Skip to contentSkip to Braille Studio

Library / Religion / Mahal na Ejercicio � Devocion nang Pitong Arao na Domingo

Mahal naEjercicio �Devocion nangPitong Arao naDomingo Anonymous THE ALB LIBRARY

Mahal na Ejercicio � Devocion nang Pitong Arao na Domingo

8,114 words · about 41 min to read

Download .txt Braille ⠃⠗⠋ Print Cite

[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.] [Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.] =MAHAL NA EJERCICIO= � =DEVOCION NANG PITONG ARAO NA DOMINGO,= NA PINAGCALOOBAN NANG SANTO PAPA NANG INDULGENCIA PLENARIA SA BALANG DOMINGO. Sa capurihan nang pitong s�quit at pitong ligaya nang malualhating Patriarca. =SE�OR SAN JOSEF.= Tinagalog ni D. Antonio Florentino Puansen, * * * * * Maestro sa latinidad, at ipinalimbag n~gayon nang man~ga P. P. Recoletos. May lubos na capahintulutan =MANILA:--1906= Imprenta de Santos y Bernal Echag�e 84, (Sta. Cruz.) =DON LUIS REMEDIOS,= Presb�tero, Secretario de C�mara Y Gobierno Del Arzobispado de Manila. Certifico que � la instancia presentada por Don Antonio Florentino Puansen en solicitud de licencia de impresion, S. E. I. se ha servido decretar lo siguiente: Manila I.� de Octubre de 1874. Por las presentes y por lo que � Nos toca, concedemos la licencia necesaria, para que pueda imprimirse el manuscrito tagalo titulado =_Mahal na, Ejercicio, � Devocion nang pitong arao na Domingo:=_ en atencion � que de nuestra �rden ha sido examinado, y segun la censura no contiene cosa alguna contra el dogma y la moral, y que ser� muy �til, para promover la devocion =_al Se�or San Josef._= Librese por Secretar�a testimonio de este decreto, y arch�vese original.--Gregorio, Arzobispo.--Por mandado de S. E. I el Arzobispo mi Se�or.--Luis Remedios. Y en cumplimiento del preinserto decreto, libro la presente certificacion en Manila, � primero de Octubre de mil ochocientos setenta y cuatro.--Luis Remedios. [Larawan: Si Jesus at Josef.] =JES�S, MAR�A, Y JOSEF.= Ang devoci�n sa daquilang Patriarca San Josef, ay tumutub� at sumusulong na para nang devoci�n sa malualhating Virgen Mar�a. Natalastas nang man~ga tapat na loob na anac ni Mar�a, na itong mahal na Ina ay nalulugod sa man~ga tan~ging galang at puri sa calinis-linisang Esposo niya. Sinasabi nang marunong at mabait na si Padre Faber, na ang unang dapat tun~guhin nang ating devocion ay si Mar�a, at ang icalaua ay si San Josef: at mapatototoohanan, na anomang pahayag sa capurihan nitong maloualhating Patriarca, ay nababagay sa man~ga ugal� at asal nang tunay na pag-cauili nang loob sa Dios. Naquiquilala natin ang man~ga tunay na caibigan, ang man~ga tumitin~gin, at totoong nagmamasaquit sa atin, cun tayo ay pinagcacalooban n~g Dios nang caguinhauahan, � pinadadalhan cay� nang man~ga hirap at parusa:[1] at sa bagay na ito ay parating inaalaala sa atin nang Santa Iglesia ang man~ga misterios nang ligaya at hapis ni Jes�s, Mar�a, y Josef, sapagcat ang totoong iniibig, ay sinasamahan sa caguinhauahan, at dinadamayan sa hirap: cay� ang man~ga tapat na loob na alipin ni San Josef, ay nauiuili sa alaala at pagninilay nang pitong s�quit at pitong ligaya nitong daquilang Santo, at minamahal nila ang pinan~gan~ganlang devocion nang pitong arao na Domingo. sa uicang castil� ay Siete Domingos. Itong mariquit na devocion ay minagaling nang man~ga Sumos Pont�fices, na humalili cay San Pedro sa man~ga huling panahong ito, at nilangcapan nila nang man~ga mahal na indulgencias, nang mahicayat ang man~ga binyagan sa ganoon pagpuri cay San Josef. Ang Sumo Pont�fice Gregorio D�cimosesto, sa 22 nang Enero nang taon 1836, ay nagcaloob nang 300 arao na indulgencia sa taimtim na pagdadasal nang pitong ligaya at pitong s�quit ni San Josef, sa balang isang arao nang Domingo, at isang indulgencia plenaria sa catapusan � icapito: ang man~ga nasabing arao nang Domingo ay dapat magsunodsunod sa loob nang taon, at bahalang pumili ang maghahain nitong devocion. Ang banal na Sumo Pont�fice Pio Nono, sa manin~gas na pagsinta sa Virgen Mar�a, at sa pagnanasang maquilala, at mahalin saan man ang devocion sa Esposo niyang si San Josef, ay nagcaloob naman nang isang indulgencia plenaria,[2] na macacamtan sa balang isa sa pitong arao na Domingo, at maipatutungcol sa m~ga caloloua sa Purgatorio. At inibig pa niya na ang man~ga nasabing indulgencias, ay macamtan n~g man~ga hindi marunong bumasa, � ualang maquitaan nang man~ga panalan~ging nasusulat dito, cun sa balang isang arao nang Domingo, sa pitong pipiliin, ay magdasal sila nang pitong Ama namin, pitong _Aba, Guinoong Maria_ at pitong Gloria Patri.[3] Datapua cailan~gang tandaan, na sinoman ang ibig magcamit nang indulgencia plenaria, ay dapat dumulog sa confesi�n at sa comuni�n, at dumalao sa isang simbahan, at doon ipanalan~gin ang Santa Iglesia ayon sa na sa loob nang Santo Papa.[4] Sa anyayang ito nang man~ga Sumos Pont�fices, ay nagmadaling gumanti ang man~ga binyagang devotos ni San Josef, at ang camahalan nang man~ga indulgencias, at ang capangyarihan nang man~ga himalang ipinaquita nang Dios, na nauucol sa cagalingan nang man~ga nauiuili sa devoc�on nang pitong arao na Domingo, at sa pilitang humicayat sa caramihan, at cay� parating nadadagdagan ang man~ga tumatauag, at humihin~gi nang sarisaring biyaya sa Poon San Josef. Tinagalog co itong munting libro, at dito maquiquita ang man~ga pagninilay at panalan~ging dapat basahin, at dasalin sa balang Domingo, nang magalab alab ang man~ga pus� natin sa pagibig, at pag hin~gi nang aua cay Jesus, Mar�a y Josef: at asahan nang sinoman na ipagcacaloob nila ang man~ga biyayang ninanasa natin, cun mararapat sa capurihan nang Dios, at sa cagalin~gan nang caloloua. Ang pitong arao na Domingo ay dapat magsunod na ualang lactao, at cailan man sumala sa anomang dahilan, ay cailan~gang magsauli sa unang Domingo. Sa pagcacamit nang man~ga indulgencias plenarias nitong mahal na devocion � ejercicio, ay mapipili ang man~ga arao nang Domingo, na nauuna � sumusunod sa man~ga fiestas ni San Josef,[5] � ang lalong magalin~gin nang isa at isa, ayon sa cailan~gan niya, � alinsunod cay� sa utos � hatol nang Confesor. Taon taon, at cailan man cun ibiguin, ay mabuting ialay sa Santo Patriarca itong mahal na devocion, na parang isang buis, � tanda nang pagibig at pagquilala sa man~ga biyayang iguinagauad sa atin nang daquilang aua niya, at nang tayo naman ay parating marapat sa caniyang pagcacalin~ga sa buhay na ito, at lalong lalo sa panahon nang pagpanao sa buhay na ito. _Dadasalin muna ang panalan~gin nang pagsisisi, saca babasahin ang pagninilay, at isusunod ang man~ga panalan~ging nagpapaalaala nang pitong s�quit at pitong ligaya ni San Josef, na ang balang isa ay sasamahan nang,_ Ama namin, Aba, Guinoong Mar�a, at Gloria Patri. Sa tanda nang Santa Cruz, (krus) sa man~ga caauay namin (krus) iady� mo cami, Pan~ginoon namin Dios. (krus) Sa n~galan nang Ama, (krus) at nang Anac, at nang Esp�ritu Santo. Amen. =PANALAN~GIN NANG PAGSISISI.