inialay.
Ilag Kasalukuyan. Iiniilag. Iniíilag.
„ Nakaraán. Iinilag. Iniilag.
Utang Kasalukuyan. Iinuutang. Iniúutang.
„ Nakaraán. Iinutang. Iniutang.
Habol Kasalukuyan. Ihinahabol. Iniháhabol.
„ Nakaraán. Ihinabol. Inihabol.
Luhog Kasalukuyan. Ilinuluhog. Inilúluhog.
„ Nakaraán. Ilinuhog. Iniluhog.
Wakwák Kasalukuyan. Iwinawakwák. Iniwáwakwák.
„ Nakaraán. Iwinakwák. Iniwakwák.
Yapós Kasalukuyan. Iyinayapós. Iniyayapós.
„ Nakaraán. Iyinapós. Iniyapós.
KÁGAMITÁN NG̃ ANYÔNG “I”
G. ¿Saánsaán ginágamit ang anyông i?
N. Itóng anyông i ay isá ring makabuluháng anyô sa mg̃a pangtiyák
at isá rin sa madalás gamitin sa mg̃a pangwatas tagalog. Ang mg̃a
tuntunin ng̃ sa kanyá’y paggamit ay itóng mg̃a sumúsunód:
I.--Ginágamit itóng anyông i sa mg̃a salitâng ugát na nagbabadyá
ng̃ pagtatapon ó paghahagis ng̃ anó man, hal.: sa tapon ay itapon,
sa buhos ay ibuhos, sa hagis ay ihagis, sa hulog ay ihulog, sa bulíd
ay ibulíd, sa pukól ay ipukól, sa bató ay ibató, sa suka ay isuka,
sa luwâ ay iluwâ, sa uhô ay iuhô, sa bubô ay ibubô, atbp.
II.--Ginágamit ang anyông i sa mg̃a salitâng ugát na nagsusulit
ng̃ pagpupunlâ ó pagtataním ng̃ anó man kailan ma’t ipinangtitiyák,
hal.: sa taním ay itaním, sa punlâ ay ipunlâ, sa hasík ay ihasík,
sa tubò ay itubò, sa baón ay ibaón, sa sabog ay isabog, atbp.
III.--Ginágamit din ang anyông i sa mg̃a salitâng ugát na
nagpapahayag ng̃ pagkakalat ó pagpapálaganap ng̃ anó man kailan ma’t
ipinangtitiyák, hal.: sa kalat ay ikalat, sa laganap ay ilaganap,
sa sambulat ay isambulat, sa bulaksák ay ibulaksák, atbp.
IV.--Ginágamit din ang anyông i sa mg̃a salitâng ugát na nagbabadyá
ng̃ paghahalò ó pagsasahók ng̃ anó man kailan ma’t pangwatas na
ipinangtitiyák, hal.: sa halò ay ihalò, sa sama ay isama, sa sahók
ay isahók, sa kanáw ay ikanáw, sa sawsáw ay isawsáw, sa lahók ay
ilahók, atbp.
V.--Nagagawâng pangtiyák na pangwatas dito sa i ang mg̃a ugát na
nagbabadyá ng̃ pagtutulad ó pagtitimbáng ng̃ isáng bagay sa kapuwà
bagay, hal.: sa tulad ay itulad, sa paris ay iparis, sa gaya ay
igaya, sa para ay ipara, sa wangkî ay iwangkî, sa mukhâ ay imukhâ,
sa bagay ay ibagay, sa gagád ay igagád, sa timbáng ay itimbáng, sa
pantáy ay ipantáy, sa tumbás ay itumbás, atbp.
VI.--Nagagawâ ring pangtiyák na pangwatas sa i ang mg̃a pangwatas
na nagbabadyá ng̃ pagsasalitâ ó pagsasaysáy at pagtuturò, hal.: sa
saysáy ay isaysáy, sa tanóng ay itanóng, sa sagót ay isagót, sa
bulóng ay ibulóng, sa sumbóng ay isumbóng, sa balità ay ibalità, sa
anás ay ianás, sa turò ay iturò, sa aral ay iaral, atbp. Kung minsan
ang mg̃a pangwatas na pangbalak na binaybáy sa mag ay ginagawâng
pangtiyák sa pamamagitan ng̃ pangtiyák nitó, hal.: sa salitâ ay
ipagsalitâ, sa wikà ay ipagwikà, atbp.
VII.--Sa anyông i ay nagagawâ ring pangtiyák na pangwatas ang mg̃a
nagbabadyá ng̃ pagbibilí ó paghahandóg ng̃ anó man, hal.: sa lakò ay
ilakò, sa tindá ay itindá, sa handóg ay ihandóg, sa alay ay ialay,
sa gawad ay igawad, atbp. Binabaybáy rin ang ilán sa pangtiyák na
ipag na siyáng katugmâ ng̃ mag, hal.: sa bilí ay ipagbilí, sa
amot ay ipag-amot, sa kaloób ay ipagkaloób, sa biyayà ay ipagbiyayà,
atbp.
VIII.--Ang mg̃a salitâng ugát na nagbabadyá ng̃ paglalagáy sa isáng
poók ó dako ng̃ anó man ay nagagawâng pangtiyák dito sa anyông i,
hal.: sa lagáy ay ilagáy, sa lantád ay ilantád, sa bunyág ay ibunyág,
sa bilád ay ibilád, sa patong ay ipatong, sa sing̃it ay ising̃it,
sa siksík ay isiksík, sa salong ay isalong, sa gatong ay igatong,
sa tapal ay itapal, atbp.
XII KABANATA
Ang pangtiyák na anyông “AN”
GURÒ. ¿Anó ang tinátawag na anyông an?
NAG-AARAL. Tinátawag na anyông an ang pangwatas na may sugpóng na
an sa salitâng ugát.
G. ¿Mahalagá rin bagá ang pangtiyák na anyông itó gaya ng̃ mg̃a
anyông in at i?
N. Sa mg̃a anyông pangtiyák, itóng an ay siyáng ikatló sa bilang
na siyáng ginágamit sa mg̃a pangwatas tagalog. Itóng an ay malimit
ding gamitin kaparis ng̃ dalawáng náuná sa kanyá, at isá rin sa
maraming sakláw sa ating mg̃a salitâ.
G. ¿Paano ang paggamit dito sa anyông an?
N. Gaya rin ng̃ sa anyông in na may dalawáng kaparaanán: Una, kung
ang salitâng ugát ay nagtatapós sa pangtinig (ó consonante) ó kayâ’y
sa ting̃ig (ó vocal) na may kudlít na banayad (`) ó salakót (^)
ay ginágamit ang an, gaya sa tapon ay tapunAN, sa susì ay
susìAN, sa tapî ay tapîAN, atbp. Ikalawá, kung ang ugát ay
nagtatapós sa ting̃ig (ó vocal) na walâng kudlít, ó kayâ’y sa ting̃ig
na may kudlít na mariín (´), ang anyông an ay dapat gawíng han,
gaya sa parusa ay parusaHAN, sa kasi ay kasiHAN, sa tindí
ay tindíHAN, atbp.
G. ¿Mayroón din bang nangyayaring pagkakabago ukol sa pagsusugpóng
ng̃ an sa salitâng ugát?
N. Mayroón pò, at ang mg̃a pagkakabagong itó’y katulad din ng̃
nangyayari sa in. Dapat din ditong itanghál ang mg̃a tuntunin
nitóng an, upáng mákilala ang ganáng kabaguhan nitó.
Una.--Kung e ang katapusáng titik ng̃ ugát ay dapat gawíng i,
gaya sa gabe ay gabihán, sa page ay pagihán, sa kapé ay
kapihán, atbp.
Ikalawá.--Kung ang hulíng pantíg ng̃ ugát ay may e na
pinagigitnâan ng̃ mg̃a pangtinig (ó consonante), ang náturang e
ay dapat gawíng i gaya sa kiskés ay kiskisán, sa tites ay
titisan, atbp.
Ikatló.--Kung ó ang katapusáng titik ng̃ ugát ay dapat gawíng
u, gaya sa dulo ay duluhan, sa asó ay asuhán, sa bató
ay batuhán, sa tampó ay tampuhán, atbp.
Ikaapat.--Kung ang hulíng pantíg ng̃ ugát ay may o na
pinagigitnâan ng̃ mg̃a pangtinig (ó consonante), ang násabing o ay
dapat gawíng u, gaya sa amóy ay amuyán, sa utos ay utusan,
sa kutós ay kutusán, sa subok ay subukan, atbp.
Ikalimá.--Kung ang hulíng pantíg ng̃ ugát ay nagtatapós sa ad,
ed, id, od, ó ud, na maáarìng baybayín sa an, ang d ay
dapat gawíng r sang-ayon sa pátakaráng sinúsunód ukol sa bagay
na itó; gaya sa bayad ay bayaran, sa gilíd ay gilirán, sa
tingkád ay tingkarán. Ang d ay hindî nagbabago kung minsan,
at kung magkaganitó’y kailang̃an namáng mawalâ ang i ó ang o sa
mg̃a salitâng nagtatapós sa id ó od, gaya sa masíd ay masdán,
sa sunód ay sundán, atbp.
Dapat din namáng mabatíd na ang unang dalawáng tuntunin ay
bihibihiràng mangyari, sapagkâ’t sa ating wikà ay kauntî ang mg̃a
salitâng mayroóng e sa katapusáng pantíg ng̃ mg̃a salitâng ugát,
gaya ng̃ matatantô sa ikaapat na bahagi ng̃ Balarilàng itó.
MG̃A PANUTO SA PAGBABAYBÁY
G. ¿Alín ang mg̃a panuto nitóng anyông an na dapat alituntunín sa
kanyáng pagbabaybáy?
N. Itóng anyông an ay walâng maraming pagkakabagobagong nangyayari,
at dahil dito ay dî na kailang̃ang isáisáhín ang tuntunin ng̃
kaniyakaniyáng panahón at gayón din ng̃ ayos.
Dapat lamang matantô, na ang an ay palagìng sinusugpóng sa salitâng
ugát na ibig baybayín, at sa kasalukuyan (ó presente) at mg̃a
nakaraán (ó pretérito) ay kailang̃ang isunód sa in kung pano ang
pagkakabuô nitó, ulitin ó dalawahín ang unang pantíg ng̃ ugát sa
panahóng haharapín (ó futuro), at káhulíhuliha’y dapat isugpóng sa
ugát ang an ó han sa pangbadyá at pang-utos.
Baybayín natin itóng anyông an sang-ayon sa mg̃a tuntuning
ipináalala, at ilagáy nating halimbawà ang ugát na sulat at sakâ
itó sugpung̃án ng̃ an na nagigíng pangwatas na sulatan na siyáng
pangtiyák ng̃ sumulat na binaybáy sa um.
PAGBABAYBÁY SA ANYÔNG “AN”
Ayos. Panahón. Pagbaybáy.
Pangbadyá Sulatan.
Panghiwatig Kasalukuyan Sinusulatan.
„ Nakaraán Sinulatan.
„ Nakaraán na Sinulatan na.
„ Haharapín Susulatan.
Pang-utos Sulatan.
Pangsukob Kasalukuyan Kung sinusulatan.
„ Nakaraán Kung sinulatan.
„ Haharapín Kung susulatan.
KÁGAMITÁN NG̃ ANYÔNG “AN”
G. ¿Alínalín ang mg̃a tuntunin sa paggamit nitóng anyông an?
N. Itóng an ay siyáng ikatló sa bilang ng̃ mg̃a anyông pangtiyák,
at dahil dito’y hindî mapag-áalinlang̃anang sambitin na siyá’y isá
rin sa mg̃a nagbibigáy ng̃ malakíng tulong sa mg̃a pangwatas na
hindî tiyák sa ating sariling wikà. Itóng mg̃a sumúsunód ang mg̃a
pátakarán ng̃ sa kanyá’y paggamit:
I.--Ginágamit ang an sa mg̃a pangwatas na nagbabadyá ng̃ dako ó poók
na kinaroroonán ng̃ anó man, lalòng lalò na sa panahóng nakaraán,
hal.: sa tapon ay tinapunan, sa lagáy ay nilagyán, sa silíd ay
sinidlán, sa tayô ay tinayùán, sa sulót ay sinulután, sa pasak ay
pinasakan, atbp.
II.--Ginágamit ang an sa mg̃a pangwatas na nagbabadyá ng̃ pagbibigáy
ó pagkuha ng̃ anó man kailan ma’t itó’y tiyák, hal.: sa bigáy ay
bigyán, sa handóg ay handugán, sa alay ay alayan, sa bilí ay bilhán,
sa dalá ay dalhán, sa bawas ay bawasan, sa kuha ay kunan, sa hing̃î
ay hing̃án, atbp.
III.--Ginágamit din ang an sa mg̃a pangwatas na nagsusulit ng̃
pang̃ang̃aral ó pagtawag sa sino man kailan ma’t tiyák itó, hal.:
sa aral ay aralan, sa hatol ay hatulan, sa turò ay turùan, sa tawag
ay tawagan, sa sigáw ay sigawán, sa kawáy ay kawayán, sa bulóng ay
bulung̃án, sa anás ay anasán, atbp. Ang ilán sa mg̃a pangwatas na
itó ay binabaybáy sa pangtiyák na pag-an na siyáng katugmâ ng̃
mag, hal.: sa sabi ay pagsabihan, sa usap ay pang̃usapan, atbp.
IV.--Ginágamit ang an sa mg̃a salitâng ugát na nagbabadyá ng̃
mg̃a gawíng likás ng̃ damdamin kailan ma’t tumutukoy sa sino man,
hal.: sa ting̃ín ay tingnán, sa masíd ay masdán, sa amóy ay amuyán,
sa hawak ay hawakan, sa dilà ay dilàan, atbp. May ilán sa bagay na
itó ang ginágamit sa in gaya ng̃ lasáp ay lasapín, ng̃ diníg ay
dinggín, ng̃ tanáw ay tanawín, atbp.
V.--Ang mg̃a salitâng pangdiwà na nagbabadyá ng̃ anó man at sugpung̃án
ng̃ anyông an at ulitin ó dalawahín ang buông salitâng ugát na
násabi ay nagkakahulugán ng̃ kaliitan ó kawalâng kabuluhán ng̃
isáng bagay, hal.: sa tao ay taútauhan, sa bahay ay baháybahayan,
sa pusà ay pusàpusàan, sa lang̃it ay lang̃ítlang̃itan, sa santól
ay santúlsantulan, at ibá pa. Kung ang ugát ay may tatló ó apat na
pantíg ay sukat ng̃ ulitin ang unang dalawáng pantíg niyá, hal.: sa
tinapay ay tinátinapayan, sa salawál ay salásalawalan, atbp.
VI.--Ang mg̃a salitâng ugát na nagbabadyá ng̃ anó man sang-ayon
sa kápakanán ng̃ bawà’t isá at másungpung̃an ng̃ an ay nagigíng
salitâng ang kahulugá’y poók ng̃ karamihan, hal.: sa bahay ay
bahayán, sa santól ay santulan, sa manggá ay manggahan, sa saging
ay saging̃án, sa bayan ay bayanán, sa duhat ay duhatán, atbp.
XIII KABANATA
Pangtiyák ng̃ anyông “UM”
GURÒ. ¿Alín ang pangtiyák nitóng um?
NAG-AARAL. Gaya ng̃ násabi, ang mg̃a anyông pangbalak na dî dumadalirì
ó tumitiyák ng̃ anó mang bagay ó pang̃alan, ay may mg̃a katapát ó
katugmâng mg̃a anyông pangtiyák na siyáng tumutukoy sa mg̃a bagay ó
pang̃alang tiyák ó damá. Bawà’t anyông pangbalak ay may katugmâng
anyông pangtiyák na hindî lamang íisá kundî dalawá ó tatló ang
kadalasán. Ang katugmâ nitóng anyông um kung talagáng susurìin ay
ang tatlóng pang̃ulong pangtiyák na sinundán na isáisáng pinag-ukulan
ng̃ masusìng pag-áaral at matamáng pagsusurì, na dilì ibá’t ang
in, ang i at ang an.
G. ¿Alín ang dapat kásaligán sa pagbabaybáy ng̃ mg̃a pangtiyák
ng̃ um?
N. Ang pagbabaybáy sa in ay dapat másalig ng̃ sa anyông in, ang
sa i ay dapat mabatay ng̃ sa anyông i at ang sa an ay dapat
máayon ng̃ sa anyông an.
Baybayín nating isáisá ang tatlóng pangtiyák ng̃ um at pag-úkulan
natin ng̃ dalawáng pangwatas: isá’y ang tumakbó na tumutukoy sa
unang hugis ng̃ um at umutang na bumabanggít sa ikalawá.
IN.
Ayos. Panahón. Pagbabaybáy.
Pangbadyá Takbuhín. Utang̃in.
Panghiwatig Kasalukuyan Tinátakbó. Inúutang.
„ Nakaraán Tinakbó. Inutang.
„ Nakaraán na Tinakbó na. Inutang na.
„ Kararaán Katátakbó pa. Kaúutang pa.
„ Haharapín Tatakbuhín. Úutang̃in.
Pang-utos Takbuhín. Utang̃in.
Pangsukob Kasalukuyan Kung tinátakbó. Kung inúutang.
„ Nakaraán Kung tinakbó. Kung inutang.
„ Haharapín Kung tatakbuhín. Kung úutang̃in.
I.
Pangbadyá Itakbó. Iutang.
Panghiwatig Kasalukuyan Itinátakbó. Iniúutang.
„ Nakaraán Itinakbó. Iniutang.
„ Nakaraán na Itinakbó na. Iniutang na.
„ Haharapín. Itátakbó. Iúutang.
Pang-utos Itakbó. Iutang.
Pangsukob Kasalukuyan Kung itinátakbó. Kung iniúutang.
„ Nakaraán Kung itinakbó. Kung iniutang.
„ Haharapín Kung itátakbó. Kung iúutang.
AN.
Pangbadyá Takbuhan. Utang̃an.
Panghiwatig Kasalukuyan Tinátakbuhán. Inúutang̃an.
„ Nakaraán Tinakbuhán. Inutang̃an.
„ Nakaraán na Tinakbuhán na. Inutang̃an na.
„ Haharapín Tatakbuhán. Úutang̃an.
Pang-utos Takbuhan. Utang̃an.
Pangsukob Kasalukuyan Kung tinátakbuhán. Kung inúutang̃an.
„ Nakaraán Kung tinakbuhán. Kung inutang̃an.
„ Haharapín Kung tatakbuhán. Kung úutang̃an.
XIV KABANATA
Pangtiyák ng̃ anyông “MAG”
GURÒ. ¿Alín namán ang pangtiyák nitóng mag?
NAG-AARAL. Lahát ng̃ mg̃a anyông pangbalak sa Wikàng Tagalog na dî
miminsan nang násabi ay may katapát ó katugmâng anyông pangtiyák na
hindî lamang íisá kundî marami. Karaniwang gawín upáng ang anyông
pangbalak ay magíng pangtiyák ay ginagawâng p ang mg̃a unang titik
niyaóng nagpapásimulâ sa m, maliban lamang ang ilán na hindî
nangyayari ang ganitóng pagbabago.
Sang-ayon sa paraáng katutukoy, pag ang siyáng pangtiyák nitóng
mag. Itó namáng pag ay nang̃áng̃ailang̃an ng̃ tulong ng̃ mg̃a
pang̃ulong anyô sa pangtiyák na in, i at an, na susog sa bagay
na itó ang pag ay nagigíng pag-in, ipag at pag-an. Bukód sa
mg̃a pangtiyák na itó, ang mag ay mayroón pang tatlóng pangtiyák
ding katugmâ, na, dilì ibá’t ang in, ang i at ang an na walâng
pag. Dapat matantô na ang pag-in ay bihiràng gamitin, sapagkâ’t
ang karamihang ugát na náuukol sa kanyá ay binabaybáy na sa in.
Gayón man, ang pag-in ay kailang̃an din kung minsan, lalòng lalò na
kung tumutukoy sa mg̃a salitâng nagbabadyá ng̃ pag-úutos ó panunuyò.
G. Yamang ang in, i at an ay napag-ukulan na ng̃ kaníkaniyáng
pag-áaral, ¿anó namán ang tinátawag na anyông ipag?
N. Tinátawag na anyông ipag ang pangwatas na may pang-angkáp
na ipag sa salitâng ugát, gaya ng̃ ipag-utos, ipagbilin,
ipagsama na mg̃a pangtiyák na pangwatas ng̃ mag-utos, magbilin
at magsama.
G. ¿Anó ang tinátawag na anyông pag-an?
N. Tinátawag na anyông pag-an ang pangwatas na may pang-angkáp
na pag at may sugpóng na an sa ugát, gaya ng̃ pagsalitâan,
pagkalooban, pagbintang̃án, na mg̃a pangtiyák na pangwatas ng̃
magsalitâ, magkaloób at magbintáng.
G. ¿Anó ang tinátawag na anyông pag-in?
N. Tinátawag na anyông pag-in ang pangwatas na may pang-angkáp
na pag at may sugpóng na in sa salitâng ugát, gaya ng̃
pag-awit_in_, _pag_dasal_in_, _pag_sayaw_in_ na mg̃a pangtiyák na
pangwatas ng̃ mag-awit, _mag_dasál at _mag_sayáw.
G. ¿Alínalín ang mg̃a panutong dapat taluntunín sa pagbabaybáy ng̃
mg̃a pangtiyák ng̃ anyông mag?
N. Ang pagbabaybáy sa in, i at an ay dapat ibatay ng̃ sa
mg̃a anyông in, i at an; ang sa ipag ay gaya rin ng̃ sa i
na sining̃itan lamang ng̃ pag sa gitnâ ng̃ ugát at ng̃ násabing
i; ang sa pag-an ay gaya ng̃ sa anyông an na inangkapán ng̃
pag sa ugát; at ang sa pag-in ay paris din ng̃ sa anyông in
na inangkapán namán ng̃ pag sa salitâng ugát.
Isáisá nating baybayín ang mg̃a náturang pangtiyák ng̃ mag at kunin
nating halimbawà ang mg̃a pangwatas na magsaing at magmana na
ang una’y nagtatapós sa pangtinig at ang ikalawá’y sa ting̃ig (ó
vocal).
PAGBABAYBÁY SA MG̃A PANGTIYÁK NG̃ “MAG”
IN.
Pangbadyá Saing̃in. Manahin.
Panghiwatig Kasalukuyan Sinasaing. Minamana.
„ Nakaraán Sinaing. Minana.
„ Nakaraán na Sinaing na. Minana na.
„ Kararaán Kasasaing pa. Kamamana pa.
„ Haharapín Sasaing̃in. Mamanahin.
Pang-utos Saing̃in. Manahin.
Pangsukob Kasalukuyan Kung sinasaing. Kung minamana.
„ Nakaraán Kung sinaing. Kung minana.
„ Haharapín Kung sasaing̃in. Kung mamanahin.
I.
Pangbadyá Isaing. Imana.
Panghiwatig Kasalukuyan Isinasaing. Iminamana.
„ Nakaraán Isinaing. Iminana.
„ Nakaraán na Isinaing na. Iminana na.
„ Haharapín Isasaing. Imamana.
Pang-utos Isaing. Imana.
Pangsukob Kasalukuyan Kung isinasaing. Kung iminamana.
„ Nakaraán Kung isinaing. Kung iminana.
„ Haharapín Kung isasaing. Kung imamana.
AN.
Pangbadyá Saing̃an. Manahan.
Panghiwatig Kasalukuyan Sinasaing̃an. Minamanahan.
„ Nakaraán Sinaing̃an. Minanahan.
„ Nakaraán na Sinaing̃an na. Minanahan na.
„ Haharapín Sasaing̃an. Mamanahan.
Pang-utos Saing̃an. Manahan.
Pangsukob Kasalukuyan Kung sinasaing̃an. Kung minamanahan.
„ Nakaraán Kung sinaing̃an. Kung minanahan.
„ Haharapín Kung sasaing̃an. Kung mamanahan.
IPAG.
Pangbadyá Ipagsaing. Ipagmana.
Panghiwatig Kasalukuyan Ipinagsasaing. Ipinagmamana.
„ Nakaraán Ipinagsaing. Ipinagmana.
„ Nakaraán na Ipinagsaing na. Ipinagmana na.
„ Haharapín Ipagsasaing. Ipagmamana.
Pang-utos Ipagsaing. Ipagmana.
Pangsukob Kasalukuyan Kung ipinagsasaing. Kung ipinagmamana.
„ Nakaraán Kung ipinagsaing. Kung ipinagmana.
„ Haharapín Kung ipagsasaing. Kung ipagmamana.
PAG-AN.
Pangbadyá Pagsaing̃an. Pagmanahan.
Panghiwatig Kasalukuyan Pinagsasaing̃an. Pinagmamanahan.
„ Nakaraán Pinagsaing̃an. Pinagmanahan.
„ Nakaraán na Pinagsaing̃an na. Pinagmanahan na.
„ Haharapín Pagsasaing̃an. Pagmamanahan.
Pang-utos Pagsaing̃an. Pagmanahan.
Pangsukob Kasalukuyan Kung pinagsasaing̃an. Kung pinagmamanahan.
„ Nakaraán Kung pinagsaing̃an. Kung pinagmanahan.
„ Haharapín Kung pagsasaing̃an. Kung pagmamanahan.
PAG-IN.[15]
Pangbadyá Pagsaing̃in. Pagmanahin.
Panghiwatig Kasalukuyan Pinagsasaing. Pinagmamana.
„ Nakaraán Pinagsaing. Pinagmana.
„ Nakaraán na Pinagsaing na. Pinagmana na.
„ Haharapín Pagsasaing̃in. Pagmamanahin.
Pang-utos Pagsaing̃in. Pagmanahin.
Pangsukob Kasalukuyan Kung pinagsasaing. Kung pinagmamana.
„ Nakaraán Kung pinagsaing. Kung pinagmana.
„ Haharapín Kung pagsasaing̃in. Kung pagmamanahin.
TALABABÂAN
[15] Sakalì mang totoó na itóng pag-in ay dî kailang̃an dahil sa
anyông in, ay tunay rin namáng ang náturang pag-in ay makabuluhán
kung minsan at may sariling kátuturán. Kung ang pag-an ay kailang̃an
baga ma’t mayroón nang an, ang pag-in namá’y kailang̃an din kahì’t
na mayroóng in. Linawin natin sa pamamagitan ng̃ halimbawà. Kung
sabihing sa tiyák na bagay at pag-úutos na: Larùin mo ang batà ay
hindî ng̃â maáarìng sabihin pang paglarùin mo ang batà, sapagkâ’t
may magkaibáng kahulugán siláng dalawá. Ang una’y nagsasaád ng̃
pag-úutos sa sino man na siyá ang maglarô sa batà, samantalàng
ang ikalawá’y nagbabadyá namán ng̃ pag-úutos sa sino man na _siyá’y
mag-utos_ ó magsabi ó magpabayà ng̃ paglalarô sa batà. Ganitó
ring kaibhán ang nádadamá ukol sa an at pag-an, gaya sa mg̃a
salitâng larùan at paglarùan.
XV KABANATA
Ang pangbalak na anyông “MANG”
GURÒ. ¿Anó ang tinátawag na anyông mang?
NAG-AARAL. Tinátawag na anyông mang ang pangwatas na may pang-angkáp
na mang sa salitâng ugát.
G. ¿Anó ang káhalagahán nitóng mang sa ating mg̃a pangwatas?
N. Kung may káhalagaháng tagláy ang um at mag sa mg̃a anyông
pangbalak ng̃ pangwatas tagalog, ang mang namá’y isá rin sa
nábibilang sa matataás na urì ng̃ mg̃a anyô at isá rin sa nagbibigáy
ng̃ mahalagáng tulong sa ating mg̃a salitâ.
G. ¿Alín ang mg̃a pagbabagong karaniwang mangyari sa pag-áangkáp
ng̃ mang sa salitâng ugát?
N. Sang-ayon sa simulâng titik nitóng ugát ay nabábagong madalás
ang mg̃a titik ng̃ pangwatas kung iniáangkáp ang mang, at sa
pagbabagong itó ay máitatakdâ ang mg̃a ganitóng tuntunin:
Una.--Ang mg̃a salitâng ugát na nagpapásimulâ sa b ó p ay
karaniwang magíng m at ang anyông mang ay náwawalâ ang hulíng
dalawáng titik, sa makatwíd bagá’y nagigíng ma, gaya sa bulák
ay mamulák, sa bayabas ay mamayabas, sa pukot ay mamukot,
sa pulá ay mamulá.
Ikalawá.--Ang karamihan sa mg̃a salitâng ugát na nagpapásimulâ sa
ting̃ig (ó vocal), ay nabábago ang pang-angkáp na mang sa mang̃,
gaya sa isdâ ay mang̃isdâ, sa usá ay mang̃usá, sa ibig
ay mang̃ibig, sa una ay mang̃una.
Ikatló.--Ang mg̃a salitâng ugát na ang unang titik ay k ay
karaniwang náwawalâ ang titik na itó, at dahilán dito ang anyông
mang ay dapat gawíng mang̃ gaya sa kahoy ay mang̃ahoy, sa
kulam ay mang̃ulam, sa kutós ay mang̃utós, sa kitíl ay
mang̃itíl.
Ikaapat.--Ang karamihan sa mg̃a salitâng ugát na ang pásimulâng
titik ay s ó t at kung minsa’y d ay karaniwang magíng n
at dahilán dito ang mang ay nagigíng ma, gaya sa sumbóng ay
manumbóng, sa sisi ay manisi, sa tiklóp ay maniklóp, sa
tiktík ay maniktík, sa dikít ay manikít, sa dalang̃in ay
manalang̃in.
MG̃A TUNTUNIN SA PAGBABAYBÁY
G. ¿Alín ang mg̃a tuntuning dapat pagbatayán ukol sa pagbabaybáy
nitóng anyông mang?
N. Kung ang pangwatas na babaybayín ay walâng pagkakabagong nangyayari
ay dapat isalig ang pagbabaybáy sa mg̃a tuntunin ng̃ anyông mag
na walâng pagkakáibá liban sa mang ang anyông iáangkáp. Ng̃unì’t
kung pangwatas namáng may pagbabago, ang babaybayín ay gaya rin ng̃
mg̃a tuntunin ng̃ mang ang dapat sundín baga ma’t kailang̃ang
ibatay sa apat sa panutong inilagdâ ukol sa mg̃a kabaguhang sukat
mangyari.
Baybayín natin ang dalawáng bagay ó paraáng kasasambit at iukol sa
una ang ugát na habol at sa ikalawá’y tiklóp na kung angkapán
kapwà ng̃ mang ay nagigíng pangwatas na manghabol at maniklóp
sang-ayon sa mg̃a pátakaráng náilagdâ.
PAGBABAYBÁY SA ANYÔNG “MANG”
Ayos. Panahón. Pagbaybáy.
Pangbadyá Manghabol. Maniklóp.
Panghiwatig Kasalukuyan Nangháhabol. Naníniklóp.
„ Nakaraán Nanghabol. Naniklóp.
„ Nakaraán na { Nakahabol na. { Nakatiklóp na.
{ Nanghabol na. { Naniklóp na.
„ Haharapín Mangháhabol. Maniniklóp.
Pang-utos Manghabol. Maniklóp.
Pangsukob Kasalukuyan Kung nangháhabol. Kung naníniklóp.
„ Nakaraán Kung nanghabol. Kung naniklóp.
„ Haharapín Kung mangháhabol. Kung maniniklóp.
PANGTIYÁK NG̃ ANYÔNG “MANG”
G. ¿Alín ang anyông pangtiyák nitóng mang?
N. Sang-ayon sa mg̃a paraáng sinambít na sa anyông mag ang pangtiyák
nitóng mang ay pang. Itó namáng pang ay nang̃áng̃ailang̃ang
tulung̃an ng̃ mg̃a pang̃ulong anyô sa pangtiyák na in, i at an
upáng ang paggamit ay mápawastô, at sang-ayon din sa bagay na itó,
ang pang ay nagigíng pang-in, ipang at pang-an.
G. ¿Anó kung gayón ang tinátawag na anyông pang-in?
N. Tinátawag na anyông pang-in ang pangwatas na may pang-angkáp na
pang at may sugpóng na in, gaya ng̃ pang̃isdâín, pang̃unahin,
pamukutin, na mg̃a pangtiyák na pangwatas ng̃ mang̃isdâ,
mang̃una, at mamukot.
G. ¿Anó ang tinátawag na anyông ipang?
N. Tinátawag na anyông ipang ang pangwatas na may pang-angkáp na
ipang, gaya ng̃ ipanghuli, ipamintás, ipang̃usá, na mg̃a
pangtiyák na pangwatas ng̃ manghuli, mamintás at mang̃usá.
G. ¿Anó namán ang tinátawag na anyông pang-an?
N. Tinátawag na anyông pang-an ang pangwatas na may pang-angkáp na
pang at may sugpóng na an, gaya ng̃ pang̃ahuyan, pamangkâan,
pamayanan, na mg̃a pangtiyák na pangwatas ng̃ mang̃ahoy,
mamangkâ, at mamayan.
G. ¿Nabábago rin bagá itóng pangtiyák na pang?
N. Oo pò, at ang pagkakabagong itó’y nátutulad sa nangyayari sa
mang, kayâ’t ang mg̃a tuntunin nitó’y siyá ring dapat pairalin sa
pang.
G. ¿Alín namán ang mg̃a tuntunin sa pagbabaybáy nitóng pangtiyák na
pang?
N. Ang pagbabaybáy sa pang-in ay násasalig ng̃ sa anyông in, na
inangkapán ng̃ pang; ang sa ipang ay naáayon ng̃ sa anyông i,
na sining̃itan lamang ng̃ pang sa gitnâ ng̃ ugát at ng̃ náturang
i; at ang sa pang-an ay nabábatay namán ng̃ sa anyông an na
inangkapán ng̃ pang.
Sa pagbabaybáy nitóng mg̃a pangtiyák ng̃ mang ay kunin natin ang
dalawáng pangwatas na manghulà at manahî, na ang isá’y nabábago
ang mg̃a titik ng̃ ugát at ang isá’y hindî.
PAGBABAYBÁY SA MG̃A PANGTIYÁK NG̃ ANYÔNG “MANG”.
PANG-IN.
Ayos. Panahón. Pagbaybáy.
Pangbadyá Panghulàin. Panahìin.
Panghiwatig Kasalukuyan Pinanghuhulà. Pinananahî.
„ Nakaraán Pinanghulà. Pinanahî.
„ Nakaraán na Pinanghulà na. Pinanahî na.
„ Kararaán Kapanghuhulà pa. Kapapanahî pa.
„ Haharapín Panghuhulàin. Pananahìin.
Pang-utos Panghulàin. Panahìin.
Pangsukob Kasalukuyan Kung pinanghuhulà. Kung pinananahî.
„ Nakaraán Kung pinanghulà. Kung pinanahî.
„ Haharapín Kung panghuhulàin. Kung pananahìin.
IPANG.
Pangbadyá Ipanghulà. Ipanahî.
Panghiwatig Kasalukuyan Ipinanghuhulà. Ipinananahî.
„ Nakaraán Ipinanghulà. Ipinanahî.
„ Nakaraán na Ipinanghulà na. Ipinanahî na.
„ Haharapín Ipanghuhulà. Ipananahî.
Pang-utos Ipanghulà. Ipanahî.
Pangsukob Kasalukuyan Kung ipinanghuhulà. Kung ipinananahî.
„ Nakaraán Kung ipinanghulà. Kung ipinanahî.
„ Haharapín Kung ipanghuhulà. Kung ipananahî.
PANG-AN.
Pangbadyá Panghulàan. Panahìan.
Panghiwatig Kasalukuyan Pinanghuhulàan. Pinananahìan.
„ Nakaraán Pinanghulàan. Pinanahìan.
„ Nakaraán na Pinanghulàan na. Pinanahìan na.
„ Haharapín Panghuhulàan. Pananahìan.
Pang-utos Panghulàan. Panahìan.
Pangsukob Kasalukuyan Kung pinanghuhulàan. Kung pinananahìan.
„ Nakaraán Kung pinanghulàan. Kung pinanahìan.
„ Haharapín Kung panghuhulàan. Kung pananahìan.
KÁGAMITÁN NITÓNG ANYÔNG “MANG”
G. ¿Alín ang mg̃a pátakarán sa paggamit ng̃ anyông itó?
N. Sa mg̃a pangwatas natin na siyáng binubukalán ng̃ ating mg̃a
salitâ, itóng mang ay isá sa mg̃a nagtatagláy ng̃ malakíng tulong,
kayâ’t siyá ay nábibilang sa pang̃atló ng̃ mg̃a pang̃ulong anyông
pangbalak. Ang anyông mang ay ginágamit dito sa mg̃a tuntuning
sumúsunód:
I.--Ginágamit ang mang sa pagbabadyá ng̃ mg̃a gawâ ó kilos na
karamihan, na nanggaling sa mg̃a ugát na binaybáy sa um at mag na
íisá ang kahulugán, hal.: sa kain ay mang̃ain, sa pitás ay mamitás,
sa kuha ay mang̃uha, sa buhay ay mamuhay, sa lurâ ay manglurâ, sa
amóy ay mang̃amóy, sa paos ay mamaos, sa malát ay mamalát, atbp.
II.--Ang karamihan sa salitâng ugát na nagbabadyá ng̃ ibá’t ibáng
bagay ó gawàin ay binabaybáy rin dito sa mang, at kung gayó’y
nagkakahulugán ng̃ pagtupád sa hawak na tungkulin, hal.: sa sing̃íl
ay maning̃íl, sa tahî ay manahî, sa aral ay mang̃aral, sa kahoy ay
mang̃ahoy, atbp.
III.--Ang mg̃a kasangkapang patalím ay binabaybáy sa mang na ang
kahulugá’y gumamit ó magtagláy ng̃ náturang patalím, hal.: sa baríl
ay mamaríl, sa kanyón ay mang̃anyón, sa sandata ay manandata, sa
sundáng ay manundáng, sa palakól ay mamalakól, sa iták ay mang̃iták,
sa tabák ay manabák, atbp.
IV.--Nagagawâ ring pangwatas dito sa mang ang mg̃a ng̃alan ng̃
táhanan, bayan, bundók, bukid, atbp. na ang kahulugá’y manirahan ó
mamuhay ó maglakbáy, hal.: sa bayan ay mamayan, sa bundók ay mamundók,
sa bahay ay mamahay, sa bukid ay mamukid, sa parang ay mamarang, sa
gubat ay manggubat, atbp.
V.--Dito sa mang ay nagagawâ ring pangwatas ang iláng ng̃alan ng̃
sasakyán na ang kátuturá’y maglakbáy sa pamamagitan ng̃ náturang
sasakyán, hal.: sa bangkâ ay mamangkâ, sa kalesa ay mang̃alesa, sa
kiles ay mang̃iles, sa kabayo ay mang̃abayo, sa karo ay mang̃aro,
atbp.
VI.--Ang mg̃a ng̃alan ng̃ kasúutan ay nagagawâ ring pangwatas sa
anyông mang na ang kahulugá’y magsuút ó gumamit ó magtagláy, hal.:
sa barò ay mamarò, sa salawál ay manalawál, sa panyô ay mamanyô,
sa tapis ay manapis, sa salamín ay manalamín, atbp.
VII.--Ang mg̃a ugát na tumutukoy sa mg̃a bagay na matatagpùán sa
dagat, ilog, bundók, bukid, atbp. ay nagagawâ ring pangwatas dito
sa anyông mang, na, ang kahulugá’y mang̃asó, mang̃isdâ, humanap
ó kumuha sang-ayon sa kápakanán ng̃ isá’t isá, hal.: sa duhat ay
mangduhat, sa ibon ay mang̃ibon, sa isdâ ay mang̃isdâ, sa palakâ ay
mamalakâ, sa palós ay mamalós, sa usá ay mang̃usá, atbp.
VIII.--Ang mg̃a kasangkapan sa paghuli ng̃ anó man ay ipinangwawatas
din dito sa mang na ang kahulugá’y manghuli sa pamamagitan ng̃
náturang kasangkapan, hal.: sa bing̃uwít ay maming̃uwít, sa pukot ay
mamukot, sa lambát ay manglambát, sa dala ay mangdala, sa salapáng
ay manalapáng, sa kitáng ay mang̃itáng, sa baklád ay mamaklád, atbp.
IX.--Ginágamit din ang mang sa mg̃a ugát na nagbabadyá ng̃
paglulupít ó pananaksíl ng̃ isá sa isá, magíng itó’y ginanáp sa
pamamagitan ng̃ patalím at magíng pamalò ó kamáy ng̃ tao, hal.: sa
saksák ay manaksák, sa sakál ay manakál, sa bugbóg ay mangbugbóg, sa
palò ay mamalò, sa tampál ay manampál, sa sipà ay manipà, sa tadyák
ay manadyák, sa sakít ay manakít, sa kurót ay mang̃urót, sa suntók
ay manuntók, atbp.
XVI KABANATA
Ang pangbalak na anyông “MA”
GURÒ. ¿Anó ang tinátawag na anyông ma?
NAG-AARAL. Tinátawag na anyông ma ang pangwatas na may pang-angkáp
na ma sa salitâng ugát.
G. ¿Anó ang káhalagaháng tagláy nitóng ma?
N. Kung sa mg̃a anyông pangbalak ay lubhâng mahalagá ang um,
mag at mang, itóng ma namá’y hindî magigíng hulí ni alang̃án
sa kataasán ng̃ urì na kanyáng tagláy sa ating mg̃a pangwatas at
sa ating mayamang salitâ, kayâ’t siyá’y nábibilang na isá sa mg̃a
pang̃ulong anyông pangbalak.
MG̃A PÁTAKARÁN SA PAGBABAYBÁY
G. Dito sa anyông ma, ¿alín namán ang mg̃a pátakaráng dapat
taluntunín sa kanyáng pagbabaybáy?
N. Itóng pagbabaybáy sa anyông ma ay walâng pinag-ibhán halos ng̃
sa anyông mag, na walâng g, kayâ’t ang mg̃a tuntunin nitó’y
siyáng dapat kásaligán ng̃ mg̃a pátakarán niyón, baga ma’t ang
kahulugán ng̃ isá’t isá ay lubhâng nagkakalayô. Dapat matantô na
ang anyông itó ay nailalagáy sa bilang na dalawá ó marami, at sa
ganitó’y dinaragdagán ng̃ ng̃a sa pag-itan ng̃ anyông ma at ng̃
ugát sa lahát ng̃ panahón.
Sa pagbabaybáy ay kuning halimbawà ang pangwatas na mahigâ na
nagbuhat sa ugát na higâ na inangkapán ng̃ anyông ma, at
pag-agapayanin ang mg̃a bilang na íisá at dalawá ó marami.
PAGBABAYBÁY SA ANYÔNG “MA”
Pangbadyá Mahigâ. Mang̃ahigâ.
Panghiwatig Kasalukuyan Náhihigâ. Nang̃ahíhigâ.