= Pan~ginoon cong Jesucristo, aco ay sumasampalataya, at nananalig sa iyo, at icao ay aquing iniibig lalo sa lahat nang bagay: iniisip co na aco ay sinagana mo nang biyay�, at aco ay tacsil na hindi marunong gumanti sa iyo, at sa bagay na ito ay nagugul� ang aquing loob, at aco ay ualang magaua cundi humin~gi nang tauad sa iyo: caauan mo, Pan~ginoon co, itong anac na suail: patauarin mo aco, at tunay na pinagsisisihan co ang lahat cong casalanan, at lalong ibig co ang mamatay sa moling magcasala. Quiniquilala co na hindi dapat sa aquin ang aco ay patauarin; datapua inaasahan co ang biyayang ito alang alang sa man~ga carapatan, at sa pamamaguitan ni San Josef, na naturang ama mo, at siya ang nag alag� sa iyo. At icao, malualhating Pintacasi co, daquilang Patriarca San Josef, tangapin mo aco, at amponin, at igauad mo sa aquin ang nin~gas nang loob, na cailan~gang igugol sa sandaling ito, nang marapat sa iyo ang iniaalay co sa capurihan mo, at paquinaban~gan nang aquing caloloua. Siya naua, Jesus Mar�a, y Josef. _Basahing taimtim sa loob ang PAGNINILAY, at ang salit�ng nararapat sa arao, at saca dasalin ang man~ga sumusunod na panalan~gin._ 1. � calinislinisang Esposo, malualhating San Josef, na cun gaano ang bagsic nang hapis at cas�quitan nang iyong pus�, niyong inisip mo na icao ay dapat humiualay sa calinislinisan mong Esposa, ay gayon din naman ang sigl� nang ligaya mo, niyong ipahayag sa iyo nang Angel ang misterio nang pagcacatauan tauo nang Anac nang Dios. Iniaamo namin sa iyo, alang alang sa s�quit mong ito, at sa humaliling ligaya, na cami ay aliuin mo n~gayon, at sa panahon nang huling pagpanao: igauad mo sa amin ang cailan~gang tulong nang gracia, nang cami ay mabuhay sa cabanalan, at camtan namin ang mamatay na para mo, sa man~ga camay ni Jesus at ni Mar�a. Ama namin, Aba, Guinoong Mar�a, �t Gloria Patri. 2. � lubhang mapalad na Patriarca, malualhating San Josef, na nagcamit nang mataas na caran~galan sa pagaalag� sa Anac nang Dios, na nagcatauan tauo, at icao n~ga ay narapat na naturang Ama niya, cay� nahapis ang iyong pus�, pagcaquita mo sa Ni�o Jesus, na ipinan~ganac sa malaquing casalat�n, at icao naman ay totoong naligaya sa maririquit na auit nang man~ga Angeles, at sa man~ga casayah�n nang mahal at maliuanag na gabi nang pan~gan~ganac ni Mar�a. Iniaamo namin sa iyo, pacundan~gan sa s�quit mong ito, at sa humaliling ligaya, na cun cami ay papanao na sa lupa, hin~gin mo cay Jes�s na ipagcaloob sa amin ang caniyang bendicion, nang cami ay marapat na maquinig nang masasay�ng auit nang man~ga Angeles, at camtan namin ang ualang hangang liuanag nang Lan~git. Ama namin, Aba, Guinoong Maria, at Gloria Patri. 3. � tunay na ulir�n nang pagsunod sa man~ga utos nang Dios, malualhating San Josef, na pagtul� nang Mahal na dug� nang sangol na Mananacop, niyong siya ay sugatan sa arao nang circuncision, icaualo nang pan~gan~ganac sa caniya, ay lubhang nahapis ang iyong puso, at agad namang naligaya sa catamistamisang n~galang Jes�s, na itinauag mo sa caniya. Iniaamo namin sa iyo, alang-alang sa s�quit mong ito, at sa humaliling ligaya, na matutuhan naming supilin ang masasam�ng pita nang catauan, nang cami ay mamatay na payap�, sa taimtim na pagsambit nang catamistamisang n~galan ni Jes�s. Ama namin, Aba, Guinoong Maria, at Gloria Patri. 4. � pinagpalang Patriarca, malualhating San Josef, na pinayahagan n~g Dios nang man~ga misterios nang pagsacop sa tauo, na cun totoong nalumbay ang iyong pus�, niyong marinig mo ang hula ni Simeon, ucol sa mahal na Pasion at pagcamatay ni Jes�s, at sa man~ga hapis na parang sundang, na macasasaquit sa pus� ni Mar�a, ay nagcamit ca naman n~g ligaya, niyong maalaman mo na marami ang magtatam� nang calualhatian sa Lan~git, dahilan sa pagcamatay at moling pagcabuhay ni Jes�s. Iniaamo namin sa iyo, pacundan~gan sa s�quit mong ito, at sa humaliling ligaya, na cami ay mapaquibilang sa man~ga mapalad, na magcacamit nang Lan~git, alang-alang sa man~ga carapatan ni Jesucristo, at sa pamamaguitan ni Mar�a. Ama namin, Aba, Guinoong Mar�a at Gloria Patri. 5. � lubhang main~gat na Guardian malualhating San Josef na nag alag� at nagpacain sa Anac nang Dios, na nagcatauan tauo, at nahapis n~ga ang iyong pus�, niyong icao ay buman~gon nang hating gabi, sapagcat inutos n~g Dios na si Jes�s at si Mar�a, ay dalhin mo at itago sa Egipto; dahilan sa pag usig ni Herodes, at malaqui naman ang iyong ligaya, niyong icao ay pumasoc sa Egipto, at naquita mong nabual at nasir� sa harap ni Jes�s ang man~ga �dolos, na sinasamba nang man~ga egipcios. Iniaamo namin sa iyo, alang-alang sa s�quit mong ito, at sa humaliling ligaya, na cami ay lumay�ng madali sa man~ga pan~ganib nang pagcacasala, at matutong sumupil at lumaban sa man~ga pitang hinguil sa calupaan, na parang man~ga �dolos na dapat sirain, n~g cami ay mabuhay na lamang sa pag lilingcod cay Jesus, at cay Mar�a, at maihain namin sa canila ang hul�ng paghin~ga. Ama namin, Aba, Guinoong Maria, at Gloria Patri. 6. � masintahing Patriarca, malualhating San Jos�f, na naquita mo ang pagcamasunurin sa iyo ni Jesus, Hari nang Lan~git, at icao ay lubhang nabalisa, pangagaling mo sa Egipto, sapagcat humalili sa malupit na Haring Herodes ang anac niyang si Arquelao, at nagcamit ca nang ligaya, niyong sabihin sa iyo nang Angel na icao ay umu� sa Galilea, at mamayang tahimic sa Nazaret, casama si Jes�s at si Maria. Iniaamo namin sa iyo pacundan~gan sa s�quit mong ito, at sa humaliling ligaya, na iligtas mo cami sa man~ga tacot, na nacasisira nang capayapaan n~g loob na ualang sala, nang cami ay mabuhay na tahimic, sa pag-ibig cay Jes�s, at cay Mar�a, at sa man~ga camay nila maihabilin ang man~ga caloloua namin sa horas nang camatayan. Ama namin, Aba, Guinoong Mar�a, at Gloria Patri. 7. � magandang uliran nang cabanalan malualhating San Josef, na dahilan sa pagtir� nang Ni�o Jesus sa Jerusalen bagaman hindi mo namalayan, at hindi mo casalanan ang nangyaring iyon, icao ay lubhang nalumbay sa tatlong arao na siya ay hinanap mo, at na lubos naman ang iyong ligaya, niyong siya ay maquita mo sa templo sa guitna nang man~ga doctores, na naquiquinig, at nagtataca sa cabataan, at carunun~gan niya. Iniaamo namin sa iyo, alang-alang sa s�quit mong ito, at sa humaliling ligaya, na cami ay tingnan mo at ipanalan~gin, nang si Jes�s ay huag mauala sa amin cailan man dahilan sa casalanang mortal; at cun mangyari sa amin ang ganoong capahamacan, ihin~gi mo cami nang tunay at manin~gas na pagsisisi, nang matutuhan naming hanapin, at maquita ang maauaing Jes�s: at hin~gin mo sa caniya na cami ay patauarin, lalong lalo sa panahon nang pagpanao sa buhay na ito, nang macamtan namin ang calualhatian nang Lan~git, at doon pur�hin sa casamahan mo ang au� niya magparating man saan. Ama namin, Aba, Guinoong Mar�a, at Gloria Patri. * * * * * =ANTIFONA.= Sa icatlong puong taon n~g caniyang buhay ang Poon si Jes�s, ay napapalagay na anac ni Josef: at si Josef n~gani ang pinili nang Dios, na nag alaga cay Jes�s at cay Mar�a. Ipanalan~gin mo cami, malualhating San Josef. Nang mapatuloy sa amin ang m~ga pan~gaco ni Jesucristo. =PANALAN~GIN.= Pan~ginoon namin Dios, na sa mataas na carunun~gan nang iyong pamamahal�, ay pinili mo si San Josef, na naguing Esposo nang cabanalbanalan mong Ina: ipagcaloob mo sa amin, yayamang siya ay quiniquilalang Pintacasi, at iguinagalang dito sa lupa, na cami ay tulun~gan nang macapangyarihan pamamaguitan niya sa Lan~git, na tinatahanan mo, at pinaghaharian casama nang Ama, at nang Esp�ritu Santo magparating man saan. Amen. _Ipagdasal nang isang _Aba po, Santa Mar�a, _ang man~ga caloloua sa Purgatorio._ MAN~GA PAGNINILAY NA BABASAHIN SA PITONG ARAO NA DOMINGO. =UNANG DOMINGO.= _Sa capurihan nang s�quit at ligaya ni San Josef, niyong mapagmasdan ang cabuntisan ni Mar�a, calinislinisang esposa niya._ Sa Comunion nitong unang Domingo, ay pasasalamatan si San Josef dahilan sa pagtin~gin niya, at paglilingcod cay Jes�s, at cay Mar�a. Ang indulgencia plenaria ipatutungcol sa man~ga caloloua sa Purgatorio, na lalong umibig cay San Josef. Pagninilay sa unang Domingo. Si Mar�a at si Josef sa tapat na pagmamahal, at pananatili sa calinisan n~g pagca Virgen, ay parang dalauang Angeles na nabuhay sa munting bahay, na tinahanan nila sa Nazaret. Datapua niyari nang Dios sa cataoan nang mahal na Virgen ang daquilang misterio nang caniyang au� at capangyarihan, sapagcat ang Esp�ritu Santo ay nuha sa tian ni Mar�a nang caonting dug�, na guinauang catauan nang sangol na lalaqui, at lumalang nang isang mahal na caloloua, na isinama sa cataunang yaon, at inilangcap n~g Dios Anac ang caniyang Persona sa nasabing c�tauan at caloloua, at nayari ang misterio nang ENCARNACION, � pagcacatauan tauo nang Divino Verbo. Ang himalang ito ay hindi namalayan ni San Josef, at cay� hindi masabi ang caniyang pagtataca, niyong maquita ang cabuntisan nang calinislinisang Esposa niya, na hindi naalaman, cun ano ang nangyari. N~guni sa lagay na iyon, ay hindi ipinahintulot nang Dios na si Josef ay maghinal� nang anoman, laban sa tapat na loob nang Reina nang malilinis na loob. Pinatototohanan ni San Agustin, na sa arao nang Desposorios, pag labas ni Mar�a sa templo, ay sinamahan na, at inihatid ni San Josef sa sariling bahay niya, at mula niyon ay napagmasdan ang cabaitan, ang cahinhinan, at ang dalisay na calinisan nang mahal niyang Esposa, at naquita naman na ang bun~gang dala sa tian, ay hindi nacasisir�, cundi bagcus nacadagdag nang ningning at cariquitan nang caniyang pagca V�rgen. At yayamang talastas ni Josef ang nasasabi sa Escritura Sagrada, na dumating na ang panahon nang pagparito nang Mesias, na ipan~gan~ganac nang isang V�rgen, ay agad isinaloob na si Mar�a ang mapalad na piniling Ina, sapagcat siya ang lalong malinis, at lalong banal sa V�rgenes na lahat, at hindi mapaghihinalaan nang carupucan sa anomang bagay, na laban sa catuiran. At inisip ni Josef sa malaquing cababaan nang loob niya, at sa hindi mapauing balisa, na hindi dapat sa caniya ang maquisama sa camahalmahalang Virgen, at maturang Esposo nang Ina nang Dios, at minagaling ang umalis, at humiualay sa Reina nang m~ga V�rgenes; datapua sa pagtulong niya, ay naquita ang Angel na sinug� nang Dios, at nan~gusap nang ganito: _Josef, na anac ni David, huag cang manimdim nang anoman sa paquiquisama mo cay Mar�a, sapagcat ang bun~gang na sa tian niya, ay gaua at lalang nang Esp�ritu Santo._ At naguising na tahimic si San Josef, dahilan sa malaquing ligayang humalili sa lumbay at hapis niya, at lal� at lalong minahal at iguinalang si Mar�a, na quiniquilalang Esposa, at Ina nang Mesias na Mananacop. _Dasalin n~gayon ang man~ga panalan~gin nang pitong saquit at pitong ligaya, mula sa pagina. 9 hangan sa pagina 16._ =ICALAUANG DOMINGO.= _Sa capurihan nang s�quit at ligaya ni San Josef, niyong ipan~ganac ni Mar�a sa Belen ang Anac nang Dios._ Sa Comunion nitong icalauang Domingo, ay pasalamatan si San Josef, dahilan sa man~ga biyayang iguinagauad sa atin nang macapangyarihan pamamaguitan niya. Ang indulgencia plenaria ipatutungcol sa man~ga caloloua sa Purgatorio, na sadyang nauili sa devocion sa SANTA FAMILIA. Pagninilay sa icalauang Domingo. Alinsunod sa utos ni Ces�r Augusto, si Mar�a at si Josef ay naparoon, at napasulat sa Belen, sa pagcat sila ay man~ga tauo nang lahi at angcan ni David, na taga roon, at sa Ciudad na iyon inibig nang Dios na ipan~ganac ang Mesias. �Anong laqui nang lumbay at hapis ni San Josef, sapagcat ualang ibig magpatuloy sa caniya sa boong Ciudad, at sa pilitang napalual sa bayan, at dinala at ipinasoc si Mar�a sa isang yun~gib, na quinacanan at sinisilun~gan nang man~ga hayop! Ang man~ga arao na yaon ang lalong maguinao sa loob nang ta�n, at ang V�rgen Mar�a ay nan~ganac sa ganoong cahirapan at caguipitan, at inilagay ang mahal niyang sangol sa sabsaban, at siya ang unang