„ Nakaraán Nahigâ. Nang̃ahigâ.
Nang̃akahigâ.
„ Nakaraán na Nakahigâ na. Nang̃ahigâ na.
Nahigâ na.
„ Haharapín Mahihigâ. Mang̃ahihigâ.
Pang-utos Mahigâ. Mang̃ahigâ.
Pangsukob Kasalukuyan Kung nahihigâ. Kung nang̃ahíhigâ.
„ Nakaraán Kung nahigâ. Kung nang̃ahigâ.
„ Haharapín Kung mahihigâ. Kung mang̃ahihigâ.
PANGTIYÁK NG̃ ANYÔNG “MA”
G. ¿Alín ang pangtiyák na anyô nitóng ma?
N. Kung pakasusurìing maigi ang pangtiyák na anyô nitóng ma ay
másasabing walâ, sapagkâ’t siyá gaya rin ng̃ um ay walâng katugmâ
ó katapát na anyô na dî gaya ng̃ karamihan sa ating salitâ. Gayón
man, ay mayroón siyáng pangtiyák, sapagkâ’t sa Wikàng Tagalog gaya
na ng̃ násabi ang mg̃a pangbalak ay may katugmâng anyông pangtiyák.
Ang katugmâ nitóng ma ay dalawá lamang: ang ika na tumutukoy sa
dahilán ó panahón at ka-an na tumutukoy sa poók ó dako.
G. ¿Anó ang tinátawag na anyông ika?
N. Tinátawag na anyông ika ang pangwatas na may kaangkáp na ika
sa salitâng ugát, gaya ng̃ ikasunog, ikabasag, ikahulog, na
mg̃a pangtiyák na pangwatas ng̃ masunog, mabasag at mahulog.
G. ¿Anó namán ang tinátawag na anyông ka-an?
N. Tinátawag na anyông ka-an ang pangwatas na may pang-angkáp
na ka at may sugpóng na an, gaya ng̃ kahulugan, kabalian,
katisuran na mg̃a pangtiyák na pangwatas ng̃ mahulog, mabalì
at matisod.
G. Sa pagbabaybáy nitóng mg̃a pangtiyák ng̃ ma, ¿alínalín ang mg̃a
tuntuning sinúsunód?
N. Ang pagbabaybáy sa ika ay dapat isalig ng̃ sa anyông i na
dinagdagán lamang itó ng̃ ka, at ang sa ka-an ay dapat iayon
ng̃ sa anyông an na inangkapán ng̃ ka. Kunin nating halimbawà
ang mg̃a pangwatas na matisod at mahulog.
PAGBABAYBÁY SA MG̃A PANGTIYÁK NG̃ ANYÔNG “MA”
IKA.
Ayos. Panahón. Pagbaybáy.
Pangbadyá Ikatisod. Ikahulog.
Panghiwatig Kasalukuyan Ikinatítisod. Ikinahuhulog.
„ Nakaraán Ikinatisod. Ikinahulog.
„ Nakaraán na Ikinatisod na. Ikinahulog na.
„ Kararaán Katitisod pa. Kahuhulog pa.
„ Haharapín Ikatítisod. Ikahuhulog.
Pang-utos Ikatisod. Ikahulog.
Pangsukob Kasalukuyan Kung ikinatítisod. Kung ikinahuhulog.
„ Nakaraán Kung ikinatisod. Kung ikinahulog.
„ Haharapín Kung ikatítisod. Kung ikahuhulog.
KA-AN.
Pangbadyá Katisuran. Kahulugan.
Panghiwatig Kasalukuyan Kinatítisuran. Kinahuhulugan.
„ Nakaraán Kinatisuran. Kinahulugan.
„ Nakaraán na Kinatisuran na. Kinahulugan na.
„ Haharapín Katitisuran. Kahuhulugan.
Pang-utos Katisuran. Kahulugan.
Pangsukob Kasalukuyan Kung kinatítisuran. Kung kinahuhulugan.
„ Nakaraán Kung kinatisuran. Kung kinahulugan.
„ Haharapín Kung katitisuran. Kung kahuhulugan.
KÁGAMITÁN NITÓNG ANYÔNG “MA”
G. ¿Saánsaán ginágamit itóng anyông ma?
N. Ang talagáng kágamitán ng̃ anyông itó ay tumutukoy sa kilos ó galáw
ng̃ sino man sa kanyáng sarili lamang na hindî maáarìng bumanggít ng̃
sa ibá. Ng̃unì’t nang ang pag-áaral ay lalòng lumiwanag, ay náritó
ang mg̃a tuntunin ng̃ sa kanyá’y paggamit.
I.--Ginágamit ang ma sa mg̃a pangwatas na nagbabadyá ng̃ mg̃a
kasakunâang hindî sinasadyâ na nangyayari sa katawán ng̃ sino man,
hal.: mahulog, matisod, mamatáy, madulás, malunod, marapâ, matumbá,
mabunggô, masanggî, masaláng, masagasà, mabulag, mapilay, maulól,
mabung̃ì atbp.
II.--Ginágamit ang ma sa mg̃a pangwatas na nagbabadyá ng̃ mg̃a
pangyayaring katutubò sa damdamin na hindî kinukusà ó ginagawâ
ng̃ pinangyayarihan, hal.: matakot, magitlá, mang̃iníg, magulat,
masawan, masindák, malumbáy, malugód, magalit, mahiyâ, magulumihanan,
magulantáng, atbp.
III.--Ginágamit din ang ma sa mg̃a pangwatas na nagsusulit ng̃
kalagayan ng̃ sikmurà; hal.: mabusóg, magutom, mauhaw, masirà, atbp.
IV.--Sa mg̃a pangwatas na nagsusulit ng̃ mg̃a kilos ó galáw ng̃
katawán na kusàng ginagawâ ng̃ sino man sa kanyáng sarili, hal.:
maupô, mahigâ, matulog, magisíng, atbp. Ang ilán sa mg̃a itó’y
ginágamitan ng̃ um at mag, gaya ng̃ lumakad, tumakbó, tumayô,
magpasyál, atbp.
V.--Ang ma ay ginágamit din sa mg̃a pangwatas na nagbabadyá ng̃
mg̃a kasiràáng nangyayaring kusà sa mg̃a kasangkapang gamit ng̃
mg̃a tao, hal.: masunog, magibâ, maguhô, mabasag, madurog, mabalì,
masirà, mawalat, mapunit, masirà, atbp.
VI.--Sa mg̃a pangwatas na nagbabadyá ng̃ mg̃a likás na kalagayan
ng̃ mg̃a halaman ay ginágamit din ang ma, hal.: malantá, matuyô,
maunsiyamî, mabulas, malagô, malusóg, mamatáy, masirà, malagót,
mapatíd, atbp.
VII.--Ginágamit din ang ma sa mg̃a ugát na nagbabadyá ng̃ anó man
na siyáng nagigíng salitâng pangturing (ó adjetivo), hal.: sa samâ
ay masamâ, sa buti ay mabuti, sa lakí ay malakí, sa liít ay maliít,
sa taás ay mataás, sa babà ay mababà, sa layò ay malayò, sa lapit
ay malapit, sa pulá ay mapulá, sa putî ay maputî, atbp.
VIII.--Ang mg̃a ugát na nagbabadyá ng̃ anó man at sakâ angkapán ng̃
ma ay nagigíng pangdiwà na nagkakahulugán ng̃ karamihan, hal.: sa
lang̃aw ay malang̃aw, sa lamók ay malamók, sa palay ay mapalay, sa
bigás ay mabigás, atbp.
XVII KABANATA
Pagbabaybáy sa mg̃a anyông pangbalak
GURÒ. ¿Dapat bagáng baybayíng isáisá at italâng buông buô ang mg̃a
pang̃ulong anyông pangbalak?
NAG-AARAL. Oo pò, lubhâng kinakailang̃ang baybayíng isáisá at buông
itakdâ ang mg̃a pang̃ulong anyông pangbalak na um, mag, mang
at ma, sapagkâ’t lalòng líliwanag at lalòng dadalî ang pag-áaral
ng̃ sino man sa Wikàng Tagalog, lubhâ pa’t kung isasagunitâng ang
pag-áaral ng̃ wikàng itó ay bagong bago pa sa mg̃a damdamin natin.
Sinabi kong ang pagtatalâ rito ng̃ mg̃a pagbabaybáy ay isáng paraáng
ikalíliwanag at ikadadalî sa pag-áaral ng̃ sariling wikà, sapagkâ’t
sa biglâng ting̃ín ng̃ isáng nag-aaral ay maliwanag na mamamasdán
at malilirip ang ibá’t ibáng sangkáp ng̃ pangwatas gaya ng̃ mg̃a
ayos (ó modo), mg̃a panahón (ó tiempo), mg̃a bilang (ó número) at
mg̃a katawán (ó persona), gayón ang ibá’t ibáng hugis ng̃ mg̃a
anyô gaya ng̃ um, mag, mang at ma na kung dî paggugugulan
ng̃ pagwawarìwarì ay malapit mahulog sa pagkakámalî ó kayâ’y sa
pagkakálahóklahók ó pagkakásamasama.
Náritó ng̃â ang mg̃a pagbabaybáy sa um, mag, mang at ma
na dapat pamagatáng una, ikalawá, ikatló at ikaapat na
pagbabaybáy na náuukol sa bawà’t isá.
HUWARAN NG̃ UNANG PAGBABAYBÁY
ANYÔNG “UM” (UNANG HUGIS)
AYOS PANGBADYÁ Sumulat.
AYOS PANGHIWATIG
Panahóng kasalukuyan
Bilang na íisá Bilang na dalawá ó marami
Sumusulat akó[16] Sumusulat tayo
Sumusulat ka Sumusulat kayó
Sumusulat siyá Sumusulat silá
Panahóng nakaraán
Sumulat akó Sumulat tayo
Sumulat ka Sumulat kayó
Sumulat siyá Sumulat silá
Panahóng nakaraán na
UNANG HUGIS
Nakasulat na akó Nakasulat na tayo
Nakasulat ka na[17] Nakasulat na kayó
Nakasulat na siyá Nakasulat na silá
IKALAWÁNG HUGIS
Sumulat na akó Sumulat na tayo
Sumulat ka na Sumulat na kayó
Sumulat na siyá Sumulat na silá
Panahóng haharapín
Susulat akó Susulat tayo
Susulat ka Susulat kayó
Susulat siyá Susulat silá
AYOS PANG-UTOS
Panahóng kasalukuyan
Sumulat tayo
Sumulat ka[18] Sumulat kayó
Sumulat siyá Sumulat silá
AYOS PANGSUKOB
Panahóng kasalukuyan
Kung sumusulat akó[19] Kung sumusulat tayo
Kung sumusulat ka Kung sumusulat kayó
Kung sumusulat siyá Kung sumusulat silá
Panahóng nakaraán
Kung sumulat akó[20] Kung sumulat tayo
Kung sumulat ka Kung sumulat kayó
Kung sumulat siyá Kung sumulat silá
Panahóng haharapín
Kung susulat akó Kung susulat tayo
Kung susulat ka Kung susulat kayó
Kung susulat siyá Kung susulat silá
ANYÔNG “UM” (IKALAWÁNG HUGIS)
AYOS PANGBADYÁ Umibig.
AYOS PANGHIWATIG
Panahóng kasalukuyan
Bilang na íisá Bilang na dalawá ó marami
Umíibig akó Umíibig tayo
Umíibig ka Umíibig kayó
Umíibig siyá Umíibig silá
Panahóng nakaraán
Umibig akó Umibig tayo
Umibig ka Umibig kayó
Umibig siyá Umibig silá
Panahóng nakaraán na
UNANG HUGIS
Nakaibig na akó Nakaibig na tayo
Nakaibig ka na Nakaibig na kayó
Nakaibig na siyá Nakaibig na silá
IKALAWÁNG HUGIS
Umibig na akó Umibig na tayo
Umibig ka na Umibig na kayó
Umibig na siyá Umibig na silá
Panahóng haharapín
Íibig akó Íibig tayo
Íibig ka Íibig kayó
Íibig siyá Íibig silá
AYOS PANG-UTOS
Panahóng kasalukuyan
Umibig tayo
Umibig ka Umibig kayó
Umibig siyá Umibig silá
AYOS PANGSUKOB
Panahóng kasalukuyan
Kung umíibig akó Kung umíibig tayo
Kung umíibig ka Kung umíibig kayó
Kung umíibig siyá Kung umíibig silá
Panahóng nakaraán
Kung umibig akó Kung umibig tayo
Kung umibig ka Kung umibig kayó
Kung umibig siyá Kung umibig silá
Panahóng haharapín
Kung íibig akó Kung íibig tayo
Kung íibig ka Kung íibig kayó
Kung íibig siyá Kung íibig silá
HUWARAN NG̃ IKALAWÁNG PAGBABAYBÁY
ANYÔNG “MAG”
AYOS PANGBADYÁ Maglarô.
AYOS PANGHIWATIG
Panahóng kasalukuyan
Bilang na íisá Bilang na dalawá ó marami
Naglalarô akó Naglalarô tayo
Naglalarô ka Naglalarô kayó
Naglalarô siyá Naglalarô silá
Panahóng nakaraán
Naglarô akó Naglarô tayo
Naglarô ka Naglarô kayó
Naglarô siyá Naglarô silá
Panahóng nakaraán na
UNANG HUGIS
Nakapaglarô na akó Nakapaglarô na tayo
Nakapaglarô ka na Nakapaglarô na kayó
Nakapaglarô na siyá Nakapaglarô na silá
IKALAWÁNG HUGIS
Naglarô na akó Naglarô na tayo
Naglarô ka na Naglarô na kayó
Naglarô na siyá Naglarô na silá
Panahóng haharapín
Maglalarô akó Maglalarô tayo
Maglalarô ka Maglalarô kayó
Maglalarô siyá Maglalarô silá
AYOS PANG-UTOS
Panahóng kasalukuyan
Maglarô tayo
Maglarô ka Maglarô kayó
Maglarô siyá Maglarô silá
AYOS PANGSUKOB
Panahóng kasalukuyan
Kung naglalarô akó Kung naglalarô tayo
Kung naglalarô ka Kung naglalarô kayó
Kung naglalarô siyá Kung naglalarô silá
Panahóng nakaraán
Kung naglarô akó Kung naglarô tayo
Kung naglarô ka Kung naglarô kayó
Kung naglarô siyá Kung naglarô silá
Panahóng haharapín
Kung maglalarô akó Kung maglalarô tayo
Kung maglalarô ka Kung maglalarô kayó
Kung maglalarô siyá Kung maglalarô silá
HUWARAN NG̃ IKATLÓNG PAGBABAYBÁY
ANYÔNG “MANG”
AYOS PANGBADYÁ Mang̃isdâ.
AYOS PANGHIWATIG
Panahóng kasalukuyan
Bilang na íisá Bilang na dalawá ó marami
Nang̃ing̃isdâ akó Nang̃ing̃isdâ tayo
Nang̃ing̃isdâ ka Nang̃ing̃isdâ kayó
Nang̃ing̃isdâ siyá Nang̃ing̃isdâ silá
Panahóng nakaraán
Nang̃isdâ akó Nang̃isdâ tayo
Nang̃isdâ ka Nang̃isdâ kayó
Nang̃isdâ siyá Nang̃isdâ silá
Panahóng nakaraán na
UNANG HUGIS
Nakapang̃isdâ na akó Nakapang̃isdâ na tayo
Nakapang̃isdâ ka na Nakapang̃isdâ na kayó
Nakapang̃isdâ na siyá Nakapang̃isdâ na silá
IKALAWÁNG HUGIS
Nang̃isdâ na akó Nang̃isdâ na tayo
Nang̃isdâ ka na Nang̃isdâ na kayó
Nang̃isdâ na siyá Nang̃isdâ na silá
Panahóng haharapín
Mang̃ing̃isdâ akó Mang̃ing̃isdâ tayo
Mang̃ing̃isdâ ka Mang̃ing̃isdâ kayó
Mang̃ing̃isdâ siyá Mang̃ing̃isdâ silá
AYOS PANG-UTOS
Panahóng kasalukuyan
Mang̃isdâ tayo
Mang̃isdâ ka Mang̃isdâ kayó
Mang̃isdâ siyá Mang̃isdâ silá
AYOS PANGSUKOB
Panahóng kasalukuyan
Kung nang̃ing̃isdâ akó Kung nang̃ing̃isdâ tayo
Kung nang̃ing̃isdâ ka Kung nang̃ing̃isdâ kayó
Kung nang̃ing̃isdâ siyá Kung nang̃ing̃isdâ silá
Panahóng nakaraán
Kung nang̃isdâ akó Kung nang̃isdâ tayo
Kung nang̃isdâ ka Kung nang̃isdâ kayó
Kung nang̃isdâ siyá Kung nang̃isdâ silá
Panahóng haharapín
Kung mang̃ing̃isdâ akó Kung mang̃ing̃isdâ tayo
Kung mang̃ing̃isdâ ka Kung mang̃ing̃isdâ kayó
Kung mang̃ing̃isdâ siyá Kung mang̃ing̃isdâ silá
HUWARAN NG̃ IKAPAT NA PAGBABAYBÁY
ANYÔNG “MA”
AYOS PANGBADYÁ Matulog.
AYOS PANGHIWATIG
Panahóng kasalukuyan
Bilang na íisá Bilang na dalawá ó marami
Natutulog akó Nang̃atutulog tayo
Natutulog ka Nang̃atutulog kayó
Natutulog siyá Nang̃atutulog silá
Panahóng nakaraán
Natulog akó Nang̃atulog tayo
Natulog ka Nang̃atulog kayó
Natulog siyá Nang̃atulog silá
Panahóng nakaraán na
UNANG HUGIS
Nakatulog na akó Nang̃akatulog na tayo
Nakatulog ka na Nang̃akatulog na kayó
Nakatulog na siyá Nang̃akatulog na silá
IKALAWÁNG HUGIS
Natulog na akó Nang̃atulog na tayo
Natulog ka na Nang̃atulog na kayó
Natulog na siyá Nang̃atulog na silá
Panahóng haharapín
Matutulog akó Mang̃atutulog tayo
Matutulog ka Mang̃atutulog kayó
Matutulog siyá Mang̃atutulog silá
AYOS PANG-UTOS
Panahóng kasalukuyan
Mang̃atulog tayo
Matulog ka Mang̃atulog kayó
Matulog siyá Mang̃atulog silá
AYOS PANGSUKOB
Panahóng kasalukuyan
Kung natutulog akó Kung nang̃atutulog tayo
Kung natutulog ka Kung nang̃atutulog kayó
Kung natutulog siyá Kung nang̃atutulog silá
Panahóng nakaraán
Kung natulog akó Kung nang̃atulog tayo
Kung natulog ka Kung nang̃atulog kayó
Kung natulog siyá Kung nang̃atulog silá
Panahóng haharapín
Kung matutulog akó Kung mang̃atutulog tayo
Kung matutulog ka Kung mang̃atutulog kayó
Kung matutulog siyá Kung mang̃atutulog silá
TALABABÂAN
[16] Dapat mabatíd na ang mg̃a katawáng itó ay na sa pangtukoy,
at dapat ding matantô na ang mg̃a násabing katawán ay maáarìng
mapauná ó mapahulí sa pangwatas, liban lamang sa pang-utos na lagìng
ipinagpapahuli.
[17] Sa ikalawáng katawáng itó, ang na ay náhuhulí sa ka, baga
ma’t maáarì ring iuná dito, at kung magkaganitó’y ang ká ay dapat
gawíng ikáw, sa makatuwíd ay nakasulat na ikáw.
[18] Gaya na ng̃ násabi, itóng pang-utos ay walâng unang katawán,
sapagkâ’t hindî mangyayaring ang isáng nag-úutos ay mag-utos sa
kanyáng sarili.
[19] Sa panahóng itó, ay maáarì ring gamitin ang pag, pagkâ,
kapág at kapagkâ, sa lugál ng̃ kung, (gaya na ng̃ ipinaliwanag)
baga ma’t itó’y siyáng angkáp na angkáp at malimit gamitin.
[20] Dito sa panahóng nakaraán at gayón sa haharapín ng̃ ayos
pangsukob ay maáarìng lagyán sa hulí ng̃ sana ó disin, gaya nang
ipinatalastás.
XVIII KABANATA
Pagbabaybáy sa mg̃a anyông pangtiyák
GURÒ. ¿Kailang̃an din kayâng baybayín buông buô ang mg̃a pang̃ulong
anyông pangtiyák?
NAG-AARAL. Kailang̃an din pò, at hindî lamang ang mg̃a pangtiyák
na in, i at an kundî patí ang mg̃a katugmâ ng̃ mg̃a anyông
um, mag, mang at ma, ay dapat ding baybayíng isáisá, upáng
ganáp na mákilala ang mg̃a galáw ó pagkakabagobago ng̃ ating mg̃a
pangwatas, sapagkâ’t ang pagbabaybáy sa mg̃a anyông pangtiyák ay
isáng paraán ng̃ maliwanag na pagsásalaysáy at madalîng pag-áaral,
bukód pa ang mg̃a kagaling̃ang mátatamó kung isasagunitâng ang mg̃a
pangtiyák na pangwatas ay siyáng malimit gamitin sa Wikàng Tagalog
kay sa mg̃a pangwatas na dî dumadalirì ó tumitiyák ng̃ anó mang
bagay ó pang̃alan.
Marapat ng̃âng italatag na buông buô ang pagbabaybáy sa mg̃a
anyông pangtiyák gaya ng̃ ginagawâ sa mg̃a pangbalak, at unahin
nating baybayín ang tatlóng pang̃ulong anyông in, i at an na
náuukol sa um at mag at isunód natin dito ang ipag, pag-an
at pag-in, (kung itó’y dapat baybayín) na náuukol din sa mag,
sakâ ang pag-in, ipang at pang-an na náuukol sa mang at
káhulíhuliha’y ang ika at ka-an na nahihinggíl namán sa ma.
HUWARAN SA UNANG PANGTIYÁK NG̃ “UM”
ANYÔNG “IN”
AYOS PANGBADYÁ Sulatin.
AYOS PANGHIWATIG
Panahóng kasalukuyan
Bilang na íisá Bilang na dalawá ó marami
Sinusulat ko itó[21] Sinusulat namin ó natin itó
Sinusulat mo itó Sinusulat ninyó itó
Sinusulat niyá itó Sinusulat nilá itó
Panahóng nakaraán
Sinulat ko itó Sinulat namin ó natin itó
Sinulat mo itó Sinulat ninyó itó
Sinulat niyá itó Sinulat nilá itó
Panahóng nakaraán na
Sinulat ko na itó Sinulat na namin ó natin itó
Sinulat mo na itó Sinulat na ninyó itó
Sinulat na niyá itó Sinulat na nilá itó
Panahóng kararaán
Kásusulat ko pa itó Kásusulat pa namin ó natin itó
Kásusulat mo pa itó Kásusulat pa ninyó itó
Kásusulat pa niyá itó Kásusulat pa nilá itó
Panahóng haharapín
Susulatin ko itó Susulatin namin ó natin itó
Susulatin mo itó Susulatin ninyó itó
Susulatin niyá itó Susulatin nilá itó
AYOS PANG-UTOS
Panahóng kasalukuyan
Sulatin namin ó natin itó
Sulatin mo itó Sulatin ninyó itó
Sulatin niyá itó Sulatin nilá itó
AYOS PANGSUKOB
Panahóng kasalukuyan
Kung sinusulat ko itó Kung sinusulat namin ó natin itó
Kung sinusulat mo itó Kung sinusulat ninyó itó
Kung sinusulat niyá itó Kung sinusulat nilá itó
Panahóng nakaraán
Kung sinulat ko itó Kung sinulat namin ó natin itó
Kung sinulat mo itó Kung sinulat ninyó itó
Kung sinulat niyá itó Kung sinulat nilá itó
Panahóng haharapín
Kung susulatin ko itó Kung susulatin namin ó natin itó
Kung susulatin mo itó Kung susulatin ninyó itó
Kung susulatin niyá itó Kung susulatin nilá itó[22]
HUWARAN SA IKALAWÁNG PANGTIYÁK NG̃ “UM”
ANYÔNG “I”
AYOS PANGBADYÁ Isulat.
AYOS PANGHIWATIG
Panahóng kasalukuyan
Bilang na íisá Bilang na dalawá ó marami
Isinusulat ko itó Isinusulat namin ó natin itó
Isinusulat mo itó Isinusulat ninyó itó
Isinusulat niyá itó Isinusulat nilá itó
Panahóng nakaraán
Isinulat ko itó Isinulat namin ó natin itó
Isinulat mo itó Isinulat ninyó itó
Isinulat niyá itó Isinulat nilá itó
Panahóng nakaraán na
Isinulat ko na itó Isinulat na namin ó natin itó
Isinulat mo na itó Isinulat na ninyó itó
Isinulat na niyá itó Isinulat na nilá itó
Panahóng haharapín[23]
Isusulat ko itó Isusulat namin ó natin itó
Isusulat mo itó Isusulat ninyó itó
Isusulat niyá itó Isusulat nilá itó
AYOS PANG-UTOS
Panahóng kasalukuyan
Isulat namin ó natin itó
Isulat mo itó Isulat ninyó itó
Isulat niyá itó Isulat nilá itó
AYOS PANGSUKOB
Panahóng kasalukuyan
Kung isinusulat ko itó Kung isinusulat namin ó natin itó
Kung isinusulat mo itó Kung isinusulat ninyó itó
Kung isinusulat niyá itó Kung isinusulat nilá itó
Panahóng nakaraán
Kung isinulat ko itó Kung isinulat namin ó natin itó
Kung isinulat mo itó Kung isinulat ninyó itó
Kung isinulat niyá itó Kung isinulat nilá itó
Panahóng haharapín
Kung isusulat ko itó Kung isusulat namin ó natin itó
Kung isusulat mo itó Kung isusulat ninyó itó
Kung isusulat niyá itó Kung isusulat nilá itó
HUWARAN SA IKATLÓNG PANGTIYÁK NG̃ “UM”
ANYÔNG “AN”
AYOS PANGBADYÁ Sulatan.
AYOS PANGHIWATIG
Panahóng kasalukuyan
Bilang na íisá Bilang na dalawá ó marami
Sinusulatan ko itó Sinusulatan namin ó natin itó
Sinusulatan mo itó Sinusulatan ninyó itó
Sinusulatan niyá itó Sinusulatan nilá itó
Panahóng nakaraán
Sinulatan ko itó Sinulatan namin ó natin itó
Sinulatan mo itó Sinulatan ninyó itó
Sinulatan niyá itó Sinulatan nilá itó
Panahóng nakaraán na
Sinulatan ko na itó Sinulatan na namin ó natin itó
Sinulatan mo na itó Sinulatan na ninyó itó
Sinulatan na niyá itó Sinulatan na nilá itó
Panahóng haharapín
Susulatan ko itó Susulatan namin ó natin itó
Susulatan mo itó Susulatan ninyó itó
Susulatan niyá itó Susulatan nilá itó
AYOS PANG-UTOS
Panahóng kasalukuyan
Sulatan namin ó natin itó
Sulatan mo itó Sulatan ninyó itó
Sulatan niyá itó Sulatan nilá itó
AYOS PANGSUKOB
Panahóng kasalukuyan
Kung sinusulatan ko itó Kung sinusulatan namin ó natin itó
Kung sinusulatan mo itó Kung sinusulatan ninyó itó
Kung sinusulatan niyá itó Kung sinusulatan nilá itó
Panahóng nakaraán
Kung sinulatan ko itó Kung sinulatan namin ó natin itó
Kung sinulatan mo itó Kung sinulatan ninyó itó
Kung sinulatan niyá itó Kung sinulatan nilá itó
Panahóng haharapín
Kung susulatan ko itó Kung susulatan namin ó natin itó
Kung susulatan mo itó Kung susulatan ninyó itó
Kung susulatan niyá itó Kung susulatan nilá itó
HUWARAN SA UNANG PANGTIYÁK NG̃ “MAG”[24]
ANYÔNG “IPAG”
AYOS PANGBADYÁ Ipaglarô.
AYOS PANGHIWATIG
Panahóng kasalukuyan
Bilang na íisá Bilang na dalawá ó marami
Ipinaglalarô ko itó Ipinaglalarô namin ó natin itó
Ipinaglalarô mo itó Ipinaglalarô ninyó itó
Ipinaglalarô niyá itó Ipinaglalarô nilá itó
Panahóng nakaraán
Ipinaglarô ko itó Ipinaglarô namin ó natin itó
Ipinaglarô mo itó Ipinaglarô ninyó itó
Ipinaglarô niyá itó Ipinaglarô nilá itó
Panahóng nakaraán na
Ipinaglarô ko na itó Ipinaglarô na namin ó natin itó
Ipinaglarô mo na itó Ipinaglarô na ninyó itó
Ipinaglarô na niyá itó Ipinaglarô na nilá itó
Panahóng haharapín
Ipaglalarô ko itó Ipaglalarô namin ó natin itó
Ipaglalarô mo itó Ipaglalarô ninyó itó
Ipaglalarô niyá itó Ipaglalarô nilá itó
AYOS PANG-UTOS
Panahóng kasalukuyan
Ipaglarô namin ó natin itó
Ipaglarô mo itó Ipaglarô ninyó itó
Ipaglarô niyá itó Ipaglarô nilá itó
AYOS PANGSUKOB
Panahóng kasalukuyan
Kung ipinaglalarô ko itó Kung ipinaglalarô namin ó natin itó
Kung ipinaglalarô mo itó Kung ipinaglalarô ninyó itó
Kung ipinaglalarô niyá itó Kung ipinaglalarô nilá itó
Panahóng nakaraán
Kung ipinaglarô ko itó Kung ipinaglarô namin ó natin itó
Kung ipinaglarô mo itó Kung ipinaglarô ninyó itó
Kung ipinaglarô niyá itó Kung ipinaglarô nilá itó
Panahóng haharapín
Kung ipaglalarô ko itó Kung ipaglalarô namin ó natin itó
Kung ipaglalarô mo itó Kung ipaglalarô ninyó itó
Kung ipaglalarô niyá itó Kung ipaglalarô nilá itó
HUWARAN SA IKALAWÁNG PANGTIYÁK NG̃ “MAG”
ANYÔNG “PAG-AN”
AYOS PANGBADYÁ Paglarùan.
AYOS PANGHIWATIG
Panahóng kasalukuyan
Bilang na íisá Bilang na dalawá ó marami
Pinaglalarùan ko itó Pinaglalarùan namin ó natin itó
Pinaglalarùan mo itó Pinaglalarùan ninyó itó
Pinaglalarùan niyá itó Pinaglalarùan nilá itó
Panahóng nakaraán
Pinaglarùan ko itó Pinaglarùan namin ó natin itó
Pinaglarùan mo itó Pinaglarùan ninyó itó
Pinaglarùan niyá itó Pinaglarùan nilá itó
Panahóng nakaraán na
Pinaglarùan ko na itó Pinaglarùan na namin ó natin itó
Pinaglarùan mo na itó Pinaglarùan na ninyó itó
Pinaglarùan na niyá itó Pinaglarùan na nilá itó
Panahóng haharapín
Paglalarùan ko itó Paglalarùan namin ó natin itó
Paglalarùan mo itó Paglalarùan ninyó itó
Paglalarùan niyá itó Paglalarùan nilá itó
AYOS PANG-UTOS
Panahóng kasalukuyan
Paglarùan namin ó natin itó
Paglarùan mo itó Paglarùan ninyó itó
Paglarùan niyá itó Paglarùan nilá itó
AYOS PANGSUKOB
Panahóng kasalukuyan
Kung pinaglalarùan ko itó Kung pinaglalarùan namin ó natin itó
Kung pinaglalarùan mo itó Kung pinaglalarùan ninyó itó
Kung pinaglalarùan niyá itó Kung pinaglalarùan nilá itó
Panahóng nakaraán
Kung pinaglarùan ko itó Kung pinaglarùan namin ó natin itó
Kung pinaglarùan mo itó Kung pinaglarùan ninyó itó
Kung pinaglarùan niyá itó Kung pinaglarùan nilá itó
Panahóng haharapín
Kung paglalarùan ko itó Kung paglalarùan namin ó natin itó
Kung paglalarùan mo itó Kung paglalarùan ninyó itó
Kung paglalarùan niyá itó Kung paglalarùan nilá itó
HUWARAN SA IKATLÓNG PANGTIYÁK NG̃ “MAG”
ANYÔNG “PAG-IN”
AYOS PANGBADYÁ Paglarùin.
AYOS PANGHIWATIG
Panahóng kasalukuyan
Bilang na íisá Bilang na dalawá ó marami
Pinaglalarô ko itó Pinaglalarô namin ó natin itó
Pinaglalarô mo itó Pinaglalarô ninyó itó
Pinaglalarô niyá itó Pinaglalarô nilá itó
Panahóng nakaraán
Pinaglarô ko itó Pinaglarô namin ó natin itó
Pinaglarô mo itó Pinaglarô ninyó itó
Pinaglarô niyá itó Pinaglarô nilá itó
Panahóng nakaraán na
Pinaglarô ko na itó Pinaglarô na namin ó natin itó
Pinaglarô mo na itó Pinaglarô na ninyó itó
Pinaglarô na niyá itó Pinaglarô na nilá itó
Panahóng kararaán
Kapaglalarô ko pa itó Kapaglalarô pa natin ó namin itó
Kapaglalarô mo pa itó Kapaglalarô pa ninyó itó
Kapaglalarô pa niyá itó Kapaglalarô pa nilá itó
Panahóng haharapín
Paglalarùin ko itó Paglalarùin namin ó natin itó
Paglalarùin mo itó Paglalarùin ninyó itó
Paglalarùin niyá itó Paglalarùin nilá itó
AYOS PANG-UTOS
Panahóng kasalukuyan
Paglarùin namin ó natin itó
Paglarùin mo itó Paglarùin ninyó itó
Paglarùin niyá itó Paglarùin nilá itó
AYOS PANGSUKOB
Panahóng kasalukuyan
Kung pinaglalarô ko itó Kung pinaglalarô natin ó namin itó
Kung pinaglalarô mo itó Kung pinaglalarô ninyó itó
Kung pinaglalarô niyá itó Kung pinaglalarô nilá itó
Panahóng nakaraán
Kung pinaglarô ko itó Kung pinaglarô namin ó natin itó
Kung pinaglarô mo itó Kung pinaglarô ninyó itó
Kung pinaglarô niyá itó Kung pinaglarô nilá itó
Panahóng haharapín
Kung paglalarùin ko itó Kung paglalarùin namin ó natin itó
Kung paglalarùin mo itó Kung paglalarùin ninyó itó
Kung paglalarùin niyá itó Kung paglalarùin nilá itó
HUWARAN SA UNANG PANGTIYÁK NG̃ “MANG”
ANYÔNG “PANG-IN”
AYOS PANGBADYÁ Pang̃isdâín.
AYOS PANGHIWATIG
Panahóng kasalukuyan
Bilang na íisá Bilang na dalawá ó marami
Pinang̃ing̃isdâ ko itó Pinang̃ing̃isdâ namin ó natin itó
Pinang̃ing̃isdâ mo itó Pinang̃ing̃isdâ ninyó itó
Pinang̃ing̃isdâ niyá itó Pinang̃ing̃isdâ nilá itó
Panahóng nakaraán
Pinang̃isdâ ko itó Pinang̃isdâ namin ó natin itó
Pinang̃isdâ mo itó Pinang̃isdâ ninyó itó
Pinang̃isdâ niyá itó Pinang̃isdâ nilá itó
Panahóng nakaraán na
Pinang̃isdâ ko na itó Pinang̃isdâ na namin ó natin itó
Pinang̃isdâ mo na itó Pinang̃isdâ na ninyó itó
Pinang̃isdâ na niyá itó Pinang̃isdâ na nilá itó
Panahóng kararaán
Kapapang̃isdâ ko pa itó Kapapang̃isdâ pa natin ó namin itó
Kapapang̃isdâ mo pa itó Kapapang̃isdâ pa ninyó itó
Kapapang̃isdâ pa niyá itó Kapapang̃isdâ pa nilá itó
Panahóng haharapín
Pang̃ing̃isdâín ko itó Pang̃ing̃isdâín namin ó natin itó
Pang̃ing̃isdâín mo itó Pang̃ing̃isdâín ninyó itó
Pang̃ing̃isdâín niyá itó Pang̃ing̃isdâín nilá itó
AYOS PANG-UTOS
Panahóng kasalukuyan
Pang̃isdâín namin ó natin itó
Pang̃isdâín mo itó Pang̃isdâín ninyó itó
Pang̃isdâín niyá itó Pang̃isdâín nilá itó
AYOS PANGSUKOB
Panahóng kasalukuyan
Kung pinang̃ing̃isdâ ko itó Kung pinang̃ing̃isdâ namin ó natin itó
Kung pinang̃ing̃isdâ mo itó Kung pinang̃ing̃isdâ ninyó itó
Kung pinang̃ing̃isdâ niyá itó Kung pinang̃ing̃isdâ nilá itó
Panahóng nakaraán
Kung pinang̃isdâ ko itó Kung pinang̃isdâ namin ó natin itó
Kung pinang̃isdâ mo itó Kung pinang̃isdâ ninyó itó
Kung pinang̃isdâ niyá itó Kung pinang̃isdâ nilá itó
Panahóng haharapín
Kung pang̃ing̃isdâín ko itó Kung pang̃ing̃isdâín namin ó natin itó
Kung pang̃ing̃isdâín mo itó Kung pang̃ing̃isdâín ninyó itó
Kung pang̃ing̃isdâín niyá itó Kung pang̃ing̃isdâín nilá itó
HUWARAN SA IKALAWÁNG PANGTIYÁK NG̃ “MANG”
ANYÔNG “IPANG”
AYOS PANGBADYÁ Ipang̃isdâ.
AYOS PANGHIWATIG
Panahóng kasalukuyan
Bilang na íisá Bilang na dalawá ó marami
Ipinang̃ing̃isdâ ko itó Ipinang̃ing̃isdâ namin ó natin itó
Ipinang̃ing̃isdâ mo itó Ipinang̃ing̃isdâ ninyó itó
Ipinang̃ing̃isdâ niyá itó Ipinang̃ing̃isdâ nilá itó
Panahóng nakaraán
Ipinang̃isdâ ko itó Ipinang̃isdâ namin ó natin itó
Ipinang̃isdâ mo itó Ipinang̃isdâ ninyó itó
Ipinang̃isdâ niyá itó Ipinang̃isdâ nilá itó
Panahóng nakaraán na
Ipinang̃isdâ ko na itó Ipinang̃isdâ na namin ó natin itó
Ipinang̃isdâ mo na itó Ipinang̃isdâ na ninyó itó
Ipinang̃isdâ na niyá itó Ipinang̃isdâ na nilá itó
Panahóng haharapín
Ipang̃ing̃isdâ ko itó Ipang̃ing̃isdâ namin ó natin itó
Ipang̃ing̃isdâ mo itó Ipang̃ing̃isdâ ninyó itó
Ipang̃ing̃isdâ niyá itó Ipang̃ing̃isdâ nilá itó
AYOS PANG-UTOS
Panahóng kasalukuyan
Ipang̃isdâ namin ó natin itó
Ipang̃isdâ mo itó Ipang̃isdâ ninyó itó
Ipang̃isdâ niyá itó Ipang̃isdâ nilá itó
AYOS PANGSUKOB
Panahóng kasalukuyan
Kung ipinang̃ing̃isdâ ko itó Kung ipinang̃ing̃isdâ namin ó natin itó
Kung ipinang̃ing̃isdâ mo itó Kung ipinang̃ing̃isdâ ninyó itó
Kung ipinang̃ing̃isdâ niyá itó Kung ipinang̃ing̃isdâ nilá itó
Panahóng nakaraán
Kung ipinang̃isdâ ko itó Kung ipinang̃isdâ namin ó natin itó
Kung ipinang̃isdâ mo itó Kung ipinang̃isdâ ninyó itó
Kung ipinang̃isdâ niyá itó Kung ipinang̃isdâ nilá itó
Panahóng haharapín
Kung ipang̃ing̃isdâ ko itó Kung ipang̃ing̃isdâ namin ó natin itó
Kung ipang̃ing̃isdâ mo itó Kung ipang̃ing̃isdâ ninyó itó
Kung ipang̃ing̃isdâ niyá itó Kung ipang̃ing̃isdâ nilá itó
HUWARAN SA IKATLÓNG PANGTIYÁK NG̃ “MANG”
ANYÔNG “PANG-AN”
AYOS PANGBADYÁ Pang̃isdâan.
AYOS PANGHIWATIG
Panahóng kasalukuyan
Bilang na íisá Bilang na dalawá ó marami
Pinang̃ing̃isdâan ko itó Pinang̃ing̃isdâan namin ó natin itó
Pinang̃ing̃isdâan mo itó Pinang̃ing̃isdâan ninyó itó
Pinang̃ing̃isdâan niyá itó Pinang̃ing̃isdâan nilá itó
Panahóng nakaraán
Pinang̃isdâan ko itó Pinang̃isdâan namin ó natin itó
Pinang̃isdâan mo itó Pinang̃isdâan ninyó itó
Pinang̃isdâan niyá itó Pinang̃isdâan nilá itó
Panahóng nakaraán na
Pinang̃isdâan ko na itó Pinang̃isdâan na namin ó natin itó
Pinang̃isdâan mo na itó Pinang̃isdâan na ninyó itó
Pinang̃isdâan na niyá itó Pinang̃isdâan na nilá itó
Panahóng haharapín
Pang̃ing̃isdâan ko itó Pang̃ing̃isdâan natin ó namin itó
Pang̃ing̃isdâan mo itó Pang̃ing̃isdâan ninyó itó
Pang̃ing̃isdâan niyá itó Pang̃ing̃isdâan nilá itó
AYOS PANG-UTOS
Panahóng kasalukuyan
Pang̃isdâan namin ó natin itó
Pang̃isdâan mo itó Pang̃isdâan ninyó itó
Pang̃isdâan niyá itó Pang̃isdâan nilá itó
AYOS PANGSUKOB
Panahóng kasalukuyan
Kung pinang̃ing̃isdâan ko itó Kung pinang̃ing̃isdâan namin ó natin itó
Kung pinang̃ing̃isdâan mo itó Kung pinang̃ing̃isdâan ninyó itó
Kung pinang̃ing̃isdâan niyá itó Kung pinang̃ing̃isdâan nilá itó
Panahóng nakaraán
Kung pinang̃isdâan ko itó Kung pinang̃isdâan namin ó natin itó
Kung pinang̃isdâan mo itó Kung pinang̃isdâan ninyó itó
Kung pinang̃isdâan niyá itó Kung pinang̃isdâan nilá itó
Panahóng haharapín
Kung pang̃ing̃isdâan ko itó Kung pang̃ing̃isdâan namin ó natin itó
Kung pang̃ing̃isdâan mo itó Kung pang̃ing̃isdâan ninyó itó
Kung pang̃ing̃isdâan niyá itó Kung pang̃ing̃isdâan nilá itó
HUWARAN SA UNANG PANGTIYÁK NG̃ “MA”
ANYÔNG “IKA”
AYOS PANGBADYÁ Ikatisod.