sumamba at humalic sa Anac nang Dios, na sa pagca tauo ay anac naman niya. At malaquing ligaya ang humalili sa casaquitan nang pus� ni Josef, sapagcat ang yun~gib nang Belen, at ang man~ga lupang caratig, ay biglang lumiuanag, at lubhang cauiliuili ang ban~g�ng humalimuyac, pagsilang nang Mesias: at naquita niya ang pagdating nang maraming Angeles, na nagsasaya at pumupuri sa Dios, at dumalo naman ang man~ga pastores, na nag aalaga nang hayop sa man~ga nayong yaon, at silang lahat ay paraparang natutu�, at lumuhod at sumamba sa mahal na Ni�o. Binalot ni Mar�a ang catamistamisang Anac niya, na nahihig� sa caonting diaming malamig, quinalong at niyacap nang manin~gas na sinta, at iguinauad sa calinislinisang Esposo niyang si Josef, at si Josef ay lumuhod na nagpacababa, tinangap at quinalong, niyacap at hinagcan ang Dios na sangol, inialay sa caniya ang boong pus� at caloloua, ang buhay at lacas, at moli at moling napasalamat, sapagcat siya ay quiquilalanin, at matuturang Ama nang Anac nang Dios na nagcatauan tauo. Mapalad si Josef, at naquita niya at niyacap ang mahal na Mesias, na pinagbuntuhang hinin~ga, at ninasang maquita nang man~ga Santos Patriarcas at Profetas: n~guni cun sa hapis nang caniyang pus� ay humalili ang catamisan nang ligaya, ang ligaya niya ay hindi nacapapaui nang capaitan n~g hapis, sapagcat ang ligaya at ang hapis niya, ay ualang pinangagalin~gan cundi ang pag ibig, at ganoon ang talaga at calooban nang Dios sa caniya. =ICATLONG DOMINGO.= _Sa capurihan nang s�quit at ligaya ni San Josef dahilan sa circuncision � pagtulo nang dug� nang mahal na sangol, na pinan~galang Jes�s._ Sa Comunion nitong icatlong Domingo, ay hin~gin natin cay San Josef ang caniyang mahal na bend�cion, at ang pagbabalic loob nang man~ga caauay nang Santa Iglesia. Ang indulgencia plenaria ipatutungcol sa man~ga caloloua sa Purgatorio, na lalong magalin~gin nang Dios, dahilan sa tan~ging devocion sa camahalmahalang dug� ni Jesucristo. Pagninilay sa icatlong Domingo. Ang Mesias na naparito, nang maguing ulir�n natin sa pagsunod sa man~ga utos nang Dios, ay nagtiis nang saquit nang circuncision sa icaualong arao nang pan~gan~ganac sa caniya, at si San Josef ang sumugat nang mahal niyang cataoan, ayon sa sinasabi nang maraming pantas. Dilidilihin natin n~gayon ang antac nang hapis ni Josef niyong maquitang tumul� ang dug� nang Anac nang Dios, na natuturang anac niya, at bagaman ang israelitas na lahat ay sumusunod sa ganoon utos, ang pag-ibig nila sa canicanilang m~ga anac, ay hindi aabot sa taimtim at laqui nang pag-ibig ni Josef sa tunay na Anac nang V�rgen Mar�a, Dios na quiniquilala at sinasamba. Nasactan ang pus� ni Josef sa naquitang dug�, sa narinig na iyac nang mahal na Ni�o, at sa napagmasdang hapis nang cabanalbanalang Esposa niya; datapua tinutularan si Abrahan, niyong talagang pupugutan si Isaac, at inihain sa Dios Ama ang dug�ng tumul�, sa matibay na pananalig na ang dug�ng yaon ay mabubuhos na lahat sa Calvario, nang masacop ang sangcatauohan, at natatalastas n~ga niya ang sasapiting hirap, at pagcamatay sa Cruz n~g masintahing Anac ni Mar�a. At humalili ang ligaya sa hapis ni Josef, dahilan sa catamis�n nang n~galang Jes�s, na itinauag niya sa mahal na Ni�o, alinsunod sa utos nang Dios, na ipinahayag sa caniya nang Angel. �Sino ang macapagsasaysay nang puspos na galang pananalig at p�g-ibig ni Josef, sa pagsambit nang camahalmahalang n~galan ni Jes�s? Ang n~galang Jes�s ay capurihan nang man~ga Angeles, alio nang nalulumbay, pul�t na ualang casing tamis, auit na lubhang mariquit, pagcaing masarap na hindi nacasusuya, mahal na tubig na hangang iniinom, ay lalong napipita, sandatang catacot tacot na mailalaban sa boong Infierno. Hin~gin natin cay Jes�s ang manin~gas na pag-ibig, sa pagsambit nang n~galan niya sa anomang hirap at pan~ganib, at sa man~ga tucso nang Demonio, at lalong lal� sa panahon nang pagpanao sa buhay na ito, nang tayo ay magcamit nang magandang camatayan. =ICAAPAT NA DOMINGO.= _Sa capurihan nang s�quit at ligaya ni San Josef, sa misterio nang Purificacion ni Mar�a, niyong ihain si Jes�s sa templo nang Jerusalen._ Sa Comunion nitong icaapat na Domingo ihain natin si Jes�s sa Dios Ama, ayon sa na sa loob ni Mar�a at ni Josef, niyong sila ay pumaroon sa templo. Ang indulgencia plenaria ipatutungcol sa manga caloloua sa Purgatorio, na lalong nacaragdag at nagpasulong nang devocion cay San Josef. Pagninilay sa icaapat na Domingo. Pinili nang Dios Ama ang mapalad na si Josef, na naturang Ama ni Jes�s, at pinagcalooban siya nang tunay at manin~gas na pagibig sa bugtong na ito, na lubhang quinalulugdan. Cay� niyong si Mar�a ay pumaroon sa templo, nang maihain ang Ni�o Jes�s, at maganap ang utos nang Ley ni Moises, ay lubhang nalunusan ang masintahing si Josef, sapagcat narinig doon ang sinabi nang Profeta Simeon, ucol sa madlang hirap at pagcamatay ni Jes�s, at sa man~ga hapis na parang sundang na macasasaquit sa pus� nang Virgeng Ina. Hindi lihim sa bunying Patriarca ang misterio nang mahal na Pasion at pagcamatay ni Jesucristo, yayamang talastas na si Jesucristo ay Dios na nagcatauan tauo, at cusang magpapacahirap at mamamatay, n~g masacop ang tauo, n~guni sa pan~gun~gusap ni Simeon, ay nanariu� at umantac ang sugat nang pus� at parang naquiquita sa sandaling yaon ang pag usig at pagdaquip cay Jes�s, ang man~ga tampal at hampas, ang m~ga tinic na ipuputong, ang mabigat na Cruz, at ang m~ga pac�, at sa catagang sabi, ang casangcapang lahat na gagamitin, sa pagpapas�quit sa caniya. At nalalaman naman ni Josef na si Jesucristo ay mananalo, at moling mabubuhay sa icatlong arao nang caniyang pagcamatay, ay masisir� ang capangyarihan nang Demonio, sapagcat ang tauo ay mahahan~g� sa pagca alipin niya, at marami ang magcacamit nang Lan~git sa cabagsican nang man~ga carapatang ualang hangan nang Mesias na Mananacop: at sa bagay na ito ay napasalamat sa Dios ang Esposo ni Mar�a, at ang hapis nang caniyang pus� ay binihisan nang malaquing ligaya. Nagpacababa si Mar�a, sa pagsunod sa utos na hindi namimilit cundi sa man~ga babaying nauaual�n nang pagca-v�rgen, at nagpacababa si Josef, na tumalaga sa calooban nang Dios, niyong ihain sa templo ang mahal na sangol sa icaapat na puong arao nang pan~gan~ganac sa caniya. Tayo naman ay magpacabab� at umalinsunod sa calooban nang Dios, n~g paquinaban~gan natin magparating man saan sa Lan~git ang mahal na Pasion at pagcamatay ni Jesus. =ICALIMANG DOMINGO.