AYOS PANGHIWATIG
Panahóng kasalukuyan
Bilang na íisá Bilang na dalawá ó marami
Ikinatítisod ko itó Ikinatítisod namin ó natin itó
Ikinatítisod mo itó Ikinatítisod ninyó itó
Ikinatítisod niyá itó Ikinatítisod nilá itó
Panahóng nakaraán
Ikinatisod ko itó Ikinatisod namin ó natin itó
Ikinatisod mo itó Ikinatisod ninyó itó
Ikinatisod niyá itó Ikinatisod nilá itó
Panahóng nakaraán na
Ikinatisod ko na itó Ikinatisod na namin ó natin itó
Ikinatisod mo na itó Ikinatisod na ninyó itó
Ikinatisod na niyá itó Ikinatisod na nilá itó
Panahóng haharapín
Ikatítisod ko itó Ikatítisod namin ó natin itó
Ikatítisod mo itó Ikatítisod ninyó itó
Ikatítisod niyá itó Ikatítisod nilá itó
AYOS PANG-UTOS
Panahóng kasalukuyan
Ikatisod namin ó natin itó
Ikatisod mo itó Ikatisod ninyó itó
Ikatisod niyá itó Ikatisod nilá itó
AYOS PANGSUKOB
Panahóng kasalukuyan
Kung ikinatítisod ko itó Kung ikinatítisod namin ó natin itó
Kung ikinatítisod mo itó Kung ikinatítisod ninyó itó
Kung ikinatítisod niyá itó Kung ikinatítisod nilá itó
Panahóng nakaraán
Kung ikinatisod ko itó Kung ikinatisod namin ó natin itó
Kung ikinatisod mo itó Kung ikinatisod ninyó itó
Kung ikinatisod nilá itó Kung ikinatisod nilá itó
Panahóng haharapín
Kung ikatítisod ko itó Kung ikatítisod namin ó natin itó
Kung ikatítisod mo itó Kung ikatítisod ninyó itó
Kung ikatítisod niyá itó Kung ikatítisod nilá itó
HUWARAN SA IKALAWÁNG PANGTIYÁK NG̃ “MA”
ANYÔNG “KA-AN”
AYOS PANGBADYÁ Katisuran.
AYOS PANGHIWATIG
Panahóng kasalukuyan
Bilang na íisá Bilang na dalawá ó marami
Kinatítisuran ko itó Kinatítisuran namin ó natin itó
Kinatítisuran mo itó Kinatítisuran ninyó itó
Kinatítisuran niyá itó Kinatítisuran nilá itó
Panahóng nakaraán
Kinatisuran ko itó Kinatisuran namin ó natin itó
Kinatisuran mo itó Kinatisuran ninyó itó
Kinatisuran niyá itó Kinatisuran nilá itó
Panahóng nakaraán na
Kinatisuran ko na itó Kinatisuran na namin ó natin itó
Kinatisuran mo na itó Kinatisuran na ninyó itó
Kinatisuran na niyá itó Kinatisuran na nilá itó
Panahóng haharapín
Katitisuran ko itó Katitisuran namin ó natin itó
Katitisuran mo itó Katitisuran ninyó itó
Katitisuran niyá itó Katitisuran nilá itó
AYOS PANG-UTOS
Panahóng kasalukuyan
Katisuran namin ó natin itó
Katisuran mo itó Katisuran ninyó itó
Katisuran niyá itó Katisuran nilá itó
AYOS PANGSUKOB
Panahóng kasalukuyan
Kung kinatítisuran ko itó Kung kinatítisuran namin ó natin itó
Kung kinatítisuran mo itó Kung kinatítisuran ninyó itó
Kung kinatítisuran niyá itó Kung kinatítisuran nilá itó
Panahóng nakaraán
Kung kinatisuran ko itó Kung kinatisuran namin ó natin itó
Kung kinatisuran mo itó Kung kinatisuran ninyó itó
Kung kinatisuran niyá itó Kung kinatisuran nilá itó
Panahóng haharapín
Kung katitisuran ko itó Kung katitisuran namin ó natin itó
Kung katitisuran mo itó Kung katitisuran ninyó itó
Kung katitisuran niyá itó Kung katitisuran nilá itó
TALABABÂAN
[21] Inilagáy ang itó upáng tumukoy ng̃ bagay na ginagawâ, at dapat
matantô na ang mg̃a katawán (ó persona) ay dapat ilagáy sa pang-arì
na siyáng angkóp sa mg̃a pangtiyák na pangwatas.
[22] Hindî ko na inilagáy rito ang ikalawáng hugis nitóng in,
sapagkâ’t hindî lubhâng naiibá sa una, liban sa pag-áangkáp niyá sa
ugát.
[23] Dapat alamíng sa mg̃a anyông i at an ay walâng panahóng
kararaán, kundî sa in lamang.
[24] Hindî na kailang̃ang italâ ang in, i at an na mg̃a katugmâ
nitóng mag, sapagkâ’t kaparis din ng̃ sa um. Tang̃ìng bábanggitín
dito ang mg̃a pangtiyák din nitóng mag na ipag, pag-an at
pag-in (kung itó’y maáarì).
XIX KABANATA
Sa mg̃a pangtulong na anyô ng̃ pangwatas
GURÒ. ¿Alínalín namán ang mg̃a anyông pangtulong ng̃ ating pangwatas?
NAG-AARAL. Nápakarami pò at nang mákilala ay náitó ang mg̃a anyông
pangtulong sa pangbalak: maká, magpa, pa, magpaka, makí,
magká, magíng, magsí, magpatí, manghí, magkáng at magsa.
G. ¿Anó ang tinátawag na anyông maká?
N. Tinátawag na anyông maká ang pangwatas na may pang-angkáp na
maká sa salitâng ugát, gaya ng̃ _maka_lakad, _maka_utang, _maka_kain.
G. ¿Anó ang tinátawag na anyông magpa?
N. Tinátawag na anyông magpa ang pangwatas na may pang-angkáp
na magpa sa salitâng ugát, gaya ng̃ _magpa_turò, _magpa_lamíg,
_magpa_gandá.
G. ¿Anó ang tinátawag na anyông pa?
N. Tinátawag na anyông pa ang pangwatas na kinaáangkapán nitó,
gaya ng̃ _pa_tulong, _pa_hilot, _pa_tampál.
G. ¿Anó ang tinátawag na anyông magpaka?
N. Tinátawag na anyông magpaka ang pangwatas na kinaáangkapán ng̃
anyông itó, gaya ng̃ _magpaka_babà, _magpaka_baít, _magpaka_runong.
G. ¿Anó ang tinátawag na anyông makí?
N. Tinátawag na anyông makí ang pangwatas na binubuô ng̃ salitâng
ugát at ng̃ pang-angkáp na makí, gaya ng̃ _maki_panayám,
_makí_kastilà, _makí_apóy.
G. ¿Anó ang tinátawag na anyông magká?
N. Tinátawag na anyông magká ang pangwatas na binubuô ng̃ ugát
at ng̃ pang-angkáp na magká, gaya ng̃ _magká_utang, _magká_sakít,
_magká_sunog.
G. ¿Anó namán ang tinátawag na anyông magíng?
N. Tinátawag na anyông magíng ang pangwatas na kinaáangkapán nitó,
gaya ng̃ magíng tao, magíng hayop, magíng talà.
G. ¿Anó namán ang tinátawag na anyông magsí?
N. Tinátawag na anyông magsí ang pangwatas na kinaáangkapán nitó,
gaya ng̃ _magsí_pasok, _magsi_takbó, _magsi_dalang̃in.
G. ¿Anó ang tinátawag na anyông magpatí?
N. Ang pangwatas na binubuô ng̃ salitâng ugát at ng̃ pang-angkáp na
magpatí, gaya ng̃ _magpati_luhód, _magpati_rapá, _magpati_higâ.
G. ¿Anó ang tinátawag na anyông manghí?
N. Ang pangwatas na binubuô ng̃ salitâng ugát at ng̃ pang-angkáp na
manghí, gaya ng̃ _manghí_ng̃ukó, _manghí_ning̃á, _manghí_ng̃uto.
G. ¿Anó ang tinátawag na anyông magkáng?
N. Tinátawag na anyông magkáng ang pangwatas na may kaangkáp ng̃
anyông itó, gaya ng̃ _magkang_hihirap, _magkang_puputot, magkangíihì.
G. ¿Anó ang tinátawag na anyông magsa?
N. Tinátawag na anyông magsa ang pangwatas na may kaangkáp nitó,
gaya ng̃ _magsa_kastilà, _magsa_ilokano, _magsa_haponés.
G. ¿Alín namán ang mg̃a anyông pangtulong sa pangtiyák na katugmâ
ng̃ mg̃a anyông pangbalak na tinalikdán?
N. Marami rin pò, at bawà’t isáng anyông pangbalak ay may katugmâng
pangtiyák na ang kadalasá’y dalawá, tatló at kung minsan pa’y humigít
sa bilang na itó. Sapagkâ’t lubhâng malawig na isáisáhín ay hindî
na dapat banggitín dito kundî sa kinaúukulan ng̃ bawà’t isá.
XX KABANATA
Ukol sa anyông “MAKÁ”
GURÒ. ¿Anó ang tinátawag na anyông maká?
NAG-AARAL. Tinátawag na anyông maká ang pangwatas na may pang-angkáp
na maká sa salitâng ugát.
G. ¿Anó ang kahulugán nitóng anyông maká?
N. Náuuwî itó sa dalawáng kahulugán: ang una’y kapangyarihan (ó
potencial) gaya ng̃ makalakad, makatakbó, at ang ikalawá’y
kadahilanan (ó causal) gaya ng̃ makabuti, makaginhawa.
G. ¿Paano ang pagbabaybáy nitóng anyông maká?
N. Gaya rin ng̃ sa mg̃a anyông mag, mang at ma na inúulit ang
unang dalawáng titik ng̃ unang pantíg ng̃ ugát sa mg̃a panahóng
kasalukuyan at haharapín. Baybayín natin ang mg̃a pangwatas na
makatakbó at makagalíng na ang una’y náuukol sa kapangyarihan
at ang hulí’y sa kadahilanan.
Ayos Panahón Kapangyarihan Kadahilanan
Pangbadyá Makatakbó Makagalíng
Panghiwatig Kasalukuyan Nakatatakbó Nakagagalíng
„ Nakaraán Nakatakbó Nakagalíng
„ Nakaraán na Nakatakbó na Nakagalíng na
„ Haharapín Makatatakbó Makagagalíng
Pang-utos Makatakbó Makagalíng
Pangsukob Kasalukuyan Kung nakatatakbó Kung nakagagalíng
„ Nakaraán Kung nakatakbó Kung nakagalíng
„ Haharapín Kung makatatakbó Kung makagagalíng
G. ¿Anó ang dapat matantô ukol sa pagbabaybáy nitóng maká?
N. Dapat matantô na kung ang pangwatas na binabaybáy ay nagbuhat
sa anyông “um” ay dapat isunód sa ginawâng pagbabaybáy sa mg̃a
pangwatas na makatakbó at makagalíng, ng̃unì’t kung sa “mag” ay
dapat ding ibatay sa náturang pagbabaybáy, na ang kaibhán lamang
nitó ay dinaragdagán pa ng̃ pag[25] sa gitnâ ng̃ maká at ng̃
ugát. Dapat ding matantô na ang bagay na itó’y tang̃ìng nangyayari
sa kapangyarihan at hindî sa kadahilanan. Baybayín namán natin ang
mg̃a pangwatas na makapag-aral at makapagturò na nagbuhat sa
mag-aral at magturò.
Ayos Panahón Kapangyarihan
Pangbadyá Makapag-aral Makapagturò
Panghiwatig Kasalukuyan Nakapag-áaral Nakapagtuturò
„ Nakaraán Nakapag-aral Nakapagturò
„ Nakaraán na Nakapag-aral na Nakapagturò na
„ Haharapín Makapag-áaral Makapagtuturò
Pang-utos Makapag-aral Makapagturò
Pangsukob Kasalukuyan Kung nakapag-áaral Kung nakapagtuturò
„ Nakaraán Kung nakapag-aral Kung nakapagturò
„ Haharapín Kung makapag-áaral Kung makapagtuturò
ANG KANYÁNG PANGTIYÁK
G. ¿Alín ang pangtiyák ng̃ maká kung náuukol sa kapangyarihan?
N. Kung náuukol sa kapangyarihan, ang pangtiyák ng̃ maká ay
ma-in, mai at ma-an, kailan ma’t ang pangwatas ay nagbuhat sa
“um”. Ng̃unì’t dapat mabatíd, na, ang in ay ináalís sa ma-in
at nagigíng ma lamang at sa mai at ma-an ay ináalís din ang
náturang in. Kung ang pangwatas ay nagbuhat sa mag, ang ma,
mai at ma-an ay dapat gawíng mapag, maipag at mapag-an.
Náritó ang dalawáng halimbawà na náuukol sa bawà’t isá.
NÁUUKOL SA “UM”
Ma. Mai. Ma-an.
Pangbadyá Masulat Maisulat Masulatan
Kasalukuyan Nasusulat Naisusulat Nasusulatan
Nakaraán Nasulat Naisulat Nasulatan
Nakaraán na Nasulat na Naisulat na Nasulatan na
Haharapín Masusulat Maisusulat Masusulatan
Pang-utos Masulat Maisulat Masulatan
Kasalukuyan Kung nasusulat Kung naisusulat Kung nasusulatan
Nakaraán Kung nasulat Kung naisulat Kung nasulatan
Haharapín Kung masusulat Kung maisusulat Kung masusulatan
NÁUUKOL SA “MAG”
Mapag. Maipag. Mapag-an.
Pangbadyá Mapag-aral Maipag-aral Mapag-aralan
Kasalukuyan Napag-áaral Naipag-áaral Napag-áaralan
Nakaraán Napag-aral Naipag-aral Napag-aralan
Nakaraán na Napag-aral na Naipag-aral na Napag-aralan na
Haharapín Mapag-áaral Maipag-áaral Mapag-áaralan
Pang-utos Mapag-aral Maipag-aral Mapag-aralan
Kasalukuyan Kung napag-áaral Kung naipag-áaral Kung napag-áaralan
Nakaraán Kung napag-aral Kung naipag-aral Kung napag-aralan
Haharapín Kung mapag-áaral Kung maipag-áaral Kung mapag-áaralan
G. ¿Alín ang pangtiyák ng̃ maká kung náuukol sa kadahilanan?
N. Kung náuukol sa kadahilanan, ang pangtiyák ng̃ maká ay ika
kung tumutukoy sa pangwatas na nagbuhat sa um, at ikapag kung
tumutukoy namán sa pangwatas na nanggaling sa mag. Dapat mabatíd
na, magíng ang ika at magíng ang ikapag ay dapat sing̃itan ng̃
in sa gitnâ ng̃ k at a sa mg̃a panahóng kasalukuyan at mg̃a
nakaraán. Náritó ang halimbawà ng̃ isá’t isá.
Ayos. Panahón. Ika. Ikapag.
Pangbadyá Ikagalíng Ikapagsaing
Panghiwatig Kasalukuyan Ikinagagalíng Ikinapagsasaing
„ Nakaraán Ikinagalíng Ikinapagsaing
„ Nakaraán na Ikinagalíng na Ikinapagsaing na
„ Haharapín Ikagagalíng Ikapagsasaing
Pang-utos Ikagalíng Ikapagsaing
Pangsukob Kasalukuyan Kung ikinagagalíng Kung ikinapagsasaing
„ Nakaraán Kung ikinagalíng Kung ikinapagsaing
„ Haharapín Kung ikagagalíng Kung ikapagsasaing
KÁGAMITÁN NG̃ NÁTURANG ANYÔ
G. ¿Alín ang kágamitán ng̃ anyông maká?
N. Itóng maká baga ma’t nábibilang sa mg̃a anyông pangtulong ay
isá rin sa malimit gamitin sa ating mayamang salitâ. Náitó ang mg̃a
sinúsunód na tuntunin ng̃ sa kanyá’y paggamit:
I.--Ginágamit ang maká sa mg̃a pangwatas na nagbabadyá ng̃
kalayàang makagawâ ng̃ anó mang kilos sa sariling katawán, hal.:
makabasa, makasulat, makakain, makaihì, makatakbó, makalakad,
makapasok, makalabás, makaligò, makalang̃óy, makagawâ, makadipá,
makatulog, atbp.
II.--Ang mg̃a salitâng ugát na tumutukoy sa kaisipán at sa
damdamin ng̃ tao ay nagagawâ ring pangwatas dito sa maká at kung
magkaganitó’y nagbabadyá ng̃ mg̃a kilos ó gawàing pagkakátaón ó
hindî ináasahang mangyari, hal.: sa alala ay makaalala, sa gunitâ ay
makagunitâ, sa isip ay makaisip, sa damdám ay makaramdám, sa damá
ay makadamá, sa hipò ay makahipò, sa kita ay makakita, sa masíd ay
makamasíd, sa ting̃ín ay makating̃ín, sa diníg ay makariníg, sa amóy
ay makaamóy, atbp.
III.--Kung ang isáng pangwatas ay nagkakahulugán ng̃ anó mang bagay
na binabalak gawín, ang ugát na yaó’y magagawâ ring pangwatas dito
sa maká na ang kahulugá’y kung makakayang ganapín ang náturang
balak, hal.: Mang̃ing̃isdâ akó kung makakapang̃isdâ, susulat
siyá kung makasusulat, papasok akó kung makapapasok, atbp.
IV.--Ginágamit din ang maká sa mg̃a pangwatas na nagbabadyá ng̃
kasiràáng hindî sinasadyâ na ibinung̃a ng̃ mg̃a katutubòng pangyayari.
Dapat matantô na itó’y malimit gamitin sa mg̃a panahóng nakaraán,
hal.: ang hang̃in ay siyáng nakagibâ ng̃ mg̃a bahay, ang apóy
ay siyáng nakatupok ng̃ táhanan, ang lindól ay siyáng nakaguhô
ng̃ simbahan, ang bahâ ay siyáng nakasirà ng̃ mg̃a halaman, atbp.
V.--Nagagawâ ring pangwatas dito sa maká ang mg̃a ugát na
nagbabadyá ng̃ lumbáy ó sayá ng̃ sino man, at ang mg̃a pangwatas na
itó’y nagkakahulugán ng̃ anó mang pangyayari na siyáng lumilikhâ ng̃
gayóng kalumbayan ó kasayahan, hal.: sa iyák ay makaiyák, sa lumbáy
ay makalumbáy, sa lungkót ay makalungkót, sa luhà ay makaluhà, sa
sayá ay makasayá, sa alíw ay makaalíw, sa tawa ay makatawa, atbp.
Dapat lamang mabatíd, na, ang mg̃a pangwatas na itó’y napakalimit
gamitin sa panahóng nakaraán.
VI.--Ang mg̃a salitâng ugát na nagbabadyá ng̃ kagaling̃an ó kasamâan
ng̃ anó mang bagay ay nagagawâ ring pangwatas dito sa maká na
nagkakahulugán ng̃ isáng bagay na siyáng lumilikhâ ng̃ násabing
kagaling̃an ó kasamâan, hal.: sa buti ay makabuti, sa galíng ay
makagalíng, sa buhay ay makabuhay, sa ginhawa ay makaginhawa, sa
samâ ay makasamâ, sa lalâ ay makalalâ, sa sakít ay makasakít, atbp.
VII.--Ang mg̃a ugát na nagbabadyá ng̃ anó man at náangkapán ng̃
maká ay nagigíng salitâng pangdiwà (ó sustantivo) na ang kahulugá’y
pagkampí ó pagsapì sa gayó’t ganitóng pangkát, panig, lapìán, atbp.,
hal.: sa bago ay makabago, sa lumà ay makalumà, sa bayan ay makabayan,
sa parì ay makaparì, sa tao ay makatao, sa hayop ay makahayop, sa
kastilà ay makakastilà, sa intsík ay makaintsík, atbp.
VIII.--Ang mg̃a ugát na tumutukoy sa ibá’t ibáng anyô ó kilos ng̃
katawán ng̃ tao ay naipangwawatas din sa maká na ang kahulugá’y
ang kalabisán ó kasagwâan ng̃ náturang anyô ó kilos, hal.: sa dilat
ay makadilat, sa ng̃isi ay makang̃isi, sa ng̃ang̃á ay makang̃ang̃á,
sa ting̃ín ay makating̃ín, atbp.
TALABABÂAN
[25] Dapat alalahanin na ang pag ay siyáng pangtiyák ng̃ mag.
Gayón din ang dapat gawín sa ibáng anyông pang̃ulo ng̃ pangwatas.
XXI KABANATA
Hinggíl sa anyông “MAGPA”
GURÒ. ¿Anó ang tinátawag na anyông magpa?
NAG-AARAL. Tinátawag na magpa ang pangwatas na may pang-angkáp na
magpa sa salitâng ugát.
G. ¿Paano ang pagbabaybáy sa anyông itó?
N. Madalî pò: sukat nang maalaman na sa mg̃a panahóng kasalukuyan
at haharapín ay kailang̃ang ulitin ó dalawahín ang unang dalawáng
titik ng̃ hulíng pantíg ng̃ anyông magpa. Baybayín natin ang mg̃a
pangwatas na magpabasa at magpataním na nagbuhat sa bumasa at
magtaním[26].
Ayos Panahón Bumasa Magtaním
Pangbadyá Magpabasa Magpataním
Panghiwatig Kasalukuyan Nagpapabasa Nagpapataním
„ Nakaraán Nagpabasa Nagpataním
„ Nakaraán na Nagpabasa na Nagpataním na
„ Haharapín Magpapabasa Magpapataním
Pang-utos Magpabasa Magpataním
Pangsukob Kasalukuyan Kung nagpapabasa Kung nagpapataním
„ Nakaraán Kung nagpabasa Kung nagpataním
„ Haharapín Kung magpapabasa Kung magpapataním
ANG KANYÁNG PANGTIYÁK
G. ¿Alín ang pangtiyák nitóng anyông magpa?
N. Ang pangtiyák ng̃ magpa ay pa lamang. Itóng pa kung tulung̃an
ng̃ mg̃a pang̃ulong anyông pangtiyák ay nagigíng pa-in, ipa at
pa-an na siyáng mg̃a pangtiyák ng̃ magpa kung ang pangwatas na
ibig baybayín ay nagbuhat sa um. Kung nagbuhat namán sa mag,
ang pangtiyák ng̃ magpa ay papag-in, ipapag at papag-an.
Sa pagbabaybáy sa mg̃a pangtiyák ng̃ náturang magpa ay kunin din
nating halimbawà ang dalawáng pangwatas na bumasa at magtaním
na babaybayíng isáisá ó hiwáhiwaláy.
NÁUUKOL SA “UM”
PA-IN IPA PA-AN
Pangbadyá Pabasahin Ipabasa Pabasahan
Kasalukuyan Pinababasa Ipinababasa Pinababasahan
Nakaraán Pinabasa Ipinabasa Pinabasahan
Nakaraán na Pinabasa na Ipinabasa na Pinabasahan na
Haharapín Pababasahin Ipababasa Pababasahan
Pang-utos Pabasahin Ipabasa Pabasahan
Kasalukuyan Kung pinababasa Kung ipinababasa Kung pinababasahan
Nakaraán Kung pinabasa Kung ipinabasa Kung pinabasahan
Haharapín Kung pababasahin Kung ipababasa Kung pababasahan
NÁUUKOL SA “MAG”
PAPAG-IN IPAPAG PAPAG-AN
Pangbadyá Papagtanimín Ipapagtaním Papagtanimán
Kasalukuyan Pinapagtataním Ipinapagtataním Pinapagtatanimán
Nakaraán Pinapagtaním Ipinapagtaním Pinapagtanimán
Nakaraán na Pinapagtaním na Ipinapagtaním na Pinapagtanimán na
Haharapín Papagtatanimín Ipapagtaním Papagtatanimán
Pang-utos Papagtanimín Ipapagtaním Papagtanimán
Kasalukuyan Kung Kung Kung
pinapagtataním ipinapagtataním pinapagtatanimán
Nakaraán Kung Kung Kung
pinapagtaním ipinapagtaním pinapagtanimán
Haharapín Kung Kung Kung
papagtatanimín ipapagtaním papagtatanimán
G. ¿Maáarì bagáng baybayín sa ibá itóng anyông magpa?
N. Ang magpa ay nababaybáy sa ibáng paraán kailan ma’t inangkapán
ng̃ maká na náuukol sa kapangyarihan, at kung magkaganitó ang
magpa ay magigíng pagpa. Ihalimbawà natin ang ugát na ginhawa
at panhik na sang-ayon dito ay nagigíng makapagpaginhawa at
makapagpapanhik.
Ayos. Panahón. Ginhawa. Panhik.
Pangbadyá Makapagpaginhawa Makapagpapanhik
Panghiwatig Kasalukuyan Nakapagpapaginhawa Nakapagpapapanhik
„ Nakaraán Nakapagpaginhawa Nakapagpapanhik
„ Nakaraán na Nakapagpaginhawa na Nakapagpapanhik na
„ Haharapín Makapagpapaginhawa Makapagpapapanhik
Pang-utos Makapagpaginhawa Makapagpapanhik
Pangsukob Kasalukuyan Kung Kung
nakapagpapaginhawa nakapagpapapanhik
„ Nakaraán Kung nakapagpaginhawa Kung nakapagpapanhik
„ Haharapín Kung Kung
makapagpapaginhawa makapagpapapanhik
KÁGAMITÁN NG̃ NÁSABING ANYÔ
G. ¿Saánsaán ginágamit ang anyông magpa?
N. Ang talagáng kátuturán nitóng magpa kung naáangkáp sa salitâng
ugát ay ang mag-utos ó magtulot ó mamanhík sa kanino man na gawín ang
anó mang bagay sang-ayon sa kátuturáng tagláy ng̃ ugát. Gayón man,
upáng matalastás ang ibá’t ibáng kágamitán na kanyáng sinásakláw ay
náitó ang mg̃a tuntunin ng̃ sa kanyá’y paggamit.
I.--Ginágamit ang magpa sa mg̃a pangwatas na nagbabadyá ng̃
pag-úutos ng̃ isáng tao sa sino man na gawín ang iniúutos sang-ayon
sa kahulugán ng̃ ugát, hal.: sa gawâ ay magpagawâ, sa tahî ay
magpatahî, sa tindá ay magpatindá, sa lutò ay magpalutò, sa lakad
ay magpalakad, sa ligò ay magpaligò, sa basa ay magpabasa, sa sulat
ay magpasulat, sa taním ay magpataním, sa lang̃óy ay magpalang̃óy,
atbp.
II.--Tungkól sa mg̃a ugát na nagpapahayag ng̃ anó man at magawâng
pangwatas dito sa anyông magpa ay nagbabadyá ng̃ pagkakawang gawâ
ng̃ isá sa sino man sang-ayon sa kátuturán ng̃ ugát, hal.: sa buhay
ay magpabuhay, sa kain ay magpakain, sa inóm ay magpainóm, sa tirá
ay magpatirá, sa damít ay magparamít, atbp.
III.--Hinggíl namán sa mg̃a ugát na nagsusulit ng̃ mg̃a likás na
pangyayari ay nagagawâ ring pangwatas sa magpa, na ang kátuturá’y
lumikhâ ng̃ anó man sang-ayon sa ugát, na, tang̃ìng magagawâ ng̃
Dios ó ng̃ katalagahán, hal.: sa kulóg ay magpakulóg, sa kidlát ay
magpakidlát, sa araw ay magpaaraw, sa ulán ay magpaulán, sa bagyó ay
magpabagyó, sa lindól ay magpalindól, sa bahâ ay magpabahâ, atbp.
Ang gayóng paglikhâ ay magagawâ rin kung minsan ng̃ sino mang tao,
hal.: sa alon ay magpaalon, sa hang̃in ay magpahang̃in, sa tunóg ay
magpatunóg, sa ugong ay magpaugong, atbp.
IV.--Kung naáangkapán ng̃ magpa ang mg̃a ugát na nagbabadyá ng̃
panahón ay nagtatagláy ng̃ kahulugáng pag-úutos sa ibá ó dilì kayâ’y
kusà sa kanyáng sarili na magpatirá ó magpabayàng abutin ng̃ anó
man sang-ayon sa ugát, hal.: sa gabí ay magpagabí, sa tanghalì ay
magpatanghalì, sa umaga ay magpaumaga, sa hapon ay magpahapon, sa
hating-gabí ay magpahating-gabí, atbp.
V.--Ukol sa ibá’t ibáng ugát na nagbabadyá ng̃ anó man ay
naipangwawatas din sa magpa, at ang mg̃a itó’y nagkakahulugán ng̃
tikís ó kusàng paggawâ ng̃ sino man sa kanyáng sarili sang-ayon
sa isinasaysáy ng̃ ugát, hal.: sa gandá ay magpagandá, sa buti ay
magpabuti, sa araw ay magpaaraw, sa ulán ay magpaulán, sa lamíg ay
magpalamíg, sa hang̃in ay magpahang̃in, sa anod ay magpaanod, atbp.
VI.--Nagtatagláy ng̃ kahulugán ang mg̃a pangwatas na binaybáy sa
magpa ng̃ paghing̃î ó pagbibigáy ng̃ anó man sang-ayon sa kátuturán
ng̃ ugát, hal.: sa limós ay magpalimós, sa buwís ay magpabuwís, sa
utang ay magpautang, sa sanglâ ay magpasanglâ, sa tubò ay magpatubò,
sa hirám ay magpahirám, atbp.
VII.--Kung ang anyông magpa ay alisán ng̃ g at ang natirá’y
iangkáp sa mg̃a ugát na nagbabadyá ng̃ anó man ay nagtatagláy ng̃
kahulugáng maparoón sa isáng dako ó poók ó kayâ’y maparoón sa kanino
man ó saán man ó kailan man, hal.: sa ibabâ ay mapaibabâ, sa itaás
ay mapaitaás, sa sulok ay mapasulok, sa siksík ay mapasiksík, sa iyó
ay mapaiyó, sa akin ay mapaakin, sa silang̃anan ay mapasilang̃anan,
sa kalunuran ay mapakalunuran, sa araw ay mapaaraw, sa gabí ay
mapagabí, sa hapon ay mapahapon, atbp.
TALABABÂAN
[26] Dapat matantô na sa pangbalak ng̃ anyông itó ay walâng
kailang̃ang ang isáng pangwatas ay magbuhat sa um ó sa mag.
Ng̃unì’t sa pangtiyák ay kailang̃ang matalastás ang pag na siyáng
katugmâ ng̃ mag.
XXII KABANATA
Tungkól sa anyông “PA”
GURÒ. ¿Anó ang tinátawag na anyông pa?
NAG-AARAL. Tinátawag na anyông pa ang pangwatas na may pang-angkáp
na pa sa salitâng ugát.
G. ¿Paano namán ang pagbabaybáy sa anyông itó?
N. Gaya rin ng̃ mg̃a ibá, at ang tang̃ìng dapat matantô ay sa mg̃a
panahóng kasalukuyan at mg̃a nakaraán ay dapat iangkáp ang na,
at kailang̃ang ulitin ó dalawahín sa mg̃a panahóng kasalukuyan at
haharapín ang unang dalawáng titik ng̃ unang pantíg ng̃ ugát, ó kayâ’y
isinising̃it ang sa sa ugát at sa anyô sa madlâng panahón ng̃
pangwatas gaya ng̃ ginagawâng maminsanminsan. Ihalimbawà natin ang
dalawáng ugát na diyán at bundók na kung iayon sa mg̃a kaparaanáng
binanggít ay nagigíng pangwatas na pariyán at pasabundók.
Ayos Panahón Pariyán Pasabundók
Pangbadyá Pariyán Pasabundók
Panghiwatig Kasalukuyan Napaririyán[27] Napasasabundók
„ Nakaraán Napariyán Napasabundók
„ Nakaraán na Napariyán na Napasabundók na
„ Haharapín Paririyán Pasasabundók
Pang-utos Pariyán Pasabundók
Pangsukob Kasalukuyan Kung napaririyán Kung napasasabundók
„ Nakaraán Kung napariyán Kung napasabundók
„ Haharapín Kung paririyán Kung pasasabundók
ANG KANYÁNG PANGTIYÁK
G. ¿Alín namán ang pangtiyák nitóng pa?
N. Ang anyông pa ay siyáng anyông pangbalak at siyá ring anyông
pangtiyák. Ng̃unì’t sa bagay na itó ang pa ay nagigíng pa-in,
ipa at pa-an, sapagkâ’t kailang̃ang tulung̃an ng̃ mg̃a pang̃ulong
anyông pangtiyák gaya na ng̃ ginawâ sa mg̃a anyông nakaraán. Dapat
namáng matalastás na ang ikalawáng paraáng ginamit sa pangbalak ay
hindî maáarìng ilagáy sa pangtiyák. Kunin nating halimbawà ang
pangwatas na pahalík na binubuô ng̃ anyông pa at ng̃ ugát na
halík.
PA-IN IPA PA-AN
Pangbadyá Pahalikín Ipahalík Pahalikán
Kasalukuyan Pinahahalík Ipinahahalík Pinahahalikán
Nakaraán Pinahalík Ipinahalík Pinahalikán
Nakaraán na Pinahalík na Ipinahalík na Pinahalikán na
Haharapín Pahahalikín Ipahahalík Pahahalikán
Pang-utos Pahalikín Ipahalík Pahalikán
Kasalukuyan Kung pinahahalík Kung ipinahahalík Kung pinahahalikán
Nakaraán Kung pinahalík Kung ipinahalík Kung pinahalikán
Haharapín Kung pahahalikín Kung ipahahalík Kung pahahalikán
G. ¿Mayroón pa bang ibáng pangtiyák ukol sa anyông pa?
N. Mayroón pò, ng̃unì’t itó’y tang̃ìng maáarì sa mg̃a pangwatas na
pumarito, pumariyán at pumaroón. Ang mg̃a pangtiyák na itó’y
ang ika na tumutukoy sa kadahilanan (ó causal) at pa-an na
bumabanggít sa poók (ó local). Ang ka-in ay hindî maáarì, sapagkâ’t
nagtatagláy ng̃ ibáng kátuturán. Ihalimbawà natin sa pagbabaybáy
ang pangwatas na parito sang-ayon sa anyông pinag-áaralan.
Ayos Panahón IKA PA-AN
Pangbadyá Ikaparito Parituhan
Panghiwatig Kasalukuyan Ikinaparirito Pinarirituhan
„ Nakaraán Ikinaparito Pinarituhan
„ Nakaraán na Ikinaparito na Pinarituhan na
„ Haharapín Ikaparirito Parirituhan
Pang-utos Ikaparito Parituhan
Pangsukob Kasalukuyan Kung ikinaparirito Kung pinarirituhan
„ Nakaraán Kung ikinaparito Kung pinarituhan
„ Haharapín Kung ikaparirito Kung parirituhan
KÁGAMITÁN NG̃ ANYÔNG NÁBANGGÍT
G. ¿Saánsaán namán ginágamit itóng anyông pa?
N. Itóng pa ay isáng anyông malimit gamitin sa Wikàng Tagalog. Ang
talagáng kátuturán niyá’y ang pag-úutos, panunuyò, pagpapabayà ó
pagpapahintulot sa kanino man na náuukol sa kanyáng sarili sang-ayon
sa lamán ng̃ ugát. Nang lalòng lumiwanag ay náritó ang kanyáng mg̃a
kágamitán.
I.--Ginágamit ang anyông pa sa mg̃a pangwatas na nagbabadyá ng̃
pag-úutos na huming̃î ng̃ anó man na náuukol sa sarili ng̃ sino mang
tao, hal.: sa limós ay palimós, sa kupkóp ay pakupkóp, sa ampón ay
paampón, sa kain ay pakain, sa awà ay paawà, sa kandilì ay pakandilì,
sa tanggól ay patanggól, sa sanggaláng ay pasanggaláng, sa saklolo
ay pasaklolo, atbp.
II.--Ginágamit din ang pa sa mg̃a pangwatas na nagsusulit ng̃
pagpapabayà ó pagpapahintulot na gawín sa kanino man ang bagay na
sinasabi ng̃ ugát, hal.: sa kurót ay pakurót, sa halík ay pahalík,
sa sundót ay pasundót, sa hipò ay pahipò, sa kagát ay pakagát, sa
tampál ay patampál, sa sikad ay pasikad, sa hampás ay pahampás, atbp.
III.--Ukol sa mg̃a ugát na nagsusulit ng̃ ibá’t ibáng kilos ó galáw
ay nagagawâ ring pangwatas dito sa pa, at ang kátuturá’y ang anyô
ó hugis ng̃ anó man sang-ayon sa lamán ng̃ ugát, hal.: sa labás ay
palabás, sa pasok ay papasok, sa untî ay pauntî, sa lakí ay palakí,
sa lakás ay palakás, sa hinà ay pahinâ, sa lalâ ay palalâ, sa taás ay
pataás, sa babà ay pababâ, sa init ay painít, sa lamíg ay palamíg,
sa hilís ay pahilís, sa likô ay palikô, atbp.
IV.--Tungkól sa mg̃a ugát na nagsasaysáy ng̃ dako ó poók at angkapán
ng̃ pa ay nagigíng pangwatas din, hal.: dini, parini; dito, parito;
diyán, pariyán; doón, paroón; atbp.
V.--Kung ang anyông pa ay sugpung̃án ng̃ sa, gaya na ng̃ násabi,
at sundán ng̃ ibá’t ibáng ugát na nagsasaád ng̃ poók ó dako ay
nagkakahulugán ng̃ pagparoón sang-ayon sa lamán ng̃ ugát, hal.: sa
ilog ay pasailog, sa dagat ay pasadagat, sa bukid ay pasabukid, sa
gubat ay pasagubat, sa lálawigan ay pasalalawigan, sa Amérika ay
pasa Amérika, sa Hapón ay pasa Hapón, atbp.
VI.--Ang anyông pa ay nagkakahulugán ng̃ magsabi ó magsaysáy ng̃
anó man sang-ayon sa kinaáangkapáng ugát, hal.: sa oo ay paoo, sa
ayaw ay paayaw, sa hindî ay pahindî, sa iná ay painá, atbp.
VII.--Hinggíl sa mg̃a ugát na nagbabadyá ng̃ sarìsarìng kilos ó anyô
ng̃ katawán na inangkapán ng̃ pa ay nagpapakilala ng̃ gayóng anyô
ó hugis sang-ayon sa kátuturán ng̃ ugát, hal.: sa lakad ay palakad,
sa takbó ay patakbó, sa upô ay paupô, sa hilíg ay pahilíg, sa tayô ay
patayô, sa taób ay pataób, sa higâ ay pahigâ, sa lawít ay palawít,
sa yukô ay payukô, sa kubà ay pakubâ, atbp.
TALABABÂAN
[27] Ináakalà kong hindî tumpák sa mg̃a anyông ganitó ang pag-úulit
ng̃ anyông pa sa mg̃a panahóng kasalukuyan at haharapín na ang
ginagawâ’y napapariyán at papariyán. Kailang̃ang ulitin ang unang
pantíg ng̃ ugát at hindî ng̃ anyô gaya ng̃ ginawâ sa halimbawà.
XXIII KABANATA
Ukol sa anyông “MAGPAKA”
GURÒ. ¿Anó ang tinátawag na anyông magpaka?
NAG-AARAL. Tinátawag na anyông magpaka ang pangwatas na may
pang-angkáp na magpaka sa salitâng ugát.
G. ¿Paano ang paraán ng̃ kanyáng pagbabaybáy?
N. Gaya rin ng̃ mg̃a kaparaanáng pinairal sa mg̃a anyông tinalikdán,
at ang dapat lamang matantô sa anyông itó ay ang pag-úulit ng̃ pa
sa mg̃a panahóng kasalukuyan at haharapín. Sa pagbabaybáy ay kuning
halimbawà ang mg̃a ugát na busóg at hirap na kung máangkapán ng̃
magpaka ay nagigíng pangwatas na magpakabusóg at magpakahirap.
Ayos Panahón Busóg Hirap
Pangbadyá Magpakabusóg Magpakahirap
Panghiwatig Kasalukuyan Nagpapakabusóg Nagpapakahirap
„ Nakaraán Nagpakabusóg Nagpakahirap
„ Nakaraán na Nagpakabusóg na Nagpakahirap na
„ Haharapín Magpapakabusóg Magpapakahirap
Pang-utos Magpakabusóg Magpakahirap
Pangsukob Kasalukuyan Kung nagpapakabusóg Kung nagpapakahirap
„ Nakaraán Kung nagpakabusóg Kung nagpakahirap
„ Haharapín Kung magpapakabusóg Kung magpapakahirap
ANG KANYÁNG PANGTIYÁK
G. ¿Alín ang pangtiyák ng̃ magpaka?
N. Gaya rin ng̃ anyông magpa na may dalawáng kaparaanán: isá’y kung
ang pangwatas ay magbuhat sa um at ang ikalawá’y kung magbuhat
sa mag. Ang pangtiyák ng̃ magpaka sa unang paraán ay paka na
nagigíng paka-in, ipaka at paka-an dahilán sa tulong ng̃ mg̃a
pang̃ulong anyông pangtiyák; sa ikalawá ay pakapag na nagigíng
pakapag-in, ipakapag at pakapag-an sang-ayon sa dahiláng
nábanggít. Kailang̃ang pag-úkulan ng̃ tig-isáng halimbawà ang
magpakarahan at ang magpakasisi na nagbuhat sa dumahan at
magsisi.
NÁUUKOL SA “UM”
PAKA-IN IPAKA PAKA-AN
Pangbadyá Pakarahanin Ipakarahan Pakarahanan
Kasalukuyan Pinakararahan Ipinakararahan Pinakararahanan
Nakaraán Pinakarahan Ipinakarahan Pinakarahanan
Nakaraán na Pinakarahan na Ipinakarahan na Pinakarahanan na
Haharapín Pakararahanin Ipakararahan Pakararahanan
Pang-utos Pakarahanin Ipakarahan Pakarahanan
Kasalukuyan Kung Kung Kung
pinakararahan ipinakararahan pinakararahanan
Nakaraán Kung pinakarahan Kung ipinakarahan Kung pinakarahanan
Haharapín Kung pakararahanin Kung ipakararahan Kung pakararahanan
NÁUUKOL SA “MAG”
PAKAPAG-IN IPAKAPAG PAKAPAG-AN
Pangbadyá Pakapagsisihin Ipakapagsisi Pakapagsisihan
Kasalukuyan Pinakapagsisisi Ipinakapagsisisi Pinakapagsisisihan
Nakaraán Pinakapagsisi Ipinakapagsisi Pinakapagsisihan
Nakaraán na Pinakapagsisi na Ipinakapagsisi na Pinakapagsisihan na
Haharapín Pakapagsisisihin Ipakapagsisisi Pakapagsisisihan
Pang-utos Pakapagsisihin Ipakapagsisi Pakapagsisihan
Kasalukuyan Kung Kung Kung
pinakapagsisisi ipinakapagsisisi pinakapagsisisihan
Nakaraán Kung Kung Kung
pinakapagsisi ipinakapagsisi pinakapagsisihan
Haharapín Kung Kung Kung
pakapagsisisihin ipakapagsisisi pakapagsisisihan
G. ¿Mayroón pa bang ibáng pangtiyák itóng magpaka?
N. Mayroón pa pò, ng̃unì’t bihiràng gamitin sapagkâ’t kauntî ang
mg̃a ugát na náuukol sa kanyá. Ang násabing pangtiyák ay pagpaka
na maáarìng tulung̃an lamang ng̃ i at ng̃ an, sa makatuwíd ay
nagigíng ipagpaka at pagpaka-an. Baybayín natin ang ugát na
busóg na siyáng angkóp sa mg̃a pangtiyák na itó.