= _Sa capurihan nang s�quit at ligaya ni San Josef, niyang dalhin niya sa Egipto si Jesus at si Mar�a dahilan sa pag usig ni Herodes._ Sa Comunion nitong icalimang Domingo hin~gin cay San Josef na ilay� sa atin ang anomang bagay, na nacasisir� � nacalalamig nang pagibig sa Dios, sapagcat ang ganoong bagay, cun quinauiuilihan, ay parang �dolo nang pus�, na dapat bumagsac at madurog. Ang indulgencia plenaria ipatutungcol sa man~ga caloloua nang man~ga Misioneros; na nagpaquilala cay San Josef sa man~ga bayang hindi binyagan. Pagninilay sa icalimang Domingo. Hind� nalaon ang pangyayari nang hul� nang banal na Profeta Simeon, na si Jesus ay uusiguin, at pagbabantaan nang masam�. Pagcaraan nang ilang arao n~g paghahain sa caniya sa templo, ay guinising si Josef n~g isang Angel, at pinagsabihan na siya ay buman~gong madal�, at dalhin agad sa Egipto si Jesus at si Mar�a, sapagca,t, si Jesus ay ninanasang patain ni Herodes, at inutos nitong Haring lilo na pugutan sa Belen ang m~ga sangol, na ualang dalauang taon, at inisip na si Jesus ay maramay sa ganoong patayan. Nalubos ang hapis ni Josef sa biglang pagpanao na ito, sapagca,t, sa cahirapan nang caniyang buhay hindi nacapaghanda nang anoman, malamig ang panahon, mapanganib ang dadaanan, ang V�rgen Mar�a ay labing anim na taon ang edad, at ilang lingo lamang ang Ni�o Jesus: ang paroroonan ay lubhang malay�, at bayan nang hindi sumasamba sa Dios na totoo. �Macailan cay�ng nagutom, at nauhao si Mar�a at si J�sef sa paglalacbay na yaon, macailang nabas� n~g ul�n, na ualang masilun~gan? Dumating sila sa Egipto sa icalaoang buan n~g canilang pag lalac�d, at pagpasoc doon, ay naligaya naman si San Josef, sapagca,t, nadamdam�n nang m~ga Demonios, na naroon, at nananah�n sa man~ga �dolos, na sinasamba nang man~ga egipcios, na si Jes�s ay na sa harap nila, at sa hindi matiis ang bagay nang nacapangyayari sa lahat, ay nan~ginig sila at lumayas, at sa bagay na ito ang man~ga �dolos na natutuntong sa batong m�rmol � sa guint�, ay nabual at lumagpac, at nadurog na lahat. At natu� naman si Josef sa Egipto, sa paquiquinig nang man~ga unang pan~gun~gusap nang Ni�o: Jes�s, na lubhang guiniguilio nang V�rgeng Ina, at siya ay tinatauag na Ama, iguinagalang at minamahal, inaalio at parating pinagpapaquitaan nang loob. =ICAANIM NA DOMINGO= _Sa capurihan nang s�quit at ligaya ni San Josef, niyong siya umu� ay sa Nazaret, galing sa Egipto pagcamatay ni Herodes._ Sa Comunion nitong icaanim na Domingo ipanalan~gin sa Dios ang Santo Papa, at hin~gin ang cagalin~gan nang Santa Iglesia. Ang indulgencia plenaria ipatutungcol sa man~ga caloloua sa Purgatorio, na nagtaglay nang n~galang Josef sa buhay na ito. Pagninilay sa icaanim na Domingo. Pitong taong tumahan sa Egipto si Jesus, Mar�a, y Josef, at sila n~gani ay parang man~ga caauaauang pinapanao sa lupang yaon, at malaqui ang paghihirap nila, at ang casalat�n sa man~ga bagay na cailan~gan sa buhay, uala silang matacbuhan, at ang m~ga id�latras na taga roon, ay hindi marunong maau� sa man~ga mahirap. Datapua hindi dumaing, � nabugnot ang Santo Patriarca, at sa lubos na pagalinsunod sa calooban nang Dios, ay lubhang nacaaali� sa caniya, at sa mahal na V�rgen, ang pag laqu�, at ang pag ibig sa canila nang Ni�o J�sus. Sa lagay na iyon ibinalit� nang Angel ang masam�ng pagcamatay nang malupit na Haring Herodes, at pinagsabihan si Josef na huag matacot, at siya ay macauu� na sa bayang pinangalin~gan. Napasalamat sa Dios si Josef, sapagcat natapus ang panahon nang pagtahan sa Egipto, at gaano man ang hirap, ay lumacad na siya, casama si Jesus at si Mar�a; datapua nahapis ang caniyang pus�, pagdating sa Judea, at ang dinatnang Hari ay si Arquelao, anac nang lilong si Herodes, at hindi siya tumahimic at naligaya, hangan sa pinagsabihan nang Angel na si Jesus at si Mar�a ay dalhin niya sa Galilea, at doon sila tumahan sa Nazaret. Tingnan natin at isaloob cailan man ang pan~gin~gilag ni Jes�s sa man~ga pan~ganib, cahit siya ay Dios na nacapangyayari sa lahat, nang tayo ay matutong lumay� at man~gilag sa m~ga pan~ganib nang pagcacasala. =ICAPITONG DOMINGO.= _Sa capurihan nang s�quit at ligaya ni San Josef, niyong si Jes�s ay nauala at hinanap, at sa icatlong arao ay naquita sa templo nang Jerusalen._ Sa Comunion nitong icapitong Domingo ihain ang pus� cay Jes�s, Mar�a, y Josef, at ticahing gaoin at ialay ta�n ta�n itong devocion nang pitong arao na Domingo. Ang indulgencia plenaria ipatutungcol sa man~ga caloloua sa Purgatorio, na sa buhay na ito ay nanatili sa naturang devocion. Pagninilay sa icapitong Domingo. Alinsunod sa ugaling hindi sumasala ta�n ta�n, ay dumalao sa templo nang Jerusalen si Mar�a at si Josef casama ang Ni�o Jes�s, na ang edad ay labin dalauang ta�n, at sa pagdalao na ito ay natir� sa templo si Jes�s, at hindi namalayan ni Mar�a at ni Josef, cundi niyong sila ay dumating sa bahay, at ang mahal na Ni�o ay uala. Hindi lubhang catacataca ang nangyaring ito, sapagcat sa panahong yaon ang man~ga lalaqui ay nabubucod sa man~ga babayi sa loob nang templo, at sa pag lacad naman, at ang man~ga bat� lamang na para ni Jes�s ang nacahahal�, cun saan nila ibig, cay� inisip ni Mar�a na si Josef ang casamang umaacay sa Ni�o, at inisip ni Josef na ang Ni�o ay hindi lumalayo sa mahal niyang Ina. Hindi n~ga casalanan � capabayaan ni Mar�a at ni Josef, ang pagcauala ni Jes�s, cundi calooban nang Dios, nang lalong magnin~gas, at madalisay ang pag ibig nila. Nalumbay si Mar�a, at nabalisa at nahapis si Josef, sa hindi maisip cun ano ang dahilan nang pagcauala ni Jesus, at cun ano ang nangyayari; datapua hindi dumaing, at hindi nasir� ang loob niya, at malaquing ligaya ang quinamtan sa icatlong arao nang pag lalacad casama si Mar�a, sapagcat naquita nila sa templo si Jes�s, na nacaup�, at naquiquipagsagutan sa man~ga pantas, na nagpulong doon, at lubhang nagtataca sa mataas na carunun~gan nang batang caharap. Iam� natin sa pamamaguitan ni Mar�a at ni Josef, na huag tayong mahulog cailan man sa casalanang mortal, nang huag mauala sa atin si Jes�s, at siya ay mapanood sa calualhatiang ualang han~gan. _Man~ga salitang nagpapaquilala nang malaquing aua at capangyarihan nang Patriarca San Josef sa man~ga biyayang nacamtan nang man~ga mauilihin loob sa caniya._ =SA UNANG DOMINGO.