Ayos Panahón IPAGPAKA PAGKAPA-AN
Pangbadyá Ipagpakabusóg Pagpakabusugán
Panghiwatig Kasalukuyan Ipinagpapakabusóg Pinagpapakabusugán
„ Nakaraán Ipinagpakabusóg Pinagpakabusugán
„ Nakaraán na Ipinagpakabusóg na Pinagpakabusugán na
„ Haharapín Ipagpapakabusóg Pagpapakabusugán
Pang-utos Ipagpakabusóg Pagpakabusugán
Pangsukob Kasalukuyan Kung Kung
ipinagpapakabusóg pinagpapakabusugán
„ Nakaraán Kung ipinagpakabusóg Kung pinagpakabusugán
„ Haharapín Kung ipagpapakabusóg Kung pagpapakabusugán
KÁGAMITÁN NG̃ NÁTURANG ANYÔ
G. ¿Alínalín ang mg̃a kágamitáng sakláw nitóng magpaka?
N. Ang kanyáng sakláw sa paggamit ay itóng mg̃a sumúsunód:
I.--Ang anyông magpaka ay nagagawâng pangwatas na ang kahulugá’y
ang paggawâ ó pagtitiís na kusà sa sariling kalooban ng̃ sino
man sang-ayon sa kátuturáng tagláy ng̃ ugát, hal.: magpakabusóg,
magpakagutom, magpakauhaw, magpakabuti, magpakagalíng, magpakatapang,
magpakalakás, magpakababà, magpakataás, magpakayaman, magpakahirap,
magpakarukhâ, magpakabuti, magpakamatáy, magpakatiís, atbp. Dapat
matantô na sa mg̃a pangwatas na itó’y náuukol ang mg̃a pangtiyák na
ipagpaka at pagpaka-an.
II.--Ginágamit itóng magpaka upáng magbigáy ng̃ matindíng kahulugán
sa anó mang bagay, kilos ó galáw sang-ayon sa lamán ng̃ ugát, hal.:
magpakaing̃at, magpakarahan, magpakabaít, magpakaisip, magpakahusay,
magpakatuwíd, magpakatandâ, atbp. Dapat ding matantô, na, dito
náuukol ang mg̃a pangtiyák na paka-in, ipaka at paka-an kung
sa um at pakapag-in, ipakapag at pakapag-an kung sa mag.
III.--Kung ulitin ó dalawahín ang ugát ng̃ mg̃a pangwatas na náuukol
sa una at ikalawáng tuntunin ay lalòng nagbibigáy ng̃ matindíng
kahulugán, hal.: magpakababàbabà, magpakabutibuti, magpakahiraphirap,
magpakabusógbusóg, magpakaisipisip, magpakabaítbaít, magpakarahandahan,
magpakaing̃at-ing̃at, atbp. Dapat matantông kung ang ugát ay may
tatlóng pantíg ay inúulit lamang ang dalawáng una, hal.: sa dálitâ
ay magpakadalidálitâ, atbp.
XXIV KABANATA
Hinggíl sa anyông “MAKÍ”
GURÒ. ¿Anó ang pinamámagatáng anyông makí?
NAG-AARAL. Pinamámagatáng anyông makí ang pangwatas na may
pang-angkáp na makí sa salitâng ugát.
G. ¿Paano namán ang kanyáng pagbabaybáy?
N. Hindî rin naglalayô sa mg̃a kaparaanáng ginamit sa mg̃a náuná,
at ang dapat matantô rito’y ang pag-úulit sa ikalawáng pantíg ng̃
anyông makí sa mg̃a panahóng kasalukuyan at haharapín. Gaya na ng̃
mg̃a násabi, ang pag ay dapat alalahanin kailan ma’t ang pangwatas
ay nagbuhat sa mag. Sa pagbabaybáy ay kuning halimbawà ang mg̃a
ugát na tulog at usap na sang-ayon sa anyông itó ay nagigíng
pangwatas na makitulog at makipag-usap.
Ayos Panahón Tulog Usap
Pangbadyá Makitulog Makipag-usap
Panghiwatig Kasalukuyan Nakikitulog Nakikipag-usap
„ Nakaraán Nakitulog Nakipag-usap
„ Nakaraán na Nakitulog na Nakipag-usap na
„ Haharapín Makikitulog Makikipag-usap
Pang-utos Makitulog Makipag-usap
Pangsukob Kasalukuyan Kung nakikitulog Kung nakikipag-usap
„ Nakaraán Kung nakitulog Kung nakipag-usap
„ Haharapín Kung makikitulog Kung makikipag-usap
ANG KANYÁNG PANGTIYÁK
G. ¿Alín ang pangtiyák na nátutugmâ sa makí?
N. Ang katugmâng pangtiyák ng̃ anyông itó ay pakí. Sa pagtulong
ng̃ mg̃a pang̃ulong anyông pangtiyák ay tinatanggáp lamang ang
i at ang an at ang in ay hindî, kayâ’t nagigíng ipakí at
paki-an. Náritó ang mg̃a halimbawàng ang isá’y náuukol sa um at
ang ikalawá’y sa mag.
NÁUUKOL SA “UM”
Ayos Panahón IPAKÍ PAKI-AN
Pangbadyá Ipakitulong Pakitulung̃an
Panghiwatig Kasalukuyan Ipinakikitulong Pinakikitulung̃an
„ Nakaraán Ipinakitulong Pinakitulung̃an
„ Nakaraán na Ipinakitulong na Pinakitulung̃an na
„ Haharapín Ipakikitulong Pakikitulung̃an
Pang-utos Ipakitulong Pakitulung̃an
Pangsukob Kasalukuyan Kung ipinakikitulong Kung pinakikitulung̃an
„ Nakaraán Kung ipinakitulong Kung pinakitulung̃an
„ Haharapín Kung ipakikitulong Kung pakikitulung̃an
NÁUUKOL SA “MAG”
Ayos Panahón IPAKIPAG PAKIPAG-AN
Pangbadyá Ipakipag-usap Pakipag-usapan
Panghiwatig Kasalukuyan Ipinakikipag-usap Pinakikipag-usapan
„ Nakaraán Ipinakipag-usap Pinakipag-usapan
„ Nakaraán na Ipinakipag-usap na Pinakipag-usapan na
„ Haharapín Ipakikipag-usap Pakikipag-usapan
Pang-utos Ipakipag-usap Pakipag-usapan
Pangsukob Kasalukuyan Kung Kung
ipinakikipag-usap pinakikipag-usapan
„ Nakaraán Kung ipinakipag-usap Kung pinakipag-usapan
„ Haharapín Kung ipakikipag-usap Kung pakikipag-usapan
KÁGAMITÁN NG̃ NÁSABING ANYÔ
G. ¿Alínalín ang mg̃a kágamitán ng̃ anyông makí?
N. Ang mg̃a tuntunin niyá sa paggamit ay itóng mg̃a sumúsunód:
I.--Sa mg̃a pangwatas na nagbabadyá ng̃ pakikisama ng̃ isá sa isá,
hal.: sa sama ay makisama, sa sakáy ay makisakáy, sa sunò ay makisunò,
sa salo ay makisalo, sa sabáy ay makisabáy.
II.--Sa mg̃a pangwatas na nagbabadyá ng̃ pakikiramay ng̃ isá sa ibá,
sang-ayon sa lamán ng̃ ugát, hal.: sa tuwâ ay makituwâ, sa lungkót
ay makilungkót, sa damay ay makiramay, sa pighatî ay makipagpighatî,
sa tang̃is ay makitang̃is, sa luhà ay makiluhà, atbp.
III.--Sa mg̃a pangwatas na nagsusulit ng̃ mg̃a kilos ó galáw ng̃ kamáy
ó ng̃ bibíg ng̃ isá sa isá alinsunod sa lamán ng̃ ugát, hal.: sa larô
ay makipaglarô, sa away ay makipag-away, sa bunô ay makipagbunô, sa
usap ay makiusap ó makipag-usap, sa kamáy ay makikamáy ó makipagkamáy,
sa yakap ay makiyakap ó makipagyakap, sa talo ay makipagtalo, sa
panayám ay makipanayám, atbp.
IV.--Naipangwawatas din ang makí na sinugpung̃án ng̃ an ó han
at nagkakahulugán ng̃ mg̃a gawâng kinusà sa sarili sang-ayon sa
ugát, hal.: sa birò ay makipagbirùan, sa sagót ay makipagsagutan,
sa salitâ ay makipagsalitâan, sa taním ay makipagtaniman, atbp.
V.--Kung iáangkáp ang anyông makí sa mg̃a ugát na nagbabadyá ng̃
bayan, lahì, ugalì, hilig, lagáy, urì, atbp. ay nagkakáhulugan
ng̃ pakikitulad ó pakikiayos, hal.: makíamerikano, makikastilà,
makíintsík, makitao, makihayop, makílalaki, makibabae, makipusà,
makiunggóy, makiahas, atbp.
VI.--Kung iáangkáp ang makí sa mg̃a ugát na nagbabadyá ng̃ mg̃a
karaniwang gamitin sa pamumuhay ng̃ tao ay nagkakahulugán ng̃
paghing̃î ng̃ kauntî ng̃ anó man sang-ayon sa ugát na tagláy, hal.:
sa apóy ay makiapóy (makisindí), sa asín ay makiasín, sa alak ay
makialak, sa higop ay makihigop, sa hing̃î ay makihing̃î, sa sawsáw
ay makisawsáw, sa ng̃ang̃à ay making̃ang̃à, atbp.
XXV KABANATA
Tungkól sa anyông “MAGKÁ”
GURÒ. ¿Anó ang tinátawag na anyông magká?
NAG-AARAL. Tinátawag na anyông magká ang pangwatas na may
pang-angkáp na magká sa salitâng ugát.
G. ¿Alín ang dapat kásaligán sa kanyáng pagbabaybáy?
N. Dapat niyáng kásaligán ang hugis ó paraán sa pagbabaybáy na
ginawâ sa anyông maká, na, ang ikinaíibá nitó’y walâng g at
yaó’y mayroón. Baybayín natin ang mg̃a ugát na sala at utang na
nagigíng pangwatas kung máangkapán ng̃ magká.
Ayos Panahón Sala Utang
Pangbadyá Magkasala Magkautang
Panghiwatig Kasalukuyan Nagkakasala Nagkakautang
„ Nakaraán Nagkasala Nagkautang
„ Nakaraán na Nagkasala na Nagkautang na
„ Haharapín Magkakasala Magkakautang
Pang-utos Magkasala Magkautang
Pangsukob Kasalukuyan Kung nagkakasala Kung nagkakautang
„ Nakaraán Kung nagkasala Kung nagkautang
„ Haharapín Kung magkakasala Kung magkakautang
ANG KANYÁNG PANGTIYÁK
G. ¿Alín ang katugmâng pangtiyák ng̃ magká?
N. Ang katugmâ nitó, gaya ng̃ mg̃a anyông pangbalak na nagpapásimulâ
sa m ay pagká. Sa tulong ng̃ mg̃a pang̃ulong anyông pangtiyák,
itóng pagká ay nagigíng pagka-in, ipagka at pagka-an. Ng̃unì’t
hindî tinatanggáp itóng pagka-in kundî ang dalawáng náhuhulí: ang
ipagka at pagka-an. Ilagáy natin sa pangtiyák ang pangwatas na
magkasala na binaybáy sa pangbalak.
Ayos Panahón IPAGKA PAGKA-AN
Pangbadyá Ipagkasala Pagkasalahan
Panghiwatig Kasalukuyan Ipinagkakasala Pinagkakasalahan
„ Nakaraán Ipinagkasala Pinagkasalahan
„ Nakaraán na Ipinagkasala na Pinagkasalahan na
„ Haharapín Ipagkakasala Pagkakasalahan
Pang-utos Ipagkasala Pagkasalahan
Pangsukob Kasalukuyan Kung ipinagkakasala Kung pinagkakasalahan
„ Nakaraán Kung ipinagkasala Kung pinagkasalahan
„ Haharapín Kung ipagkakasala Kung pagkakasalahan
KÁGAMITÁN NG̃ ANYÔNG NÁBANGGÍT
G. ¿Saánsaán ginágamit ang anyông magká?
N. Ang talagáng kahulugán ng̃ magká kung máangkáp sa ugát ay
magkaroón ng̃ anó man sang-ayon sa ugát na tagláy. Nang lalòng
maliwanagan ang bagay na itó ay kailang̃ang ilagdâ ang mg̃a ganitóng
tuntunin:
I.--Ang mg̃a ugát na náuukol sa mg̃a sakít ng̃ katawán ng̃ tao na
máangkapán ng̃ magká ay nagkakahulugán ng̃ pagkakaroón ng̃ anó
man na dati’y walâ alinsunod sa lamán ng̃ ugát, hal.: sa sakít ay
magkasakít, sa sipón ay magkasipón, sa mutà ay magkamutà, sa galís
ay magkagalís, sa lagnát ay magkalagnát, sa pigsá ay magkapigsá,
atbp.
II.--Nagkakahulugán din ng̃ pagkakaroón na dati’y walâ kung siyá’y
iangkáp sa mg̃a ugát na tumutukoy sa mg̃a kapalaran ng̃ tao, hal.: sa
palad ay magkapalad, sa anák ay magkaanák, sa pilak ay magkapilak, sa
lupà ay magkalupà, sa gintô ay magkagintô, sa bahay ay magkabahay,
sa tungkól ay magkatungkól, atbp.
III.--Gayón ding kahulugán ang mátatamó kung angkáp sa mg̃a ugát na
bumabanggít sa sarìsarìng sangkáp ó pag-áarì ng̃ tao ó sa anó mang
bagay, hal.: sa tubig ay magkatubig, sa apóy ay magkaapóy, sa kahoy
ay magkakahoy, sa lang̃ís ay magkalang̃ís, sa tabò ay magkatabò, sa
bung̃a ay magkabung̃a, sa hayop ay magkahayop, atbp.
IV.--Ang mg̃a ugát na náuukol sa ibá’t ibáng kasakunâang nangyayari sa
bayan ó sa mg̃a tao ay magagawâ ring pangwatas sa magká, na, ang
kahulugá’y ang pagkakaroón ng̃ anó man na dati’y walâ sang-ayon sa
lamán ng̃ ugát, hal.: sa gutom ay magkagutom, sa guló ay magkaguló, sa
bagyó ay magkabagyó, sa salot ay magkasalot, sa digmâ ay magkadigmâ,
sa lindól ay magkalindól, atbp.
V.--Ang mg̃a ugát namáng nagbabadyá ng̃ mg̃a kasiràán ng̃ anó man
na inúulit ang násabing ugát at angkapán ng̃ magká ay nagtatagláy
ng̃ matindíng kahulugán, hal.: magkagibâgibâ, magkabuwálbuwál,
magkaguhôguhò, magkabutásbutás, magkapunítpunít, magkasirâsirâ,
magkawindángwindáng, magkalanságlanság, atbp.
VI.--Sa mg̃a pagkakátaóng pangyayari ay binabaybáy rin sa anyông
magká, hal.: magkatipon, magkasalubong, magkapanayám, magkatamà,
magkasama, magkaaway, magkaguló.
VII.--Kung angkapán ng̃ magká ang ugát at sugpung̃án ng̃ an ó
han ay nagkakahulugán din ng̃ mg̃a pangyayaring hindî kinukusà,
hal.: magkatakbuhan, magkasuntukan, magkasikarán, magkahagarán,
magkamatayán, magkadaganán, atbp.
XXVI KABANATA
Ukol sa anyông “MAGÍNG”
GURÒ. ¿Anó ang tinátawag na anyông magíng?
NAG-AARAL. Tinátawag na anyông magíng ang pangwatas na may
pang-angkáp na magíng sa salitâng ugát.
G. ¿Paano ang mg̃a paraán ng̃ kanyáng pagbabaybáy?
N. Ang mg̃a kaparaanán ng̃ pagbabaybáy sa magíng ay katulad din
ng̃ sa mg̃a ibáng anyô. Dapat maalalang sa mg̃a panahóng kasalukuyan
at haharapín ay kailang̃ang ulitin ang unang dalawáng titik ng̃
hulíng pantíg ng̃ náturang anyô. Ihalimbawà natin ang mg̃a ugát na
sukà at alak na kung angkapán kapwà ng̃ magíng ay nagigíng
mg̃a pangwatas.
Ayos Panahón Sukà Alak
Pangbadyá Magíng sukà[28] Magíng alak
Panghiwatig Kasalukuyan Nagigíng sukà Nagigíng alak
„ Nakaraán Nagíng sukà Nagíng alak
„ Nakaraán na Nagíng sukà na Nagíng alak na
„ Haharapín Magigíng sukà Magigíng alak
Pang-utos Magíng sukà Magíng alak
Pangsukob Kasalukuyan Kung nagigíng sukà Kung nagigíng alak
„ Nakaraán Kung nagíng sukà Kung nagíng alak
„ Haharapín Kung magigíng sukà Kung magigíng alak
G. ¿Alín ang pangtiyák ng̃ anyông magíng?
N. Ang katugmâ nitóng anyông itó ay pagíng. Sa mg̃a pang̃ulong
anyông pangtiyák ay isá lamang ang tinatanggáp: ang i na nagigíng
ipagíng. Baybayín natin dito ang pangwatas na magíng sukà.
Ayos Panahón IPAGÍNG
Pangbadyá Ipagíng alak
Panghiwatig Kasalukuyan Ipinagigíng alak
„ Nakaraán Ipinagíng alak
„ Nakaraán na Ipinagíng alak na
„ Haharapín Ipagigíng alak
Pang-utos Ipagíng alak
Pangsukob Kasalukuyan Kung ipinagigíng alak
„ Nakaraán Kung ipinagíng alak
„ Haharapín Kung ipagigíng alak
G. ¿May ibá pa bagáng pangtiyák itóng magíng?
N. Mayroón pa pò: ang ika na nagsusulit ng̃ dahilán (ó motivo) at
pa-in na nagbabadyá ng̃ pag-úutos, na kung iangkáp sa pagíng ay
nagigíng ikapagíng at papagíng-in. Baybayín namán natin dito
ang pangwatas na magíng alak.
IKAPAGÍNG PAPAGÍNG-IN
Pangbadyá Ikapagíng alak Papagíng alakin
Kasalukuyan Ikinapagigíng alak Pinapagigíng alak
Nakaraán Ikinapagíng alak Pinapagíng alak
Nakaraán na Ikinapagíng alak na Pinapagíng alak na
Haharapín Ikapagigíng alak Papagigíng alakin
Pang-utos Ikapagíng alak Papagíng alakin
Kasalukuyan Kung ikinapagigíng alak Kung pinapagigíng alak
Nakaraán Kung ikinapagíng alak Kung pinapagíng alak
Haharapín Kung ikapagigíng alak Kung papagigíng alakin
G. ¿Alín ang kágamitán ng̃ anyông magíng?
N. Ginágamit siyá sa mg̃a tuntuning sumúsunód:
I.--Anó mang ugát ay magagawâng pangwatas sa magíng na ang
kahulugá’y ang pagkakabago ó pagigíng anó man ng̃ isáng bagay, hal.:
magíng sukà, magíng alak, magíng kahoy, magíng tao, magíng hayop,
magíng banál, magíng dukhâ, magíng manók, atbp.
II.--Ginágamit din ang magíng sa ibá’t ibáng pang̃ung̃usap at
nagkakaroón namán ng̃ ibá’t ibáng kahulugán, hal.: magíng akin, magíng
iyó, magíng totoó, magíng kabulàanan, ¿magigíng ilán? at ibá’t ibá pa.
TALABABÂAN
[28] Dapat matantô na itóng magíng at ang kaniyáng sakláw ay
sinising̃itan ng̃ ng̃a na nagigíng mang̃agíng, nang̃agigíng,
at ibá pa, kailan ma’t tumutukoy sa bilang na dalawá ó marami.
XXVII KABANATA
Hinggíl sa anyông “MAGSÍ”
GURÒ. ¿Anó ang pinamámagatáng anyông magsí?
NAG-AARAL. Pinamámagatáng anyông magsí ang pangwatas na may
pang-angkáp na magsí sa salitâng ugát.
G. ¿Alín ang tuntunin ng̃ kanyáng pagbabaybáy?
N. Ang mg̃a tuntunin nitóng magsí ay katulad din ng̃ sa magíng na
inúulit ang hulíng pantíg ng̃ anyô sa mg̃a panahóng kasalukuyan at
haharapín. Ang dapat lamang maalala sa anyông itó ay ang pangwatas
na nagbuhat sa um at ang sa mag. Kung náuukol sa una ay magsí
lamang at sa hulí’y magsipag. Baybayín natin ang mg̃a pangwatas
na tumang̃is at mag-aral sa anyông itóng magsí at magsipag.
Nagbuhat sa “UM” Nagbuhat sa “MAG”
Pangbadyá Magsitang̃is[29] Magsipag-aral
Kasalukuyan Nagsisitang̃is Nagsisipag-aral
Nakaraán Nagsitang̃is Nagsipag-aral
Nakaraán na Nagsitang̃is na Nagsipag-aral na
Haharapín Magsisitang̃is Magsisipag-aral
Pang-utos Magsitang̃is Magsipag-aral
Kasalukuyan Kung nagsisitang̃is Kung nagsisipag-aral
Nakaraán Kung nagsitang̃is Kung nagsipag-aral
Haharapín Kung magsisitang̃is Kung magsisipag-aral
G. ¿Alín ang pangtiyák ng̃ anyông magsí?
N. Ang pangtiyák na náuukol sa kanyá’y ang pagsí. Itó’y maáarì
lamang tulung̃an ng̃ mg̃a pang̃ulong anyông i at an na nagigíng
ipagsí at pagsi-an. Baybayín natin sa mg̃a náturang pangtiyák
ang pangwatas na magsitang̃is.
Ipagsí Pagsi-an
Pangbadyá Ipagsitang̃is Pagsitang̃isan
Kasalukuyan Ipinagsisitang̃is Pinagsisitang̃isan
Nakaraán Ipinagsitang̃is Pinagsitang̃isan
Nakaraán na Ipinagsitang̃is na Pinagsitang̃isan na
Haharapín Ipagsisitang̃is Pagsisitang̃isan
Pang-utos Ipagsitang̃is Pagsitang̃isan
Kasalukuyan Kung ipinagsisitang̃is Kung pinagsisitang̃isan
Nakaraán Kung ipinagsitang̃is Kung pinagsitang̃isan
Haharapín Kung ipagsisitang̃is Kung pagsisitang̃isan
G. ¿Alín ang talagáng kahulugán ng̃ náturang anyô?
N. Ang tunay na kahulugán ng̃ magsí ay tumutukoy sa karamihan ó sa
lahát na siyáng gumagawâ ó nagtitiís ng̃ anó man sang-ayon sa lamáng
tagláy ng̃ ugát, hal.: magsitang̃is, magsitawa, magsigawâ, magsilakad,
magsitakbó, magsitulóy, magsipanhík, magsipasok, magsisulat,
magsibasa, magsilabás, magsipanóod, magsiahon, magsipagsimbá,
magsipaglutò, magsipagtaním, magsipagpasiál, magsipag-aral,
magsipagsaing, magsipaglathalà, atbp.
TALABABÂAN
[29] Nangyayari kung minsan na itóng magsí at magsipag ay
sinising̃itan ng̃ ng̃a, na, sa madalìáng sabi ay nagigíng
mang̃agsí at mang̃agsipag, gaya ng̃ mang̃agsitang̃is at
mang̃agsipag-aral. Ang kahulugán nitó’y hindî lubhâng naiibá sa
mg̃a yaón, baga ma’t itó’y nagbabadyá ng̃ lalòng karamihan.
XXVIII KABANATA
Tungkól sa anyông “MAGPATÍ”
GURÒ. ¿Anó ang tinátawag na anyông magpatí?
NAG-AARAL. Tinátawag na anyông magpatí ang pangwatas na may
pang-angkáp na magpatí sa salitâng ugát.
G. ¿Alín ang mg̃a panutong sinúsunód sa kanyáng pagbabaybáy?
N. Ang panuto nitóng magpatí ay dapat isunód sa magpaka na inúulit
ang hulíng pantíg sa náturang anyô sa mg̃a panahóng kasalukuyan
at haharapín. Sa pagbabaybáy ay ihalimbawà natin ang mg̃a ugát na
luhód at higâ na kung angkapán ng̃ magpatí ay kapuwà nagigíng
pangwatas.
Luhód Higâ
Pangbadyá Magpatiluhód Magpatihigâ
Kasalukuyan Nagpapatiluhód Nagpapatihigâ
Nakaraán Nagpatiluhód Nagpatihigâ
Nakaraán na Nagpatiluhód na Nagpatihigâ na
Haharapín Magpapatiluhód Magpapatihigâ
Pang-utos Magpatiluhód Magpatihigâ
Kasalukuyan Kung nagpapatiluhód Kung nagpapatihigâ
Nakaraán Kung nagpatiluhód Kung nagpatihigâ
Haharapín Kung magpapatiluhód Kung magpapatihigâ
G. ¿Alín ang katugmâng pangtiyák ng̃ magpatí?
N. Ang katugmâ nitó ay pagpatí. Tinatanggáp niyá sa pagtulong
ang ika na nagbabadyá ng̃ bagay ó dahilán at an na nagsusulit
namán ng̃ poók ó dako; anó pa’t sa katagâng sabi ang pangtiyák ng̃
magpatí ay ikapagpatí at pagpati-an. Baybayín natin sa dalawáng
itó ang pangwatas na magpatiluhód.
IKAPAGPATÍ PAGPATI-AN
Pangbadyá Ikapagpatiluhód Pagpatiluhurán
Kasalukuyan Ikinapagpapatiluhód Pinagpapatiluhurán
Nakaraán Ikinapagpatiluhód Pinagpatiluhurán
Nakaraán na Ikinapagpatiluhód na Pinagpatiluhurán na
Haharapín Ikapagpapatiluhód Pagpapatiluhurán
Pang-utos Ikapagpatiluhód Pagpatiluhurán
Kasalukuyan Kung ikinapagpapatiluhód Kung pinagpapatiluhurán
Nakaraán Kung ikinapagpatiluhód Kung pinagpatiluhurán
Haharapín Kung ikapagpapatiluhód Kung pagpapatiluhurán
G. ¿Saán ginágamit ang anyông magpatí?
N. Ang mg̃a ugát na nagbabadyá ng̃ sarìsarìng anyô ó kilos ng̃
katawán na binabaybáy sa um ó sa mag, ay binabaybáy rin dito sa
magpatí na ang kahulugán nitó’y umayos ó umanyô sa biglâáng gawâ
ó kilos ng̃ anó man sang-ayon sa kátuturáng tagláy ng̃ ugát, hal.:
magpatiluhód, magpatirapâ, magpatihulóg, magpatihigâ, magpatisubsób,
magpatilagpák, magpatiupô, magpatihapay, magpatidulás, magpatiluklók,
atbp.
Kung sa magpatí ay alisín ang g, at ang nátitiráng mapatí ay
iangkáp sa mg̃a náturang kilos ng̃ katawán ay nagkakahulugán ng̃
gawâ, ayos ó galáw na hindî kinukusà alinsunod sa ugát na tagláy,
hal.: mapatiluhód, mapatirapâ, mapatiupô, mapatisubsób, mapatihigâ,
mapatihulóg, mapatihapáy, mapatitumbá, atbp. Dapat namáng mabatíd na
kahì’t walâng ti ang magpatí kundî magpa lamang ay nagtatagláy
rin ng̃ gayóng kahulugán kung iangkáp sa mg̃a násabing ugát, hal.:
mapaluhód, maparapâ, mapaupô, mapasubsôb, mapahigâ, mapahulog, atbp.
XXIX KABANATA
Ukol sa anyông “MANGHÍ”
GURÒ. ¿Anó ang tinátawag na anyông manghí?
NAG-AARAL. Tinátawag na anyông manghí ang pangwatas na may
pang-angkáp na manghí sa salitâng ugát.
G. ¿Nagkakaroón ba ng̃ mg̃a kabaguhan itóng manghí?
N. Nagkakaroón pò kailan ma’t iniáangkáp sa mg̃a ugát, at ang
tuntunin ng̃ kanyáng pagkakabagobago ay dapat ialinsunod sa anyông
mang gaya sa kukó ay manghing̃ukó, sa ting̃á ay manghining̃á.
G. ¿Paano ang paraán ng̃ kanyáng pagbabaybáy?
N. Gaya rin ng̃ mg̃a natapos ay inúulit ang hulíng pantíg ng̃ anyô
sa mg̃a panahóng kasalukuyan at haharapín. Kunin nating halimbawà
ang binanggít na kukó at ting̃á.
Kukó Ting̃á
Pangbadyá Manghing̃ukó Manghining̃á
Kasalukuyan Nanghihing̃ukó Nanghihining̃á
Nakaraán Nanghing̃ukó Nanghining̃á
Nakaraán na Nanghing̃ukó na Nanghining̃á na
Haharapín Manghihing̃ukó Manghihining̃á
Pang-utos Manghing̃ukó Manghining̃á
Kasalukuyan Kung nanghihing̃ukó Kung nanghihining̃á
Nakaraán Kung nanghing̃ukó Kung nanghining̃á
Haharapín Kung manghihing̃ukó Kung manghihining̃á
G. ¿Alín ang pangtiyák ng̃ manghí?
N. Ang katugmâ nitóng pangtiyák ay panghí. Tumutukoy dito ang i
at ang an na nagigíng ipanghí at panghi-an. Ang anyông in ay
maáarì ring tumulong kung minsan baga ma’t kauntî ang sakláw niyáng
mg̃a ugát. Sa pagbabaybáy nitóng pangtiyák ay kunin nating halimbawà
ang pangwatas na manghing̃ukó.
IPANGHÍ PANGHI-AN PANGHI-IN
Pangbadyá Ipanghing̃ukó Panghing̃ukuhán Panghing̃ukuhín
Kasalukuyan Ipinanghihing̃ukó Pinanghihing̃ukuhán Pinanghihing̃ukó
Nakaraán Ipinanghing̃ukó Pinanghing̃ukuhán Pinanghing̃ukó
Nakaraán na Ipinanghing̃ukó na Pinanghing̃ukuhán na Pinanghing̃ukó na
Haharapín Ipanghihing̃ukó Panghihing̃ukuhán Panghihing̃ukuhín
Pang-utos Ipanghing̃ukó Panghing̃ukuhán Panghing̃ukuhín
Kasalukuyan Kung Kung Kung
ipinanghihing̃ukó pinanghihing̃ukuhán pinanghihing̃ukó
Nakaraán Kung Kung Kung
ipinanghing̃ukó pinanghing̃ukuhán pinanghing̃ukó
Haharapín Kung Kung Kung
ipanghihing̃ukó panghihing̃ukuhán panghihing̃ukuhín
G. ¿Alínalín ang kanyáng mg̃a kágamitán?
N. Ginágamit ang manghí sa mg̃a ugát na tumutukoy sa iláng mg̃a
dumí ng̃ katawán ó sa iláng mg̃a hayuphayupan na nagkakahulugán ng̃
paglilinis, hal.: sa kukó ay manghing̃ukó, sa ting̃á ay manghining̃á,
sa kuto ay manghing̃uto, sa tuma ay manghinuma, sa mutà ay manghimutà,
sa tutulí[30] ay manghinulí, atbp.
Ginágamit din ang manghí sa iláng mg̃a ugát na bumabanggít sa mg̃a
bagay na maáarìng pulutin, kunin, pilìin, hanapin, atbp., hal.: sa
palay ay manghimalay, sa pulot ay manghimulot, sa puti ay manghimuti,
sa tabas ay manghinabas, atbp.
Ginágamit pa rin ang manghí sa iláng ugát na tumutumbók sa ibá’t
ibáng bagay, gaya sa sawà ay manghinawà, sa sayang ay manghinayang.
TALABABÂAN
[30] Ang ugát na itó’y náwawalâ ang unang pantíg kung iangkáp sa
manghí.
XXX KABANATA
Hinggíl sa anyông “MAGKÁNG”
GURÒ. ¿Anó ang tinátawag na anyông magkáng?
NAG-AARAL. Tinátawag na anyông magkáng ang pangwatas na may
pang-angkáp na magkáng sa salitâng ugát.
G. ¿Paano namán ang paraán ng̃ kanyáng pagbabaybáy?
N. Ang kaibhán nitóng magkáng sa ibáng mg̃a anyô ay inúulit ang
unang pantíg ng̃ ugát sa lahát ng̃ panahón, bukód pa ang pag-úulit
sa unang dalawáng titik ng̃ hulíng pantíg ng̃ náturang anyô sa mg̃a
panahóng kasalukuyan at haharapín. Sa pagbabaybáy nitó ay kunin
nating halimbawà ang mg̃a ugát na pawis at ihì na kung angkapán
ng̃ magkáng ay nang̃agigíng pangwatas.
Pawis Ihì
Pangbadyá Magkangpapawis Magkangíihì
Kasalukuyan Nagkakangpapawis Nagkakangíihì
Nakaraán Nagkangpapawis Nagkangíihì
Nakaraán na Nagkangpapawis na Nagkangíihì na
Haharapín Magkakangpapawis Magkakangíihì
Pang-utos Magkangpapawis Magkangíihì
Kasalukuyan Kung nagkakangpapawis Kung nagkakangíihì
Nakaraán Kung nagkangpapawis Kung nagkangíihì
Haharapín Kung magkakangpapawis Kung magkakangíihì
G. ¿Alín ang katugmâng pangtiyák ng̃ magkáng?
N. Ang katugmâ nitóng anyông itó ay pagkáng. Itó’y tinutulung̃an ng̃
i at ng̃ an na nagigíng ipagkáng at pagkáng-an. Sa pagbabaybáy
ay kunin nating halimbawà ang pangwatas na magkangpapawis.
IPAGKÁNG PAGKÁNG-AN
Pangbadyá Ipagkangpapawis Pagkangpapawisan
Kasalukuyan Ipinagkakangpapawis Pinagkakangpapawisan
Nakaraán Ipinagkangpapawis Pinagkangpapawisan
Nakaraán na Ipinagkangpapawis na Pinagkangpapawisan na
Haharapín Ipagkakangpapawis Pagkakangpapawisan
Pang-utos Ipagkangpapawis Pagkangpapawisan
Kasalukuyan Kung ipinagkakangpapawis Kung pinagkakangpapawisan
Nakaraán Kung ipinagkangpapawis Kung pinagkangpapawisan
Haharapín Kung ipagkakangpapawis Kung pagkakangpapawisan
G. ¿Saán ginágamit ang anyông magkáng?
N. Ginágamit ang magkáng sa mg̃a ugát na tumutukoy sa mg̃a bagay na
lumalabás sa katawán ng̃ tao ó sa mg̃a anyô nitó na hindî kinukusà
kundî pagkakátaón ó pagkapilit, hal.: magkangpapawis, magkangluluhà,
magkangdudugô, magkangíihì, magkangtatae, magkangtatawa, magkanggagalit,
magkanghihiyâ, magkangpuputot, atbp. Bukód dito ay ginágamit din sa
ibáng bagay, gaya ng̃ magkangtutuyô, magkanghuhulog, magkangsasakít,
magkanglilihís, magkanghuhubád, magkanglalabis, atbp.
XXXI KABANATA
Tungkól sa anyông “MAGSA”
GURÒ. ¿Anó ang tinátawag na anyông magsa?
NAG-AARAL. Tinátawag na anyông magsa ang pangwatas na may
pang-angkáp na magsa sa salitâng ugát.
G. ¿Paano ang kanyáng paraán sa pagbabaybáy?
N. Gaya rin ng̃ mg̃a anyông nagdaán, na inúulit ang hulíng pantíg
ng̃ anyông ibig baybayín sa mg̃a panahóng kasalukuyan at haharapín.
Ihalimbawà natin sa pagbabaybáy ang ugát na tagalog na nagigíng
pangwatas kung angkapán ng̃ magsa.
Ayos Panahón Tagalog
Pangbadyá Magsatagalog
Panghiwatig Kasalukuyan Nagsasatagalog
„ Nakaraán Nagsatagalog
„ Nakaraán na Nagsatagalog na
„ Haharapín Magsasatagalog
Pang-utos Magsatagalog
Pangsukob Kasalukuyan Kung nagsasatagalog
„ Nakaraán Kung nagsatagalog
„ Haharapín Kung magsasatagalog
G. ¿Alín ang pangtiyák nitóng magsa?
N. Ang talagáng katugmâ nitó’y pagsa sana, ng̃unì’t itó’y hindî
angkáp na gamitin. Dapat lamang gamitin ang sa na tinutulung̃an ng̃
in at ng̃ i na nagigíng sa-in at ísa. Dapat lamang mabatíd
na ang mg̃a pangtiyák na itó’y tang̃ìng magagamit kailan ma’t ang
kahulugán ng̃ pangwatas ay náuukol sa pagsasalin ng̃ isáng wikà sa
isáng kapwà wikà. Baybayín natin ang pangwatas na magsakastilà.
SA-IN ÍSA
Pangbadyá Sakastilàin[31] Isakastilà
Kasalukuyan Sinasakastilà Isinasakastilà
Nakaraán Sinakastilà Isinakastilà
Nakaraán na Sinakastilà na Isinakastilà na
Haharapín Sasakastilàin Isasakastilà
Pang-utos Sakastilàin Isakastilà
Kasalukuyan Kung sinasakastilà Kung isinasakastilà
Nakaraán Kung sinakastilà Kung isinakastilà
Haharapín Kung sasakastilàin Kung isasakastilà
G. ¿Saán ginágamit itóng anyông magsa?
N. Kung iangkáp sa mg̃a ugát na anó man ay nagkakahulugán ng̃ pagparis
ó pagtulad sa mg̃a gawî, kilos, ugalì, pananamít, atbp., hal.:
magsaamerikano, magsakastilà, magsainglés, magsaintsík, magsabisayà,
magsailokano, magsapusà, magsakahoy, magsabanal, atbp.
Kung iangkáp sa mg̃a ng̃alan ng̃ ibá’t ibáng wikà sa Sangsinukob
ay nagkakahulugán namán ng̃ pagsasalin ng̃ isá sa isá, hal.:
magsakastilà, magsatagalog, magsainglés, magsabisayà, magsailokano,
magsaalemán, magsaintsík, magsakapangpang̃an, atbp.
TALABABÂAN
[31] Lalòng malimit gamitin sa ganitóng bagay ang in lamang na
walâng sa, sa makatuwíd bagá’y nagigíng kastilàin, kinakastilà,
kakastilàin, atbp.
XXXII KABANATA
Salitâng Pangbago (ó Adverbio)
GURÒ. ¿Anó ang kátuturán ng̃ salitâng pangbago?
NAG-AARAL. Ang pangbago ay isáng pangkát ó bahagi ng̃ kaisipán na
siyáng malimit na isinásama sa pangwatas, ó sa ibá pang pang̃ung̃usap
na sakláw ng̃ kaisipán upáng bumago sa kanyáng tagláy na kahulugán;
gaya ng̃: lumakad ka ng̃ MARAHAN, bumasa kayó ng̃ MADALÎ,
tumakbó siyá ng̃ MATULIN; mg̃a pagbabadyáng ang mg̃a pangbagong
marahan, madalî, matulin ay siyáng bumabago sa mg̃a pangwatas
na lumakad, bumasa at tumakbó.
G. ¿Alín pang mg̃a salitâ ang maáarìng samahán ng̃ pangbago?
N. Bukód pa sa pangwatas ay maáarì ring sumama ang pangbago sa
pangturing (ó adjetivo), sa kapuwà pangbago at kung minsa’y sa
pangdiwà (ó sustantivo); hal.: totoóng PANG̃IT, lubhâng MALAYÒ,
labis na KAGANDAHAN.
G. ¿Alín ang kaibhán ng̃ pangbago sa pangturing?
N. Ang pangbago ay naiibá sa pangturing dahil sa itó’y lagìng
kasakasama ng̃ pangdiwà at yaó’y kaakibat na madalás ng̃ pangwatas.
Marami ng̃âng salitâng pangturing ang ginágamit din sa pangbago,
ng̃unì’t itó’y nagkakahulugán ng̃ mg̃a bagay na hindî tiyák, at
lagìng na sa bilang na íisá, mg̃a bagay ó dahiláng malinaw na
makikilala sa lamán ng̃ pang̃ung̃usap ó ng̃ kaisipán. Ang bagay na
itó’y lalòng maliliwanagan sa pamamagitan ng̃ isáng halimbawà. Kung
sabihing ang TUBIG ay MALINAW, at itóng TAO ay MABUTI ay hindî
mapag-áalinlang̃anang ang mg̃a salitâng malinaw at mabuti ay
kapuwà pangturing na kinasasamahan ng̃ mg̃a pangdiwàng tubig at
tao. Ng̃unì’t kung sabihin namáng MANG̃USAP kang MALINAW, at
SUMULAT siyáng MABUTI, ang mg̃a salitâ ritong malinaw at mabuti
ay mg̃a pangbago at hindî mg̃a pangturing, sapagkâ’t ang kaniláng
kinasasangkapán ay mg̃a pangwatas na mang̃usap at sumulat.
G. ¿May iláng urì ang mg̃a salitâng pangbago?
N. May dalawá katulad ng̃ salitâng pangturing: dalisay (ó simple)
at mayhalò (ó compuesto). Gaya nang ipinaliwanag, dalisay ay ang
ugát na walâng sangkáp, gaya ng̃ dito, diyán, doón, labis,
lubhâ, lalò, oo, hindî, totoó, atbp.; at mayhalò ay ang
ugát na may sangkáp, na itó’y mangyayari sa pag-áangkáp ng̃ ma, gaya
ng̃ matulin, marahan, malinaw, mabuti, masamâ, madalî,
malimit, malayò, madalang, marami, atbp.
G. ¿Ang mg̃a pangbago ay maáarì rin bang gawíng salitâng pangtaás
(ó superlativo) at pangbawas (ó diminutivo)?
N. Maáarì rin pò; ang pagbubuô sa pangtaás ay inúulit ang buông
salitâng pangbago, gaya ng̃ mabuting mabuti, masamâng masamâ,
malinaw na malinaw, mahusay na mahusay, atbp.; ang sa pangbawas
ay inúulit lamang ang unang dalawáng pantíg ng̃ salitâ kung
itó’y may tatló, at kung may dalawá ay inúulit namáng buô, gaya
ng̃ maminsanminsan, manakanaka, mámayámayâ, mabutibuti,
maigiigi, inótinót, untîuntî, dahandahan, atbp.
SA IBÁ’T IBÁNG BAHAGI NG̃ PANGBAGO
G. Hinggíl sa ibá’t ibáng kahulugán nitóng pangbago, ¿sa paano dapat
hatìin upáng magkabukódbukód?
N. Dapat bahagiin sa mg̃a ganitóng kátawagán: pangbago sa panahón
(ó tiempo), sa poók (ó lugar), sa ayos (ó modo), sa sukat (ó
cantidad), sa tulad (ó comparación), sa hanáy (ó orden), sa
pagpapatotoó (ó afirmación), sa pagkakailâ (ó negación) at sa
álinlang̃an (ó duda).
G. ¿Alínalín ang sakláw ng̃ kaníkanyáng bahagi?
N. Ang mg̃a pang̃ulong sakláw ng̃ bawà’t kátawagán ay itóng mg̃a
sumúsunód:
Sa PANAHÓN, gaya ng̃ ng̃ayón, bukas, kahapon, kamakalawá,
kamakailan, kanina, muna, bago, mámayâ, sakâ, hulí,
tanghalì, maaga, kagabí, tuwî, tuwî na, kailan man,
samantalà, atbp.
Sa POÓK, gaya ng̃ dito, dini, diyán, doón, malapit,
malayò, saán, sa loób, sa labás, sa haráp, sa likód,
sa itaás, sa ibabâ, sa ibabaw, sa ilalim, sa tapát, _sa
gitnâ_, sa siping, sa tabí, sa pag-itan, sa piling, _sa
kabilâ_, saán man, atbp.
Sa AYOS, gaya ng̃ ganitó, ganirí, ganoón ó gayón, ganyán,
gaya, para, mabuti, masamâ, tikís, sadyâ, kusà,
kaginságinsá, biglâ, agád, kagyát, bukód ó tang̃ì,
akbáy, agapay, sabáy, pagdaka, liban, lamang, bahagyâ,
halos, ayon, alinsunod, baligtád, tiwarík, atbp.
Sa SUKAT, gaya ng̃ marami, kauntî, kapaták, karampót, muntî,
walâ, kasiyahan, kaigihan, katamtaman, siyá na, sukat,
lubhâ, atbp.
Sa TULAD gaya ng̃ lalò, higít, labis, kulang, atbp.
Sa HANÁY gaya ng̃ káunáunahan, sunódsunód, káhulíhulihan,
kátapustapusan, káwakáswakasan, atbp.
Sa PAGPAPATOTOÓ, gaya ng̃ oo, oo ng̃â, siyá ng̃â, totoó,
totoóng totoó, gayón ó gayón din, mandín, kaipalà pa, atbp.
Sa PAGKAKAILÂ, gaya ng̃ hindî ó dî, dilì, ni, isá man,
hindî rin, huwág, hindîng hindî, kailan man, atbp.
Sa ÁLINLANG̃AN, gaya ng̃ marahil, sakalì, kung sakalì, _kung
bagá_, sakalì, disin, diwa, tila, bakâ, atbp.
G. ¿Mayroón bang pangbago na náuukol sa dalawáng kátawagán?
N. Mayroón pò, ng̃unì’t íilán lamang, gaya ng̃ kailan man na náuukol
sa PANAHÓN at sa PAGKAKAILÂ, hal.: ng̃ayón at KAILAN MAN; _hindî
ko ginagawâ KAILAN MAN ang iyóng sinasabi_.
XXXIII KABANATA
Salitâng Pang-ukol (ó Preposición)
GURÒ. ¿Anó ang tinátawag na salitâng pang-ukol?
NAG-AARAL. Tinátawag na pang-ukol ang pangkát ó bahagi ng̃ kaisipán
na siyáng ginágamit sa pagbabadyá ng̃ kaukulán ó kapangyarihan ng̃
dalawáng pang̃ung̃usap; hal.: tubig na malinaw; aklát ni Terio;
kumot sa Iloko.
G. ¿Marami bagá ang mg̃a salitâng pang-ukol sa ating wikà?
N. Sa biglâng pagkukurò ay walâ isá man sa Wikàng Tagalog ng̃ mg̃a
salitâng pang-ukol, sapagkâ’t ang mg̃a náuukol sa kanyá ay ginágamit
na sa ibáng panig gaya sa pang-anib (ó ligazón) at sa pang-akbáy (ó
artículo). Gayón man, sapagkâ’t itóng bahagi ng̃ pang-ukol ay isá
sa maháhalagáng pangkát ng̃ kaisipán ay kinakailang̃ang magkaroón
siyá ng̃ mg̃a salitâng dapat gamitin yamang dito’y lalòng tumpák ang
paggamit. Náitó ang mg̃a salitâng pang-ukol sa ating wikà: na, ni,
kay, ng̃, pará kay, pará sa, laban kay, laban sa, _sa
haráp_, sa ilalim, sa may, mulâ ó sapúl, dapit ó dako,
hanggán, ayon ó alinsunod, at bagay sa, ó tungkól sa.
G. ¿Kailán ginágamit ang bawà’t isá?
N. Isáisáhín natin ang pagpapaliwanag:
Ginágamit ang na kung pinaglalakip ang dalawáng bagay na, ang isá’y
náuukol sa isá, hal.: bahay na pawid, aklát na mapulá, tubig na
malinaw. Dapat matantô na itóng pang-ukol na na ay inilálagáy na
na kailan ma’t ang unang salitâ ó bagay ay nagtatapós sa pangtinig,
liban lamang sa n. Kung nagtatapós namán sa ting̃ig (ó vocal), ang
na ay nagigíng ng, na isinusugpóng sa unang salitâ, gaya ng̃:
magandáng barò, dakilàng asal, malakíng bahay. Kung nagtatapós
sa n, ang na ay nagigíng g lamang na isinusugpóng din sa
unang salitâ, gaya ng̃: bayan_g_ marang̃ál, kundiman_g_ marikít,
tugtugan_g_ masayá.
Ginágamit ang ni kailan ma’t pinaglalakip ang isáng bagay na anó
man sa isáng ng̃alan ng̃ táong kinaúukulan ó nagmamayarî, hal.:
bahay ni Tasio, alak ni Ayala, aklát ni Huan.
Ginágamit ang kay kailan ma’t pinagsasama ang isáng salitâng
nagbabadyá ng̃ anó mang layon sa ng̃alan ng̃ táong paglalayunan,
hal.: tumirá kay Luis, dumalaw kay Mariano, tumung̃o kay Pedro.
Ginágamit ang ng̃ kailan ma’t ibig pagsamahin ang isáng bagay
ó kasangkapan sa isáng kapwà bagay ó ng̃alan ng̃ katungkulan na
siyáng kinaúukulan ó nagmamayarî, hal.: haligi ng̃ bahay, tungkô
ng̃ kalán, bayabas ng̃ tao, aklát ng̃ abogado, panitik ng̃
mánunulát. Kung minsa’y hindî na nilálagyán ng̃ ng̃, hal.:
Panulat-babae, timpalák-kagandahan, atbp.
Ginágamit ang sa kailan ma’t nais pagsamahin ang isáng salitâng
nagsusulit ng̃ anó mang layon sa ng̃alan din ng̃ anó mang bagay na
pinaglalayunan, hal.: lumang̃óy sa tubig, sumakáy sa bangkâ,
tumung̃o sa bukid, tumirá sa bundók. Ginágamit din ang sa
kailan ma’t pinaglalakip ang anó mang bagay sa bayang kanyáng
pinanggaling̃an, hal.: tubig sa Mariláw, tabako sa Kagayán, tao
sa Bisayà, kumot sa Iloko, barò sa Kalibo, Birhen sa Mulawin,
atbp. Sa bagay na itó’y madalás din namáng hindî na lagyán ng̃ sa,
ó dilì kayâ’y sa pamamagitan lamang ng̃ pang-anib (ó ligazón), hal.:
tubig Mariláw, kumot Iloko, tabako_ng_ Kagayán, tao_ng_ Bisayà,
baròng Kalibo, atbp.
Ginágamit ang pará kay kung ibig pagsamahin ang isáng bagay ó
ng̃alang tiyák sa isáng ng̃alan namán ng̃ tao na kanyáng kinaúukulan,
hal.: itóng manggá’y pará kay Luis, yaóng saging ay pará kay
Binong, si Mameng ay pará kay Huan, si Anong ay pará kay Binay.
Ginágamit namán ang pará sa kailan ma’t pinagsasama ang isáng bagay
ó ng̃alan sa isáng bagay na kanyáng kinaúukulan, hal.: Ang Pilipinas
ay pará sa mg̃a pilipino, ang babae ay pará sa lalaki, ang anák
ay pará sa iná, ang tao ay pará sa bayan, akó’y pará sa iyó,
si Huan ay pará sa pusà.
Ginágamit din ang laban kay kailan ma’t nais pagsamahin ang isáng
bagay ó ng̃alang tiyák sa isáng ng̃alan ng̃ táong kinakalaban ó
kakalabanin, hal.: Si Jeffries laban kay Johnson, ang suiso’y
laban kay Rakú, si Kulás ay laban kay Ninoy.
Ginágamit ang laban sa kailan ma’t pinagsasama ang isáng bagay
ó ng̃alan sa isáng bagay na kanyáng kinakalaban, hal.: ang pusà’y
laban sa áso, ang ahas ay laban sa dagâ, ang tao’y laban sa
hayop, si Lucio’y laban sa tigre, ang Rusia’y laban sa Hapón,
ang Espanya’y laban sa Maruekos.
Ang kágamitán ng̃ ibá pang pang-ukol ay dî na dapat pagpaliwanagan,
sapagkâ’t hindî lubhâng kahirapang gawín.
XXXIV KABANATA
Salitâng Pangbigkís (ó Conjunción)
GURÒ. ¿Anó ang salitâng pangbigkís?
NAG-AARAL. Pangbigkís ay isáng pangkát ó bahagi ng̃ kaisipán na
siyáng ginágamit sa pagbibigkís ó pagsasama ng̃ mg̃a pang̃ung̃usap
at ng̃ mg̃a kaisipán, hal.: Si Lucio AT si Pedro ay kapuwà mabuti;
si Lukas ay mayaman, NG̃UNÌ’T maramot; _siyá’y hindî paroroón,
SAPAGKÂ’T may sakít_.
G. Upáng magkabukódbukód ang ibá’t ibáng urì ng̃ mg̃a pangbigkís
¿sa anó itó dapat hatìin?
N. Dapat hatìin sa mg̃a kátawagáng sumúsunód: pangbigkís sa pag-íisá
(ó copulativa), sa paghihiwaláy (ó disyuntiva), sa pagsubalì
(ó adversativa), sa pagtikím (ó condicional), sa pagdadahilán
(ó causal), sa pagpapatulóy (ó continuativa), sa pagpaparis (ó
comparativa), sa paglalayon (ó final) at sa pagtatamó (ó ilativa).
PANGBIGKÍS SA PAG-ÍISÁ
G. ¿Anó ang pangbigkís sa pag-íisá at alín ang kanyáng sakláw?
N. Ang salitâng ginágamit lamang sa pagsasama ng̃ isáng pang̃ung̃usap
sa kapuwà, ó kayâ’y sa dalawáng kaisipán. Ang kanyáng sakláw ay itó:
at, sakâ, patí, sampuô, ni, man.
G. ¿Saán ginágamit ang at?
N. Ginágamit ang at sa mg̃a salitâ ó sa mg̃a kaisipáng nagsasaád
ng̃ pagpapatotoó, hal.: _ang tao AT ang hayop ay kapuwà kinapál
ng̃ Lumikhâ_; si Mariano AT si Antonio ay kapuwà marunong; _ang
pagmámahál sa ating wikà ay isáng banál na gawâ AT ang gumágamit sa
kanyá’y maituturing na magiting sa ating bayan_.
Pagkâ marami ang mg̃a pang̃ung̃usap ó kaisipáng nagkakasunódsunód na
pagsasamasamahin sa pamamagitan ng̃ pangbigkís at, itó’y kailang̃an
lamang gamitin sa hulíng salitâ ó kaisipán, hal.: _ang mg̃a tao,
hayop, lang̃it, lupà AT halaman ay paraparang nilikhâ ng̃ Maykapál_;
_ang pagsusugál ay siyáng nagpapadayukdók, nagpapasirà ng̃ puri AT
humihila sa katamarán_.
Kung minsa’y ang at ay paulitulit at siyáng nagsasama sa dalawá
ó tatlóng salitâ na bumubuô ng̃ mg̃a pangkát na ibá’t ibá, at ang
pangkát na itó’y hindî kailang̃ang dugtung̃án ng̃ násabing at,
hal.: ang lalaki AT babae, batà, binatà AT matandâ, _pang̃inoón
AT alilà_, _mayaman AT dukhâ ay paraparang tao na may karapatáng
mabuhay sa balát ng̃ lupà_.
Sa iláng salitâng pangdiwà, pangturing ó pangwatas ay nangyayaring
huwág lagyán saán man ng̃ at, hal.: ang mg̃a bahay, simbahan, tuláy,
halaman ay pawàng nang̃asirà lahát; si Pedro’y mabaít, marunong,
magandá, mayaman; sumulong ka, lakad, takbó.
Kung minsan namá’y inúulit sa bawà’t salitâ ang pangbigkís at
kahì’t na yaó’y lubhâng marami, hal.: sinigawán ko silá ng̃ isá at
dalawá at tatló at apat na sigáw at hindî rin mang̃akariníg.
G. ¿Saán ginágamit ang sakâ?
N. Ginágamit itóng sakâ sa pagbibigkís din ng̃ mg̃a salitâng
nagbabadyá ng̃ pagpapatotoó. Kung talagáng pakasusurìin ang talagáng
kahulugán ng̃ sakâ ay nakákatumbás ng̃ pa na naghihiwatig ng̃
pagdaragdág, hal.: ang pusà, áso, baboy sakâ manók ay pawàng
mg̃a hayop. Nakákatumbás din niyáng madalás ang pangbigkís at,
hal.: ang pusà, áso, baboy at manók, atbp. Malimit ding mangyari
na ang sakâ ay idinurugtóng sa at na ang kahulugá’y hindî rin
nagbabago, hal.: ang pusà, áso, baboy at sakâ manók ay pawàng mg̃a
hayop. Dapat matantô na ang kaibhán ng̃ sakâ sa at ay hindî yaón
maáarìng gamitin sa pagbibigkís ng̃ mg̃a kaisipán (ó oración).
G. ¿Saán ginágamit ang patí?
N. Gaya rin ng̃ sakâ na ginágamit sa pagsasama ng̃ mg̃a salitâng
nagsusulit ng̃ pagpapatotoó, baga ma’t ang patí ay nagkakahulugán
ng̃ pagkakásama at hindî pagdaragdág, hal.: Noó’y payapà ang dagat,
tahimik ang hang̃in, patí ng̃ ibo’y humuhuni ng̃ buông lugód sa
himpapawíd. Kung ang patí ay hindî pang̃ung̃unahan ng̃ isáng
pangtigil (ó coma) ay karaniwang pang̃unahan ng̃ at, hal.: Payapà
niyón ang dagat at patí ng̃ hang̃i’y lubhâng tahimik. Kung ang
patí ay na sa una ng̃ mg̃a salitâ ay nakákatumbás ng̃ pa baga
ma’t itó’y hindî rin lubhâng angkáp, hal.: patí akó’y kanyáng
idinamay; patí ng̃ sandók ay iyóng hinihirám; na, ganitó ang mg̃a
katumbás na sabihin: akó pa’y kanyáng idinamay; ang sandók pa’y
iyóng hinihirám.
G. ¿Saán namán ginágamit ang sampuô?
N. Ginágamit itóng katulad na katulad ng̃ patí, magíng sa una
mapalagay at magíng sa gitnâ.
G. ¿Anó ang kágamitán ng̃ ni?
N. Ginágamit ang ni sa pagbibigkís ng̃ dalawáng salitâ na nagbabadyá
ng̃ pagkakailâ; at sa bagay na itó ay inúulit din ang ni, ó kayâ sa
una’y ginágamitan ng̃ isáng pangbago (ó adverbio) na may kahulugán
ding pagkakailâ, hal.: ni akó ni ikáw ay hindî magtatamó ng̃
kapalaran; hindî nagalit ni natuwâ ang aking binirò. Sa hulíng
bagay na itó’y maáarì ring sundán ng̃ isáng pangbago ang pangbigkís
ni na, ang náturang pangbago ay siyá ring ginamit sa una, upáng
magkaroón ng̃ lalòng lakás ang pagtatatuwâ, hal.: hindî nagalit
ni dî natuwâ ang aking binirò.
G. ¿Alín ang kágamitán ng̃ man?
N. Ginágamit ang man gaya rin ng̃ ni sa pagsasama ng̃ dalawáng
salitâng nagsusulit ng̃ pagtatatuwâ, baga ma’t siyá’y walâng totoóng
lakás na tagláy na paris ng̃ ni, hal.: ni ikáw ni akó ay hindî
nagkápalad; ay másasabi sa man ng̃ ganitó: ikáw ma’t akó ay
hindî nagkápalad.
PANGBIGKÍS SA PAGHIHIWALÁY
G. ¿Anó ang pangbigkís sa paghihiwaláy, at alín ang kanyáng sakláw?
N. Ang salitâng nagbabadyá ng̃ pagkakáibá ó pagkakáhiwaláy ó
pagkakabago ng̃ dalawá ó maraming bagay, mg̃a pagkukurò ó mg̃a
pang̃alan. Ang sinásakláw niyá’y itó: ó, ó kayâ, dilì kayâ,
magíng.
G. ¿Saán ginágamit ang ó, ó kayâ, dilì kayâ?
N. Ginágamit ang ó sa mg̃a salitâng nagsusulit ng̃ pagkakáhiwaláy,
hal.: tao Ó hayop, patáy Ó buháy, ikáw Ó akó.
Ginágamit din ang ó sa pagpapaliwanag ng̃ salitâng sinambít na,
hal.: si Rizal ó ang Dakilàng Bayani ng̃ mg̃a pilipino ay pinatáy
ng̃ kanyáng kaaway.
Ginágamit ang ó kayâ kawangkî ng̃ ó lamang, hal.: tao ó kayâ’y
hayop; patáy ó kayâ’y buháy, atbp.
Ginágamit namán ang dilì kayâ katulad din ng̃ ó kayâ, hal.:
bukas dilì kayâ’y sa makalawá; sa sábado dilì kayâ’y sa linggó.
Dapat matantô na itó’y hindî malimit gamitin dî gaya ng̃ ó at _ó
kayâ_.
G. ¿Saán ginágamit namán ang magíng?
N. Ginágamit ang magíng sa mg̃a bagay na ring nasambít, at sa
kanyáng paggamit ay kailang̃ang ulitin, hal.: magíng ng̃ayón,
magíng bukas ay walâng kailang̃an; magíng ikáw, magíng akó ay
íisá rin. Kailang̃ang matantô na kung pinag-úulitulit itóng magíng
ay karaniwan nang pag-itanan ng̃ pangbigkís na ó, hal.: magíng sa
lakad, magíng sa takbó ó magíng sa lang̃óy ay walâ kang magagawâ.
PANGBIGKÍS SA PAGSUBALÌ
G. ¿Anó ang sinasaysáy ng̃ pangbigkís sa pagsubalì?
N. Ang salitâng nagsasaysáy ng̃ iláng paglabág ó pagsuwáy ukol sa
mg̃a násabi at sa mg̃a sasabihin.
G. ¿Alínalín ang malimit gamitin?
N. Itóng mg̃a sumúsunód: ng̃unì, dátapuwâ ó dapuwâ, subalì,
baga man, kahì ó káhimán, bagkús, kundî; hal.: Ibig ko
sanang kumain, ng̃unì’t hindî maarì; siyá’y mariwasâ, dátapuwâ’t
(ó dapuwâ’t) maramot; ang mg̃a lihim ng̃ Kalikasán ay hindî
maabótabót ng̃ isip ng̃ tao, subalì’t pinagsusumikapang matarók
hanggáng kaubúduburan; baga ma’t siyá’y dukhâ ay marang̃ál namáng
tao; kahì’t (ó káhimán) akó’y walâng muwáng ay nakababatíd din
ng̃ iláng karapatáng katutubò sa tao; huwág mong gawín sa ganyáng
paraán kundî sa ganitó.
G. ¿Anóng kaibhán mayroón ang kundî sa kung dî?[32]
N. Hindî dapat ibilang sa íisá ang dalawáng itó, sapagkâ’t may
malakíng aguwát ang kahulugán ng̃ isá’t isá. Ang kundî na may
isáng pang̃ung̃usap ay pangbigkís (ó conjunción) at ang kung dî
na may dalawáng salitâ ay pangbago (ó adverbio). Upáng maiwasan
ang pagkakalahók ó pagkakámalî ay dapat matantông ang kung dî ay
maáarìng gawíng kung hindî na may íisáng kátuturán, samantalàng
ang kundî ay dî maáarìng baguhin ó dagdagán. Halimbawà: Hindî
ikáw ang tinátawag ko kundî (pangbigkís) si Pedro; hindî mo siyá
áabutan kung dî (ó kung hindî) ka magmamadalî.
UKOL SA IBÁNG PANGBIGKÍS
G. ¿Anó ang ibinabadyá ng̃ pangbigkís sa pagtikím?
N. Nagbabadyá ng̃ iláng pagtikím (ó condición) ó ang nang̃áng̃ailang̃ang
maganáp ang anó mang pangyayari.
G. ¿Alínalín ang mg̃a pangbigkís na itó?
N. Ang mg̃a itó: kung, pag, kapág, pagkâ, kailan man,
yamang ó yayamang. Halimbawà: kung ibig mong matuto ay mag-aral
ka; kapág ikáw’y natulog akó ay áalís; pagkâ akó’y sumusulat ay
huwág kang magaláw; makapaglalarô ka, kailan ma’t natapos mo ang
iyóng ginagawâ; tuwîng babasa ka’y babasa rin akó; yamang (ó
yayamang) akó’y sinaklolohan mo, kitá namá’y pagpapalàin.
Dapat mabatíd na ang pangbigkís kung ay hindî nagbabadyá kung
minsan ng̃ pagtikím kundî ng̃ pag-áalinlang̃an, hal.: ¿kung sino
akó? ¿kung áaraw bukas? Dapat ding mabatíd na ang mg̃a salitâng
sa tuwî ó tuwî na ay katulad din ng̃ pangbigkís na tuwî.
G. ¿Anó ang pangbigkís sa pagdadahilán?
N. Ang salitâng ipinang̃ung̃una sa mg̃a kaisipáng nagbibigáy ng̃
dahilán ó katuwiran sa anó mang bagay na sinambít. Ang kanyáng
sakláw ay itó: sapagkâ’t ó pagkâ’t, palibhasà; hal.: hindî
siyá makapasok, sapagkâ’t (ó pagkâ’t) may sakít; siyá’y marunong
ng̃ayón, palibhasà’y pinag-aral siyá ng̃ kanyáng magulang.
G. ¿Anó ang pangbigkís sa pagpapatulóy?
N. Ang salitâng ginágamit sa pagpapatulóy ó pagtulong sa kaisipán,
at itó: kung gayón, kayâ ng̃â; hal.: Ipinang̃ang̃aral ko sa iyó,
kung gayón, na huwág mo nang gagawín sa mulîmulî; kayâ ng̃â,
nang huwág tayong madakíp ay huwág kang maing̃ay.
G. ¿Anó ang kahulugán ng̃ pangbigkís sa pagpaparis?
N. Yaóng salitâng nagsusulit ng̃ pagpapara ó pagtutulad ng̃ isáng
bagay na talinghagà sa isáng kaisipáng talinghagà rin, at náitó: _kung
paano_, gayón, ó gayón din, hal.: kung paano ang kadilimán
ng̃ pang̃inorin kung nagbabalàng umulán, ay gayón (ó gayón din)
ang kalabùan ng̃ katuwiran sa ibabaw ng̃ lupà.
G. ¿Anó ang kátuturán ng̃ pangbigkís sa paglalayon?
N. Yaóng salitâng inilálagáy sa una ng̃ isáng kaisipán na siyáng
nag-úulat ng̃ layon ó nasà ng̃ isá ó iláng kaisipáng nang̃auná, at
náitó: upáng, nang, pará, hal.: Nagsisikap siyá sa paggawâ
upáng mabuhay; nag-áaral ang tao nang dumunong; naghahanap-buhay
akó pará sa kagaling̃an mo.
G. ¿Anó ang kahulugán namán ng̃ pangbigkís sa pagtatamó?
N. Ang salitâng ginágamit sa pagtatamó ó pagkakaroón ng̃ isáng
kabagayán hinggíl sa mg̃a bagay na naipahiwatig na, at náitó: _kung
gayón_ ó kung magkagayón; hal.: Walâ kang puknát sa pagtatapon
ng̃ salapî sa mg̃a bagay na walâng kabuluhán, kung gayón (ó
magkagayón) ay dárating ang araw ng̃ iyóng pagtang̃is at pagsisisi.
TALABABÂAN
[32] Sa ikaíilag sa pagkakámalî ng̃ dalawáng itó ay ináakalà kong
tumpák na ang kundî (pangbigkís) ay isulat lamang ng̃ ganitó ng̃
walâng g sa gitnâ, at ang kung dî (pangbago) ay ganitó namán
dapat gawín.
XXXV KABANATA
Salitâng Pangdamdám (ó Interjección)
GURÒ. ¿Anó ang salitâng pangdamdám?
NAG-AARAL. Pangdamdám ay siyáng káhulíhulihang pangkát ó bahagi ng̃
kaisipán na siyáng ginágamit sa pagbabadyá ng̃ mg̃a sarìsarìng bagay
na nangyayari sa ating damdamin na nilílikhâ ng̃ ating namamalas,
naririníg, nagugunitâ, nararamdamán, ninanasà ó iníibig.
G. ¿Anó ang talagáng salitâng pangdamdám?
N. Ang ganáp na pangdamdám ay mg̃a sigáw ó hibík na hindî halos
mawatasan, sapagkâ’t ang isáng pagkagulat ó pagkatakot ay biglâáng
ibinibigkás sa ating damdamin na walâng ibáng nasàng sabihin kundî
ang kanyáng namalas ó nadiníg na kagulatgulat ó katakátaká, kayâ’t
ang mg̃a pangdamdám ay nagkakatulad halos sa mg̃a ginágamit ng̃
ibá’t ibáng wikà.
G. ¿Alín ang mg̃a pangdamdám na karaniwan sa ating wikà?
N. Itóng mg̃a sumúsunód: ¡Abá!, ¡ah!, ¡oh!, ¡ay!, ¡bah!,
¡arúy!, ¡ayán!, ¡hoy!, ¡abá ko!, ¡iná ko! ó ¡nakú!,
¡sús!, ¡pshe!, ¡sits!, ¡uy!, ¡ping!, atbp.
Mayroón pang maraming pangdamdám na nagbuhat sa ibá’t ibáng pangkát
ng̃ kaisipán gaya ng̃ ¡dalí!, ¡lakad!, ¡sulong!, ¡tabí!,
¡ilag!, ¡sayang!, ¡nawà!, ¡urong!, ¡tayo na!, ¡halina!,
¡hilat!, ¡ikáw palá!, ¡buti ng̃â!, ¡buwisit!, _¡sawîng
palad!, ¡kahì’t manawarì!, ¡Dios ko!_ atbp.
Mayroón pa ring pangdamdám sa ating wikà na mg̃a buôbuô nang
pang̃ung̃usap na nagbabadyá ng̃ pagtataká ó panunumpâ ó pagtutung̃ayáw,
gaya ng̃: ¡kay daming tao! ¡kay dunong mo! ¡kay lakás niyá!
¡sumpa ko! ¡saksí ko ang lang̃it! ¡saksí ko ang lupà! _¡tinamaan
ka ng̃ kulóg! ¡tamaan ka sana ng̃ hang̃in! ¡kanin ka ng̃ buwaya!_
¡lamunin ka ng̃ lupà! atbp.
Ilán sa mg̃a pangdamdám ay karaniwang inúulit upáng magkaroón ng̃
lalòng lakás sa pagsusulit ó pagdaramdám, gaya ng̃ ¡sulong sulong!,
¡lakad lakad!, ¡tabí tabí!, ¡hala hala!, ¡dalî dalî!, _¡abá
abá!, ¡ay, ay!_ atb.
XXXVI KABANATA
Ukol sa Pagbabawas (ó Síncopa)
GURÒ. ¿Anó ang tinátawag na pagbabawas?
NAG-AARAL. Tinátawag na pagbabawas ang salitâng binawasan ó inalisán
sa gitnâ ng̃ iláng titik, ó pantíg kung minsan, upáng magkaroón
ng̃ madalîng pagbigkás ó kayâ’y nang lalòng gumandá at tumamís ang
ating sariling wikà, hal.: sa matuwíd ay matwíd, sa sakayan
ay sakyán, sa atipán ay aptán, sa buhusan ay busan.
G. ¿Alín ang mg̃a tuntuning sinúsunód ukol dito?
N. Ang mg̃a tuntunin ó pátakarán sa mg̃a salitâng pagbabawas ay
itóng mg̃a sumúsunód:
Una.--Ang mg̃a salitâng may tatló, apat ó ilán mang pantíg (ó
sílaba) na sa gitnâ niyá’y may magkasiping na uw ay maáarìng
alisín ang u, at sa ganitó’y nábabawasan namán ng̃ isáng pantíg
ang náturang salitâ, hal.: sa kapuwà ay kapwà, sa takuwíl ay
takwíl, sa káluluwá ay kálulwá, sa biguwasán ay bigwasán,
sa kaluwalhatian ay kalwalhatian.
Dapat mabatíd na hindî maáarìng bawasan ang mg̃a salitâng may dalawáng
pantíg, gaya sa halimbawà ng̃ huwág, tuwíd, duwág, tuwî,
tuwád, tuwâ, buwál, buwíg, atbp. ay dî magagawâng hwág,
twíd, dwág, twî, twád, twâ, bwál, bwíg.
Ikalawá.--Ang mg̃a salitâng may tatló, apat ó ilán mang pantíg
na sa gitnâ nitó’y may magkasiping na iy ay maáarìng alisín ang
i, at sa dahiláng itó’y nábabawasan ng̃ isáng pantíg ang násabing
salitâ, hal.: sa pasiyá ay pasyá, sa akiyát ay akyát, sa
kudiyapì ay kudyapì, sa kabiyawan ay kabyawan, atbp. Dapat
ding matantô na hindî maáarìng bawasan ang may dalawáng pantíg paris
sa halimbawà ng̃ tiyáp, tiyák, biyák, liyág, atbp. ay dî
magagawâng tyap, tyak, byak, lyag.
Ikatló.--Ang iláng pang̃ung̃usap na may apat ó limá ó ilán mang
pantíg na sa gitnâ nitó’y may magkasiping na ting̃ig (ó vocal)
na magkatambál, ang isá’y maáarìng alisín, at sa bagay na itó’y
nábabawasan namán siyá ng̃ isáng pantíg, hal.: Ikaapat, ikaanim,
katotoohanan, atbp. ay ginagawâng ikapat, ikanim, katotohanan.
Ikaapat.--Ang mg̃a salitâng ugát na násusugpung̃án ng̃ in ó an
ay karaniwang mawalâ ó maalís ang hulíng ting̃ig ng̃ náturang ugát,
hal.: sa gawâin ay gawín, sa basâín ay basín, sa batahín
ay bathín, sa sunurín ay sundín, sa hatirán ay hatdán, sa
sakayan ay sakyán, sa bukurín ay bukdín, sa sakitan ay
saktán, atbp.
Ikalimá.--Ang ilán sa mg̃a salitâng ugát bukód sa binabawas ó
ináalís ang kanyáng hulíng ting̃ig (ó vocal) ay nagkakapalitan pa
ng̃ mg̃a pangtinig (ó consonante), hal.: sa atipán ay aptán, sa
silirán ay sidlán, atbp.
Ikaanim.--Ang ilán sa mg̃a ugát ay náwawalâ kung minsan sa gitnâ
ang isáng buông pantíg (ó sílaba), ó kayâ’y ang dalawáng titik
lamang, hal.: sa buhusan ay busan, sa hihipan ay hipan, sa
kuhanin ay kunin, sa dating̃an ay datnán, sa hintayín ay
hintín, atbp.
Ikapitó.--Kung minsan, ang salitâng ugát ay hindî nábabawasan
kundî nararagdagán ng̃ iláng titik kailan ma’t sinusugpung̃án ng̃
in ó an, ó ka-an, hal.: sa tawa ay tawaNAN, sa totoó ay
katotoHANAN, atbp. Dapat matalastás na itóng hulíng tuntuning itó
ay bihibihiràng mangyari. At dapat ding matantô na ang pagbabawas
(ó síncopa) ay tang̃ìng magagamit sa mg̃a salitâng pinahihintulutan
ng̃ tuntunin at ng̃ mg̃a karaniwang pagbigkás.
XXXVII KABANATA
Hinggíl sa Pangdulo (ó Desinencia)
GURÒ. ¿Anó ang tinátawag na pangdulo?
NAG-AARAL. Tinátawag na pangdulo ang anó mang anyô (partícula) ó iláng
titik kayâ na siyáng idinudulo ó isinusugpóng sa mg̃a ibá’t ibáng
salitâ na nagkakaroón namán ng̃ sarisariling kahulugán sang-ayon sa
pangdulong isinusugpóng.
G. ¿Saán magbubuhat ang mg̃a pangdulong itó?
N. Ang Wikàng Tagalog baga ma’t mayamang mayaman na sa sarìsarìng
anyô na siyáng tumutulong sa ating mg̃a salitâ ay nang̃áng̃ailang̃an
pa ring humirám sa ibáng wikà ng̃ mg̃a anyô ó pangdulo na hindî
matumbasán sa ating sariling wikà. Ang mg̃a pangdulong itó na
nanggaling sa kastilà ay kailang̃an ng̃âng hiramín natin at ipalagáy
na parang sariling arì samantalàng hindî pa tayo nakakatuklás ng̃
mg̃a anyông maitutumbás sa kaniyá, sapagkâ’t malimit gamitin sa ating
dilà ang mg̃a salitâng náturan na násusugpung̃án ng̃ sarìsarìng anyô.
G. ¿Alínalín ang mg̃a pangdulong dapat tanggapín?
N. Ang mg̃a salitâng kinasasangkapán nitó na karaniwang gamitin
sa ating wikà ay siyáng tang̃ìng marapat tanggapín. Ng̃unì’t kung
ang náturang salitâ ay kinasasangkapán ng̃ mg̃a pangdulong maáarìng
makayuwis ó mapagkamalán sa ibá, ó kayâ’y may katumbás ó maáarìng
tumbasán sa ating wikà ng̃ ibáng pang̃ung̃usap ay hindî kailang̃ang
mapalakip sa mg̃a pandulong ating hihiramin na kinaroroonán ng̃ mg̃a
salitâng hirám na ating áarìin:
ano gaya ng̃ amérik_ano_, aglipay_ano_, rom_ano_.
ino „ pilip_ino_.
ante „ komand_ante_, protest_ante_.
ente „ teni_ente_.
ero „ tabak_ero_, bangk_ero_, laband_ero_.
ario „ diksion_ario_, silab_ario_, kalend_ario_.
or „ emperad_or_, dokt_or_, gobernad_or_.
tris „ empera_tris_, ma_tris_.
ia „ demokras_ia_.
ía „ pilosop_ía_, anark_ía_, tranb_ía_.
idád „ unibers_idád_, elektris_idád_.
ikó „ elektr_ikó_, katol_ikó_, apostol_ikó_.
iká „ gramát_iká_, matemát_iká_, polit_iká_.
ista „ makin_ista_, aparat_ista_.
ismo „ katolis_ismo_, anark_ismo_, espirit_ismo_.
ado „ komision_ado_, konsul_ado_, abog_ado_.
apó „ sinematogr_apó_.
ura „ agrikult_ura_, agrimens_ura_.[33]
G. ¿Anó ang sukat másabi ukol sa mg̃a pangdulo?
N. Na, ang ilán sa kanyá’y maáarìng gamitin ang hugis babae (ó
forma femenina), gaya ng̃ sa pilipina, amerikana, katóliká,
tabakera, labandera, atbp.
TALABABÂAN
[33] Ang mg̃a pangdulong itó ay sinipì ko kay G. Eusebio Daluz na
nagkaroón lamang ng̃ kauntîng pagbabago.
IKATLÓNG BAHAGI
Paglalakip ó Sintaxis
I KABANATA
Ang Paglalakip at ang kaniyáng sakláw
GURÒ. ¿Anó ang kátuturán ng̃ Paglalakip?
NAG-AARAL. Ang bahagi ng̃ Balarilà na nagtuturò ng̃ mg̃a kaparaanán
ukol sa pagbubuô ó paglalakiplakip ng̃ iláng salitâ sa kapuwà salitâ
sa ikayayarìng tumpák ng̃ mg̃a kaisipán (ó oración).
G. Ang Paglalakip, ¿sa anó nabábahagi?
N. Nabábahagi siyá sa tinátawag na likás (ó regular) at likhâ
(ó figurada).
G. ¿Anó ang paglalakip na likás?
N. Ang mg̃a tuntunin sa paglalagáy ng̃ mg̃a pang̃ung̃usap sang-ayon
sa katutubòng hanáy ng̃ mg̃a pagkukurò.
G. ¿At anó ang paglalakip na likhâ?
N. Ang mg̃a pátakaráng lumalabág sa paglalakip na likás, na nagbabadyá
ng̃ mg̃a kaparaanán sa matuwíd na pagpapalitpalit ng̃ mg̃a salitâ
upáng magkaroón ng̃ lakás at gandá ang mg̃a pang̃ung̃usap ó kaisipán.
G. ¿Iláng bagay ang kailang̃an upáng mayarì ó mabuô ng̃ tumpák ang
isáng kaisipán?
N. Tatló: pagkakaayon (ó concordancia), paghaharì (ó régimen)
at pagbubuô (ó construcción).
II KABANATA
Ukol sa pagkakaayon (ó concordancia)
GURÒ. ¿Anó ang tinátawag na pagkakaayon?
NAG-AARAL. Ang pagkakásalig ng̃ mg̃a pang̃ung̃usap sa ibá’t ibáng
pangkát ó bahagi ng̃ kaisipán.
G. ¿Paano ang pagkakaayon ng̃ pang-akbáy (ó artículo) sa pangdiwà
(ó sustantivo)?
N. Sa Wikàng Tagalog, palibhasà ang mg̃a salitâ ay walâng tagláy na
kiyás (ó género) kung sa kanyáng sarili lamang, kayâ’t ang pang-akbáy
ay walâng kailang̃ang gamitin magíng sa ng̃alan ó bagay na tumutukoy
sa lalaki ó kayâ’y sa babae, hal.: Si Pedro, si Luisa, ang amá,
ang iná, ang pusà, ang áso, atbp. Ng̃unì’t kung bumabanggít
sa bilang (ó número) ay kailang̃ang gamitin ang si at ang sa
íisá, at siná at ang mg̃a sa dalawá ó marami, hal.: Si Lucio,
ang bulaklák (kung tumutukoy sa íisá); siná Lucio at Huan, _ang
mg̃a_ bulaklák (kung bumabanggít namán sa dalawá ó marami).
G. ¿Paano ang pagkakaayon ng̃ pangturing (ó adjetivo) sa pangdiwà
(ó sustantivo)?
N. Ang pagkakaayon ng̃ dalawáng itó ay másasabing walâng kabuluhán,
sapagkâ’t maáarì siláng pagsamahin kahì’t na ang isá’y tumutukoy sa
lalaki at ang ikalawá’y sa babae, ó báligtaran, hal.: mabuting
amá, mabuting iná, magandáng dalaga, magandáng binatà. Kung
tumutukoy sa bilang (ó número) ay kailang̃ang tantùin kung sa anó
bumabanggít, hal.: malantíg na dalirì, malinaw na salamín, kung sa
íisá; kung sa dalawá ó marami ay nagigíng: malalantig na dalirì,
malilinaw na salamín.
G. Sakalìng mayroóng dalawá ó higít na pangdiwà na tumutukoy sa
bilang na íisá (ó singular), at ang mg̃a itó’y isasama sa íisáng
pangturing lamang, ¿sa anó itó dapat ilagáy?
N. Dapat ilagáy sa bilang na dalawá ó marami (ó plural). Kung ang
pangturing na isasama ay mayhalò ay inúulit lamang ang unang dalawáng
titik ng̃ unang pantíg ng̃ ugát, hal.: Si Kulás at si Lucio ay
marurunong; ang manggá at ang santól ay matatamís. Kung pangturing
namáng dalisay ay pinang̃ung̃unahan ng̃ mg̃a, hal.: Si Luisa at
si María ay mg̃a pang̃it; ang áso at pusà ay mg̃a duwág.
G. ¿Paano namán ang pagkakaayon ng̃ pangtayô (ó pronombre) sa pangdiwà
(ó sustantivo)?
N. Kung tungkól sa kiyás (ó género) ay hindî kailang̃ang mapasama sa
alín man, hal.: itó’y lalaki, itó’y babae, atbp. Kung tungkól
sa bilang ay kailang̃ang ialinsunod sa tumutukoy ng̃ salitâ, hal.:
akó’y tao, itó’y saging, sa íisá; akó’y mg̃a tao, itó’y mg̃a saging,
kung sa dalawá ó marami.
G. ¿Paano ang pagkakaayon ng̃ pangwatas (ó verbo) sa pangdiwà (ó
sustantivo)?
N. Ang pangwatas na karaniwan sa Wikàng Tagalog ay walâng kailang̃ang
malakip sa pangdiwà kahì’t na itó’y nagtatagláy ng̃ anó mang bilang
(ó número) at katawán (ó persona), hal.: ang ibon ay kumakain,
ang mg̃a ibon ay kumakain; si Pedro ay sumulat, siná Lucio ay
sumulat. Ng̃unì’t may iláng pangwatas na ang karamiha’y nagbubuhat sa
anyông “ma”, na kailang̃ang isalig kung sa anóng bilang tumutukoy,
hal.: ang pusà ay nagisíng, ang mg̃a pusà ay nang̃agisíng; ang
tao ay natatalisod, ang mg̃a tao ay nang̃atatalisod. Sa unang
halimbawà, ang pangwatas na nagisíng ay na sa bilang na íisá (ó
singular) na naáayon sa pangdiwàng pusà na nasa gayón ding bilang.