= 1. Dalaoang religiosos nang �rden ni San Francisco, na nag lalayag sa dagat na malapit sa Flandes, ay dinatnan nang caquilaquilabot na sam� nang panahon, at sa dahas nang vagui�, ay tatlong daang tauo ang napahamac sa nasira at lumubog na sasaqui�n; n~guni sa au� nang Dios, ang naturang dalaoang religiosos ay nacatan~gan sa isang cahoy nang sasaquiang nabacbac, at sa paninimbulang yaon ay tatlong arao silang lumutang-lutang sa malaquing pan~ganib, sapagcat cun mauala ang cahoy sa cahinaan nila, � sa hampas n~g alon, ay ualang sala ang pag lamon n~g dagat sa canila. Sa caguipitang iyon ay naalaala nila, at lubos na inasahan ang macapangyarihang tulong ni San Josef, na dating quinauiuilihan nang canilang devocion: nanalan~gin sila, at napaampon, at humup� naman ang han~gin, at humusay ang panahon, at tumahimic ang dagat, at sila ay umasang macaliligtas. At nalubos ang canilang tu� sa pagpapaquita nang isang calugodlugod at mahal na bagon tauo, na bumati sa canila, at nagpalacad na parang piloto sa cahoy na quinalalaguian nila, at sila ay nagcapalad na madal�ng sumapit sa lup�. Nagpatirap� ang dalauang religiosos, at napasalamat sa magandang loob, na nag ligtas sa canila at sa pagpapahayag n~g tunay na paquilala nang biyayang tinangap ay tinanong nila ang bagontauo, cun sino siya, at ang bagontauo ay sumag�t nang ganito: _Aco ay si Josef, cun ibig ninyong gumaua nang caonting macalulugod sa aquin, arao arao huag sumala, ay magdasal cay� nang taimtim sa loob nang pitong Ama namin, at pitong Aba, Guinoong Mar�a, alaala at ganti sa pitong s�quit at pitong ligaya, na totoong dinamdam nang aquing pus� at caloloua, niyong aco ay nabubuhay sa lup�, casama ni Jesus at ni Maria._ Pagcapan~gusap nang ganoon, ay nauala ang bagontauo, at sila ay lubhang natu�, at nalubos ang pag ibig nila, at pagnanasang maglingcod, hangang nabubuhay, sa maualhating Pintacasi. Sa nangyaring ito ay naquiquita natin ang pagtatapat, at madaling pagtulong ni San Josef sa man~ga mauilihin loob sa caniya, cun siya ay tinatauag sa man~ga hirap at pan~ganib, at ang cagandahan nang loob niya sa caonting hinihin~gi, bagaman lubhang mahalaga ang ibinibigay, at hindi n~ga hamac na biyay� ang buhay nang dalaoang Franciscanos, na inin~gatan at inagao sa cabagsican nang dagat. Mahalin natin at harapin ang devocion nang pitong s�quit at pitong ligaya ni San Josef, nang tayo ay marapat magcamit nang au� at tulong nitong macapangyarihang Pintacasi, yayamang ipinahayag niya, at sinabing maliuanag, na siya ay totoong nalulugod sa naturang devocion. =SA ICALAOANG DOMINGO= 2. Sinasalita nang Priora nang isang convento, na isang casama niyang monja, na ang edad ay dalaoang pu� at ualong taon, at dating malacas at magaling, ay nacaramdam nang saqu�t sa lalamunan, at pagdaca ay namaus at nauala tuloy ang tinig niya, at umabot ang saqu�t hangan sa sicmura: at sa parating dinadamdam na malaquing cabigatan, at casiquip�n nang dibdib, at licod, ay naquilala nang man~ga m�dicos at ipinahayag nila, na ang saqu�t nang monja ay na sa dibdib, at ualang gamot na macagagaling. Hindi nasir� ang loob namin sa ganoong hirap, ang uica nang Priora, at cami n~ga ay dumulog at nanalig sa Poon San Josef, na moli at moling ipinagsiam na arao namin, cahit ualang naquiquitang caguinhauahan. Sa lagay na yaon, sapacat ang monja ay lubhang mahin�, ipinahatid namin sa enfermeria � silid nang man~ga maysaquit ang mahal na larauan ni San Josef, at cami ay umilao sa paghahatid na parang procesion, at minulan namin sa enfermer�a ang devocion nang pitong arao na Domingo, na totoong nacalulugod sa Santo Patriarca. Dinaanan nang malaquing hirap ang caauaauang maysaquit sa loob nang icapitong ling�, at siya ay nalulumbay, at cami naman, at ang isip namin ay mamamatay na; n~guni sa sumunod na arao nang Domingo ay nagnasang pumaroon sa coro; at humarap sa bendicion nang Sant�simo, at nangyari ang nas� niya, sapagcat inacay namin, at pagdating doon, ay nan~gan~gapus ang hinin~ga. Niyong itinaas nang Sacerdote ang Sant�simo, at iguinauad ang bendicion, naisipan nang maysaquit ang maquiau�t sa man~ga ibang religiosas, at nahalata sa ganoong pagpipilit na siya ay ualang tinig, datapua iyon ang sandaling pinili nang mahal na Esposo ni Mar�a, nang matanyag ang macapangyarihang au� niya. Nasalubong co ang maysaquit, na nangagaling sa coro, at parang nan~gin~ginig na nan~gusap nang ganito: _Maliuanag na n~gayon at matunog ang aquing tinig._ At sumama sa amin sa coro, at doon dinasal na malacas ang letania cay San Josef. Caming lahat ay parang naualan nang loob, at siya ay nilibot namin, at pinaquingan, sapagcat ualong buang nauala ang tinig niyang iyon, at hindi matapustapus ang man~ga tanong namin sa caniya, at cami ay totoong nagtataca sa malaquing biyayang ipinagcaloob ni San Josef sa iniirog na capatid namin: at gumaling na siya, at lumacas na para nang dati mul� niyon, at nagaganap na ang man~ga catungculan niya. =SA ICATLONG DOMINGO.= 3. Isang mabait na babayi sa caharian nang B�lgica ay sumulat sa caibigan niya,[6] na isang matandang lalaqui, na totoong minamahal niya, at pinagnanasaan nang magaling, ay nabubuhay na parang, hindi binyagan, at nilimot na ang Dios, at hinamac ang caniyang caloloua, yayamang tatlong pu� at limang taong mahiguit na hindi dumudulog sa Confesion, at ayao nang anomang devocion: at bagaman hindi miminsang inam� nang man~ga caibigang; dapat caalangalan~ganan, at dinatnan naman nang sarisaring sacun� at hirap sa talaga nang Dios, ay hinamac na lahat, at lumagui sa catigasan nang loob. Catapustapusan ay nagcasaquit, at lumubh� ang lalaquing ito, at sa lagay na iyon ay nabalisa ang maauaing babayi, na dating tumitin~gin sa caniya, at sa paghanap nang magagaling na paraan, nang huag mapacasam� ang calolouang yaon na tinubos ni Jesucristo nang caniyang dug�, ay naalaala ang malaquing capangyarihan nang pagdal� ni San Josef sa tauong mamamatay, at iniam� sa Santo Patriarca na siya ay tulun~gan, at ipinan~gacong dadasal�n sa pitong arao na Domingo ang dating quinauiuilihang devocion nang caniyang man~ga s�quit at ligaya, nang macamtan ang tunay na pagbabalic loob nang lalaquing nararatay, na ipinananalan~gin niya. At madal�ng namun~ga nang maganda ang paghin~g� nang au� sa Poon San Josef, sapagcat sa unang Domingo ay dinalao ang maysaquit nang isang Sacerdote, at ito ay tinangap na mahusay, at pinagsabihan na ibig niya ang Confesion: at nagpaquita nang taimtim na pagsisisi, at quinabucasan ay hinin~gi ang Vi�tico, at ang Oleo Santo: at cahit hindi na macacaya sa lubos na cahinaan, ay nagpilit na lumuhod sa hihig�n, at paluhod na tinangap si Jesucristo, na mahabang arao na nilimot: at mul� niyon at tumahimic, at naquitaan nang casayahan hangan sa namatay. =SA ICAAPAT NA DOMINGO= 4. Isang dalagang mabait na ang n~galan ay Josefa, mauilihin loob sa Virgen Mar�a, sapagcat mul� sa cabataan ay naramdaman na siya ay natatalaga s� calagayan nang man~ga Hermanas de la Caridad, ay umalinsunod sa tauag at calooban nang Dios, at sa icalabing pitong taon nang malaquing casipagan, sa pagganap nang man~ga catungculang ipinagcatiuala nang man~ga pun� sa caniya, at pagcatapus nang taon nang pagsuboc, � a�o de noviciado, ay natuloy na ang pagsosoot niya nang h�bito. Pagcaraan nang labin dalaoang taon, ay tinucs� at pinagdayaan nang Demonio, na nag anyong Angel na magaling, ayong sa ipinahayag niya sa hul�ng panahon, at nag bago na n~ga nang loob, at inisip na siya ay dapat magculong sa isang monasterio, at nasunod ang nas� niya; datapua mul� niyon ay naualan siya nang catahimican at capayapaan, palibhasa ay naligao, at lumihis sa daang itinur� nang Dios, at bagaman pinagsaquitang ganapin nang tapat ang man~ga catungculan nang bagong calagayan, ay hindi napapaui ang balisa at pamamanglao niya, at ang nasapit ay humin� ang cataoan, at nahapay ang loob, at pilit na umu� sa bahay. Tiningnan siya, at inalagaang magaling nang caniyang familia; at ganoon man ay hindi siya mapalagay, at parating ipinagbubuntong hinin~ga ang unang calagayang iniuan: at limang buan na nag amoam� sa man~ga dating pun�, na siya ay moling tangapin, at hindi naman pinaquingan. Naghain sa Dios nang sarisaring novenas, � pagsisiam na arao, nagtiis nang hirap nang ayuno, at man~ga ibang pas�quit, at pumasoc sa ibang convento, sapagcat siya ay ayao tangapin sa inalisan; n~guni anoman ang gaoin, at saan man pumaroon, ay hindi mapalagay, at parating iquinababalisa ang nagauang sala. Sa ganoong hirap ay hinatulan nang isang caibigan na siya ay paampon cay San Josef, at ialay sa maauaing Patriarca ang devocion nang pitong arao na Domingo: at minagaling niya ang hatol, at inasahang cacamtan sa buan nang Marzo ang biyayang ninanas�. Anim na lingong nagtiag� sa taimtim na pag amo cay San Josef, na siya ay tulun~gan, at sa icalabing pito nang naturang buan ay naquilala ang au� nang Dios sa caniya sapagcat sa arao na yaon ay nasalubong siya nang dating pun�, at sa pagquiquita nila, ay nahabag sa lagay niya at pagsisisi, ay siya ay moling tinangap sa inalisang comunidad, cun matapus niya ang a�o de noviciado, na para nang una. Sa icalabin siam nang Marzo, arao nang fiesta ni San Josef, ay moling isinoot ang iniuang mahal na h�bit�, at mul� niyon ay tumahimic ang loob niya, at nacamtan nang caloloua ang capayapaang nauala. =SA ICALIMANG DOMINGO.= 5. Sinasalita nang isang may catungculang dumalao, at magdala nang limos na sa ilang mahirap, alinsunod sa Regla ni San Vicente de Paul, na siya ay dumadalao sa isang mag asauang caauaaua, na ang anac ay lima, at ito ang naquita, at nangyaring pinatototoohanan niya. Ang ama ay may s�quit sa hospital, at ang anac na buns�, na si Pablo ang n~galan, ay nahihig� naman, at cahabaghabag ang lagay, sapagcat ang cataoan ay tuy�ng tuy�, at but� at balat na lamang, at cun iburol, ay ual�ng hindi magsasabi na ang bat� ay bangcay na mistul�: at ang dumalao na m�dico, ay nan~gusap nang ganito sa ina: _Ang anac mo ay mamamatay na ual�ng sala: masasayang na totoo ang anomang ihatol, sapagcat ang s�quit niya ay hindi matatalo nang anomang gamot._ Nagdalamhat� at nanambitan ang ina, pagcapan~gusap nang m�dico; datapua biglang tumapang, at parang lumiuanag ang loob niya, at inaasahang gagaling ang batang may saquit, niyong maalaala ang devocion nang pitong arao na Domingo, na moli at moling nabasa sa isang munting libro, na hindi pa nalalaong ibinigay sa isa sa man~ga anac niya n~g tauong nagsasalita nito, at tinauag na n~ga, at pinagsabihan ang caniyang apat na anac, na totoong cailan~gan ang sila ay mag alay n~g isang novena, � pagsisiam na arao sa malualhating San Josef, n~g gumaling ang capatid nilang si Pablo. At guinaua na nilang taimtim sa loob ang pagsisiam, at madali namang nagpaquita nang aua si San Josef, yayamang sa catapusan nang novena, lumacaslacas na, at nacacain ang batang may saquit, at gumaling tuloy sa loob nang tatlong lingo. Ito ay nangyari sa arao n~g Pascua nang ta�ng 1858, ang edad nang bat� ay limang taon, matalas ang isip at pumasoc na sa escuela. =SA ICAANIM NA DOMINGO= 6. Sa isang convento nang man~ga babayi sa ciudad nang Falalen, provincia nang Namur, sa caharian nang B�lgica, ay nagcaroon nang isang religiosa Inglesa,[7] na maraming pamangquing protestante.[8] Dinalao ang religiosa nang isa sa m~ga nasabing pamangquin, at sapagca,t, ito ay mairog at mababang loob, ay quinalugdan n~g ale, at iniam� sa man~ga caibigan at casamang religiosas, na pagtulun~gan nilang hin~gin sa Dios, na ang caniyang pamangquin ay cumilala at sumuc� sa Santa Iglesia: at inaralan nang caunti ang pamangquing napaalam. Pagdating nito sa Inglaterra, ay hindi naalaala ang man~ga aral at bilin sa caniya; datapua ang mabait niyang ale ay parating nananalan~gin cay San Josef, at hinihin~gi ang pagbabalic loob nang caniyang pamangquin, at inaamong pilit ang m~ga ibang religiosas, na siya ay tulun~gan: at tinipon nila ang m~ga batang babaying nag aaral sa convento, at minulan ang devocion n~g pitong arao na Domingo, na sinundan nang dalauang novenas; � pagsisiam na arao, nang macamtan ang biyayang ninanas�. At parang napilitan ang maauaing Patriarca, sapagcat ang batang na sa Inglaterra, ay hindi napalagay sa nasang pumaroon sa B�lgica, at muling dalauin ang caniyang ale, at pinahintulutan naman nang ina. Nagtaca ang m~ga religiosas, niyong sila ay maquita, at quinilala