Sa ikalawá ang nang̃agisíng ay na sa bilang na dalawá ó marami (ó
plural) na naáayon namán sa mg̃a pusà na nasa bilang ding dalawá
ó marami.
G. ¿Paano namán ang pagsasama ng̃ pangtayông kinatawán (ó relativo)
sa salitâng pangdiwàng náuuná sa kanyá (ó antecedente)?
N. Pagsasamahin silá sa pamamagitan ng̃ bilang (ó número), na ang
pangtayông kinatawán ay dapat ibatay sa pangdiwàng náuuná, hal.:
Tinawag ko ang batà, at itó ay lumapit agád. Ang pangdiwàng
batà ay na sa bilang na íisá kayâ’t ang pangtayông itó ay na sa
gayón ding bilang. Kung sabihin namáng: Tinawag ko ang mg̃a batà,
at ang mg̃a itó’y lumapit agád. Ang salitâng mg̃a batà ay na sa
bilang na dalawá ó marami, kung kayâ namán ang pangtayô’y inilagáy
din sa náturang bilang: mg̃a itó.
III KABANATA
Hinggíl sa paghaharì (ó régimen)
GURÒ. ¿Anó ang tinátawag na paghaharì?
NAG-AARAL. Ang kaukulán ng̃ iláng pang̃ung̃usap sa ilán ding
pang̃ung̃usap ng̃ kaisipán.
G. ¿Anó ang kahulugán ng̃ salitâng naghaharì (ó regente) at ng̃
salitâng pinaghaharìan (ó regido)?
N. Salitâng naghaharì ang nang̃áng̃ailang̃an ng̃ isáng pang̃ung̃usap
upáng bumuô ng̃ kaisipán; salitâng pinaghaharìan ang bumubuô ng̃
náturang kaisipán na siyáng náuukol sa naghaharì. Halimbawà: _Ang barò
ni Pedro_. Barò ay salitâng naghaharì, sapagkâ’t siyáng nang̃ung̃una
ó umáakbáy sa pangdiwàng si Pedro sa pamamagitan ng̃ pang-ukol (ó
preposición) ni, at si Pedro ay salitâng pinaghaharìan, sapagkâ’t
náuukol sa pangdiwàng barò.
G. ¿Paano ang paghaharì ng̃ pangdiwà sa kapuwà pangdiwà?
N. Sa pamamagitan ng̃ isáng pang-ukol (ó preposición), hal.: bahay
na bató; aklát ni Lucio; lupà ng̃ magsasakâ; si Huan _laban
kay_ Kulás; ang tao’y laban sa hayop; ang buhay ay pará sa bayan;
si María’y pará kay Mameng.
G. ¿Paano ang paghaharì ng̃ pangdiwà sa pangturing?
N. Sa ibá’t ibáng kaparaanán: una, sa pamamagitan ng̃ pang-ukol na,
hal.: tubig na malinaw, bahay na malakí; ikalawá, sa pamamagitan
ng̃ pang-anib (ó ligazón) ng, hal.: babai_ng_ magandá, lalaki_ng_
makisig; ikatló, sa pamamagitan din ng̃ pang-anib g, hal.: bayan_g_
marang̃ál, tapayan_g_ muntî; at ikaapat, sa pamamagitan ng̃ salitâng
ay, hal.: Si Pedro ay masamâ, si Lucio ay marunong.
G. ¿Paano ang paghaharì ng̃ pangdiwà sa pangwatas?
N. Sa pamamagitan din ng̃ salitâng ay, hal.: Si Kulás ay
bumabasa; si Lucio ay susulat; ang ibon ay umaawit; ang dagâ
ay kumakaluskós; ang batà ay umiyák.
G. ¿Paano ang paghaharì ng̃ pangturing sa pangdiwà?
N. Sapagkâ’t sa ating wikà ay walâng kailang̃ang mapauná ó mapahulí
kayâ ang alín man sa dalawáng itó, kung kayâ ang paghaharì ng̃
pangdiwà sa pangturing ay hindî lubhâng nagkakalayô sa paghaharì
namán ng̃ pangturing sa pangdiwà, at sa katunaya’y binubuô itó sa
pamamagitan din ng̃ na, ng, g, hal.: marikít na bahay; masaráp
na manggá; magandáng dalaga; masamâng tao; matíisín_g_ hayop;
masintahin_g_ magulang. Ang paghaharì ng̃ pangturing sa pangdiwà ay
nagaganáp din sa pamamagitan ng̃ mg̃a pang-akbáy na si at ang,
hal.: mabaksík si Celso, matapang si Yoyong, maasim ang santól,
matamís ang mabulo, mapaít ang duhat.
G. ¿Paano ang paghaharì ng̃ pangturing sa pangwatas na nasa pangbadyá?
N. Natutupad itó sa ibá’t ibá ring kaparaanán: Una, sa pamamagitan
ng̃ salitâng kung, hal.: madalî kung bumasa, maiklî kung
sumulat, mababà kung humagis; ikalawá, sa pamamagitan ng̃ na,
hal.: masipag na mag-aral, marunong na maglarô, madalang na
lumakad; ang kadalasán nitó’y hindî na nilálagyán ng̃ na, gaya
ng̃: masipag mag-aral, marunong maglarô; ikatló, sa pamamagitan ng̃
ng, hal.: mahabàng magsalitâ, payapàng mang̃usap, masamâng
tumakbó; at ikaapat, sa pamamagitan ng̃ g, hal.: matulin_g_ lumakad,
mahinhín_g_ kumilos.
G. ¿Paano ang paghaharì ng̃ pangturing sa pangtayô?
N. Sa pamamagitan ng̃ pang-ukol (ó preposición) sa, hal.: magandá
sa akin, pang̃it sa iyó, maramot sa kanyá.
G. ¿Paano ang paghaharì ng̃ pangwatas sa pangdiwà?
N. Lahát halos ng̃ mg̃a pangwatas ay may tagláy na isáng pangdiwà (ó
sustantivo) ó pangtayô sa ng̃alan ng̃ tao (ó personal). Magaganáp ang
paghaharìng itó kung pangwatas na pangbalak sa mg̃a paraáng sumúsunód:
una, kung ang pinaghaharìan ay tumutukoy sa ng̃alan ng̃ tao ay sa
pamamagitan ng̃ kay, hal.: Umíibig siyá kay María, paroón ka
kay Huan, nakikain siyá kay Lucio; ikalawá, kung tumutukoy sa
ng̃alan ng̃ bagay ay sa pamamagitan namán ng̃ sa, hal.: tumakbó
siyá sa bayan, lumayô kayó sa sugál, kumain ka sa handâ.
Kung pangwatas na pangtiyák, ang paghaharì nitó sa pangdiwà ay
mátutupád sa pamamagitan ng̃ si kailan ma’t nagbabadyá ng̃ ng̃alan
ng̃ tao, hal.: Iibigin niyá si Mameng, tutulung̃an ko si Karlos,
parunán mo si Yoyong. Kung nagbabadyá namán ng̃ bagay ay sa
pamamagitan ng̃ ang, hal.: pitasín mo ang bulaklák, hinukay niyá
ang lupà, papag-áaralin ninyó ang batà.
G. ¿Paano ang paghaharì ng̃ pangwatas sa kapuwà pangwatas?
N. Sa tatlóng kaparaanán: ilagáy ang pangwatas na pinaghaharìan
(regido) sa pangbadyá, ó sa panghiwatig, ó sa pangsukob.
G. ¿Kailán inilálagáy ang pangwatas sa pangbadyá?
N. Ginaganáp itó kailan ma’t ang kátuturán ng̃ pangwatas na
pinaghaharìan ay náuuwî sa nais ó hang̃ád ng̃ pang̃ulo (ó sujeto)
ng̃ pangwatas na naghaharì (ó regente), hal.: Si Lucio ay ibig
kumain; ang batà’y ibig maglarô. Sa mg̃a halimbawàng itó, ang
mg̃a pangbadyáng kumain at maglarô na siyáng mg̃a pangtung̃o
(ó complemento) ng̃ kaisipán ay nagsusulit ng̃ nais ó hang̃ád ni
Lucio at ng̃ batà na siyá namáng kanyáng pang̃ulo (ó sujeto).
May maraming pangwatas, lalòng lalò na ang mg̃a binaybáy sa anyông
“ma” ay nang̃áng̃ailang̃ang pag-itanan ng̃ mg̃a pangbigkís na upáng
ó pará ó nang, hal.: Akó’y umalís upáng mang̃isdâ; silá’y
nakilaban pará magwagí; kumain nang mabusóg.
G. ¿Kailán inilálagáy ang pangwatas sa panghiwatig (ó indicativo)?
N. Inilálagáy dito kailan ma’t nagkakáibá ang mg̃a pang̃ulo (ó
sujeto) ng̃ mg̃a pangwatas na naghaharì at pinaghaharìan, at
nang̃áng̃ailang̃ang pag-itanan ng̃ pang-ukol na, ó kayâ’y ng̃
mg̃a pang-anib (ó ligazón) ng, g, hal.: ang Dios ay nagnanais
na bumuti ang tao; ang gurò ay nagnanasàng dumunong ka; ating
sabihin_g_ sumulat siyá.
G. ¿Kailán namán inilálagáy ang pangwatas sa pangsukob?
N. Paris din ng̃ sa panghiwatig, na, nangyayari kailan ma’t nagkakáibá
ang mg̃a pang̃ulo (ó sujeto), baga ma’t dito’y sa pamamagitan ng̃
kung na siyáng tandâ sa ating wikà ng̃ ganitóng ayos, ó ng̃ mg̃a
pangbago (ó adverbio), hal.: mag-áaral siyá kung ibig mo; silá’y
kakain kailan ma’t sumigáw ka; dárating ang iyóng anák _kailan
ma’t_ nais mo.
G. ¿Paano ang paghaharì ng̃ pangwatas sa pangbago?
N. Lahát halos ng̃ mg̃a pangwatas ay napaghaharìán ng̃ mg̃a pangbago;
at ang mg̃a itó’y náuukol sa pangwatas, gaya rin namán ng̃ nangyayari
sa pangturing at pangdiwà. Ang pangwatas baga ma’t siyáng salitâng
lubhâng mahalagá sa lahát ng̃ wikà ay walâng ibinabadyáng anó man
kundî ang kanyáng nais, ginagawâ, dinaramdám atbp. ng̃ pang̃ulo (ó
sujeto) na kanyáng kaakbáy; at ang pangbago (ó adverbio) ay siyáng
nagpapáliwanag ng̃ mg̃a kilos ó pinangyarihan ng̃ kátuturán ng̃
pangwatas sa ibá’t ibáng bahaging sakláw niyá; at sa pagkaganáp
ng̃ paghaharìng itó’y kailang̃ang pagitnâan ng̃ na, ng, g,
sang-ayon sa dapat kaukulán at kung minsa’y kahì’t walâ nitó, hal.:
akó’y nagisíng na maaga; si Luis ay bumabasa_ng mabuti_; ang batà’y
bumahín_g malakás_; akó’y paririto bukas.
IV KABANATA
Tungkól sa pagbubuô (ó construcción)
GURÒ. ¿Anó ang tinátawag na pagbubuô?
NAG-AARAL. Ang ayos ó hanáy na dapat sundín ukol sa paglalagáy ng̃
mg̃a pang̃ung̃usap sa kaisipán.
G. ¿Paano ang pagbubuô ng̃ pang-akbáy (ó artículo)?
N. Dapat na iunáng palagì sa mg̃a pangdiwà, hal.: si Lucio, si
Mameng, siná Milíng, ang lupà, ang aklát, ang mg̃a bulaklák.
G. ¿Maáarì bagáng sing̃itan ng̃ anó mang salitâ sa gitnâ ng̃
pang-akbáy at pangdiwà?
N. Oo pò; maáarìng ising̃it ang isáng pangturing (ó adjetivo), hal.:
Ang mabuting tao; ang magandáng ibon; si matandâng Lucio; si
hukóm Yusay.
G. ¿Paano ang pagbubuô ng̃ pangdiwà (ó sustantivo)?
N. Kung pangtukoy ng̃ pangwatas, ay maáarìng mapauná ó mapahulí,
hal.: si Kulás ay maglalarô, ó maglalarô si Kulás. Kung panglayon
ó pangtung̃o (complemento) ay dapat ilagáy sa hulí, hal.: ang iná’y
nagmámahál sa mg̃a mabaít.
G. ¿Anóng salitâ ang maáarìng ising̃it sa gitnâ ng̃ pangdiwà at
pangwatas?
N. Ibá’t ibá pòng mg̃a salitâ, kayâ’t nárarapat na isáisáhín:
Una.--Maáarìng ising̃it ang isá pang pangdiwà sa pamamagitan ng̃
may ó walâ, hal.: isáng lalaking may salakót ay namalas ko;
isáng babaing walâng tapis ay tumatakbó.
Ikalawá.--Maáarìng ising̃it ang isáng salitâng pangturing (ó
adjetivo), hal.: ang táong masamâ ay ibig sa sugál, ang mg̃a
dalagang magagandá ay iníibig ng̃ mg̃a binatà.
Ikatló.--Maáarìng ising̃it ang isáng pangturing na may akibat ó
kasamang ibáng pangdiwà na isásalig itó sa paghaharì (ó régimen),
hal.: ang táong mahilig sa sugál ay maghihirap na palagì; ang
handâng punô sa mg̃a ulam at sa mg̃a matamís ay nakalilitó sa
isáng kumakain.
G. ¿Paano ang pagbubuô ng̃ mg̃a pangtayô sa ng̃alan ng̃ tao (ó
personal)?
N. Mangyayaring mapauná ó mapahulí alinsunod sa máibigan, lamang ay
dapat alamín ang kanyáng pagkakabagobago, hal.: akó’y babasa, ó
babasa akó; ikáw ay susulat, ó susulat ka; silá’y kakain,
ó kakain silá. Dapat mabatíd na sa ayos pang-utos (ó imperativo)
ay dapat ipagpahulí, hal.: Lumakad ka, tumakbó kayó, mag-aral
silá.
G. ¿Paano ang pagbubuô sa mg̃a pangdamdám (ó interjección), ó kayâ’y
sa mg̃a kaisipáng paputól?
N. Dapat na iuná sa pangwatas ang mg̃a násabing pangdamdám, ó mg̃a
kaisipáng paputól, hal.: Si Milíng--¡oh anóng alíw!--ay dárating
bukas; ang hulíng palabás--dapat mong isaisip--ay matatapos sa
gabíng itó.
G. ¿Paano ang pagbubuô sa salitâng ay?
N. Binubuô sa maraming kaparaanán: una, sa pagbubuô ng̃ dalawáng
pangdiwà, hal.: Si Mariano ay manggagawà, si Binong ay mánunulát;
ikalawá, sa pagbubuô ng̃ isáng pangdiwà at isáng pangturing, hal.:
ang santól ay matamís, ang bulaklák ay magandá; ikatló, sa
pagbubuô ng̃ isáng pangdiwà at isáng pangwatas, hal.: Si Huan ay
susulat, ang araw ay tumatakbó.
G. ¿Paano ang pagbubuô ng̃ pangwatas sa kapuwà pangwatas?
N. Ang paghaharì ng̃ pangwatas ay hindî maáarìng lumampás sa pangdiwà
(sustantivo) ó sa pangtayô (pronombre) kundî sa kapuwà pangwatas
din, at ang mg̃a salitâng idinaragdág dito ay may sariling paghaharì
(ó régimen), hal.: Ibig niyáng maglarô ng̃ kalumbibít, silá’y
nakihamók upáng magtagumpáy sa kalaban.
V KABANATA
Ukol sa mg̃a kaisipán (ó oración)
GURÒ. ¿Anó ang tinátawag na kaisipán (ó oración)?
NAG-AARAL. Tinátawag na kaisipán sa Balarilà ang dalawá, ó ang kabuùan
ng̃ mg̃a pang̃ung̃usap na nagbabadyá ng̃ isáng ganáp na pagkukurò.
G. ¿Iláng urì mayroón ang kaisipán?
N. Dalawá: dalisay (ó simple) at mayhalò (ó compuesta).
G. ¿Anó ang kaisipáng dalisay?
N. Ang binubuô lamang ng̃ íisáng pangwatas (ó verbo), hal.: Ang
aklát ay nagtuturò sa bayan.
G. ¿Anó ang kaisipáng mayhalò?
N. Ang binubuô namán ng̃ dalawáng kaisipán (ó oración), hal.: Huwág
kang gagawâ ng̃ masamâ kung ayaw kang maparusahan.
G. Ang kaisipáng dalisay, ¿sa anó nabábahagi?
N. Sa tinátawag na pang̃una at pang̃alawá.
G. ¿Alín ang kaisipáng pang̃una?
N. Ang binubuô ng̃ pang̃ulo (ó sujeto), pangwatas (ó verbo) at
pangtung̃o (ó complemento), hal.: Ang araw ay sumisilang sa umaga.
Sa halimbawàng itó ang araw ay siyáng pang̃ulo, sumisilang ay
pangwatas at umaga ay pangtung̃o.
G. ¿Alín ang kaisipáng pang̃alawá?
N. Ang binubuô lamang ng̃ pang̃ulo at pangwatas, hal.: Ang buwán ay
sumisilang. Sa halimbawà namáng itó, ang buwán ay siyáng pang̃ulo
at sumisilang ang pangwatas.
G. ¿Anó ang tinátawag na pang̃ulo ng̃ kaisipán?
N. Ang isáng salitâ, ó kabuùan ng̃ mg̃a salitâ na tumutukoy sa ng̃alan
ó bagay na siyáng gumagawâ ó gumaganáp sa ibinabadyá ng̃ pangwatas,
hal.: Si Lucio ay bumabasa ng̃ aklát; ang batàng mabaít ay
nagtatapát sa magulang.
G. ¿Paano ang pagkakilala sa pang̃ulo ng̃ kaisipán?
N. Pang̃unahan ang pangwatas ng̃ tanóng na ¿sino ang? Iangkáp
natin itó sa mg̃a halimbawàng nakaraán, at ganitó dapat sabihin:
¿sino ang bumabasa? ¿sino ang nagtatapát? Ang kasaguta’y madalîng
mababatíd na siyáng pang̃ulo ng̃ bawà’t kaisipán: Si Lucio sa una,
at sa ikalawá’y ang batàng mabaít.
G. ¿Anó ang tinátawag na pangtung̃o ng̃ kaisipán?
N. Ang salitâ, ó kabuùan ng̃ mg̃a salitâ na binabanggít sa ng̃alan ó
bagay na siyáng ginagawâ ó ginaganáp nang isinasaysáy ng̃ pangwatas,
hal.: Si Daniel ay gumagawâ ng̃ tinapay; si Yoyong ay bumibilí
ng̃ mg̃a aklát.
G. ¿Mayroóng ilán ang hugis ng̃ pangtung̃o?
N. May dalawá: tapát (ó directo) at likô (ó indirecto).
G. ¿Anó ang tinátawag na pangtung̃ong tapát?
N. Ang ng̃alan ó bagay na tinatanggáp ng̃ tápatan ang kahulugán ng̃
pangwatas, hal.: Akó’y naglulutò ng̃ isdâ.
G. ¿Paano ang pagkakilala na ang pangtung̃o (ó complemento) ay
tumatanggáp ng̃ tápatan sa gawâ ng̃ pangwatas?
N. Makikilala sa pamamagitan ng̃ isáng pagsusurì, na, kung ang
náturang pangtung̃o ay maáarìng gawíng pang̃ulo (ó sujeto) ng̃
kaisipán, na, ang pangwatas ay ilálagáy sa pangtiyák (ó voz pasiva).
Ilagáy natin sa bagay na itó ang halimbawàng _si Yoyong ay humukay
ng̃ lupà_, at kung magkaganitó’y magigíng: _ang lupà ay hinukay ni
Yoyong_. Dahil namán dito ang lupà ay pangtung̃ong tapát na siyáng
tumatanggáp ng̃ tápatan sa gawâ ng̃ pangwatas.
G. ¿May ibá pa bang kaparaanán sa pagkilala ng̃ pangtung̃ong tapát?
N. Oo pò, sa pamamagitan ng̃ ganitóng tanóng: ¿Sino ang? ó _¿anóng
bagay?_ na sinusundán ng̃ pangtiyák na pangwatas at ng̃ pang̃ulo
ng̃ kaisipán. Halimbawà: Si Huan ay sumaksák kay Lucio; si Nicanor
ay nagpakò ng̃ kahoy. Iangkáp natin ang mg̃a tanóng na: ¿sino ang
sinaksák ni Huan?--Si Lucio; ¿anóng bagay ang pinagpakuan ni
Nicanor?--Ang kahoy.
G. ¿Anó ang pangtung̃ong likô (ó indirecto)?
N. Ang ng̃alan ó bagay na hindî tinatanggáp ng̃ tápatan ang gawâ
ng̃ pangwatas, hal.: Akó’y maglalakbáy sa Tayabas.
G. ¿Paano namán ang pagkakilala, na, ang gawâ ng̃ pangwatas ay hindî
tinatanggáp ng̃ tápatan?
N. Makikilala siyá sa pamamagitan ng̃ paglalagáy ng̃ kaisipán sa
pangtiyák (ó pasiva), na ang náturang pagtung̃o (ó complemento) ay
hindî maáarìng ilagáy sa pang̃ulo (ó sujeto) ng̃ kaisipán. Tikmán
nating ilagáy sa pangtiyák ang halimbawàng _si Lucio ay maglalakbáy sa
Tayabas_. Kung magkaganitó’y magigíng: _Ang Tayabas ay paglalakbayán
ni Lucio_ at dito’y mapagkikilalang ang Tayabas ay hindî tinatanggáp
ng̃ tápatan ang gawâ ng̃ pangwatas.
VI KABANATA
Sa mg̃a kaisipáng dalisay (ó simple)
GURÒ. ¿Iláng hugis mayroón ang mg̃a kaisipáng dalisay?
NAG-AARAL. Mayroóng ibá’t ibáng hugis at may ibá’t ibáng kátawagán
sang-ayon sa pangwatas na tagláy ng̃ kaisipán.
G. ¿Maáarì bagáng bumuô ng̃ isáng kaisipán sa pamamagitan ng̃ salitâng
ay?
N. Maáarì pò, kailan ma’t nagtatagláy ng̃ isáng pang̃ulo at isáng
pangtung̃o, na, maáarìng pangdiwà ó pangturing, at ipinagigitnâ ang
ay sa dalawáng itó, hal.: Si Lukas ay anluwage; ang bulaklák
ay magandá.
G. ¿Anóanó ang bumubuô sa mg̃a pangwatas na nagbuhat sa ma, ó sa
mg̃a ibáng pangwatas na may gangganitóng kahulugán?
N. Bumubuô lamang ng̃ dalawá: pang̃ulo at pangwatas, hal.: Si Husé
ay natulog; ang pusà ay namatáy.
G. ¿Anó ang kaisipáng tinátawag na pangtagò (ó impersonal)?
N. Ang binubuô lamang ng̃ pangwatas na may ganitóng urì, at walâng
tagláy na pang̃ulo ni pangtung̃o, hal.: Umulán, bumagyó, humang̃in,
lumindól, kumulóg, kumidlát, umumaga, gumabí, humápon.
G. ¿Anó ang kaisipáng tinátawag na pangbalak (ó activa)?
N. Ang kaisipáng may pangwatas na ganitóng hugis.
G. ¿Sa ilán nabábahagi ang kaisipáng pangbalak?
N. Gaya na ng̃ násabi ay sa dalawá: pang̃una at pang̃alawá.
G. ¿Anó ang kaisipáng pang̃una ng̃ pangbalak?
N. Ang binubuô ng̃ pang̃ulo, ng̃ pangwatas na kanyáng pinaghaharìan,
at ng̃ pangtung̃ong tapát (ó directo), hal.: _Si Beloy ay gumawâ
ng̃ bahay_; ang ibon ay kumain ng̃ saging.
G. ¿Anó ang kaisipáng pang̃alawá ng̃ pangbalak?
N. Ang binubuô lamang ng̃ pang̃ulo at ng̃ pangwatas na pinaghaharìan
niyá, hal.: Si Yoyong ay naglulutò; ang batà’y bumabasa.
G. ¿Anó ang kaisipáng pangtiyák (ó pasiva)?
N. Ang binubuô ng̃ pang̃ulo, ng̃ pangwatas na nasa pangtiyák, at ng̃
pangtung̃ong pinaghaharìan ng̃ ni ó ng̃, alinsunod sa ng̃alan
ng̃ tao ó bagay, hal.: Ang lupà ay hinukay ni Lucio; _ang damít
ay kinahig ng̃ manók_.
G. ¿Paano ang pagtutumbalík ng̃ isáng kaisipáng pang̃una ng̃ pangbalak
sa isá namáng pangtiyák?
N. Dapat munang mabatíd na ang kaisipáng pang̃una ng̃ pangbalak ay
binubuô ng̃ pang̃ulo ng̃ pangwatas at ng̃ pangtung̃ong tapát. Sa
pangtiyák, itóng pangtung̃ong tapát ay siyáng ginagawâng pang̃ulo,
at ang pangwatas na pangbalak ay inilálagáy sa pangtiyák, at ang
pang̃ulo sa kaisipáng pangbalak ay nagigíng pangtung̃o sa kaisipáng
pangtiyák sa pamamagitan ng̃ ni ó ng̃, hal.: _Ang bahay ay ginawâ
ni Beloy_, ang saging ay kinain ng̃ ibon.
G. ¿Paano namán kung ibig itumbalík sa pangbalak ang isáng kaisipáng
pangtiyák?
N. Dapat gawíng pabaligtád, ó sa malinaw na sabi’y kunin ang
pangtung̃o na may daláng pang-akbáy at siyáng gawíng pang̃ulo, ang
pangwatas ay ilagáy sa pangbalak, at ang pang̃ulo’y dapat namáng
ilagáy sa pangtung̃ong tapát, hal.: Si Beloy ay gumawâ ng̃ bahay.
VII KABANATA
Sa mg̃a kaisipáng mayhalò (ó compuesta)
GURÒ. ¿Paano ang pagkakabuôbuô ng̃ mg̃a kaisipáng mayhalò?
NAG-AARAL. Sa dalawáng kaparaanán: una, ang gayón ding ayos ng̃
pangwatas na walâng namamagitnâng ibá pang salitâ na siyáng
naglalakip sa dalawáng kaisipán, at ikalawá’y ang gayóng hugis na may
namamagitnâng ibáng pang̃ung̃usap; hal.: sa unang paraán: _Ang harì
ay nananaog sa hagdán_, ang mg̃a tao’y nagtiting̃inan sa kanyá.
G. ¿Anó ang dapat mabatíd ukol sa mg̃a kaisipáng ganitó?
N. Ang pagtatang̃ì sa tinátawag na pang̃ulong kaisipán (ó oración
principal) na may kahulugáng ganáp, at ang tinátawag na panghulíng
kaisipán (ó oración accesoria) na siyáng nagbibigáy ng̃alan sa kanyá.
G. Sa halimbawàng binanggít, ¿alín ang pang̃ulong kaisipán at alín
ang panghulí?
N. Ang pang̃ulong kaisipán ay itó: _Ang mg̃a tao’y nagtiting̃inan sa
kanyá_. Ang panghulí ay itó namán: Ang harì ay nananaog sa hagdán.
G. ¿Anóng salitâ ang dapat ipagitnâ sa paglalakip ng̃ dalawáng
kaisipán?
N. Ang salitâng na, hal.: _ang bayan NA nakikiníg ng̃ayón, ay
siyáng nagpapatotoó_. Ang pang̃ulong kaisipán sa halimbawàng itó ay:
ang bayan ay siyáng nagpapatotoó; ang panghulí ay: _na nakikiníg
ng̃ayón_. Sa unang kaisipán, ang pang̃ulo’y ang bayan; at sa
ikalawá, ang pang̃ulo’y ang bayan din, ng̃unì’t itó’y kinakatawanán
ng̃ salitâng na.
VIII KABANATA
Paglalakip na likhâ (ó Sintaxis figurada)
GURÒ. ¿Anó ang paglalakip na likhâ?
NAG-AARAL. Yaóng paglalakip na, sa ikalálakás ó ikagagandá ng̃
pagbabadyá ay nagpapáhintulot na baguhin ang likás na ayos ó hanáy
ng̃ mg̃a pang̃ung̃usap, bawasan ó dagdagán, ng̃ ilán ó lumabág kayâ
sa mg̃a tuntunin ng̃ Paglalakip; hal.: _Dinggín mong mataós sa
iyóng pusò ang kalunoslunos na daíng ng̃ mg̃a dukhâ, ng̃unì’t huwág
pagpupuri ang iyóng iukol sa halakhák ng̃ mayayaman_.
G. ¿Paano dapat ilagáy ang mg̃a salitâng itó sang-ayon sa sinúsunód
na mg̃a tuntunin ng̃ paglalakip na likás?
N. Sa ganitóng ayos: _Ang kalunoslunos na daíng ng̃ mg̃a dukhâ ay
dinggín mong mataós sa iyóng pusò, kay sa mg̃a halakhák ng̃ mayayaman,
ng̃unì’t huwág pagpupuri ang iyóng iukol_.
G. ¿Ilán at alínalín ang mg̃a pahintulot sa pagbubuô (ó figuras de
construcción)?
N. Limá: pagpapalít (ó hipérbaton), pagkukulang (ó elipsis),
paglalabis (ó pleonasmo), pagtatanyág (ó silepsis) at paglilipat
(ó traslación).
G. ¿Anó ang tinátawag na pagpapalít (ó hipérbaton)?
N. Ang pagkakapalítpalít ó pagkakabagobago ng̃ likás na hanáy ng̃
mg̃a pang̃ung̃usap, hal.: Hinukay ni Lukas ang lupà; _nahalò ang
bigás sa palay_; na, kung iayon sa talagáng tuntunin ay ganitó dapat
sabihin: ang lupà’y hinukay ni Lukas; _ang bigás ay nahalò sa
palay_.
G. ¿Ang lahát bang salitâ ay maáarì ng̃ gamitin sa paraáng itó?
N. Hindî pò, at ang katunaya’y mayroóng mg̃a pangkát ng̃ kaisipán
na hindî maáarìng pagpalitín, gaya ng̃ pang-akbáy, pang-ukol at
pangbigkís. Halimbawà’y hindî maáarìng gawíng ganitó: Lucio SI;
aklát ANG; bahay bató NA; tubig Mariláw SA; atbp., sa lugál
na sabihing: Si Lucio, ang aklát, bahay na bató, _tubig sa
Mariláw_.
G. ¿Anó ang tinátawag na pagkukulang (ó elipsis)?
N. Ang pag-áalís ng̃ iláng pang̃ung̃usap, na sa biglâng ting̃ín
ó paggamit ay walâng halagá, ng̃unì’t lubhâng kailang̃an kung
pakasusurìin at iáayon sa tuntuning likás ng̃ pagbubuô. Ginágamit
ditong malimit ang mg̃a salitâ sa paggalang ó pagbabatìán, na sa
kálawigang totoó ng̃ mg̃a pang̃ung̃usap, kung kayâ’y ináalís ang
ilán at ang binibigkás lamang ay yaóng mahalagá na mawawatasan ng̃
kausap.
Madalás nating marinig ang mg̃a bigáy-galang na: Magandáng araw pò;
tao pò; at ang tanóng na ¿anó? Sa mg̃a pang̃ung̃usap na itó ay may
iláng inalís, at ang talagáng dapat sabihin ay ganitó: _Bigyán ka
pò_ (ó kayó ó silá) ng̃ magandáng araw; may táong tumatawag
ó humahanap at ¿anó ang ibig mo? ó ¿anó ang sinabi mo?
G. ¿Anó ang tinátawag na paglalabis (ó pleonasmo)?
N. Ang pagdaragdág ng̃ iláng salitâ na hindî kailang̃an ó labis,
ng̃unì’t nagbibigáy ng̃ magandáng pagbabadyá at nagpapalayô sa mg̃a
álinlang̃an ng̃ ibig sabihin ó ipatunay, hal.: _Ang ibo’y nakita
ko NG̃ AKING MG̃A MATÁ_; ang ugong ay NARINÍG NG̃ AKING TAING̃A.
Sa mg̃a halimbawàng itó’y labis ang mg̃a salitâng _ng̃ aking mg̃a
matá_, at ng̃ aking taing̃a, at sukat nang sabihing: _ang ibo’y
nakita ko_, at ang ugong ay aking nariníg.
Gayón din ang sukat másabi sa mg̃a salitâng: umakyát SA ITAÁS,
pumanaog SA IBABÂ, lumipád SA HIMPAPAWÍD, lumang̃óy SA TUBIG,
sapagkâ’t ang katotohana’y labis ang mg̃a salitâng sa itaás, _sa
ibabâ_, sa himpapawíd, sa tubig, palibhasà’y hindî mangyayaring
umakyát sa ibabâ, pumanaog sa itaás, lumipád sa lupà, ni lumang̃óy sa
katihan; ng̃unì’t ang mabuting paggamit ay pinagtitibay ang ganitó.
G. ¿Anó ang pagtatanyág (ó silepsis)?
N. Ang ginagawâng pagkakaayon (ó concordancia), na ang ináalam ay
hindî ang mg̃a pang̃ung̃usap kundî ang itinatanyág ó kinakatawanán.
Sa ating wikà, ang mg̃a pangtayô sa ng̃alan ng̃ tao (ó pronombre
personal) na kayó at silá na kapuwà na sa bilang na dalawá
ó marami (ó plural), ay malimit gamitin sa bilang na íisá kapág
tumutukoy sa paggagalang̃an, gaya ng̃: _KAYÓ pò G. Agustin ang
tinutukoy ko_; SILÁ pò’y si G. Aguilar, na maáarì rin namáng
sabihin at siyá ng̃âng katumbás na: ikáw pò G. Agustin, _siyá pò’y
si G. Aguilar_.
G. ¿Anó ang paglilipat (ó traslación)?
N. Ginágamit itó sa iláng mg̃a panahón ng̃ pangwatas na may kátuturáng
kung pagkasusurìing maigi ay hindî angkáp kayâ’t kailang̃ang halinhán
ó ilipat sa ibáng panahón, gaya ng̃ madalás sabihing: _BABASA akó
ng̃ayón_ sa lugál na BUMABASA akó ng̃ayón; huwág kang TUMAKBÓ sa
lugál na huwág kang TATAKBÓ; huwág kang KUMAIN sa dapat sabihing
huwág kang KAKAIN, at ibá pa.
IX KABANATA
Mg̃a kamalìán ng̃ salitâ (ó vicios de dicción)
GURÒ. ¿Alínalín ang mg̃a kamalìáng dapat mailagan magíng sa
pagsasalitâ at magíng sa pagsulat?
NAG-AARAL. Ang mg̃a pang̃ulong kamalìán ay itóng mg̃a sumúsunód:
kaibhán (ó barbarismo), kasiràán (ó solecismo), kakulitán (ó
cacofonía), kalabùan (ó anfibología) at kahirapan (ó pobreza).
G. ¿Anó ang tinátawag na kaibhán (ó barbarismo)?
N. Ang kakulang̃áng nangyayari laban sa mg̃a tuntunin at kalikasán
ng̃ wikà. Sinásakláw ng̃ kamalìáng itó ang mg̃a bahaging Pagkilala,
Pagbigkás at Pagsulat.
G. ¿Alínalín ang mg̃a kaibháng nangyayari sa Pagsulat?
N. Ang mg̃a sumúsunód:
Una.--Kudlitán ang mg̃a pang̃ung̃usap na hindî dapat kudlitán,
gaya ng̃ náyon, báyan, pagsílang, paggíliw atbp.; sa lugál
na nayon, bayan, pagsilang, paggiliw.
Ikalawá.--Gamitan ng̃ ibáng kudlít ang mg̃a salitâng may sariling
kudlít na tagláy, gaya ng̃ susó, laró, lahî, wikâ, binhì,
ng̃itì, atbp.; sa dapat gawíng susô, larô, lahì, wikà,
binhî, ng̃itî.
Ikatló.--Gawíng salitâng pagbabawas (ó síncopa) ang pang̃ung̃usap
na hindî maáarìng gawíng ganitó, gaya ng̃ dwág, hwág, twíd,
bwíg, bwán, bwál, twád, twî, atbp. sa lugál na duwág,
huwág, tuwíd, buwíg, buwán, buwál, tuwád, tuwî.
Ikaapat.--Hatìin ng̃ masamâng paghahatì ang mg̃a salitâ, gaya ng̃
ku-dlít, tu-klóng, pa-tláng, ma-twíd, ba-dyá, bi-gwás,
atbp.; sa dapat gawíng kud-lít, tuk-lóng, pat-láng, mat-wíd,
bad-yá, big-wás.
Ikalimá.--Sulating masamâ ang mg̃a pang̃ung̃usap, gaya ng̃ mabutE,
lalakE, pulEs, alipEn, butU, tubU, kutUs, utUs, sukaP,
hikaP, haráB, higoB, suntoG, bagsíG, lamíK, baníK,
lipáT, sisiT, awiD, sapoD, haKdán, baKság, puGpóG,
atbp.; sa dapat gawíng mabuti, lalaki, pulís, alipin,
butó, tubó, kutós, utos, sukáb, hikáb, haráp, higop,
suntók, bagsík, lamíg, baníg, lipád, sisid, awit,
sapot, hagdán, bagsák, pukpók.
Ikaanim.--Gamitin ang isáng salitâng hindî angkáp sa talagáng
kátuturán, hal.: SINIPÌ ko ang magandáng talumpatì ni Osmeña, sa
dapat sabihing hinaláw ko, atbp.; sapagkâ’t ang isáng nakikiníg ay
hindî mangyayaring sumipì ng̃ isáng talumpatì kundî humaláw lamang.
Sumipì ay kuning buông buô, at humaláw ay kunin ang bahaging
lalòng mahalagá.
G. ¿Anó ang tinátawag na kasiràán (ó solecismo)?
N. Ang pagsirà sa iláng pátakarán ng̃ Paglalakip sa mg̃a bahagi
niyáng pagkakaayon, paghaharì at pagbubuô.
G. ¿Alín ang mg̃a kasiràáng nangyayari sa pagkakaayon?
N. Itóng mg̃a sumúsunód:
Una.--Ukol sa bilang (ó número), hal.: _ang ibon at isdâ ay
MAGANDÁ_; ang tao at hayop ay MAMAMATÁY; sa dapat sabihing _ang
ibon at ang isdâ ay magagandá_; ang tao at hayop ay mang̃amamatáy.
Ikalawá.--Ukol sa lagáy (ó caso), hal.: _Ang batà’y bumilí ng̃
aklát, AT ANG AKLÁT NA ITÓ’Y itinapon lamang_; sa lugál na sabihing:
ang batà’y bumilí ng̃ aklát, at itó’y itinapon lamang.
Ikatló.--Hinggíl sa katawán (ó persona), hal.: KAYÓ ay marunong,
itóng bahay ay ATIN, sa dapat sabihing ikáw ay marunong, _itóng
bahay ay amin_.
G. ¿Alín ang kasiràáng nagagawâ sa paghaharì?
N. Magkapalitan ang mg̃a pang-ukol (ó preposición), hal.: _máng̃ang̃alakál
SA abaká_; nagmamayarî SA bahay; sa dapat sabihing _máng̃ang̃alakál
ng̃ abaká_; nagmamayarî ng̃ bahay.
G. ¿Alín ang kasiràáng nangyayari sa pagbubuô?
N. Ang masamâng pagkakálagáy ng̃ mg̃a pang̃ung̃usap, hal.: _may
siyáng bayabas_, sa lugál na sabihing may bayabas siyá.
G. ¿Anó ang tinátawag na kakulitán (ó cacofonía)?
N. Ang masamâng tunóg na nilílikhâ ng̃ pagkakaulitulit ng̃ mg̃a
pantíg ó mg̃a titik na may íisáng hugis, hal.: _ang naSÀ’Y pasaSÂ
ng̃ maririwaSÂ_; ang laNG̃ITNG̃IT ng̃ saHIG ay nakatutuLIG; _ang
huNI NI NInoy ay marahan_.
G. ¿Sa tuwîtuwî na ba’y masamâ ang ganitóng pagkakaulitulit?
N. Hindî pò, sapagkâ’t ang kadalasá’y nagigíng magandá at
tumpák, palibhasà’y nagkakaroón ng̃ tamís at lambíng ang gayóng
pagpaparisparis, lalò na kung gugunitâing sa Wikàng Tagalog ay
totoóng malimit ang ganyáng tunóg.
G. ¿Anó ang kalabùan (ó anfibología)?
N. Ang kadilimáng ibinubung̃a ng̃ hindî tumpák na pagkakásalansán
ng̃ mg̃a pang̃ung̃usap, hal.: _Mg̃a damít pará sa mg̃a lalaking
matitibay_, sa dapat gawíng: _mg̃a damít na matitibay pará sa mg̃a
lalaki_.
G. ¿Anó ang kahirapan (ó pobreza)?
N. Ang madalás na paggamit ng̃ isáng pang̃ung̃usap sa maraming
salitâng tinutukoy, hal.: _Ang bagyó ay SUMIRÀ ng̃ bahay, ng̃ halaman,
ng̃ simbahan, ng̃ tuláy, ng̃ lansang̃an_, atbp. Ang halimbawàng
itó’y dapat sabihin ng̃ lalòng marikít sa ating wikà: _Ang bagyó
ay siyáng sumirà ng̃ bahay, pumalís ng̃ halaman, nagpaguhô ng̃
simbahan, nagpagibâ ng̃ tuláy, nagpasamâ ng̃ lansang̃an_, atbp. Ang
kahirapan ay hindî dapat pairalin sa may mayayamang salitâ gaya ng̃
tagalog, sapagkâ’t náwawalâ ang gandáng dapat madiníg at nagpapasirà
sa kayamanang tagláy ng̃ isáng wikà.
IKAAPAT NA BAHAGI
Pagsulat ó Ortografía
I KABANATA
Ang Pagsulat at ang kanyáng sakláw
GURÒ. ¿Anó ang Pagsulat (ó Ortografía)?
NAG-AARAL. Pagsulat, ay isáng Bahagi ng̃ Balarilà na nagtuturò ng̃
tumpák na pagsulat, sa mabuting pagkakaayawayaw ng̃ mg̃a titik at
ng̃ mg̃a ibá pang tandâng ginágamit.
G. ¿Anó ang kaibhán ng̃ Pagsulat (ó Ortografía) sa tinátawag na
Kaligrapía?
N. Na, ang Pagsulat (ó Ortografía) ay nagtuturò ng̃ paggamit na
dapat gawín sa mg̃a titik, gayón sa mg̃a kudlít at sa mg̃a tandâ
ng̃ pagsulat; at ang Kaligrapía’y ang kaparaanáng sinúsunód ukol sa
mabuti at magandáng tindig, anyô ó hugis ng̃ mg̃a titik.
G. ¿Sa anó nabábahagi ang mg̃a titik?
N. Ang mg̃a titik ay nabábahagi sa malalakí (ó mayúscula) at
mumuntî (ó minúscula).