nang lahat, na ang pagdating doon nang bat�, ay gaua ni San Josef: at napagmasdan na siya ay parang tulig, na ualang masabi cundi dadalauin lamang ang caniyang ale. Sa bagay na iyon ay sin�quit ang paghin~gi n~g au� sa Dios, at moling inialay sa mahal na Esposo n~g V�rgen Mar�a ang devocion n~g pitong arao na Domingo. Pagcaraan nang limang ling� ay naparoon sa convento ang Inglesita,[9] at moling dumalao sa ale, datapua nalulumbay, at hindi matutong magsalita, isinaloob na siya ay maysaqu�t, cahit ualang damdam, at nag acalang umu� sa bayan niya. Nalumbay naman ang man~ga religiosas, at nan~gusap nang ganito sa man~ga bata sa escuela: _Ang man~ga panalan~gin ninyo ay ualang cabuluhan, sapagcat ang Inglesita ay protestante hangan n~gayon, at siya ay uu� na._ At ang pitong pu� at tatlong batang naroroon, ay sabay tumutol nang ganito: _Pagpapalain at paquiquingan ni San Josef ang man~ga panalan~gin at pagpilit namin, at mabibinyagan ang inglesita._ At quinabucasan ay muling nag alay sila nang isang pagsisiam, na matatapus sa icapitong arao na Domingo, casabay nang devocion nang siete Domingos: Sa Lunes na sumunod ay naparoon ang inglesita sa convento, at talagang paaalam sa ale, at sa man~ga ibang religiosas, datapua hindi siya mapalagay, at nararamdaman sa loob niyang sarili ang pagtatalo nang gracia at nang herejia.[10] Nagtagumpay ang gracia, at sa hindi na siya macalaban sa tauag nang Dios, ay moling humarap sa can�yang �le, at nagsabi na siya ay magsasaul� sa tunay na pananampalataya nang caniyang man~ga magulang; at sa pan~gun~gusap nang ganoon, ay nahahalat� ang malaquing casayah�n nang loob niya. Sabay na natapus ang devocion nang Siete Domingos, at ang novena sa arao nang Domingo 26 nang Enero nang ta�ng 1868, at sa naunang Vi�rnes � 24 ay tinangap n~g inglesita ang Santo Bautismo. =SA ICAPITONG DOMINGO= 7. Isang bagontauong lahing guinoo, anac nang mababait na magulang, na hindi nagpabay� munti man sa pag aalag�, nang tumibay sa loob niya ang tacot at pag ibig sa Dios, ay parating nananalan~gin, nang matutong pumili nang estado, � calagayang mararapat sa caniya, at naquilalang magaling na siya ay dapat mag asaua; at itinuloy nang malaquing nin~gas nang loob ang caniyang man~ga devociones, at minsan isang ling� ay dumudulog sa Confesion at sa Comunion. At bagaman ang caniyang man~ga magulang at familia ay minamahal sa bayan, at maraming caibigang mayaman, at matataas na tauo, siya ay parating lumay� at nan~gilag sa man~ga pagpupulong at liban~gang mapan~ganib, na madalas naguiguing dahilan nang capahamacan at pagcasir� nang maraming lalaqui at babaying nasisilao, at natutulig sa sandal�ng pagquiquita, at agad nag iibigan, cahit ang isa ay lubhang alan~gan sa isa. Naquilalang magaling nang bagontauong nababanguit sa salitang ito, na sa Lan~git nangagaling ang mabuting pagsasama nang man~ga mag asaua, at iniam� arao arao cay San Josef na siya ay pagcaloobang macaquita nang babaying may loob sa Dios, at marunong lumaban sa man~ga tucso. Isang arao naguing cailan~gan ang siya ay maquipagquita sa isang babaying may dalaoang anac na dalaga, na paraparang mabait, at masunurin sa man~ga utos nang Dios, at pagcaquita niya sa dalaga, ay nacaramdam n~g tugtog sa loob, na isa sa canila ang itinalaga nang Dios, na maguiguing asaua niya, at madaling pumayag ang ina, niyong siya ay namanhic, yayamang naquiquilala ang cabaitan niya: at nagpatotoo naman ang dalaga, na siya ay malaon nang humihin~gi sa Dios nang mabuting cacasamahin, at pagcaquita niya sa bagontauong iyon, ay naquilala na siya ang ibig nang Dios na maguing esposo niya. Datapua lumabang mas�quit ang ama, at ayao mahiualay sa anac niya, at sa caramihan nang dinadahilan, nang huag matuloy ang ninanasang pag aasaua nang isa at isa, ay minagaling nilang lahat ang mag alay nang devocion nang pitong arao na Domingo sa daquilang Patriarca San Josef, nang maquilala ang calooban nang Dios sa ganoong bagay, na minsang mayar�, ay hindi na masisir� hangan sa camatayan. Matatapus ang buan nang Mayo nang ta�ng 1863, niyong mulan ang devocion, at sa au� nang Dios, at sa tulong at pamamaguitan nang malualhating San Josef, ay naraos at nayar� ang matrimonio sa buan nang Agosto: at ang amang lumalaban at silang lahat, ay paraparang natu�, at napasalamat cay Jesus, Maria, y Josef. Iniclian co ang man~ga pagninilay, na nababasa sa uicang castil�, sapagcat ang cahabaan nang binabasa, � nang man~ga panalan~gin, ay madalas na nacalilibang lamang nang loob, at maraming marami sa naquiquinig, ang ualang masabi, at ualang natatandaan, cun matapus ang pagbasa. Ang mauilihin loob at matiag� sa pagninilay, sa paquiquinig, � sa pagbasa, ay maquiquita sa ibang libro nang mahahabang babasahin � dadasalin. Isang Ama namin, isang Aba, Guinoong Maria, at Gloria Patri. sa Pintacasi natin si San Josef, ang hinihin~ging parang limos na nang tumagalog nitong mahal na devocion. _B�nondoc, Mi�rcoles icalabin s�am na arao nang Agosto nang ta�ng isang libo ualong daan pitong pu� at apat._ =Es propiedad A. F. P.= MGA TALABABA: [1] Ang man~ga tunay na caibigan ay hindi nananaghili sa caguinhauahan natin, at cun tayo ay na sa hirap, ay tumutulong � dumadamay sa nacacayanan. Nota del traductor. [2] Sa unang arao nang Febrero nang taong 1847. [3] Sa icalauang puo at dalauang arao nang Marzo nang taong 1847. [4] Ang dumadalao sa isang simbahan sa arao nang Comunion, ay dapat magdasal doon nang anim na Ama namin, anim na, _Aba, Guinoong Maria,_ at anim na Gloria Patri, ayon sa isinasaloob nang Santo Papa. [5] Ang man~ga tan~ging fiestas ni San Josef sa loob nang taon ay tatlo 1. Ang caniyang Tr�nsito � pagcamatay, sa 19 nang Marzo. 2. Ang caniyang Patrocinio � pagcacalin~ga, sa icaapat na Domingo mula sa Pascua nang Resurecci�n. 3. Ang caniyang Desposorios � paguiguing Esposo nang Virgen Mar�a, sa 26 nang Noviembre. Nota del traductor. [6] Ang fecha nang sulat ay 29 nang Enero n~g taong 1866. [7] Iglesia, ang babaying taga Inglaterra. [8] Protestante, ang lumalaban sa m~ga aral nang Santa Iglesia. [9] Inglesita: ang batang babaying taga Inglaterra. Nota del traductor. [10] Herejia ang pagtatua nang anomang bagay, na dapat sampalatayanan, alinsunod sa aral nang Santa Iglesia Cat�lica Apost�lica Romana. Nota del traductor.