MALALAKÍNG TITIK:
A, B, K, D, E, G, G̃, H, I, L,
M, N, O, P, R, S, T, U, W, Y.
MUMUNTÎNG TITIK:
a, b, k, d, e, g, g̃, h, i, l,
m, n, o, p, r, s, t, u, w, y.
II KABANATA
Hinggíl sa malalakíng titik
GURÒ. ¿Anó ang hang̃ád ng̃ malalakíng titik?
NAG-AARAL. Ang hang̃ád nitó’y itang̃ì ang mg̃a pang̃ung̃usap na
lalòng dakilà, marang̃ál ó mahalagá nang lalòng lumiwanag ang sulat
ó pagsulat.
G. ¿Alín ang mg̃a tuntuning dapat sundín upáng gamitin ang malalakíng
titik?
N. Dapat gamitin ang malalakíng titik sa mg̃a sumúsunód na tuntunin:
1.)--Ang unang titik ng̃ bawà’t sulat, at ang una rin pagkátapos
ng̃ tuldók (ó punto final), hal.: _Tinanggáp kong malugód ang iyóng
liham kaninang umaga. Napagtantô kong lahát ang ibig mong sabihin._
Kung minsan, kahì’t walâng sinusundáng tuldók ay ginagawâ ring
malakíng titik kailan ma’t ang sumúsunód na salitâ ay katumbás sa
simulâ ng̃ sulat, hal.: _Ang nakalagdâ’y nagsasabi: Na, yamang akó’y
inihalál na punong bayan sa lálawigang...._
2.)--Lahát ng̃ mg̃a kátawagán sa Dios, gaya ng̃ Bathalà, Lumikhâ,
Maykapál, Hesukristo, Mánunubós, atbp.
3.)--Ang unang titik ng̃ lahát ng̃ pang̃alang náuukol sa tao, hal.:
Rizal, Bonifacio, Burgos, Del Pilar, Jaena, Mabini,
Balagtás, Lakandula, atbp.
4.)--Lahát ng̃ mg̃a pang̃alang mararang̃ál ng̃ katungkulan, gaya ng̃
Gobernador, Speaker, Komisionado, Kinatawán, Mahistrado,
Hukóm, Abogado, Médiko, atbp.
5.)--Ang unang titik ng̃ mg̃a pamagát ng̃ limáng panig ng̃ Daigdíg,
hal.: Europa, Asia, Aprika, Amérika at Oseanía.
6.)--Ang lahát ng̃ pang̃alan ng̃ mg̃a bansá, bayan ó lahì at
lálawigan, hal.: Pilipinas, Amérika, Espanya, Pransia,
Maynilà, Bulakán, Kabite, Laguna, atbp.
7.)--Ang mg̃a pamagát ng̃ mg̃a ilog, bundók, yung̃íb, bulkán, atbp.,
hal.: Pasig, Makiling, Sta. Géronima, Mayón, Taál, atbp.
8.)--Ang mg̃a pamagát ng̃ mg̃a páhayagán, gaya ng̃ Taliba, _Ang
Mithî_, Ang Democracia, Katuwiran, Lunas ng̃ Bayan, Plaridel,
atbp.
9.)--Ang mg̃a pamagát ng̃ mg̃a páaralán, gaya ng̃ Liceo de Manila,
La Jurisprudencia, Instituto Burgos, Colegio Mercantil, _La
Regeneración_, atbp.
10.)--Ang mg̃a pamagát ng̃ ibá’t ibáng kapisanan, hal.: _Samahán ng̃
Mánanagalóg_, Mutyâ ng̃ Silang̃an, Malayàng Araw, Taga-Ilog,
Ang Sulô, atbp.
11.)--Lahát ng̃ mg̃a pamagát ng̃ mg̃a aklát at dulâ, hal.: _Banaag
at Sikat_, Busabos ng̃ Palad, Anino ng̃ Kahapon, Walâng Sugat,
Karaniwang Ugalì, Ang Kalupî, atbp.
12.)--Ang mg̃a paggalang, lalòng lalò na kung nasa mg̃a salitâng
daglî (ó abreviatura), hal.: Kgg. (kagalanggalang), G. (ginoó),
Bb. (binibini) atbp.
13.)--Ang iláng salitâng karaniwan kung bumabanggít sa ibáng
kátuturán, hal.: Puhunan, Salapî, Pawis, Sandata, Panulat,
Kariwasaán, Kahirapan, Pagtulog, Dálitâ, Paraluman,
Liwaywáy, Pag-asa, atbp.
14.)--Lahát ng̃ pang̃unang titik ng̃ tulâ, baga ma’t maáarì ring
isulat sa mumuntîng titik.
III KABANATA
Paggamit ng̃ iláng titik ayon sa kanyáng tunóg
HINGGÍL SA E AT I[34]
GURÒ. ¿Alínalín ang mg̃a tuntunin ukol sa paggamit ng̃ e ó i?
NAG-AARAL. Ang mg̃a tuntuning sumúsunód:
Una.--Sa unang pantíg ng̃ madlâng pang̃ung̃usap na tagalog,
magsimulâ man sa ting̃ig (vocal) ó kayâ’y pangtinig (consonante), ay
nárarapat gamitin ang i na siyáng tumpák at hindî e na bihiràng
bihiràng magamit; hal.: Itó, Ikáw, Ilaw, Iná, Iwan, Ibig,
Iyák, dIlág, tIbay, dIto, sItaw, tIklóp, tIrá, tIsod
at ibá’t ibá pa.
Pásubalì.--Ang mg̃a salitâng binawasan (ó sincopado) paris ng̃
eto (náitó), ewan (aywán), meron (mayroón), tena (tayo na),
bewang (baywáng), atbp., at sakâ ang pangdamdám (ó interjección)
eh! eh! eh! Gayón din ang mg̃a palayaw ó pang̃alang buhat sa
kastilà, paris ng̃ Edeng, Entang, Menang, Teban, Teto,
atbp.
Ikalawá.--Sa hulíng pantíg ng̃ mg̃a pang̃ung̃usap, magtapós man
sa ting̃ig ó pangtinig na nag-áalang̃aning isulat ng̃ e ó i ay
dapat gamitin ang i na siyáng lalòng nálalapit sa likás na pagbigkás
natin kay sa e na lubhâng malawig sa ating dilà at masaguwâng
dinggín sa pakinig.
Náitó ang mg̃a halimbawàng sumúsunód:
Lalaki at dî Lalake.
Maigi „ Maige.
Mabuti „ Mabute.
Gabí „ Gabé.
Saksí „ Saksé.
Malakí „ Malaké.
Batì „ Batè.
Harì „ Harè.
Lahì „ Lahè.
Parì „ Parè.
Ng̃itî „ Ng̃itê.
Budhî „ Budhê.
Tagurî „ Tagurê.
Mithî „ Mithê.
Atis „ Ates.
Lupít „ Lupét.
Dilis „ Diles.
Sumpít „ Sumpét.
Pulís „ Pulés.
Alipin „ Alipen.
Pásubalì.--Ang mg̃a salitâng babae, page, gabe, tae,
butsé, atbp., at hindî babai, pagi, gabi, tai, butsi,
na lubhâng matigás dinggín. Gayón din ang mg̃a palayaw ó pang̃alang
galing sa kastilà, paris ng̃ Mange, Ige, Bale, atbp., at
sakâ ang mg̃a salitâng kastilà na ináarì natin, gaya ng̃ anghél,
kiles, kingké at ibá pa.
HINGGÍL SA O AT U
G. ¿Alín namán ang mg̃a panutong dapat pairalin ukol sa paggamit ng̃
o at u, upáng mabigyáng hanggá ang malimit na pag-áalang̃anin
sa pagsulat?
N. Ang mg̃a panutong dapat sundín ay itóng mg̃a sumúsunód:
Una.--Ang simulâng pantíg ng̃ mg̃a salitâng tagalog, magsimulâ man
sa ting̃ig ó kayâ’y pangtinig, ay dapat gamitin ang u na siyáng
lalòng tumpák at may maraming gumágamit kay sa o na lubhâng masaguwâ
sa unahán. Halimbawà: utos, uling, uban, usá, ulól, bulág,
tutol, lubáy, kulam, luhog, atbp., at hindî otos, oling,
oban, osá, olól, at ibá pa paris ng̃ ginagawâng pagsulat ng̃
mg̃a praileng mánanagalóg.
Pásubalì.--Ang mg̃a salitâng oo, opò, oróy, ¡oh!, loób,
boo, poót, poók, totoó, at ibá pa, at sakâ ang mg̃a salitâng
buhat sa kastilà, gaya ng̃ oras, oros, at ibá pang gangganitó.
Ikalawá.--Ang katapusáng pantíg ng̃ mg̃a salitâng nag-áalang̃aning
isulat ng̃ o at u, magtapós man sa ting̃ig ó kayâ’y pangtinig,
ay o ang dapat gamitin na siyáng lalòng angkóp sa ating pagbigkás
at pangdiníg kay sa u na lubhâng matigás at masamâng pakinggán.
Náitó ang iláng halimbawà:
Tubó at dî Tubú.
Tuksó „ Tuksú.
Butó „ Butú.
Pusò „ Pusù.
Birò „ Birù.
Suyò „ Suyù.
Dugô „ Dugû.
Larô „ Larû.
Sulô „ Sulû.
Buslô „ Buslû.
Mánunubós „ Mánunubús.
Maramot „ Maramut.
Tapós „ Tapús.
Utos „ Utus.
Tutol „ Tutul.
Kutós „ Kutús.
Maayos „ Maayus.
Subok „ Subuk.
Lipós „ Lipús.
Bastós „ Bastús.
Pásubalì.--Ang mg̃a salitâng nakú! hú! sús! atbp. na dapat
gamitan ng̃ u at hindî o. Gayón din ang iláng salitâng kastilà
na isinusulat sa wikà natin, gaya ng̃ Hesús, at ibá pa.
HINGGÍL SA B AT P
G. ¿Hindî ba magkaibá ang tunóg ng̃ b at p?
N. Magkaibá ng̃â, ng̃unì’t napapagkamalán ang isá’t isá sa talagáng
paggamit.
G. ¿Saán malimit mangyari ang ganitó?
N. Ang kadalasán ng̃ ganyáng pangyayari’y sa katapusán ng̃
pang̃ung̃usap, samantalàng sa dakong simulâ at kalagitnâan ay
bihibihirà.
G. ¿Alín ang mg̃a panutong dapat sundín hinggíl sa tumpák na paggamit
ng̃ isá’t isá?
N. Totoóng mahirap maglagáy ng̃ panutong sukat taluntunín sa bagay
na iyán.
G. Kung walâng tuntuning sukat máitatág, ¿walâ na bang ibáng
kaparaanáng dapat sundín upáng huwág mahulog sa kamalìán ang isáng
nag-áalinlang̃an?
N. Mayroón pò, at ang paraáng itó’y siyáng másasabing tang̃ì na dapat
gamitin, sakalìng ang isáng pang̃ung̃usap ay nag-áalang̃aning isulat
ng̃ b ó p. Halimbawà ang salitâng sagíp; nang matantô nating
kung itó’y tumpák na ang pagkakásulat ó kayâ’y malî, ay kailang̃ang
ibahín ang salitâ at sa hulí’y dagdagán ng̃ in (sa halimbawàng
itó), kung magkaganitó’y magigíng sagipín, at dito matataya natin
ang sagíp ay tumpák, sapagkâ’t ang sagíb ó sagibín ay walâ sa
salitâng tagalog. Ganitó rin ang marapat gawín sa ibáng pang̃ung̃usap,
baga ma’t ang idinaragdág ay nagkakaibáibá.
Nang lalòng lumiwanag ang bagay na itó at huwág mangyari ang
pagkakámalî, ay náritó ang isáng tálâán ng̃ iláng mg̃a pang̃ung̃usap
na dapat gamitan ng̃ b at p, upáng magíng huwaran at batayán sa
mabuti at tumpák na pagsulat.
B
Anib
Dibdíb
Liblíb
Talahib
Sukáb
Sabsáb
Tukláb
Hikáb
Salakáb
Lagabláb
Duób
Loób
Sinukob
Dubdób
Lublób
Kutób
P
Panaginip
Alitaptáp
Halukipkíp
Alapaáp
Hinagap
Tiklóp
Silip
Haráp
Talop
Kupkóp
Hirap
Ganáp
Apuhap
Dahóp
Higop
Hihip
Idlíp
Lasáp
Sagíp
Tanggáp
Sulyáp
Saráp
Ling̃ap
Usap
Langkáp
Kisláp
Ulap
Iníp
HINGGÍL SA K AT G
G. ¿Hindî ba magkaibá rin ang tunóg ng̃ dalawáng pangtinig na itó?
N. Ang k at g ay magkaibá ng̃â rin sa tunóg, ng̃unì’t malimit
mangyari ang pagkakáagáw sa paggamit kailan ma’t na sa katapusán
ng̃ pang̃ung̃usap.
G. ¿Walâ rin bang panutong sukat masundán nang maiwasan ang
pagkakámalî?
N. Walâ pò.
G. ¿Walâ kayâng ibáng paraáng dapat sundín?
N. Mayroón pò, at ang paraáng itó’y kaparis din ng̃ sa b at
p, na, sakalìng nag-áalinlang̃ang magtapós sa k ó g ang
isáng pang̃ung̃usap paris ng̃ salitâng bihag sa halimbawà,
itó’y nárarapat dagdagán sa hulí ng̃ in upáng mákilala kung ang
pagkakásulat ay tumpák ó hindî; kung magkagayón ang salitâng bihag
ay magigíng bihagin, at dito matatantông tugmâ ang pagkakásulat;
sapagkâ’t kung k ang gagamitin, ang bihak ay magigíng bihakin,
pananalitâng malî kung hindî man másasabing walâ sa ating wikà.
Ganitó ring paraán ang dapat pairalin sa mg̃a salitâng nagtatapós
sa k.
Nang lalòng luminaw ang bagay na itó at málayô sa mg̃a kamalìán, ay
náitó ang isáng tálâán ng̃ iláng mg̃a salitâ na dapat gamitan ng̃
k at g tálâáng maáarìng gawíng huwaran at saligán sa ibáng mg̃a
salitâng gangganitó.
K
Halimuyak
Bulaklák
Sindák
Tadyák
Gayák
Tabák
Bulak
Iyák
Tahimik
Bagsík
Siksík
Tiktík
Hibík
Halík
Tiník
Lalik
Himutók
Pukpók
Buhók
Batok
Tibók
Suntók
Salok
Subok
G
Banaag
Liwanag
Lagalág
Dilág
Liyág
Habág
Tibág
Dilág
Lantíg
Lamíg
Baníg
Ibig
Tinig
Bisig
Bibíg
Panalig
Tagalog
Alindóg
Tulog
Irog
Hulog
Ilog
Bilog
Handóg
HINGGÍL SA D AT T
G. ¿Anó ang dapat másabi ukol sa d at t?
N. Na, ang dalawáng pangtinig na itó’y nagkakáibá, at gaya rin ng̃
mg̃a náuná ay nagkakáagáw sa paggamit sa katapusán ng̃ pang̃ung̃usap.
G. ¿Alín ang mabuting paraáng dapat patnubayan ukol sa bagay na itó
nang maiwasan ang pagkakámalî?
N. Ang tang̃ì at mabuting paraáng dapat sundín ay paris ng̃ sinunód
sa b at p at sa k at g. Halimbawà ang salitâng awit: nang
matalastás kung ang pagkakásulat nitó’y tumpák at maparam tulóy ang
pag-áalinlang̃an at pagkakámalî, ay kailang̃ang dugtung̃án sa hulí
ng̃ in ó an, at kung magkaganitó’y magigíng awitin ó awitan;
at sa ganitó’y mahuhulò nang walâng álinlang̃an na ang pagkakásulat
sa awit ay tumpák, sapagkâ’t kung ang gagawi’y awid, at itó’y
daragdagán ng̃ in ó an ay magigíng awidin ó awidan, bagay
na hindî tamà ó angkáp, pagkâ’t mg̃a salitâng bukód sa malî ay walâ
sa ating wikà. Ganitó ring kaparaanán ang dapat taluntunín ukol sa
mg̃a salitâng nagtatapós sa d.
Náritó rin ang isáng tálâán ng̃ mg̃a salitâng ginágamitan sa hulí
ng̃ d at t, upáng may mapagkunang huwaran at sanggunìán ang
isáng may pag-áalinlang̃an sa pagsulat.
D
Palakad
Tingkád
Lakad
Palad
Gagád
Tamád
Bantád
Lipád
Tilád
Bayad
Ubod
Sayod
Sunód
Lugód
Batíd
Litid
Masíd
Silíd
Gilíd
Sisid
Lingkód
T
Sikat
Dagat
Sulat
Sapát
Salát
Akyát
Tatát
Patpát
Satsát
Lang̃it
Awit
Galit
Sung̃it
Sungkít
Dalít
Bitbít
Waglít
Dikít
Kampupot
Lungkót
Pulót
Gamót
Dulot
Siklót
Takot
Talulót
Supot
HINGGÍL SA I AT Y
G. ¿Anó ang kaibhán ng̃ i at y?
N. Ang dalawáng itó’y lubhâng nagkakáibá magíng sa kátawagán at
magíng sa tunóg. Magkaibá sa tawag sapagkâ’t ang una ay ting̃ig (ó
vocal) at ang ikalawá’y pangtinig (ó consonante). Magkaibá sa tunóg
sapagkâ’t ang una’y binibigkás na i lamang, samantalàng ang hulí
ay ya.
G. ¿Alín ang mg̃a tuntuning dapat mapagbatayán ukol sa paggamit ng̃
i at y?
N. Ang mg̃a sumúsunód:
Una.--Lahát halos ng̃ mg̃a salitâng wagás na tagalog, na sa gitnâ’y
may magkasiping na ia, ie at io, gaya ng̃ tIAnak, tIAp,
tIAk, kudIApi, akIAt, bIAk, kIAs, pasIA, tIAn, bIA,
bIEnan, tIOpe, at ibá pang gangganitó ay dapat pagitnâan ng̃
y ang tinurang ia, ie, io na siyáng karaniwang gawín, at
ginagawâng tiyanak, tiyáp, tiyák, kudiyapì, akiyát, kiyás,
pasiyá, tiyán, biyâ, biyenan, tiyope.
Ikalawá.--Ang mg̃a salitâng tagalog na sa gitnâ nitó’y magkasiping
ang dalawáng ting̃ig na a at i ó ai ay dî dapat paltán ng̃
ay ni pagitnâan ng̃ y paris ng̃ ginagawâ ng̃ marami. Halimbawà
baitang, kailan, kailang̃an, taing̃a, hain, atbp. ay ganitó
dapat isulat, at hindî baytang, kaylan, kaylang̃an, tayng̃a,
hayin. Dapat mabatíd na itó’y maáarìng gamitin sa pagtulâ (liban
lamang ang hulí), sapagkâ’t siyá’y lubhâng malayà sa paggamit.
HINGGÍL SA U AT W
G. ¿Anó namán ang kaibhán ng̃ u sa w?
N. Na, ang u ay ting̃ig at pangtinig ang w, at itó’y wa kung
bigkasín samantalàng yaó’y u lamang.
G. ¿Alín ang panuto ukol sa u at w?
N. Ang panutong dapat sundín bagay sa tumpák na paggamit sa isá’t
isá, ay itó: Sa may gitnâ ng̃ lahát halos ng̃ mg̃a salitâng wagás
na tagalog na kinaroroonán ng̃ magkakasiping na ting̃ig na ua at
ui, ay dapat sing̃itan ng̃ w na pinagkaraniwanan nang gawín
ng̃ marami. Halimbawà ang mg̃a salitâng buan, tuâ, káluluá,
dátapuâ, saguâ, kapuà, lasuâ, tuî, buisit, saguíl,
takuíl, buíg, buís, bituin atbp. ay dapat isulat ng̃ buwán,
tuwâ, káluluwá, dátapuwâ, saguwâ, kapuwà, lasuwâ, tuwî,
buwisit, saguwíl, takuwíl, buwíg, buwís, bituwín.[35]
Dapat matantô na kung itóng ua at ui ay may tagláy ng̃ kudlít
na banayad (grave), na sa malinaw na sabi’y magíng ùa, ùi, na
tang̃ìng nangyayari ang ganitó sa mg̃a salitâng sinugpung̃án ng̃
in ó an, ay hindî dapat sing̃itan ng̃ w; hal.: “kapulùán”,
“kalabùan”, “kasamyùan”, “mapusùan”, “panibughùin”, “pintuhùin”,
“samyùin”, “larùin”, atbp. ay dî dapat gawíng “kapulùwán”,
“kalabùwan”, “kasamyùwan”, “mapusùwan”, “panibughùwin”, “pintuhùwin”,
“samyùwin”, “larùwin”.
TALABABÂAN
[34] Sa pagnanais kong mapawì ang pagkakáibáibá sa pagsulat gaya
ng̃ lalaki ó lalake, atis ó atés, pisì ó pisè, parì
ó parè, at ibá pa, baga ma’t ang gayóng pagkakabagobago ay hindî
nakasisirà muntík man sa talagáng kahulugán, ay minárapat kong
lagyán ng̃ iláng panutong dapat sundín hinggíl sa paggamit ng̃ e
ó i, gayón ang ó at u, at ang mg̃a panutong itó’y násasalig
sa katutubòng pagbigkás natin. Nábabatíd ko, na, ang pagbibigkás
na itó’y pinapagsasaliw ang tunóg ng̃ e at i, at o at u sa
katapusán ng̃ ting̃ig, ng̃unì’t ang nakakalamáng ng̃ bahagyâ ang
siyáng súsundín ko’t pagsasaligán sa pagsulat.
[35] Malimit kong mápuná na itóng salitâng bituwín ay isinusulat
ng̃ bituin, pagsulat na sa ganáng palagáy ko ay walâng matibay na
saligán at hindî tumpák.
IV KABANATA
Tungkól sa kudlít (ó acento ortográfico)
GURÒ. ¿Anó ang tinátawag na kudlít (ó acento ortográfico)?
NAG-AARAL. Tinátawag na kudlít sa pagsulat ó kayâ’y kudlít
lamang, ang isáng maliít na guhit na siyáng inilálagáy sa ibabaw
ng̃ ting̃ig (vocal) at siyáng pinakatandâ upáng ang mayroón niyó’y
bigkasíng gayón sang-ayon sa sinúsunód sa Pagbigkás.
G. ¿Iláng hugis mayroón sa Wikàng Tagalog ng̃ gayóng tandâ ó kudlít?
N. Tatló na siyáng palasák na ginágamit sa ating panunulat. Ang
unang guhit ay nagsisimulâ sa kanan at patung̃ong kaliwâ (´) na
pinamámagatáng mariín (ó agudo), ang ikalawá’y nagbubuhat sa kaliwâ
patulóy sa kanan (`) na pinang̃ang̃anláng banayad (ó grave), at ang
ikatló’y ang paglalakip ng̃ dalawáng tinuran ó kayâ’y ng̃ mariín
at banayad (^) na pinamámagatán namáng salakót (ó circunflejo).
G. Sa katagâng sabi, ¿sa anó nabábahagi ang kudlít?
N. Ang kudlít ay nabábahagi sa mariín (ó agudo), banayad (ó
grave), at salakót (ó circunflejo).
G. ¿Paano ang pagbigkás sa kudlít na mariín?
N. Ang kudlít na mariín ay binibigkás na pabiglâ at bukás paris ng̃
sa kastilà; sa makatuwíd bagá’y huwág iimpitín ang tunóg kundî bayàáng
malinaw at maliwanag; hal.: bagyó, sintá, dilím, aklát.
G. Ang kudlít na banayad, ¿paano ang pagbigkás?
N. Ang pagbigkás sa kudlít na banayad ay marahan at paimpít; sa
makatwíd ang tunóg ay idinarahan ó ibinábabâ sa simulâ at pagkátapos
ay pinuputol ó iníimpit na nagigíng malabò; hal.: diwà, pusò,
gusalì.
G. ¿Paano namán ang sa kudlít na salakót?
N. Ang kudlít na salakót ay binibigkás na mariín at paputól; sa
malinaw na sabi’y naglalakip ng̃ tunóg ng̃ mg̃a kudlít na mariín at
banayad; hal.: ambâ, mithî, susô.
V KABANATA
Mg̃a tuntunin sa pagkukudlít
GURÒ. ¿Saán dapat ibatay ang mg̃a tuntunin sa pagkukudlít?
NAG-AARAL. Ang mg̃a tuntunin sa pagkukudlít ay dapat ibatay sa mg̃a
tuntunin ng̃ pagdidiín, pagkâ’t bukód sa ang kaparaanáng itó’y
siyáng lalòng tumpák na tumpák, ay siyáng paraáng lalòng madalî sa
pag-áaral at pagtuturò.
G. Kung ang mg̃a tuntunin sa pagdidiín ay siyáng pagbabatayán ng̃
sa pagkukudlít, ¿hindî bagá lubhâng didilím sa kudlít ang panunulat
natin?
N. Oo pò, pagkâ’t bawà’t salitâ halos natin ay nagtatagláy ng̃ diín,
at sapagkâ’t ganitó’y kailang̃ang magtagláy namán ng̃ kudlít.
G. ¿Paano ang mabuting kaparaanáng dapat pairalin upáng mailagan
ang lubós na pagdidíliman sa ating panunulat?
N. Tadhanàan ó magtatág ng̃ mg̃a panutong ang gayó’t ganitóng salitâ
ay dî dapat kudlitán, kahì’t nagtatagláy ng̃ diín, at sa ganitóng
paraá’y maíiwasan natin ang pagdidilím sa kudlít ng̃ ating mg̃a
salitâ.
G. ¿Anó ang kabutihang mátatamó sakalìng lagyán ng̃ tadhanà ang
pagkukudlít?
N. Marami pò: una’y magigíng kauntî ang mg̃a panutong súsundín sa
pag-áaral at pagtuturò at ikalawá’y makapagpápabawas sa mg̃a gawàing
hindî maíiwasan sakalìng sumusulat ó nagpapalimbág kayâ.
G. ¿Marapat bagáng kudlitán ang mg̃a salitâng tig-íisáng pantíg (ó
palabras monosílabas)?
N. Ang mg̃a salitâng tig-íisáng pantíg ay dî dapat kudlitán, gaya
ng̃ ka, ko, mo, ba, sa, na, at, pa, ni, ang,
ay, din, kay, daw, kung, ng̃ ó nang, man, atbp.
Pásubalì: Ang ting̃ig ó na pinagkaratihan nang kudlitán baga
ma’t dî kailang̃an. Gayón din ang mg̃a salitâng dî, ng̃â, na
nagtatagláy ng̃ kudlít na salakót upáng matantô ang tunay na pagbigkás.
G. Ang mg̃a salitâng pabiglâ ó ang idinidiín sa hulíng pantíg ¿ay
marapat bang kudlitán?
N. Sang-ayon sa pinaíiral ng̃ayóng panunulat ng̃ maraming mánunulát
at mánanagalóg, ang lahát halos ng̃ mg̃a salitâng idinidiín sa hulíng
pantíg ay dapat magtagláy ng̃ kudlít; hal.: amá, gabí, bayáw,
mahál, sambót, baníg, tamís, at ibá pa.[36]
G. ¿Dapat bagáng kudlitán ang mg̃a salitâng pábanayad ó ang idinidiín
sa ikalawáng hulí ng̃ pantíg?
N. Ang mg̃a pang̃ung̃usap na idinidiín sa ikalawáng hulí ng̃ pantíg,
ay dî dapat magtagláy ng̃ kudlít, pagkâ’t bukód sa nagíng karaniwan
nang gawín ang ganitó ay mababawásbawasán pa ang nápakarami nang
kudlít sa ating wikà; hal.: sabi, tulak, sisi, palad, nayon,
hirap, kasalo, karayom, lagarì, sariwà, paggiliw,
pagsuyo, atbp.
Pásubalì: Ang mg̃a salitâng maáarìng makayuwis ó makalahók sa
ibá, paris ng̃ bása sa basâ, ng̃ bága sa bagá, ng̃ áso
sa asó, ng̃ hápon sa hapón, ng̃ sála sa salá, salà at
salâ, ng̃ áliw sa alíw, ng̃ káyo sa kayó, ng̃ ának sa
anák, ng̃ sákit sa sakít, ng̃ búhay sa buháy, ng̃ táyo
sa tayô at ibá pang paris nitó.
G. ¿Marapat bang lagyán ng̃ kudlít ang mg̃a salitâng pabagsák ó ang
idinidiín sa ikatlóng hulí ng̃ pantíg?
N. Ang mg̃a salitâ sa ikatlóng hulí ng̃ pantíg ay dinidiinán ay
nárarapat kudlitán, hal.: dálitâ, káhimán, kápitan, bíhirà,
líbing̃an, atbp.
G. ¿Kinukudlitán din ba ang mg̃a salitâng pásagitsít ó ang idinidiín
sa ikaapat, ikalimá ó iká ilán mang hulí ng̃ pantíg?
N. Ang mg̃a salitâng idinidiín sa ikaapat, ikalimá ó iká ilán mang
hulí ng̃ pantíg ay nárarapat kudlitán, hal.: mánunulát, páhayagán,
sígalutan, hímagsikan, atbp.
G. Ang kudlít na banayad ¿ay dapat bang ilagáy sa mg̃a salitâng
mayroón nitó?
N. Oo pò, nang mákilalang ang salitâng kinaroroonán niyá ay dapat
bigkasíng marahan at paimpít; hal.: awà, batì, pusò. Dapat
mabatíd, na, ang kudlít na banayad ay sa katapusán lamang ng̃ salitâ
malimit makita, kailan ma’t nagdudulo sa ting̃ig (ó vocal). Sa simulâ
ng̃ pang̃ung̃usap ay dî dapat magtagláy ng̃ tinurang kudlít. Sa gitnâ
ng̃ mg̃a salitâng ugát ay walâ, ng̃unì’t mayroón sa mg̃a salitâng
pinag-angkóp; hal.: luhàan, batìin, wikàin, at ibá pa.
G. ¿Dapat bang ilagáy ang kudlít na salakót sa mg̃a pang̃ung̃usap
na mayroón nitó?
N. Oo pò, nang mabatíd na, ang salitâng kinaroroonán niyá ay dapat
bigkasíng mariín at paputól; hal.: dukhâ, ng̃itî, dugô. Dapat
matantô, na, ang kudlít na salakót ay madalás makita sa katapusán
ng̃ pang̃ung̃usap, kailan ma’t nagdudulo ng̃ ting̃ig (ó vocal). Sa
unahán ng̃ pang̃ung̃usap ay hindî nagtatagláy ng̃ sinabing kudlít.
Sa kalagitnâan ng̃ mg̃a salitâng ugát ay hindî rin nagtatagláy,
dapwâ’t sa mg̃a salitâng pinag-angkóp ay mayroón; hal.: tandâan,
sanglâan, higâan.
G. ¿Anó ang kabutihang nátatamó sa paglalagáy ng̃ mg̃a kudlít na
banayad at salakót sa mg̃a salitâng mayroón nitó?
N. Marami pò: unang una’y upáng mákilala ang talagáng tunóg na dapat
bigkasín sang-ayon sa daládaláng kudlít at ikalawá’y nang huwág
magkayuwisyuwis ang mg̃a pang̃ung̃usap. Halimbawà ang mg̃a salitâng
bagà, basà, salà, at ibá pa, ay dapat kudlitán ng̃ ganitó upáng
huwág mápalahók sa mg̃a salitâng bága, bása, sála, salá ó
salâ, na may mg̃a kahulugáng lubhâng kaibá sa mg̃a iyón.
G. ¿Anó ang sukat másabi ukol sa mg̃a salitâng pinag-angkóp na may
daláng kudlít na salakót?
N. Ang mg̃a salitâng ganitó na inangkapán ng̃ pang-anib na ng
paris ng̃ gawâng sa gawâ, masamâng sa masamâ, mutyâng sa
mutyâ, atbp. ay dî dapat baguhin ang tinurang kudlít upáng mákilala
na ang mg̃a ganyáng salitâ ay pinag-angkóp at sakâ ng̃ huwág masirà
ang talagáng kahulugán at pinanggaling̃an.[37]
G. ¿Anó ang dapat másabi sa mg̃a salitâng may kudlít na salakót (ó
circunflejo)?
N. Ang mg̃a salitâng ganitó ay nagkakaroón ng̃ kauntîng kabaguhan
kailan ma’t sinugpung̃án ng̃ mg̃a anyông in ó ng̃ an. Kung ang
may kudlít na salakót ay ang titik na a ay hindî dapat baguhin
ang náturang kudlít, gaya ng̃ basâín, tukâín, tálâán, atbp.
Kung ang may kudlít namá’y ang i at ang o (itó’y nagigíng u
sang-ayon sa tuntunin), ang kudlít na salakót ay dapat gawíng banayad
(ó grave), gaya ng̃ tupî ay tupìán, ng̃ sungkî ay sungkìin,
ng̃ larô ay larùin ó larùan, ng̃ likmô ay likmùan, ng̃
susô ay susùin, atbp.
G. Sa mg̃a salitâng tagalog ¿ay mayroón bang nagtatagláy ng̃ dalawáng
kudlít?
N. Mayroón pò, at lubhâng marami.
G. ¿Alín ang mg̃a panuto ukol sa salitâng kinukudlitán ng̃ dalawá?
N. Itóng mg̃a sumúsunód:
Una.--Lahát ng̃ mg̃a salitâng may dalawáng pantíg na kung bigkasí’y
idinidiín kapwà, ay hindî dapat magtagláy ng̃ dalawáng kudlít;
sapagkâ’t gaya nang sinabi ay dî dapat kudlitán ang mg̃a salitâng
may diín sa ikalawáng hulí ng̃ pantíg (ó palabras llanas); hal.:
pusò, dilà, batì, atbp.
Ikalawá.--Lahát ng̃ mg̃a salitâng may tatlóng pantíg na may diín sa
ikatlóng hulí niyá (ó palabras esdrújulas) at ang hulí’y may tagláy
na banayad ó salakót ay dapat kudlitán ng̃ dalawá; hal.: dálitâ,
bíhirà, dátapwâ, náritó, at ibá pa.
Ikatló.--Lahát ng̃ mg̃a salitâng may apat, limá ó anim na pantíg
na may diín sa mg̃a itó (ó palabras sobresdrújulas) at ang hulí’y
may tagláy na kudlít na mariín, banayad ó salakót ay dapat ding
kudlitán ng̃ dalawá; hal.: pásimulâ, páhayagán, pásulatán,
mánanagalóg, mánanalaysáy, atbp.
Ikaapat.--Lahát ng̃ mg̃a salitâng ang katapusáng pantíg ay nagdudulo
sa ting̃ig (ó vocal) at itó’y may daláng kudlít na banayad ó salakót,
at sakâ inangkupán sa hulí ng̃ in ó an ay dapat magtagláy ng̃
dalawáng kudlít kailan ma’t ang pagbigkás ay idinidiín sa dalawá;
hal.: likhâín, lupàín, lapìán, atbp.
G. ¿Mayroón bagá sa mg̃a salitâ natin na nagtatagláy ng̃ tatlóng
kudlít?
N. Mayroón pò, at ang tuntuning dapat pagbatayá’y itóng mg̃a sumúsunód:
Una.--Lahát ng̃ mg̃a salitâng may tatlóng pantíg na idinidiín sa
tatlóng ting̃ig (ó vocal) ay dapat magtagláy ng̃ tatló ring kudlít;
hal.: tálâán, túlâín, at ibá pa. Dapat matantô, na ang mg̃a
salitâng paris nitó ay kákauntî lamang sa ating wikà.
Ikalawá.--Lahát ng̃ mg̃a salitâng may apat ó limáng pantíg na
idinidiín sa mg̃a itó (ó palabras sobresdrújulas) na sa pagbigkás ay
may tatlóng diín ay dapat magdalá ng̃ tatlóng kudlít, upáng unauna’y
mákilala ang tunay na pagbigkás at ikalawá’y nang huwág maipagkamalî
sa kapwà salitâ na may ibáng kahulugán; hal.: pámahalàán,
páng̃asiwàán, pámunùán, at ibá pa.
TALABABÂAN
[36] Ang sino mang ibig makatantô ng̃ mg̃a tuntunin sa pagdidiíng itó
sa hulíng pantíg, ay kailang̃ang tunghán ang bahagi ng̃ Pagbigkás
nang náuukol sa pagdidiín (ó acento prosódico).
[37] Marami ang nagbabago sa kudlít na salakót sa mg̃a ganitóng
salitâ at hinahalinhán ng̃ kudlít na mariín, sapagkâ’t anilá’y ang
pagbigkás ay tugmâ sa hulíng kudlít na itó paris ng̃ masamâng tao
sa halimbawà. May katwiran din sana ang mg̃a sumusulat ng̃ ganitó,
dang̃an lamang ang bagay na itó’y bukód sa makasisirà sa talagáng
pinagmulán ng̃ salitâ ay maáarìng mapagkamalán sa ibáng pang̃ung̃usap.
VI KABANATA
Sa mg̃a pang̃ulong tandâ ng̃ pagsulat
GURÒ. ¿Alín ang mg̃a pang̃ulong tandâ sa pagsulat na ginágamit sa
Wikàng Tagalog?
NAG-AARAL. Itóng mg̃a sumúsunód: pangtigil ó COMA (,); _tuldók at
pangtigil_ ó PUNTO Y COMA (;); dalawáng tuldók ó DOS PUNTOS (:);
tuldók ó PUNTO FINAL (.); pangsugpóng tuldók ó PUNTOS
SUSPENSIVOS (...); pangtanóng ó INTERROGACIÓN (¿?); at pangtaká
ó ADMIRACIÓN (¡!).
G. ¿Bakit ginágamit ang mg̃a tandâng itó sa pagsulat?
N. Ginágamit ang mg̃a tandâ ng̃ pagsulat, magíng pang̃ulo at magíng
pangtulong sa nasàng lumiwanag at makapagbigáy ng̃ magandáng tunóg
sa mg̃a pang̃ung̃usap at pananalaysáy, hatìin at paghiwáhiwalayín
ang ibá’t ibáng panig na bumubuô sa kanyá. Kung sa pamamagitan
namán ng̃ pang̃ung̃usap ó pagtatalumpatì ay ginaganáp ang gayóng
pagbabahábahagi at paghihiwáhiwaláy sa paraáng kung minsa’y humintô
at magpatulóy ang nang̃ung̃usap, kung minsa’y humabà at umiklî at
kung minsa’y tumaás ó bumabà ang tunóg ó tinig.
ANG PANGTIGIL (Ó COMA)
G. ¿Bakit ginágamit ang pangtigil?
N. Ginágamit ang tandâng itó sa pagsulat, upáng hatìin ang mg̃a
pang̃ung̃usap ó pangkát na maíiklî ng̃ isáng kaisipán. Ang salitâng
kinaroroonán niyá’y dapat tigilan ó hing̃aháng sumandalî.
G. ¿Kailán dapat gamitin ang pangtigil?
N. Dapat gamitin sa mg̃a tuntuning sumúsunód:
Una.--Sa una at hulihán ng̃ pang̃alang tao ó bagay na siyáng
kinakausap, hal.: Hoy, Teto; Binong, halika; _Ibig ko sana,
Ninoy, na akó’y dinggín mo_.
Ikalawá.--Upáng paghiwáhiwalayín ang mg̃a salitâng magkakásunód
at magkakáparis ang kahulugán kung walâng anó mang pangbigkís (ó
conjunción) na naglakip; hal.: _Ang bayan ay siyáng tukod, lakás,
buhay, diwà ng̃ mg̃a tao._ _Ang mg̃a pilipino’y mararang̃ál,
marurunong, magigitíng at bihasá._
Ikatló.--Sa una at hulihán ng̃ mg̃a kaisipán (ó oración) na
salítsalít ó pagkakátaóng mangyari, hal.: “Si Balagtás, ang dakilàng
anák ng̃ Pang̃inay, ay siyáng harì ng̃ mg̃a mánanagalóg.” “Ang
mg̃a darakilàng aklát ni Rizal, kung akó’y may salapî lamang, ay
bibilhín ko.” “Pagkátapos kong mag-aral, sakalìng hindî mahihintô,
ay maglalakbáy akó sa Amérika.” “Ang Pilipinas, kung dî akó malî,
ay tinuklás ni Magallanes”.
Ikapat.--Sa unahán ng̃ mg̃a salitâng ng̃unì, dátapwâ, subalì,
palibhasà, baga man, kundî, gayón man, dang̃an, disin,
atbp., kung hindî lubhâng malawig ang pang̃ung̃usap; hal.: “Si
Lucio’y pinagsadyâ ko, ng̃unì’t dî ko inabutan.” “Isáng talumpatìng
maiklî, dapwâ’t malamán at maring̃ál.” “Si Kikò’y hindî maghihirap,
palibhasà’y maraming salapî”.
Kung lubhâng mahabà na ang isáng pang̃ung̃usap ó salaysáy ay
nilálagyán ng̃ tuldók at pangtigil (ó punto y coma); hal.: “Huwág
tayong lubós na magpapaniwalâ at magpapakiníg sa mg̃a katakata at
pamápamahìin ng̃ ating matatandâ; ng̃unì’t kung mabubuting aral at
maháhalagáng turò ay ating dinggín nang lubhâng mataós sa ating mg̃a
pusò.”
Hindî dapat lagyán ng̃ pangtigil ang mg̃a salitâng buô at maiklî,
hal.: Si Luis ay marunong; si Lucio ay dukhâ; _mayamaya ay
áalís akó_.
ANG TULDÓK AT PANGTIGIL (Ó PUNTO Y COMA)
G. ¿Bakit ginágamit ang tuldók at pangtigil?
N. Ginágamit ang tandâng itó sa maháhalagáng salaysáy ó pang̃ung̃usap
na hindî pa buô ang talagáng kahulugán, upáng mapatang̃ì sa ibáng
mg̃a tandâ gaya ng̃ pangtigil. Sa mg̃a salitâng kinaroroonán niyá’y
dapat tumigil ó huming̃áng matagaltagál, higít sa paghing̃áng
ginagawâ sa pangtigil.
G. ¿Kailán dapat gamitin ang tuldók at pangtigil?
N. Dapat gamitin sa mg̃a panutong sumúsunód:
Una.--Kapág lubhâng mahahabà ang ibá’t ibáng panig ng̃ mg̃a
pang̃ung̃usap, at ang mg̃a itó’y pinaglalakiplakip, ó kayâ’y kapág
ang ibáng salitâ’y may tagláy nang pangtigil. Halimbawà: “Ang mg̃a
pilipinong pinang̃ung̃uluhan ni Bonifacio ay nákitunggalî ng̃ buông
siglá, ng̃ buông pusò at buông buhay; hindî inalintanà ang init, ang
lamíg, ang gutom at ang uhaw; hindî inalala ang kaniláng mg̃a iná,
asawa at anák; at hindî ginunitâ ang bahay at pag-áarì, ang buhay
at pamumuhay sa hang̃ád na máitanggól ang puri at dang̃ál ng̃ Ináng
Bayan.”
Ikalawá.--Sa unahán ng̃ mg̃a pangbigkís (ó conjunción) ng̃unì,
dátapuwâ, palibhasà, gayón man, atbp., kung ang mg̃a
pang̃ung̃usap na magkakáhiwaláy ay may kahabaàn. Halimbawà: “Malabis
ang pagmámahál natin sa sariling lahì at masugíd na pinagsusumikapan
ang kanyáng ikasúsulong at ikadadakilà; ng̃unì’t kasakitsakit ang
mg̃a nangyayari kung magugunitâng ang ilán ay hindî na nakakátulong
bagkús nakakáhambalang pa sa ating matuling paglakad.”
Ikatló.--Upáng paghiwáhiwalayín ang ibá’t ibáng panig ng̃
pang̃ung̃usap, baga ma’t náuuwî rin sa kahulugáng pinanggagaling̃an.
Halimbawà: “Kamalig na kugong may apat na sulok na parisukát;
gadipâng pasibi sa kaliwâng panig at gatatlóng dangkál na panambíl
namán sa tatló pang bálisbisan; balag sa harapáng pulós na dahong
tuyô ang nandadalang na habong; isáng pagápagahang halos dikít na
sa bubung̃án ng̃ kamalig, táhanan ng̃ may arì ó bantáy-batis, at
kinasasandigán ng̃ isáng mahabàng hagdanang kawayan....” _Banaag at
Sikat_.
ANG DALAWÁNG TULDÓK (Ó DOS PUNTOS)
G. ¿Bakit ginágamit ang dalawáng tuldók?
N. Ang tandâng itó’y ginágamit upáng mákilala ang mg̃a pang̃ung̃usap
na buô ó may sariling kahulugán. Sa kinaroroonán niyá’y dapat tumigil
ó huming̃á ng̃ malaon, mahigít sa kalaunang ginagawâ sa tuldók at
pangtigil.
G. ¿Kailan dapat gamitin ang dalawáng tuldók?
N. Dapat gamitin sa mg̃a ganitóng panuto:
1.--Bago bumanggít ng̃ mg̃a salitâng sinipì, hal.: _Sinaád ni Rizal
na: Ang wikà ay káluluwá ng̃ bayan_.
2.--Pagkátapos ng̃ unang batì ó galang sa mg̃a sulat, hal.: _Mahál
na Ginoó: Tinanggáp ko ang inyóng liham...._
3.--Sa hulihán ng̃ mg̃a salitâng halimbawà, paghalimbawà.
4.--Sa mg̃a pasiyá, palagáy, kautusán, atbp., pagkátapos másabi
ang dahilán ó saligán; hal.: _Akóng nakalagdâ sa ibabâ nitó’y
nagsasabi: Na...._
5.--Sa unahán ng̃ mg̃a salitâng pangtapós sa mg̃a salitâng náuná;
hal.: “Namalas ko kagabí si Lucio: maring̃ál ang suút at makisig
paris ng̃ dati.”
6.--Pagkátapos ng̃ isáng makabuluháng palagáy ó paghahakà kayâ na may
sarili nang kahulugán, at sinusundán pa ng̃ ibá’t ibáng pang̃ung̃usap
upáng humabà kayâ, lumiwanag ó patotohanan ang gayóng paghahakà.
Halimbawà: “Walâ nang makapangyarihan sa Sangsinukob paris ng̃
sandata: siyá ang nagguguhô sa lalòng matitibay na bayan; siyá ang
nagwawalat sa lalòng magagaràng kutà; siyá ang naggigibâ sa lalòng
maririkít na kaharìan at siyá ang pumupuksâ sa lalòng matatapang at
mababang̃ís na kaaway.”
ANG TULDÓK (Ó PUNTO FINAL)
G. ¿Bakit ginágamit ang tuldók?
N. Ang tandâng itó’y ginágamit upáng mákilala na ang salitâng
kinaroroonán niyá’y may ganáp na kahulugán. Alín mang salitâng may
tagláy na tuldók ay dapat tumigil ng̃ malaon, upáng huwág mápalahók
sa mg̃a salitâng sa kanyá’y sumúsunód.
G. ¿Kailán dapat gamitin ang tuldók?
N. Dapat gamitin sa mg̃a sumúsunód:
Una.--Sa mg̃a salitâng may ganáp na ganáp na kahulugán. Halimbawà:
“Naníniwalà akóng lubós na may isáng Lumaláng na siyáng lumikhâ sa
araw, buwán, lupà, tubig, ilaw, tao, hayop, atbp. Naníniwalà rin
akó na ang Lumikhâng iyá’y karunungdunung̃an, makapangyarihan at
maawàin. Ng̃unì’t kung pagkurúkurùin ko ang kanyáng pagkálaláng ay
malinaw kong naháhagilap sa isip na hindî mandín tumpák.”
Ikalawá.--Sa mg̃a salitâng daglî (ó abreviado) upáng mákilalang
ganitó, hal.: Bb., Kgg., G., at ibá pa.
ANG PANGSUGPÔNG TULDÓK (Ó PUNTOS SUSPENSIVOS)
G. ¿Saán ginágamit ang pangsugpông tuldók?
N. Ang pangsugpông tuldók ay ginágamit kailan ma’t ang isáng
pang̃ung̃usap ay naputol ó kayâ’y hindî buô. Ang kinaroroonán niyá’y
dapat na tumigil ng̃ sumandalî, gaya ng̃ ginagawâ sa pangtigil.
G. ¿Kailan dapat gamitin ang pangsugpông tuldók?
N. Dapat gamitin sa mg̃a ganitóng tuntunin:
1.)--Sa mg̃a salitâng hindî buô at parang násugpô ang talagáng
kahulugán, hal.: “Ang tao’y nagmumulâ sa muntî, umúunlád, lumalakí,
tumatandâ at pagkátapos... ay namámatáy.”
2.)--Kapág ang pang̃ung̃usap ay may buông kahulugán, ng̃unì’t
kailang̃ang tumigil upáng mákilala ang takot, pag-áalinlang̃an ó
pangyayaring hindî ináasahan; hal.: “Pinaratang̃an akóng nagnakaw,
ng̃unì’t... kabulàanan ang ganitó.”
3.)--Kapág pinababayàan ó ináalís ang isáng panig sa pagsipì ng̃ iláng
pang̃ung̃usap. Halimbawà: “Saán man may mámumuhunán at manggagawà,
may may lupà at magsasakâ, pang̃inoón at alilà, mayaman at dukhâ;
ang aral ng̃ Sosialismo ay kailang̃an....” Banaag at Sikat.
4.)--Ang mg̃a salitâng pahikbíhikbí, pautálutál ó paputólputól.
Halimbawà: “A... akó’y tu... tubò sa... ba... bayan ng̃... Sam...
Sampi... piro.”
ANG PANGTANÓNG (Ó INTERROGACIÓN)
G. ¿Bakit ginágamit ang pangtanóng?
N. Ang tandâng itó’y ginágamit upáng mákilala ang tunóg ng̃
pagtatanóng.
G. ¿May iláng hugis ang tinurang tandâ?
N. Dalawá: isá’y pangsimulâng tanóng (¿) at ang ikalawá’y panghulíng
tanóng (?).
G. ¿Ginágamit ba ang dalawáng itó sa íisáng pang̃ung̃usap lamang?
N. Oo pò. Halimbawà: ¿Saán ka paroroón?; ¿Saán ka galing? Gayón ma’y
dapat matantô, na maáarì ring gamitin ang isá lamang at ang isáng
itó’y ang panghulíng tanóng; hal.: Sino ka? tao ka ba ó hayop?
G. Sa likód ng̃ panghulíng tanóng na may salitâng sumúsunód, ¿itó
ba’y dapat magtagláy ng̃ malakíng titik?
N. Kung ang pagtatanóng ay maiklî, ang salitâng sumúsunód ay dî
dapat magtagláy ng̃ malakíng titik; hal.: _Ináng, ¿nagagalit ka ba
sa akin? ¿nagtatampó ka na ba?_ Ng̃unì’t kung mahabà na’y kailang̃an
nang magtagláy ng̃ malakíng titik; hal.: ¿Sino sa atin ang lalòng
pang̃ahás sa ikáw ay gumawâ at sukat nang walâng kapahípahintulot?
¿Sino sa atin ang dapat bagsakán ng̃ sisi at kapulâan sa ikáw ang
siyáng may kagagawán sa lahát ng̃ nangyari?
ANG PANGTAKÁ (Ó ADMIRACIÓN)
G. ¿Saán gamit ang pangtaká?
N. Ang tandâng itó’y gamit sa mg̃a pang̃ung̃usap na may pagdaíng ó
pagtataká.
G. ¿Iláng hugis mayroón ang pangtaká?
N. Ang pangtaká ay may dalawáng hugis: pangsimulâ (¡) at panghulí (!).
G. ¿Dapat bagáng gamitin ang dalawáng itó sa isáng pang̃ung̃usap?
N. Opò. Halimbawà: ¡Anóng hirap ng̃â namán ng̃ mabuhay! ¡Akó’y
talagáng sawîng palad!
G. ¿Anó ang karaniwan nang gamitin?
N. Sa mg̃a salitâng maíiklî ay karaniwang gamiti’y ang panghulí
lamang, hal.: Ah! Oh! Abá! Ikáw palá! Sa mg̃a pang̃ung̃usap
na lubhâng mahabà ay dapat gamitin ang dalawá; hal.: ¡Anóng
pagkarikítdikít pagmasdán ang buwán kung itó’y maningníng na
maningníng sa karurukan ng̃ lang̃it at kasalásalamuhà ng̃ mg̃a talà
at bituwín! ¡Anóng pagkasayásayá ng̃ araw kung sa Silang̃ana’y
untîuntîng nagsasabog ng̃ kanyáng mg̃a sinag at nagpapalaganap ng̃
kanyáng magandáng liwanag!
G. ¿Mayroón bang pang̃ung̃usap na ginágamitan ng̃ pangtanóng at
pangtaká?
N. Mayroón ng̃â pòng pang̃ung̃usap na ginágamitan ng̃ dalawáng tandâ;
sa malinaw na sabi’y ginágamit sa una ang pangtanóng at sa hulí’y
pangtaká ó kayâ’y magkabaligtaran (viceversa). Halimbawà: ¿Anóng
kinálamán ng̃ tao sa karunung̃an ng̃ Dios! ¡Anóng kabuhayan kayâ
itóng nangyayari sa atin?
G. ¿Anó ang pinapayagang gamitin sa ating wikà?
N. Sa wikà nati’y pinapayagan ang paggamit ng̃ dalawáng tandâng
tinuran sa hulihán ng̃ isáng salitâ at nagsusulit ng̃ pag-áalinlang̃an;
hal.: diyata!? akó!? na, ang tunóg ng̃ pangtanóng at pangtaká
ay naglalakip.
VII KABANATA
Sa mg̃a pangtulong na tandâ ng̃ pagsulat
GURÒ. ¿Alínalín namán ang mg̃a pangtulong na tandâ sa pagsulat na
ginágamit sa ating wikà?
NAG-AARAL. Ang mg̃a sumúsunód: kulóng ó PARÉNTESIS (), tuldík ó
COMILLAS (“”), panandâ ó APÓSTROFO (’), guhit ó RAYA (--) at
panghatì ó GUIÓN (-).
G. ¿Kailán dapat gamitin ang kulóng (ó paréntesis)?
N. Ginágamit ang kulóng kailan ma’t pinuputol ang kabuùan ng̃ isáng
pang̃ung̃usap ó salaysáy ng̃ mg̃a salitâng pangpaliwanag. Halimbawà:
“Ang mg̃a nakagugulantáng na digmâan (na sapúl noóng araw ay naghaharì
na at hanggá ng̃ayón) ay isá sa mg̃a pagkásulong at kabihasnáng
itinuturing ng̃ Sangkatauhan.” “Ang Dagat na Pulá (Mar Rojo) ang
siyáng diumanó’y dinaanán ni Moisés.”
Kapág ang pang̃ung̃usap ay maiklî, sa lugál na kulóng ang gamitin
ay pangtigil ang inihahalili. Halimbawà: “Si Luis, na kaibigan ko,
ay naglakbáy sa Tayabas.”
G. ¿Saán ginágamit ang tuldík (ó comillas)?
N. Ang tuldík ay siyáng ginágamit sa una at hulí ng̃ mg̃a salitâng
sinipì, lalòng lalò na kung mahabà. Halimbawà: Sinabi sa _Noli me
tángere_ ni Rizal: “Walâng ibáng iníisip ang mg̃a binatà natin kundî
ang pag-ibig at paggagalák: maraming panahón ang kaniláng ginugugol
at gumagawâ ng̃ walâng puknát upáng madayà at masiràán ng̃ puri ang
isáng dalaga kay sa mag-isip ng̃ ikagagalíng ng̃ kanyáng bayan”.
Ginágamit din ang tuldík upáng ihalili sa titik na tumbá (letra
cursiva) ó kayâ’y nang mápabukód sa ibáng pang̃ung̃usap. Halimbawà:
“Tinátawag na “bayan” (ó bayan) ang binubuô ng̃ maraming tao.”
G. ¿Saán dapat gamitin ang panandâ (ó apóstrofo)?
N. Ang panandâ ay siyáng isinising̃it sa dalawáng salitâng
pinagduduób, at siyáng ginagawâng tandâ upáng mákilala na ang
kanyáng kinaroroná’y may inalís na isá ó dalawáng titik. Halimbawà:
Akó’y dukhâ sa lugál na akó ay dukhâ; _Ang kasilang̃ana’y siyáng
sinisikatan ng̃ Araw_ sa lugál na isulat na _Ang kasilang̃anan ay
siyáng sinisikatan ng̃ Araw_.
G. ¿Saán gamit ang guhit (ó raya)?
N. Ang guhit ay siyáng tandâng ginágamit sa mg̃a pag-uusap, kailan
ma’t nagbabago ang nang̃ung̃usap. Halimbawà ang sumúsunód na sálitâan:
--Tayo’y kinakailang̃ang magsikap--ang sabi ng̃ isá.
--Sa anó?--ang usisa ng̃ ikalawá.
--Bah! parang hindî mo batíd na tayo’y naghihirap.
Ginágamit din ang guhit sa unahán at hulí ng̃ mg̃a salitâng
pasalítsalít, hal.: “Dapat alalahanin--ang wikà ni Voltaire--na ang
madlâng bayang banság at kilalá... ay pinamamahalàan ng̃ mg̃a aklát.”
VIII KABANATA
Ang panghatì at ang paraán ng̃ pagkakabahábahagi ng̃ mg̃a pantíg
GURÒ. ¿Anó ang ibig ipakilala ng̃ panghatì (ó guión)?
NAG-AARAL. Ang panghatì ay siyáng nagpapakilala na ang isáng
pang̃ung̃usap ay hindî buô.
G. ¿Paano ang mabuting paraán ng̃ pagbábahagi?
N. Kung tayo’y sumusulat, at sakalìng mangyari na sa katapusán
ng̃ isáng talatà (ó renglón) ay hindî magkahustó ang isáng buông
pang̃ung̃usap, itó’y kinakailang̃ang hatìin sa hustó ó buông pantíg
upáng malagáy ng̃ tumpák; hal.: na-sa, bug-tóng, pa-la-gáy,
á-na-san.
G. ¿Tumpák bagá ang pagbábahaging ganitó na ang isáng ting̃ig (ó
vocal) ng̃ isáng salitâ ay mátirá sa isáng talatà?
N. Ang mg̃a salitâng nagsisimulâ ó nagtatapós sa ting̃ig (ó vocal),
ang ting̃ig na itó’y dî dapat ilagáy na siyáng siyá lamang magíng sa
una at magíng sa hulí ng̃ talatà. Halimbawà ang salitâng a-ba-ka-dá
ay hindî tumpák kung ilálagáy ang a- sa katapusán ng̃ talatà (ó
línea) at ang ba-ka-dá ay sa kabilâ namán. Gayón din ang sukat
másabi hinggíl sa salitâng to-to-ó: itó’y hindî dapat hatìin sa
toto sa talatàng katapusán at ang ó ay sa kabilâ namán.
G. ¿Paano ang pagbábahagi sa mg̃a salitâng ugát?
N. Ang mg̃a salitâng ugát (ó raíz) ay dî dapat hatìin katulad ng̃
ginagawâ sa mg̃a salitâng kastilà, kundî ang nátutumpák ay hatìin
paris ng̃ sa ating pagbigkás. Halimbawà: tuk-lóng, kud-lít,
pat-láng, at ibá pa, at hindî tu-klóng, ku-dlít, pa-tláng.
G. ¿Paano ang tumpák na paghahatì sa mg̃a salitâng binawasan (ó
sincopado)?
N. Ang mg̃a salitâng binawasan na lubhâng marami sa sariling wikà,
gaya ng̃ matwíd, agwát, takwíl, kálulwá, kalwalhatian, atbp.
ay dapat paghatìhatìin ng̃ ganitó: mat-wíd, ag-wát, tak-wíl,
ká-lul-wá, atbp.
G. ¿Paano ang mabuting pagbábahagi sa mg̃a salitâng pinag-angkóp?
N. Ang mg̃a salitâng pinag-angkóp sa pamamagitan ng̃ mg̃a anyô (ó
partícula) gaya ng̃ pag, mag, at ibá pa ay dapat hatìin nang
huwág masisirà ang ganitóng pagkakahiwáhiwaláy; hal.: pag-a-sa,
pag-i-big, mag-i-sip, mag-a-ka-la.
IX KABANATA
Ukol sa pagsulat ng̃ iláng salitâ[38]
GURÒ. ¿Paano ang pagsulat ng̃ ng̃?
NAG-AARAL. Itóng ng̃ ay salitâng daglî (ó abreviatura) ng̃ nang,
na pinagkaraniwanan nang gawíng gayón. Dapat mabatíd na ang ng̃ ay
isinusulat ng̃ ganitó kailan ma’t pang-ukol (ó preposición). Kung
pangbago (ó adverbio) ay dapat isulat ng̃ nang na nakákatumbás ng̃
noón ó niyón, at dî dinaglî (ó abreviado) ng̃. Gayón din ang
dapat gawín kapág náuukol sa pangbigkís (ó conjunción) na nakákatumbás
ng̃ upáng. Isinusulat din ng̃ nang kailan ma’t binubuô ng̃ na
at ng̃ pang-anib (ó ligazón) ng.
G. ¿Paano ang pagsulat ng̃ mg̃a?
N. Ang mg̃a ay karaniwan nang isulat ng̃ ganitó. Siyá’y salitâng
daglî (ó abreviatura) ng̃ mang̃a.
G. ¿Alín ang tuntunin sa pagsulat ng̃ anyông mag?
N. Ang mag ay dapat lagyán ng̃ isáng panghatì (ó guión) kailan
ma’t iniáangkáp sa mg̃a ugát na nagpapásimulâ sa ting̃ig (ó vocal)
na tumutukoy sa anó man, magíng sa pangwatas at magíng sa pangdiwà;
gaya ng̃ mag-ahit, mag-aral, mag-isip, mag-amá, mag-iná.
Kung ang ugát ay nagpapásimulâ sa pangtinig (ó consonante) ay dî
dapat pagitnâan ng̃ isáng panghatì (ó guión), hal.: magtulóy,
magpasok, magsaing.
G. ¿Alín ang panutong sinúsunód sa pagsulat ng̃ mang?
N. Itóng anyông mang ay dapat gawíng mang̃ pagkâ iniangkáp sa
ugát na nagpapásimulâ sa ting̃ig (ó vocal), gaya ng̃ mang̃isdâ,
mang̃utang. Kung nagpapásimulâ sa pangtinig (ó consonante) ay
dî dapat baguhin, gaya ng̃ manghuli, manghanap. Dapat alamíng
sa anyông mang ay nagkakábagobago ang pásimulâng titik ng̃ ugát
sang-ayon sa tuntuning sinúsunód sa kanyáng kabanatang kinaúukulan.
G. ¿Alín ang mg̃a tuntunin sa pagsulat ng̃ pag?
N. Kung itó’y iáangkáp sa anó mang ugát na nagpapásimulâ sa ting̃ig (ó
vocal) ay dapat lagyán ng̃ isáng panghatì (ó guión) sa ikalíliwanag
ng̃ pagsulat at ikalálayô sa kamalìán, gaya ng̃ pag-isahín,
pag-awayan, pag-ibig, pag-asa, pag-inís. Kung nagpapásimulâ
namán sa pangtinig (ó consonante) ay hindî kailang̃an ang panghatì,
gaya ng̃ pagsaing̃an, paglayùin, pagsulong, pagkuskós,
pagtugtóg. Ng̃unì’t kung ang pag ay náuukol sa pangbigkís (ó
conjunción) ay dapat ihiwaláy sa anó mang salitâng sumúsunód, hal.:
Pag ikáw ay naglarô ay papaluin kitá, _pag lumapit ka ay bibigyán
kitá ng̃ puto_.
G. ¿Alín ang pátakarán sa pagsulat ng̃ pang?
N. Kung tumutukoy sa pangwatas at iáangkáp sa ugát na nagpapásimulâ
sa ting̃ig (ó vocal) ay dapat gawíng pang̃, gaya ng̃ pang̃isdâín,
pang̃utang̃an. Kung bumabanggít namán sa pangdiwà at iáangkáp
sa ugát na nagpapásimulâ sa ting̃ig din ay dapat pagitnâan ng̃
isáng panghatì, gaya ng̃ pang-angkóp, pang-anib, pang-alíw,
pang-ahit. Kung ang ugát namá’y nagsisimulâ sa pangtinig (ó
consonante), tumukoy man sa pangwatas ó sa pangdiwà ay hindî
dapat baguhin, gaya ng̃ panghulihan, pangbató. Dapat alamíng
nagkakábagobago ang mg̃a unang titik ng̃ mg̃a ugát sang-ayon sa
mg̃a tuntunin nitóng anyông pang na itinakdâ sa mg̃a kabanatang
nang̃auná.
G. ¿Paano ang pagsulat ng̃ pagka?
N. Itó’y dapat idikít ó isiping sa ugát kailan ma’t tumutukoy sa
pangdiwà ang kahulugán, kahì’t na siyá’y magpasimulâ sa ting̃ig (ó
vocal) at pangtinig (ó consonante), gaya ng̃ pagkaanák, pagkaáso,
pagkatakot, pagkahulog. Kung ang kátuturán ng̃ pagka ay náuuwî
sa pangbigkís (ó conjunción) ay dapat ihiwaláy, hal.: _Pagkâ dinampót
mo itó ay kagagalitan kitá_; _pagkâ akó ang tinátawag mo’y sasagót
akó agád_.
G. ¿Paano ang pagsulat ng̃ kapág at kapagkâ?
N. Ang dalawáng itó’y dapat isulat na hiwaláy sa mg̃a salitâng sa
kanyá’y sumúsunód.
G. ¿Paano ang pagsulat ng̃ kung?
N. Itó’y dapat isulat na hiwaláy sa mg̃a salitâng sumúsunód sa kanyá.
Itóng kung ay dapat isulat ng̃ ganitó, at hindî kun sapagkâ’t
itó’y garíl kung ibábatay din lamang sa ating pagbigkás.
G. ¿Alín ang tuntunin sa pagsulat ng̃ kung dî at kundî?
N. Ang kung dî (dalawáng salitâ) ay isinusulat ng̃ ganitó kung
pangbago (ó adverbio), at ang kundî (isáng salitâ) ay ganitó dapat
isulat kung pangbigkís (ó conjunción).
G. ¿Alín ang pátakarán sa pagsulat ng̃ man din at mandín?
N. Ang man din (dalawáng salitâ) ay ginágamit sa pagpápatibay, hal.:
sinunód ko na ang mg̃a iniutos at akó pa MAN DIN ang pinarusahan.
Ang mandín (isáng pang̃ung̃usap) ay ginágamit sa pag-áalinlang̃an,
hal.: tila MANDÍN ikáw ang tinátawag at hindî akó.
G. ¿Paano ang pagsulat ng̃ may?
N. Ang pagsulat nitó’y dapat ihiwaláy sa mg̃a pang̃ung̃usap na
kanyáng kasunód, kahì’t na itó’y magsimulâ sa ting̃ig ó pangtinig,
gaya ng̃ may arì, may bahay, may tao, may salapî, at hindî
mayarì, maybahay, maytao, atbp. gaya ng̃ gawâ ng̃ ilán.
G. ¿Paano ang pagsulat ng̃ man?
N. Itóng man ay dapat isulat na hiwaláy sa anó mang pang̃ung̃usap
na sa kanyá’y náuuná, gaya ng̃ sino man, anó man, alín man,
baga man, akó man, si Luis man.[39]
G. ¿Paano ang pagsulat ng̃ pa?
N. Dapat isulat itóng hiwaláy sa mg̃a salitâng náuuná sa kanyá, gaya
ng̃ anó pa, akó pa, ikáw pa, siyá pa.
G. ¿Paano ang pagsulat ng̃ mg̃a salitâng dambál (ó doble)?
N. Ang mg̃a salitâng dambál ay isinusulat ng̃ íisá ó magkasiping
kailan ma’t hindî pinamagitanan ng̃ pang-anib (ó ligazón) g at
ng gaya ng̃ isáisá, ilanilan, anóanó, alínalín, sinosino,
samasama, pisanpisan, dikítdikít. Ng̃unì, kung pinamagitanan
ng̃ pang-anib g at ng ay dapat paghiwalayín ó gawíng dalawá upáng
gumandá ang pagkakáhanáy, umiklî ang mg̃a pang̃ung̃usap at sa biglâng
masíd ng̃ isáng bumabasa ay huwág makalitó sa paning̃ín, gaya ng̃
masamâng masamâ, mabuting mabuti, maraming marami, _malakíng
malakí_. Kung mg̃a salitâng ang inúulit ay ang hulíng dalawáng pantíg
ó kayâ’y ang ugát ay dapat pag-isahín, gaya ng̃ nagkislápkisláp,
nagtunógtunóg, nagting̃inting̃in, nagmalasmalas.
TALABABÂAN
[38] Minárapat kong maglagáy ng̃ isáng kabanata na náuukol sa mg̃a
paraán ó hugis ng̃ pagsulat ng̃ iláng salitâng tagalog, upáng
malunasan ang pagkakáibáibáng nangyayari ng̃ayón na ibinubung̃a ng̃
kawalán ng̃ tuntuning dapat sundín ng̃ mg̃a nagsisisulat. Ang mg̃a
tuntuning nalálagdâ sa bagay na itó ay násasalig sa ating katutubòng
pagbigkás at sa mg̃a panutong sinúsunód sa Balarilà.
[39] Hindî kákauntî ang nápupuná kong sumusulat ng̃ sinoman,
anoman, alínman na ang man ay idinidikít. Sa ganáng hakà ko’y
hindî tumpák ang ganitóng pagsulat.
X KABANATA
Tungkól sa mg̃a salitâng hirám[40]
GURÒ. ¿Marapat ba tayong humirám sa ibáng wikà ng̃ iláng pang̃ung̃usap?
NAG-AARAL. Oo pò, kinakailang̃an ng̃â natin ang panghihirám, sapagkâ’t
kung totoó mang ang Wikàng Tagalog ay isáng salitâng lubhâng mayaman
sa mg̃a katutubòng ting̃ig ay totoó rin namáng may iláng pang̃ung̃usap
na walâ sa atin ng̃unì’t lubhâng kailang̃an.
G. ¿Alíng wikà ang dapat hiramán?
N. Sang-ayon sa kasalukuyang nangyayari, ang wikàng kastilà ay siyáng
híhiramán natin ng̃ mg̃a salitâng kailang̃an, sapagkâ’t dito náhubog
ang ating dilà nang lubhâng mahabàng panahón, at kung walâ sa kastilà
ay sa inglés, na, ng̃ayó’y untîuntîng nánasok ó ipinapasok sa ating
isipán at kung walâ sa inglés ay sa ibáng wikà namán.
G. ¿Paano ang gagawíng panghihirám?
N. Ang panghihirám na ating gagawín ay dapat másalig sa dalawáng
urì: salitâng hirám na áarìin at salitâng hirám na isasáulî.[41]
G. ¿Anó ang ibig sabihin ng̃ salitâng hirám na áarìin?
N. Salitâng hirám na áarìin, ibig sabihi’y ang mg̃a hinirám na
pang̃ung̃usap na iáayon sa katutubòng pagsulat ng̃ ating wikà.
Halimbawà: Espanya, Heograpía, Pilosopía, Hulio, Huan,
Paskual, at ibá pa.
G. ¿Anó namán ang kátuturán ng̃ salitâng hirám na isasáulî?
N. Salitâng hirám na isasáulî, ibig sabihi’y huwág nang baguhin ang
pagkakásulat sang-ayon sa pinanggaling̃an; hal.: España, Japón,
Gramática, Retórica, Zamora, zarzuela atbp.
G. Sa ating pagsulat, ¿alín sa dalawá ang lalòng mabuting gamitin?
N. Ang paggamit sa salitâng hirám na isasáulî ay lubhâng malayà sa
isáng sumusulat; álalaón bagá’y ang máibigang gawín ng̃ sino man.
G. ¿Dapat bagá tayong humirám sa ibáng wikà ng̃ isáng pang̃ung̃usap
samantalàng sa ati’y mayroón namán?
N. Kung ang isáng salitâng hihirami’y mayroón din namán sa ating
katumbás, hanggá’t maáarì’y hindî dapat gamitin ang náturang salitâng
hirám. Halimbawà: ang salitâng Teatro, hanggá’t mangyayari’y huwág
nating gamitin itó sapagkâ’t sa ating wikà ay mayroóng Dúlaan; gayón
ang Pámahalàán sa Gobierno, ang Panánarilí sa Independencia,
ang Páaralán sa Colegio ó Escuela, at ibá pa. Gayón ma’y
mangyayari ring gamitin, lalòng lalò na sa ikalíliwanag ng̃ salitâ,
hal.: dúlaan ó teatro, Pámahalàán ó Gobierno, at ibá pa.
G. ¿Anó ang dapat gawín tungkól sa pag-angkín ng̃ mg̃a salitâ?
N. Ang isáng salitâng hirám na ináangkín na kinagágamitan ng̃ mg̃a
titik na walâ sa atin ay dapat na ihanap ng̃ katumbás, kawang̃ís ó
katalamitam sa sariling wikà.
TALABABÂAN
[40] Sásamantalahín ko sa kabanatang itó ang aking pagpapaliwanag
hinggíl sa pagtatalotalong nangyayari ukol sa mg̃a salitâng hirám.
Lubhâng marami ang nagpápalagáy at sumasang-ayon na ang mg̃a salitâng
hirám ay dapat isulat sang-ayon sa panunulat nating ginagawâ, paris sa
halimbawà ng̃ Pilipinas, Espanya, Amérika, Karlos, atbp. May
marami rin namán ang nagpápalagáy na dapat igalang ang pagkakásulat
ng̃ isáng salitâng hirám; sa katagâng sabi’y huwág bábaguhin ayon sa
pinanggaling̃an, hal.: Filipinas, España, América, at ibá pa. At
pará sa akin, yamang ang isá’t isá ay may katuwirang pinagbábatayán
ay kapuwà ko silá iginalang gaya ng̃ mábabasa sa kabanatang itó.
[41] Ang pagbábahaging itó’y sinipì ko kay G. Eusebio Daluz.
XI KABANATA
Kung paano ang pagpapalít sa Wikàng Tagalog ng̃ mg̃a titik na walâ
sa kanyá
GURÒ. ¿Paano ang pagpapalít sa Wikàng Tagalog ng̃ mg̃a titik na walâ
sa kanyá?
NAG-AARAL. Gaya na ng̃ násabi, ang isáng salitâng dayo na
kinasasangkapán ng̃ mg̃a titik na walâ sa atin ay dapat na ihanap
ng̃ titik na katimbáng, katulad ó katalamitam.
UKOL SA C
G. ¿Anó ang katumbás ng̃ titik na itó sa atin?
N. Ang titik na iyán sa mg̃a salitâng kastilàng ca, co, cu,
ay katumbás sa tagalog ng̃ ka, ko, ku; hal.: vaca, cobre,
cuadro, atbp. ay dapat gawíng baka, kobre, kuadro. Ng̃unì’t
sa mg̃a salitâng ce, ci, ay kawang̃ís ng̃ s sa atin; p. h.:
Cicerón, cédula, céntimo, ay dapat isulat ng̃ Siserón,
sédula, séntimo.
HINGGÍL SA CH
G. ¿Anó ang katumbás ng̃ ch?
N. Ang katumbás na katumbás ng̃ titik na itó sa ati’y ang pagsasama
ng̃ t at s. Halimbawà: China, chapa, chapín, cha,
chicharrón, lancha, chocolate, escabeche, ay dapat gawíng
Tsina, tsapa, tsapín, tsa, tsitsarón, lantsa, tsikolate,
eskabetse.[42]
TUNGKÓL SA F
G. ¿Anó ang kawang̃ís sa atin ng̃ f?
N. Ang titik na itó’y kawang̃ís ng̃ p; kayâ dapat isulat ng̃
Pebo, pilibustero, peria, ripa ang mg̃a salitâng kastilàng
Febo, filibustero, feria, rifa.
UKOL SA J
G. ¿Anó ang katulad nitó sa ating wikà?
N. Ang katulad ng̃ titik na itó ay h. Halimbawà: Japón, jardín,
jamón, jaula, ay dapat isulat na Hapón, hardín, hamón,
haula. Ng̃unì’t kung minsa’y s ang nakákawang̃ís, paris halimbawà
ng̃ salitâng jabón ay dapat gawíng sabón at dî habón.
HINGGÍL SA LL
G. ¿Anó ang katimbáng ng̃ ll sa tagalog?
N. Ang katimbáng ng̃ titik na itó’y ang ly, hal.: cigarrillo,
bachiller, sillón, at ibá pa ay dapat gawíng sigarilyo,
batsilyer, silyón. Kung minsa’y y lamang ang nagigíng katumbás,
hal.: caballo, cebollas, galleta, atbp., ay dapat isulat na
kabayo, sibuyas, gayeta.
TUNGKÓL SA Ñ
G. ¿Anó ang katumbás ng̃ titik na itó?
N. Ang paglalakip ng̃ n at ng̃ y ay siyáng nakákatumbás ng̃ ñ.
Halimbawà: España, puñál, cañón, cáñamo, pañoleta, atbp. ay
dapat gawíng Espanya, punyál, kanyón, kányamo, panyoleta.
UKOL SA Q
G. ¿Anó ang kawang̃ís ng̃ q?
N. Ang titik na itó sa mg̃a salitâng qua, que, qui, quo,
quu, ay kawang̃ís na kawang̃ís ng̃ ka, ke, ki, ko, ku,
sa ating wikà. Halimbawà’y dapat gawíng kebrado ang quebrado,
kerubín ang querubín, kilógramo ang quilógramo, kiosko
ang quiosco, at ibá pa.
HINGGÍL SA RR
G. ¿Anó ang katumbás nitó sa ating mg̃a titik?
N. Ang mg̃a salitâng hirám na may ganyáng titik ay katumbás lamang
sa tagalog ng̃ r, hal.: Correo, carro, atbp. ay dapat lamang
gawíng koreo, karo.
TUNGKÓL SA V
G. ¿Anó ang katulad sa atin ng̃ v?
N. Nakákawang̃ís nitó ang b sa tagalog, hal.: bintana, berbo,
bapor, bara, atbp. sa lugál na ventana, verbo, vapor,
vara.
UKOL SA X
G. ¿Anó ang katimbáng ng̃ x?
N. Dapat munang matantô na ang titik na itó’y binubuô ng̃ k at
s, at sa tagalog namá’y nakákatimbáng ng̃ ks. Halimbawà, ang
mg̃a salitâng kastilàng Sintaxis, exámen, sexagésima ay dapat
gawíng Sintaksis, eksamen, seksagésima. Ng̃unì’t kung minsa’y
nakákatumbás lamang ng̃ s, hal.: excomulgado, extranjero,
expediente, ay ginagawâng eskomulgado, estranghero, espediente.
HINGGÍL SA Z
G. ¿Anó namán ang katumbás ng̃ z?
N. Ang titik na itó’y katumbás ng̃ s. Halimbawà: Zamora,
zapatos, zarzuela, atbp. ay dapat isulat nang Samora, sapatos,
sarsuela.
TALABABÂAN
[42] Lubhâng marami ang nápapansin kong ang ch ay itinitimbáng
lamang sa s, kayâ kung gawín ang chapa, chapín, lancha,
cha, ay sapa, sapín, lansa, sa, mg̃a salitâng bukód sa
pang̃it ay hindî angkóp sa talagáng kátuturán.
XII KABANATA
Mg̃a salitâng daglî na malimit gamitin sa Wikàng Tagalog
GURÒ. ¿Bakit ginágamit ang mg̃a salitâng daglî (ó abreviatura)?
NAG-AARAL. Ang mg̃a salitâng daglî’y ginágamit upáng mápadalî ang
pagsulat.
G. ¿Dapat bagáng gamitin sa tuwîtuwî na ang mg̃a salitâng daglî?
N. Ang paggamit nitó’y hindî namán sa lahát na kundî sa mg̃a salitâng
kailang̃an lamang na pinahihintulutan ng̃ Balarilà.
G. ¿Marami ba sa wikàng sarili ng̃ mg̃a salitâng daglî?
N. Hindî pò lubhâng karamihan, at ang palasák na ginágamit ay ang
mg̃a sumúsunód:
A.: N.: B.: Anák ng̃ Bayan.
atbp. at ibá pa.
Bb. Binibini.
bhy. bangháy.
blg. bilang.
Bt. Binatà.
kab. kabanata.
Kag. Kágawarán.
Kal. Kalihim.
kap. kapisanan.
K.: K.: K.: Kataastaasa’t Kagalanggalang na Katípunan.
Kgg. Kagalanggalang.
Kin. Kinatawán.
K. P. Kapulùáng Pilipinas.
G. Ginoó (sa lalaki).
GG. Mg̃a ginoó.
Gg. Ginang (sa babae).
Hal. ó hlb. Halimbawà ó halimbawà.
h. n. k. humahalík ng̃ kamáy.
H. K. Hesukristo.
mg̃a mang̃a.
ng̃ nang.
Pg̃lo. Pang̃ulo.
Pg̃lw. Pang̃alawá.
P. H. Pang̃inoóng Hesukristo.
p. h. paghalimbawà.
Sam. Samahán.
S. P. Sangkapulùáng Pilipinas.
Tud. Tudlíng.
PATALASTAS:--Ipagpaumanhín na ng̃ babasa ó ng̃ mag-áaral ang kauntîng
kakulang̃áng nangyari sa pagpápalimbág ukol sa kákapusán ng̃ mg̃a
titik na tumbá (ó letra cursiva) ng̃ Limbagan.
Ipagpaumanhín na rin ang iláng kamalìáng hindî naiwasan sa
pagpápalimbág nang náuukol sa mg̃a titik at sa mg̃a kudlít. Sakâ na
malulunasan ang mg̃a bagay na itó sakalìng mangyari ang ikalawáng
pagkálimbág ng̃ aklát na itó.
MG̃A AKLÁT NG̃ KUMATHÂ NITÓ
=BAYAN AT PAG-IBIG.=--Mahalagáng aklát na nagsasalaysáy ng̃ mg̃a
dakilàng súliranín at matataás na paláisipán na náuukol sa Bayan
at Lahì. Iniháhandóg sa madlâng kapisanang tatág sa Sangkapulùáng
Pilipinas, at nilagyán ng̃ mahalagáng paunawà ni G. Honorio
López.--Halagá: ₱ 0.50 sa Maynilà at ₱ 0.60 sa Lálawigan.
=GRAMATIKANG TAGALOG.=--Binubuô itó ng̃ apat na bahagi: Pagbigkás
(ó Prosodia), Pagkilala (ó Analogía), Paglalakip (ó Sintaxis)
at Pagsulat (ó Ortografía). Aklát na nagtuturò at nagpapáliwanag
ng̃ tumpák na pagsasalitâ at matuwíd na pagsulat sa Wikàng Tagalog.
Ang salitâng ginamit ay wagás na tagalog, kayâ’t ang sino mang
makabasa’y madalîng matututo kahì’t na walâng gurò.--Ang halagá’y
₱ 1.30 lamang sa Maynilà at ₱ 1.56 namán sa lálawigan patí ng̃ gugol
sa pagpápadalá.
=GURO NG BAYAN.=--Binubuô itó ng̃ tatlóng aklát na maháhalagá:
Gramátikáng Tagalog, Aritmétikáng Tagalog, at _Heograpíang
Tagalog_. Ang Gramátiká’y nagtuturò ng̃ tumpák na pagsasalitâ at
matuwíd na pagsulat sa Wikàng Tagalog, ang Aritmétiká’y nagsasalaysáy
ng̃ pagbilang ng̃ kanyáng apat na tuntunin (ó cuatro reglas
principales) at ibá pang sakláw ng̃ pagtutuús, at ang Heograpía’y
nagpapáliwanag ng̃ mg̃a karunung̃ang náuukol sa mg̃a ilog, pulô,
dagat, bansá, bayan, lupàín, at ibá’t ibá pa.--Halagá: ₱ 1.00 sa
Maynilà at ₱ 1.26 sa Lálawigan.
Ipahatíd ang sulat sa bahay ng̃ kumathâ, Santamesa, blg. 467 (looban
blg. 3) Sampalok, Maynilà, K. P.
[Talâ ng Tagapagsalin:
Iwinasto ang pagbabantas (punctuation), ang pagbabaybay, at ang
pag-eestilo sa teksto.
Pinag-ayon at iwinasto ang pagtutuldik sa mga salita, para malunasan
ang kakulangan sa mga nakatuldik na titik, lalo na ng titik g̃ at
mga titik na may mga tuldik na paiwa (`) at pakupya (^), ng mga tipo
na ginamit sa orihinal para sa mga pahilig na teksto, mga talababa,
at mga pamagat ng mga bahagi, kabanata, at seksyon. Ginawa ang mga
ito maliban sa pamagat ng aklat at mga pagbanggit nito sa teksto
(“BALARILANG TAGALOG” o “BALARILA”), at maliban sa mga pamagat ng
mga aklat ng may-akda na nakatalâ sa hulihan ng teksto. Pinanatiling
walang tuldik ang mga ito gaya nang sa orihinal.
Pinag-ayon rin ang paggigitling sa mga salita at ang pag-eestilo ng
mga pamagat ng mga seksyon.
Ginawang tatlo ang mga tuldok ng lahat ng mga elipsis (...).
Ang mga ilang naulit na halimbawa sa teksto ay pinanatili gaya nang
sa orihinal.
Inilipat ang Tuntunin mula sa bandang hulihan ng teksto. Ang mga
seksyon sa mga Kabanata III at XI ng Ikaapat na Bahagi ay hindi
nakatalâ sa orihinal.]